Ang dokumento ay tungkol sa isang matandang babae na madamot. Dahil sa kanyang kamisya, siya ay pinarusahan ng diwata at naging isang punong puno ng bunga ngunit sobrang asim. Ang dokumento ay may tatlong prinsipe na masasama ang ugali at madalas na nang-aapi sa mga mahihirap.

Download as DOCX, PDF, TXT or read online from Scribd
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2
ALAMAT NG SAMPALOK
Noong unang panahon ay may isang matandang babae na
naninirahan sa tabi ng ilog. Wala siyang ginagawa kundi ang maglinis ng kanyang bakuran at diligin ang kanyang mga pananim. Isang araw, may nanghingi ng kanyang ilang pananim. Ang matanda ay nagalit at pinalayas ang bata. Madamot ang matanda tuwing may pupunta sa kanyang tahanan upang humingi ng tulong, agad niyang pinalalayas ang mga ito. Minsan ay isang diwata ang nagpanggap na isang babaeng madungis. Humingi siya ng makakain. Nagalit ang matanda at pinalayas ang babaeng madungis. Nagalit ang diwata sa ginawa ng madamot na matanda. Dahil sa iyong pagiging labis na madamot, kahit na marami ka namang pananim na maaring ibahagi sa iyong kapwa, ikaw ay aking paparusahan. Sa ilang saglit ang matandang babae ay naglaho at ang lugar na dating kinatitirikan ng kanyang bahay ay naging lawa. Sa katagalan ng panahon ang lawa ay natuyo at may tumubong isang puno. Ang lahat ng taong napapadaan sa nasabing puno’y napapahinto dahil sa dami ng bungang nakasabit sa mga sanga. Ngunit natatakot silang pumitas dahil hindi nila alam kung maaring kainin ito. Isang binata ang napadaan at tinangkang kumain ng bunga ng puno. Itinapon nito agad ang nasabing bunga pagkatikim dahil sa sobrang asim. Nasabi ng binata na ang bunga ay katulad ng matandang madamot na dating nakatira sa lugar na iyon. Punung-puno ng bunga ang puno, ngunit sobrang asim naman ng laman. May tatlong prinsipe noong araw na pawang masasama ang ugali. Sila ay sina Prinsipe Sam, Prinsipe Pal at Prinsipe Lok. Dahil magkakaibigan, madalas silang nagkikita at nagkakasama sa pamamasyal. Tuwing magkasama naman ang tatlo ay tiyak na may mangyayaring hindi maganda. Ang mga may kulang sa isip at mangmang ay kanilang pinaglalaruan, pinaparatangan at ipanakukulong. Lubha silang mapang-api, mapangmata at malupit sa mga dukhang mamamayan. Kahit matatanda ay hindi nila iginagalang. Mabait lamang sila sa mayayaman at kauri nilang mga dugong-bughaw. Minsan sa pamamasyal ng tatlong prinsipe ay napadaan sila sa isang sapa. Saglit silang huminto at pinanood ang mga naliligong dalaga. Kasiya-siyang tingnan ang mga hugis ng katawang naaaninag sa manipis na tapis kaya sila ay nagtatawanan na para bagang nambabastos.
“Kamahalan, huwag po sana ninyo kaming panoorin at
pagtawanan.”
Galit na bumaba ng kabayo si Prisipe Sam at walang salitang
sinampal ang dalagang nakiusap. Uulitin pa sana ng prinsipe ang pagsampal subalit isang matandang babae ang namagitan. Palibhasa’y walang iginagalang ang mga prinsipe, basta’t mahirap, kaya pinagtulungan nilang saktan ang matanda.