Nothing Special   »   [go: up one dir, main page]

Maikling Kwento

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 5

“Si Stella At Ang Mga Kaibigan Niya Sa Araw ng Pasko”

Anak-mayaman si Stella subalit hindi siya katulad ng ibang lumaki sa karangyaan na walang
ginawa kung hindi ay mamasyal sa kung saan-saan at magpakasarap sa buhay.

Kahit ang ama niya, si Don Manuel, at ang ina niya, si Señora Faustina, ay lubos ang
pasasalamat sa mabuting loob ng kanilang nag-iisang anak. Kakaiba ang kabutihan na
ipinapakita nito lalong-lalo na sa mga mahirap na tao.

Tuwing Pasko, niyayaya ni Stella ang mga kaibigan niya na pumunta sa bahay-ampunan sa
Marga Hera. Namimigay sila ng mga laruan, pagkain, at iba pang mga regalo sa mga bata doon.

“Stella, matanong ko lang, bakit dito tayo pumupunta tuwing Pasko?” tanong ni Fey, isa sa mga
matalik na kaibigan ng dalagita

“Malapit kasi ang puso ko sa mga bata sa bahay-ampunan. Gusto ko na kahit isang beses lang
sa isang taon ay mapasaya ko sila,” paglalahad ng dalagita.

“Hindi isang beses sa isang taon bes, isang beses sa dalawang linggo. Swerte nila sa’yo
friend,” sabi ni Bea sa kaibigan.

Masayang-masaya ang mga bata sa ampunan noong araw na iyon. Dinalhan sila nina Stella ng
piniritong manok, spaghetti, sandwich, hotdog, at salad. Marami rin silang bagong laruan at may
mga hindi pa nabubuksan na mga regalo.

Habang sumasakay sa auto ang tatlong magkakaibigan, biglang ikinuwento ni Stella ang tunay
na dahilan kung bakit malapit ang loob niya sa bahay-ampunan sa Marga Hera.

“Alam niyo, nais ko silang mapasaya dahil talagang ibang-iba ang buhay natin sa kanila.
Maswerte tayo at lumaki tayo kasama ang pamilya natin.

E, sila, doon na sila bumuo ng pamilya dahil marami sa kanila ay wala nang ama at ina. Sa
tuwing tinititigan ko nga ang iba sa kanila, ramdan ko ang pangungulila nila sa mga magulang
nila,” pagpapaliwanag ni Stella.

Hindi naka-imik sina Bea at Fey sa narinig nila. Nagpatuloy si Stella sa pagsasalita at doon nila
lubusang naintindihan ang kanilang kaibigan.

“Laking-ampunan si Mommy pero marami ang hindi alam iyon. Noong bata pa ako, palagi
niyang kinukwento ang mga naging karanasan niya.

Mahirap raw ang lumaki na walang mga magulang pero nagpapasalamat siya at may mga
mabubuting tao na nag-aalaga sa kanila roon,” sabi ni Stella.

Simula noong narinig nila ang mga sinabi ni Stella, ni minsan ay hindi na uli nagtaka sina Bea at
Fey sa kabutihang ipinapakita ng kaibigan nila sa mga bata. Lubos nilang naunawaan na labis
ang natutunan niya sa karanasan ng kanyang ina.
“Ang Mga Nawawalang Sapatos ni Kulas”

Nasa katamtamang estado ng pamumuhay ang pamilya ng batang si Nicholas Cruz. Mas kilala
siya sa Kalye Sampaguita bilang si Kulas, sampung taong gulang na anak nina Julio at Vina
Cruz.
Nagtatrabaho sa isang pagawaan ng mga kasangkapan sa bahay ang ama ni Kulas samantalang
kahera naman isang tindahan ang kanyang ina.

Isang araw, habang tinatali ni Vina ang sintas ng sapatos ng anak ay nagtaka ito.“Nak, ba’t ang
lumang rubber shoes mo ang suot mo? Di ba binilhan ka namin ng papa mo ng bago?”  tanong
ng ina sa bata. Hindi sumagot si Kulas at nagkataon naman na bumusina na ang sasakyan na
maghahatid sa kanya sa paaralan. Humalik ito sa mama niya at dali-daling tumakbo palabas ng
bahay. “Leon, bilisan mo nariyan na iyong school bus,” sabi ni Kulas sa nakababatang kapatid
habang tumatakbo siya palabas.

Natapos ang kalahating-araw ng klase at hinatid na pauwi sa kanilang bahay sina Kulas at Leon.
Pagdating nila sa sala, nagulat ang panganay na may karton na naglalaman ng bagong sapatos.
“Ma, kanino po ‘tong rubber shoes?” tanong ni Kulas sa ina niya.

Ngumiti ang ina at sinabihan siyang sa kanya iyon. Bagong rubber shoes at mukhang mamahalin
yung binili ng mama niya para sa kanya. Kinabukasan, sinuot niya ito papuntang paaralan dahil
sakto naman na P.E. nila. Pagkalipas ng isang linggo, nagulat si Vina noong sinumbatan sya ni
Julio habang nag-aayos siya sa harap ng salamin at ang asawa naman ay nagbabasa ng dyaryo sa
higaan nila. “Akala ko ba binilhan mo ng bagong sapatos si Kulas kaya naubos ang sweldo mo.
Bakit mukhang luma yata yung nabili mo,” sabi ni Julio.

Nagulat si Vina sa sinabi ng asawa. Idiniin niya bumili talaga siya ng bago at mahal iyon kaya
humiram pa siya ng pera sa may-ari ng tindahan. Pagdating ng tanghalian, nakarating na ang
mga bata. Tama si Julio at luma na ang sapatos na suot ni Kulas. Nagulat ang ina at tinanong ang
anak.
“Nak, binilhan kita ng bagong sapatos, e, bakit luma pa rin iyang sinusuot mo?” tanong ni Vina
sa anak.

Nagdahilan si Kulas na nakalimutan niya raw na may bago na pala siyang sapatos. Inutusan siya
ng ina na kunin iyon at dalhin ito sa kanya. Ilang minuto na naghintay si Vina pero hindi bumalik
si Kulas. Pinuntahan niya ito sa kwarto at nadatnan niya palakad-lakad si Kulas at balisa.
Tinanong ulit ni Vina ang anak tungkol sa sapatos niya. Pang-apat na pares ng sapatos na iyon na
binili para sa kanya ngayong taon.”Mama, patawad po. Binigay ko po sa kaibigan ko sa labas ng
paaralan ang bagong sapatos na bili niyo para sa akin,” pagtatapat ng bata.

“Ano? Binilhan ka ng bago tapos ipamimigay mo lang pala? Walang mali sa pagbibigay anak
pero sana, inisip mo rin na binili namin ng papa mo iyon para sa iyo. nagsinungaling ka
pa,” sabi ni Vina sa anak. Pinuri ng ina ang bata sa pagiging mapagbigay nito pero
pinaalalahanan rin niya na mali ang magsinungaling kahit ano pa ang dahilan. Inihayag niya rin
kay Kulas na sana ay pahalagahan nito ang mga binibigay nila ng ama niya dahil pinaghihirapan
nila ito.
Humingi ng patawad si Kulas at nangako sa ina na pahahalagahan na niya ang susunod na mga
sapatos at mga gamit na ibibigay sa kanya ng mama at papa niya. Nangako rin siyang hindi na
siya magsisinungaling.

Ang Unggoy At Ang Kabayo

Noong unang panahon may isang unggoy na ubod ng yabang dahil narin sa kasikatan sa kanilang
baryo, isang araw nasalubong ni unggoy si kabayo sa daan.

"kaibigang kabayo! nais mo bang lumaban sa akin. sa pabilisan sa pag akyat" wika ni unggoy.
tumanggi si kabayo sa hamon ni unggoy kaya naman tinawanan ni unggoy si kabayo.
"hahaha.... isang mahinang kabayo"wika ni unggoy.

Sa sinabi ni unggoy ay nasaktan si kabayo kaya naman napilitan itong tanggapin ang hamon ni
unggoy na isang paligsahan sa pag akyat sa puno.
mayamaya panga'y nagsimula na ang paligsahan mabilis na nakaakyat si unggoy sa taas ng puno
samantalang ilang bisis namang nahulog si kabayo sa ginagawang pag-akyat.

Halakhak ng halakhak si unggoy sa ginagawang pag-akyat ni kabayo kaya naman ng makita


nyang hindi na kayapang umakyat ni kabayo'y bumaba si unggoy at sinabi kay kabayo.
"o ano kabayo pagod kana! wala kapala eh! hindi mo ako kayang talunin"pagmamayabang ni
unggoy.

Nalungkot si kabayo sa tinuran ni unggoy gayon paman tinanggap ni kabayo ang kanyang
pagkatalo, ngunit hindi parin nawala ang ginagawang pang lalait ni unggoy kay kabayo.at bago
umalis si unggoy ay iniwan nyang may pagdaramdam si kabayo. kinabukasan maagang nagising
si unggoy na may pagmamalaki sa sarili maaga syang nag ikot-ikot sa kagubatan habang sya'y
naglalakad nakasalubong ni unggoy ang napakalaking ahas.

Tatangkain na sana nitong lunukin si unggoy ng biglang hinablot ni kabayo si unggoy at mabilis
na kumaripas ng takbo hinabol naman sila ng ahas ngunit dahil sa bilis ng pagtakbo ni kabayo ay
hindi sila maabutan ng ahas, lubos lubos ang pasasalamat ni unggoy kay kabayo.mula noon ay
naging magkaibigan ang dalawa at natoto si unggoy na hindi nya dapat minaliit ang kakayahan
ni kabayo pagkat hindi man ito magaling sa pag-akyat kay bilis naman nito'ng tumakbo.
Ang Sapatero at ang mga Duwende

May isang sapatero na ubod ng hirap at may materyales lang para sa isang pares na sapatos.
Isang gabi ginupit na niya at inihanda ang mga materyales para gawin sa umaga ang sapatos.
Laking gulat niya nang magisnan niya kinaumagahan na yari na ang mga sapatos at kay husay pa
ng pagkakagawa! Madaling naipagbili niya ang sapatos at nakabili siya ng materyales para sa
dalawang pares.

Inihanda na uli ang mga gagamitin para sa kinabukasan. Paggising niya sa umaga nakita uli na
yari na ang dalawang pares na sapatos. Naipagbili niyang madali ang mga sapatos at bumili
naman siya uli ng mga gamit para sa apat na pares. Inihanda niya uli ito sa mesa para magawa sa
umaga.

Ganoon na naman ang nangyari, na tila may tumutulong sa kanya sa paggawa ng mga sapatos.
Kinalaunan, sa tulong ng mahiwagang mga sapaterong panggabi, gumaling ang buhay ng
sapatero.
“Sino kaya ang mabait na tumutulong sa akin,” tanong niya sa asawa. “Sino nga kaya? Gusto
mo, huwag tayong matulog mamaya at tingnan natin kung sino nga siya?” alok ng babae.

Ganoon nga ang ginawa ng mag-asawa kinagabihan. Nagkubli sila sa likod ng makapal na
kurtina para makita kung ano nga ang nangyayari sa gabi. Nang tumugtog ang alas dose, biglang
pumasok sa bintana ang dalawang kalbong duwende. Tuloy-tuloy ito sa mesa at sinimulan agad
ang pagtatrabaho. Pakanta-kanta pa at pasayaw-sayaw pa na parang tuwang-tuwa sila sa
paggawa. Madali nilang natapos ang mga sapatos at mabilis din silang tumalon sa bintana. “Mga
duwende pala!” sabi ng babae. “Kay babait nila, ano?” “Oo nga. Paano kaya natin sila
pasasalamatan? Ayaw yata nilang magpakita sa tao.” “Hayaan mo. Itatahi ko sila ng mga
pantalon at baro at iiwan na lang natin sa mesa sa gabi.”

Dalawang pares na maliliit na pantalon at dalawang pang-itaas ang tinahi ng babae para sa mga
matutulunging duwende. Ipinatong nila ito sa mesa kinagabihan at nangubli uli sila sa likod ng
kurtina. Tuwang-tuwa ang maliliit na sapatero nang makita ang mga damit dahil nahulaan nilang
para sa kanila iyon. Isinuot nila ang mga ito at sumayaw-sayaw sa galak.

Pagkatapos nilang magawa ang mga sapatos na handang gawin, mabilis silang tumalon sa
bintana na suot ang mga bagong damit. Buhat noon hindi na bumalik ang dalawang duwende
ngunit nagpatuloy naman ang swerte sa buhay ng mag-asawa na marunong gumanti sa utang na
loob.
Si Juan at ang mga Alimango

Isang araw si Juan ay inutusan ng kanyang inang si Aling Maria. “Juan, pumunta ka sa palengke
at bumili ng mga alimangong maiuulam natin sa pananghalian.”

Binigyan ng ina si Juan ng pera at pinagsabihang lumakad na nang hindi tanghaliin.


Nang makarating si Juan sa palengke ay lumapit siya sa isang tinderang may tindang mga
alimango at nakiusap na ipili siya ng matataba. Binayaran ni Juan ang tindera ng alimango at
nagpasalamat siya.

Umuwi na si Juan ngunit dahil matindi ang sikat ng araw at may kalayuan din ang bahay nila sa
palengke ay naisipan ni Juan na magpahinga sa ilalim ng isang punungkahoy na may malalabay
na sanga. Naisip niyang naghihintay sa kanya ang ina kaya’t naipasya niyang paunahin nang
pauwiin ang mga alimango.
“Mauna na kayong umuwi, magpapahinga muna ako, ituturo ko sa inyo ang aming bahay.
Lumakad na kayo at pagdating sa ikapitong kanto ay lumiko kayo sa kanan, ang unang bahay sa
gawing kaliwa ang bahay namin. Sige, lakad na kayo.”

Kinalagan ni Juan ang mga tali ng mga alimango at pinabayaan nang magsilakad ang mga iyon.
Pagkatapos ay humilig na sa katawan ng puno. Dahil sa malakas ang hangin ay nakatulog si
Juan. Bandang hapon na nang magising si Juan. Nag-inat at tinatamad na tumayo. Naramdaman
niyang kumakalam ang kanyang sikmura. Nagmamadali nang umuwi si Juan.

Malayu-layo pa siya ay natanaw na niya ang kanyang ina na naghihintay sa may puno ng
kanilang hagdan. Agad na sinalubong ni Aling Maria ang anak pagpasok nito sa tarangkahan.
“Juan, bakit ngayon ka lang umuwi, nasaan ang mga alimango?”
“Bakit po? Hindi pa po ba umuuwi?” Nagulat ang ina sa sagot ni Juan. “Juan, ano ang ibig mong
sabihin?”
“Nanay, kaninang umaga ko pa po pinauwi ang mga alimango. Akala ko po ay narito na.”
“Juan, paanong makauuwi rito ang mga alimango? Walang isip ang mga iyon.”

Hindi naunawaan agad ni Juan ang paliwanag ng ina. Takang-taka siya kung bakit hindi nakauwi
ang mga alimango. Sa patuloy na pagpapaliwanag ng ina ang mga alimango ay hindi katulad ng
mga tao na may isip ay naliwanagan si Juan na mali nga ang ginawa niyang pagpapauwi sa mga
alimango.

You might also like