Si Haring Tamaraw at Si Daga
Si Haring Tamaraw at Si Daga
Si Haring Tamaraw at Si Daga
Ang Tamaraw ay isang uri ng mga hayop sa ating kagubatan. Siya ay malaki, mabilis at
malakas. Iginagalang siya ng lahat ng kanyang nasasakupan.
Minsan, nilibot ni Haring Tamaraw ang kagubatan. Dumating siyang pagod na pagad.
Kaagad siyang nakatulog sa ilalim ng punong Narra. Dumating si Daga. Tuwang-tuwa siyang
naglalaro sa may puno ng Narra. Sinaway siya ng mga ibon na nakadapo sa mga sanga ng
puno. Ipinaalam nilang natutulog si Haring Tamaraw. Dali-daling tumakbong paalis si Daga.
Hindi sinasadyang natapakan ni Daga ang paa ni Haring Tamaraw. Kumilos si Haring
Tamaraw at naipit ang paa ni Daga. Umirit si Daga.
Nagising si Haring Tamaraw. Galit na galit siya. Hinuli niya si Daga at bilang parusa,
kakainin sana niya ito. Nagmakaawa si Daga kay Haring Tamaraw. Nangakong hindi na siya
uulit at sinabi pang baka siya'y makatulong kay Haring Tamaraw pagdating ng panahon.
Pinakawalan at pinatawad ni Haring Tamaraw si Daga. Nagpasalamat naman si Daga.
Isang araw, naghahanap si Haring Tamaraw ng makakain sa kagubatan. Sa kanyang
paglalakad ay natapakan niya ang isang patibong na hawla na panghuli ng malalaking hayop
sa kagubatan. Napasok at nakulong sa hawla si Haring Tamaraw. Walang magawang tulong
ang mga hayop. Nagkagulo sila at hindi malaman kung ano ang gagawin sa kanilang hari.
Walang anu-ano dumating si Daga na galing sa paghahanap ng pagkain. Nginatngat kaagad
niya ang mga tali sa hawla. At nakalusot si Haring Tamaraw sa pagkakaligtas ni Daga sa
kanya. Nagpasalamat si Haring Tamaraw kay Daga. Mula noon, naging mabuting
magkaibigan si Haring Tamaraw at si Daga.
Si Langgam at si Tipaklong
Maganda ang panahon. Mainit ang sikat ng araw. Maaga pa lamang ay gising na si
Langgam. Nagluto siya at kumain. Pagkatapos, lumakad na siya. Gaya nang dati, naghanap
siya ng pagkain. Isang butil ng bigas ang nakita niya. Pinasan niya ito at dinala sa kanyang
bahay. Nakita siya ni Tipaklong.
Magandang umaga, kaibigang Langgam, bati ni Tipaklong. Kaybigat ng iyong dala. Bakit ba
wala ka nang ginawa kundi maghanap at mag-ipon ng pagkain?
Oo nga. Nag-iipon ako ng pagkain habang maganda ang panahon, sagot ni Langgam.
Tumulad ka sa akin, kaibigang Langgam, wika ni Tipaklong. Habang maganda ang panahon
tayo ay magsaya. Halika! Tayo ay lumukso, tayo ay kumanta.
Ikaw na lang, kaibigang Tipaklong, sagot ni Langgam. Gaya nang sinabi ko sa iyo, habang
maganda ang panahon, ako ay maghahanap ng pagkain. Ito'y aking iipunin para ako ay may
makain pagsumama ang panahon.”
Lumipas pa ang maraming araw. Dumating ang tag-ulan. Ulan sa umaga, ulan sa hapon at sa
gabi ay umuulan pa rin. At dumating ang panahong kumidlat, kumukulog at lumalakas
ang hangin kasabay ang pagbuhos ng malakas na ulan.
Ginaw na ginaw at gutom na gutom ang kawawang Tipaklong. Naalaala nilang puntahan ang
kaibigang si Langgam.
Paglipas ng bagyo, pinilit ni Tipaklong na marating ang bahay ni Langgam. Bahagya na
siyang makalukso. Wala na ang dating sigla ng masayahing si Tipaklong.
Tok! Tok! Tok! Bumukas ang pinto.
Aba! Ang aking kaibigan, wika ni Langgam. Tuloy ka. Halika at maupo.
Binigyan ni Langgam ng tuyong damit si Tipaklong. Saka mabilis na naghanda siya ng
pagkain.
Ilan pang sandali at magkasalong kumain ng mainit na pagkain ang magkaibigan.
Salamat, kaibigang Langgam, wika ni Tipaklong. Ngayon ako naniwala sa iyo. Kailangan
nga pa lang mag-ipon habang maganda ang panahon at nang may makain pagdating ng
taggutom.
Mula noon, nagbago si Tipaklong. Pagdating ng tag-init at habang maganda ang panahon ay
kasama na siya ng kanyang kaibigang si Langgam. Natuto siyang gumawa at natuto siyang
mag-impok.
Si kalabaw at si Tagak
Tanghaling tapat. Mainit ang sikat ng araw. Tapos na ang gawain ni Kalabaw sa bukid.
Nagpunta siya sa tubugang putik at dito siya naglunoy. Pagkatapos, sumilong siya sa lilim ng
punong mangga. Hindi nagtagal, nakatulog si Kalabaw.
Matagal na nakatulog si Kalabaw. Nagising lamang siya nang maramdaman niya ang sakit at
kati ng kagat ng mga lamok.
Ayan na naman kayo, wika ni Kalabaw. Bakit ba ako na lamang ng ako ang alaga ninyong
kagatin? Ang sakit at kati pa naman ninyong kumagat. Hala, alis kayo sa likod ko.
Ayaw namin. Hindi kami aalis sa likod mo. Kay sarap-sarap mong kagatin. Malaki at malaman
ang inyong katawan, wika ng mga lamok.
At lalong dumami ang lamok na dumapo at kumagat sa likod at batok ni Kalabaw. Hinampas
nang hinampas ni Kalabaw ng kanyang buntot ang mga lamok. Ngunit nagpalipat-lipat lamang
ang mga ito ng lugar sa likod at batok ni Kalabaw na di abot ng hampas ng kanyang buntot. Inis
na inis sa mga lamok si Kalabaw ngunit wala siyang magawa.
Nakakaawa ka naman, wika ni Tagak kay Kalabaw. Tutulungan kita. Pagtutukain ko ang mga
pesteng lamok sa ito.
Hayan, Kalabaw! wika ni Tagak. Naubos ko nang tukain ang mga lamok sa iyong batok at likod.
Kayginhawa na nga ng pakiramdam ko. Salamat na muli sa iyo, Tagak, wika ni Kalabaw.
Magmula ngayon makakasakay ka na sa aking likod.
Lumipas ang mga araw. Naging mabuting magkaibigan si Tagak at si Kalabaw. Ang mga
lamok na dumadapo sa likod ni Kalabaw ay kanyang tinutuka kaya libre naman ang pagsakay ni
Tagak sa likod ng Kalabaw.
Tagak, dito ka sumilong sa ilalim ko, wika ni Kalababaw sa kaibigan. Malapad ang katawan ko
at hindi ka mababasa.
Salamat, Kalabaw. Kaybuti mo. Isa kang mabuting kaibigan. wika ni Tagak.
Inalagaan ni Pagong ang kanyang halaman. Araw-araw dinidiligan niya ito at nilalagyan ng
pataba ang lupa. Ganoon din ang ginawa ni Matsing. Subalit makalipas ang isang linggo, nalanta
ang tanim na saging ni Matsing. Si Pagong naman ay natuwa nang makita ang umuusbong na
dahon sa puno ng saging. Lalo nitong inalagaan ang tanim hanggang sa mamunga ito nang hitik
na hitik.
Subalit nang makarating na si Matsing sa taas ng puno kinain niya ang lahat ng bunga ng puno.
Wala itong itinira para kay Pagong nanatili sa taas ng puno si Matsing at nakatulog ito sa
sobrang kabusugan. Galit na galit si Pagong kay Matsing sa ginawa nito sa kanya. Kung kaya
habang natutulog ito sa sobrang kabusugan naglagay ng mga tinik sa ilalim ng puno si Pagong.
Nang magising si Matsing ay nakita niya ang tinik kaya’t humingi ito ng tulong kay Pagong.
Ngunit tumangging tumulong si Pagong at iniwan na lamang doon si Matsing. Makalipas ang
sandali nagsimulang bumuhos ang malakas na ulan. Walang nagawa si Matsing kundi bumaba sa
puno ng saging. Nasaktan ito sa mga tinik na nakatusok sa puno ng saging sa kanyang pagbaba.
Kaya nangako siya sa sarili na gaganti siya kay Pagong.
Kinabukasan, kahit mahapdi pa rin ang mga sugat ni Matsing, ay hinanap niya si Pagong. Nakita
niya itong naglalakad sa may kakahuyan. Kinuha ni Matsing si Pagong na takot na takot.
Nagtanong si Pagong kung anong gagawin nito sa kanya, at sinabi ni Matsing na tatadtarin siya
nito ng pinung-pino. Nag-isip ng paraan si Pagong para maisihan ang tusong Matsing. Kaya ang
sambit nito kay Matsing na kapag tinadtad siya nito ay dadami siya at susugurin siya ng mga ito
at kakainin. Nag-isip nang malalim si Matsing at naisip nito na sunugin na lamang si Pagong,
ngunit nangatwiran na naman si Pagong na hindi naman tinatablan ng apoy ang kanyang
makapal at matibay na bahay. Kaya muling nag-isip si Matsing, hanggang sa maisipan niyang
pumunta sa dalampasigan at doon na lamang itapon si Pagong. Lihim na natuwa si Pagong.
Nagpanggap itong takot sa dalampasigan.
"Kung gusto mo ay unahan na lang tayong makarating sa tuktok ng ikatlong bundok," sagot ni
Pagong.
Kinabukasan, umagang-umaga, marami ang nagsidalo. Dumating ang kalabaw na minsan na ring
nakalaban ni Pagong, ang kabayo, baboy, palaka, bibe, manok, aso, pusa, kambing, baka, pato,
lawin, usa, baboy ramo at marami pang iba. Hindi, magkamayaw ang mga hayop sa kasiyahan.
Noon lang sila makakapanood ng ganoong klaseng labanan.
Magdadapit-hapon na nang matanaw ni Pagong ang rurok ng ikatlong bundok. Malapit na siya.
Noon palang nagising si Kuneho. Tinanaw niya ang ibaba ng bundok sa pag-aakalang nandoon
pa rin si Pagong subalit wala pa rin. Sinimulan na niya muling tumakbo. Takbong walang
pahinga. Laking gulat niya ng abutan niya si Pagong sa ituktok ng ikatlong bundok na
namamahinga na. Hiyawan ang lahat ng hayop. Lahat sila ay bumati kay Pagong.