Ang dokumento ay tungkol sa iba't ibang kuwento na naglalayong ipaabot ang mga aral tulad ng kahalagahan ng pagtulong sa kapwa, ang kahahantungan ng kayabangan at ang paggamit ng talino sa tamang paraan.
Ang dokumento ay tungkol sa iba't ibang kuwento na naglalayong ipaabot ang mga aral tulad ng kahalagahan ng pagtulong sa kapwa, ang kahahantungan ng kayabangan at ang paggamit ng talino sa tamang paraan.
Ang dokumento ay tungkol sa iba't ibang kuwento na naglalayong ipaabot ang mga aral tulad ng kahalagahan ng pagtulong sa kapwa, ang kahahantungan ng kayabangan at ang paggamit ng talino sa tamang paraan.
Ang dokumento ay tungkol sa iba't ibang kuwento na naglalayong ipaabot ang mga aral tulad ng kahalagahan ng pagtulong sa kapwa, ang kahahantungan ng kayabangan at ang paggamit ng talino sa tamang paraan.
Download as DOCX, PDF, TXT or read online from Scribd
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 11
Ang Tigre at ang Kuneho
Isang araw naglalaro ang kuneho sa gubat at di
inakala ng kuneho na napadpad ito sa ilalim ng isang puno kung saan natutulog ang isang tigre. Aliw na aliw ang kuneho sa paglalaro ng nagalaw niya ang natutulog na tigre. Agad naming nakagising ang tigre mula sa mahimbing niyang tulog. Nagalit ang tigre at agad na hinawakan ang kuneho sa lieg. Galit nag galit ang tigre at lumaki ang mga mata nito. Takot na takot naman ang kawawang kuneho.
“Pasensya na kaibigan!” takot na takot na sabi ng
kuneho. “Hindi ko po sinasadya, patawarin mo ako”, pagmamakaawa ng kuneho. “Ano sa tingin mo ang ginagawa mo?!” Galit nag galit namang sagot ng Tigre. “Huwag niyo po akong kainin.” Sabi ng kuneho. Nakita naman ng tigre ang tunay na pagmamakaawa ng kuneho sa tigre. Naawa nga ang Tigre at hindi na niya ito pinatulan. Pinalaya ito ng Tigre at pinatawad.
“Maraming salamat kaibigan! Hinding hindi ko ito
makakalimutan, balang araw ay makakaganti din ako sa iyong kabaitan” Pagpapasalamat ng kuneho. Nagdaan ang ilang mga araw at minsang pumapasyal ang kuneho sa kagubatan. May tumawag ng kanyang pansin. Isang lambat na nakasabit sap uno. Nilapitan niya ito para tingnan. At sa gulat niya ay nasa loob ang Tigre. Nahuli siya ng bitag na ginawa ng mangangaso sa gubat. Naku! Sabi niya sa kanyang sarili.
Dali dali naming pinuntahan ito ng kuneho at
kinagat-kagat ang lubid na nakatali sa lambat. Agad naming naputol ang lubid, bumagsak ang lambat kasama ang tigre. Agad naman tinulungan ng kuneho ang tigreng makawala sa lambat. “Utang ko saiyo ang aking buhay” malaking pasasalamat ng tigre sa kaibigang kuneho.
Aral: Huwag maliitin ang kakayahan ng iba.
Ang Aso at ang Daga Sa isang malayong kabukiran ay may nakatirang matanda na nagngangalang Mang Kanor. Si mang Kanor ay may alagang Aso. Sila ay nakatira sa isang maliit na kubo na napapalibutan ng palayan at mga berdeng tanim. Napakasarap ng simoy ng hangin at magandang pagmasdan ang paligid. Sila lamang ang nakatira sa may bandang roon dahil sa kabilang bundok pa ang kanilang kapitbahay. Napakapayapa ng kanilang paninirahan.
Isang araw ay kaarawan ng apo ni Mang Kanor. Naisipan
niyang maghanda ng maihahanda. Nag-iahw siya ng manok at ginawa itong tinola. Gumawa din siya ng Keyk upang isurpresa ang kanyang apo. Matapos magluto ay inatasan niyang mag bantay ng mga handa sa hapag kainan ang Aso ni Mang Kanor. Susunduin pa kase ni Mang Kanor ang kanyang apo sa paaralan. Magiging matagal ito dahil sa kabilang bundok pa ito pupunta.
Masaya namang sumunod ang aso sa bilin ng amo dahil
alam niyang papakainin din ito ng masarap na pagkain mamaya. Nang umalis si Mang Kanor ay kinausap ng Aso ang kanyang kaibigan na si Daga upang tulungan siyang bantayan ang mga pagkain, baka may mga masasamang tao na magnakaw nito. Tumugon naman ang kanyang kaibigang daga.
Pagka maya-maya ay Nakita ng daga ang Keyk na nasa
lamesa at bigla itong nagutom. Kaya naman ay kumain ito ng keyk at tinawag na rin niya ang kanyang pamilya na gutom na gutom rin. Napasarap ang kain ng mga daga hanggang nabawasan ang keyk ng halos kalahati. Laking gulat ng Aso ang ginawa ng kanyang kaibigan.
Dumating na Sila Mang Kanor at Nakita ang mga naka kalat
ng mga buto ng pagkain at mga tira tira sa lamesa. Galit-na galit niyang kinulong ang Aso sap ag-aakalang siya ang gumawa nito. Nakita ng daga ang sinapit ng kaibigan. Nagsisi ito dahil sa nangyari. Isang araw ay kinain ng daga ang almusal ni Mang Kanor. Nakita ito ng Aso at tinahulan niya ito. “Naku kaibigan, makikita ka ni Mang Kanor! Baka anong Gawain saiyo” Sumagot naman ang daga “Hayaan mong malaman niya na ako ang gumawa nito upang makalaya ka” Nakita nga ang daga ni Mang Kanor, kaya pinalo palo niya ito ng walis at namatay ang daga. Pinakawalan ni Mang Kanor ang aso niya. Masaya siyang nakalaya ngunit nahabag siya sa kaibigang ipis. “Sumalangit nawa ang iyong kaluluwa”
Aral: Ang lahat ng kasalanan ay may kaparusahan
Ang Pato at ang Kambing
Isang araw ay kumakain ng damo ang isang kambing malapit sa may ilog at nakita ito ng mga batang pato. Hangang hanga sila dahil malaki ito. Agad namang binalita ito ng mga batang pato sakanilang ina. Umuwi sila na dala ang balita. “Inay! May Nakita kaming napakalaking pato” sabi ng mga bata.
“Malaking Pato? Mas Malaki pa sa akin?”
pagtataka naman ng Inang Pato. “Opo, napakalaki. Ngayon lang kami nakakita ng ganun” paghanga naman ng mga bata. “Ako na ang pinakamalaking Pato dito sa atin, may mas Malaki pa sa akin?” sagot naman ng Inang Pato. Nagtataka ang Inang Pato, Kaya agad nila itong pinuntahan.
Nang makita ito ni Inang Pato. Nabigla ito at
lumanghap siya ng maraming hangin upang lumobo. “Oh yan, mas Malaki na baa ko diyan?” Pagmamayabang ng ina. “hindi pa po” sabi ng mga batang pato. Humigop ng humigop ng hangin hanggang lumaki ng lumaki ang inang Pato.
Hangga’t biglang may narinig silang pumutok at
sa sobrang lobo nga ng Inang Pato ay sumabog ito. “Naku!” sabay sabay sabi ng mga batang pato. “Kaawa awa naman si Inang Pato, ayaw niyang mahigitan siya ng iba kaya siya nagdusa” wika ng mga batang pato. Aral : Walang mabuting naidudulot ang kayabangan. Mas maraming nalulugod kapag tayo ay mapagpakumbaba. Maluwag na tanggapin ang pagkatalo. Ang Kulisap at ang Gamo Gamo
Isang araw ay pinaglaruan ng isng batang lalaki
ang isang Gamo Gamo. Nabaligtad ito at hindi na maka bangon. Sumigaw sigaw siya ng saklolo dahil hindi niya kayang bumangon mag-isa. Mabigat kase ang kanyang katawan at naipit ang kanyang pakpak. Hanggang sa may dumaang mga kakilala niya sa daan. Unang dumaan si Langgam. Humingi siya ng tulong dito. Ngunit tumanggi ito dahil nagmamadali itong umalis upang mangalap ng pagkain. Nalungkot ang gamo gamo. Maya maya ay may isang gagamba ang dumaan. Humingi din ito ng tulong sa gagamba ngunit nabigo parin si gamogamo dahil pagagandahin pa raw ni gagamba ang kanyang bahay, umalis din ito.
Hanggang may dumaan na namang si tipaklong,
at katulad din ng dalawa ay umalis din ito dahil maglalaro pa daw ito. Napakalungkot ni gamo gamo. Nawalan na siya ng pag-asa. Kaya umiyak ng umiyak ito at nagdasal sa Bathala.
At dumating nga ang isang kulisap. Tinanong ng
kulisap kung bakit siya ay nasa sahig at di makalipad. Ikinuwento nga niyang may batang lalaking pinaglaruan siya at iniwan na nakahiga sa sahig at di makabangon. “maaari mo ba akong tulungan?” pagmamakaawa ng gamogamo sa kulisap. “Oo naman!” sagot naman ng kulisap. At tumawag pa ito ng mga kasama upang mapadali ang pagtulong. Grabe ang pagpapasalamat ng gamogamo sa wakas ay nakabangon na ito. Makakauwi na rin sa kanyang tahanan.
Aral: Makikilala mo talaga ang tunay mong
kaibigan sa oras ng pangangailangan. Huwag mag dalawang isip na tumulong
Ang Kuneho at ang Usa
Isang Usa ang tumatakbo sa kagubtan. Isang araw ay nasalubong niya si maliit na Kuneho. Kaya napag isipan ni Usa na hamunin sa isang paligsahan si Kuneho. “hoy Kuneho, baka gusto mong malaman kung sino satin ang mas mabilis tumakbo.” Mayabang na paghamon ni Usa. Tinanggap naman ito ni Kuneho.
“Tinatanggap ko ang hamon mo Usa, kailan mo
gusting magsimla tayo?” tanong ni Kuneho “Aba nasasaiyo iyan, kung kailan mo gusto” sagot ni Usa. Napatingin naman si kuneho sa kalangitan at napansin niyang parang uulan dahil makulimlim. Kaya napasabi si kuneho na “Sige Usa, ngayon na tayo mag umpisa, Pero para maging masaya ay magdadala tayo ng gamit, halimbawa ako ay magdadala ng asukal ikaw naman ay bulak”
Tuwang tuwa naman si Usa, dahil tiyak na mas
magaan ang bulak kesa sa asukal. Tuwang tuwa si Usa dahil sa isip niya ay tiyak na panalo na ito sa paligsahan.
At nagsimula na nga ang paligsahan. Habang nasa
kalagitnaan sila ng daan ay bumuhos ang malakas na ulan. Nabasa ang bulak na dala ni Usa kaya bumigat ito. Nahirapan si Usa kaya bumagal ang kanyang pagtakbo. Samantalang ang Asukal na dala ni kuneho ay nabasa kaya natunaw ito at bumilis ang takbo nito. At dahil nga duon ay unang dumating si Kuneho at nanalo sa paligsahan at tinalo niya ang mayabang na si Usa.
Aral: Huwag maging Mayabang. Maging
mapagpakumbaba. Gamitin ang Talino sa Tamang paraan.