Mystery, Thriller & Crime Fiction">
Nothing Special   »   [go: up one dir, main page]

Alamat

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 6

F.

Mendoza Memorial Elementary School


S.Y. 2023 - 2024

PROYEKTO
sa
FILIPINO at MTB
( Mga Alamat )
Ipinasa ni:
Rhaldz Jacob C. Ramos
III - Loyalty Ipinasa kay:
Johanna C. Vistan
Guro
Alamat ng Rosas
Noong unang panahon sa isang malayong nayon, ay may isang dalaga na
nagngangalang Rosa na kilala dahil sa natatangi nitong ganda at dahil na rin
sa kanyang mapupulang mga pisngi, kung kaya’t pinagkakaguluhan si Rosa ng
mga kalalakihan.
Isang araw nang dumating ng bahay si Rosa ay nakita niya ang isa sa kanyang
mga manililigaw na si Antonio na kausap ang kanyang mga magulang at
humihing ng pahintulot na manligaw kay Rosa kung saan ay masaya naman
siyang pinayagan ng mga magulang ni Rosa at dahil na rin sa rason na si
Antonio lamang ang lalaking unang umakyat ng ligaw sa kanila.
Ang kinakailangan lang naman na gawin ni Antonio ay ang mapatunayan ang
sarili kay Rosa at pasiyahin ito.
Iyon ang naghimok kay Antonio kaya naman ay pinagsilbihan niya ang pamilya
ni Rosa sa pamamagitan ng dote. Lubos namang natuwa ang mga magulang ni
Rosa, lalong-lalo na ang dalaga na unti-unti ay nahuhulog na ang loob sa
masugid na binata.
Sa araw na kung saan ay dapat sanang sagutin ni Rosa ang kanyang
manliligaw ay doon rin siya labis na nagtaka kung bakit wala pa ito. Doon din
niya nalaman na pinaglalaruan lang pala siya ni Antonio nang marinig niya ito
habang kausap ang kanyang mga kaibigan.
Parang pinagsakluban ng langit at lupa si Rosa sa kanyang narining. Nadurog
ang kanyang puso sa kanyang unang pag-ibig.
Hindi tumigil sa pag-iyak si Rosa habang siya ay pabalik sa kanilang bahay.
Nag-aalala naman siyang tinanong nang kanyang mga magulang pero hindi
sumagot ang dalaga.
Kinabukasan ay hindi na nakita si Rosa at pati na rin sa mga sumunod na araw.
Isang araw ay nabalitaan na may kakaibang halaman na tumubo sa dapat
sanang tagpuan nina Rosa at Antonio.
Tinawag ang halaman na rosas dahil ang pulang kulay nang bulaklak ay
nagsisilbing paalala sa mga mapupulang pisngi ni Rosa. Ang naiiba lamang ay
ang tinik na napapalibot sa halaman na pinapaniwalaan na si Rosa na
nagsasabing wala sinuman ang makakakuha sa magandang bulaklak na hindi
nasasaktan.
Alamat ng Hipon
Noong unang panahon, ang mundo ay sagana sa likas na yaman. Walang puno ang
hindi hitik sa bunga. Walang ilog ang hindi puno ng isda. Ang mga hayop sa gubat ay
naglipana din. Dahil dito ang mga tao ay laging may mga piging. Ito ay alay nila
bilang pasasalamat kay Bathala. Lahat ng tao, bata man o matanda, lalake at babae,
ay tumaba. Tumaba sila ng tumaba hanggang sa tuwing maliligo kahit na pa tatlong
tao lang sa sapa ay umaapaw agad tubig.

Ngunit may isang bata ang may bulate kaya lagi siyang walang gana. Habang
lumolobo ang mga binti ng ate nya at nagkakagilit-gilit ang leeg ng kuya niya, siya ay
lumaking seksi. Ang pangalan niya ay Ipong.

Maganda si Ipong. Huwag lang haharap. Dahil kung anong ganda ng katawan ay siya
namang pagkaimpakto ng mukha. Ang labi niya ay isang dipang kapal. Ang ilong nya
ay matangos naman ngunit bukaka ang mga butas. Ang mga mata niyang banlag ay
animo'y laging gulat.

Isang araw naglalakad si Ipong papuntang piging ng may bigla siyang nakasalubong
na babaeng humihingi ng limos. Ito na yata ang pinakamatabang babae na nakilala
niya. Dahil sa pandidiri ay nilayuan niya ito pero ang pulubi ay humabol at
nagmakaawa.

"Aba'y lintek na babaeng ito! Ang langis mo! Paano na ako magugustuhan ni Pedro
nyan!" ani ni Ipong sabay hawi ng buhok.

Nang biglang lumindol at nawala ang matabang babae, isang diwatang ubod ng
ganda ang lumitaw sa harap niya.

"Ako si Minervie! Ang dyosa ng dagat! Dahil sa kasamaan mo, parurusahan kita!
Simula ngayon, hindi ka na maglalakad sa lupa. Ikaw ay magiging isang nilalang sa
karagatan.."

Biglang lumiwanag ang paligid at si Ipong ay naging hipon. Hanggang ngayon,


makikita sa likod ng hipon ang bulate na nagmistulang sumpa nung hibi pa si Ipong.
Alamat ng Mangga
Mayroong isang malupit na hari sa isang kaharian. Minsan ay nakagalitan niya
ang isang kawal dahil nakatakas ang mga binabantayan nito. Dahil sa
pagkakamaling nagawa, ikinulong siya ng hari.

Nagmakaawa naman ang anak at asawa ng kawal na pakawalan ito. Ngunit


hindi naman pinayagan ito ng malupit na hari.

Isang araw, nagkaroon ng anunsiyo ang hari para sa kaniyang kaarawan. Ayon
sa hari, nais niya raw makatikim ng bagong pagkain. Kaya naman hinihikayat
niya ang lahat na magdala ng isang uri ng pagkain na hindi pa niya nakakain
at tutuparin ng hari ang anumang hiling nito.

Naisip ng mag-ina na kung makahahanap sila ng bagong pagkain para sa hari


ay makahihiling sila na pakawalan ang kawal.

Nagpunta sila sa gubat upang maghanap ng bagong bunga na hindi pa


natutuklasan. Lumipas ang maghapon at wala silang nakita. Pauwi na sila
nang masalubong ang isang diwata.

Binigyan sila ng isang bungang kulay berde na tinatawag daw na mangga.


Bilin ng diwata, itago raw muna ito ng ilang araw bago ibigay sa hari.
Ilang araw lamang ay naging kulay ginto ito at naging napakabango. Hindi sila
nagkamali at nagustuhan ito ng hari. Tinupad nila ang hiling nito at nakalaya
ang kawal.

Ipinatanim ng hari ang buto nito at natikman ng lahat ang masarap na


mangga.
Alamat ng Sampalok
May tatlong prinsipe noong araw na pawang masasama ang ugali. Sila ay sina
Prinsipe Sam, Prinsipe Pal at Prinsipe Lok. Dahil magkakaibigan, madalas silang
nagkikita at nagkakasama sa pamamasyal. Tuwing magkasama naman ang tatlo
ay tiyak na may mangyayaring hindi maganda. Ang mga may kulang sa isip at
mangmang ay kanilang pinaglalaruan, pinaparatangan at ipanakukulong. Lubha
silang mapang-api, mapangmata at malupit sa mga dukhang mamamayan. Kahit
matatanda ay hindi nila iginagalang. Mabait lamang sila sa mayayaman at kauri
nilang mga dugong-bughaw.
Minsan sa pamamasyal ng tatlong prinsipe ay napadaan sila sa isang sapa.
Saglit silang huminto at pinanood ang mga naliligong dalaga. Kasiya-siyang
tingnan ang mga hugis ng katawang naaaninag sa manipis na tapis kaya sila ay
nagtatawanan na para bagang nambabastos. “Kamahalan, huwag po sana ninyo
kaming panoorin at pagtawanan.”
Galit na bumaba ng kabayo si Prisipe Sam at walang salitang sinampal ang
dalagang nakiusap. Uulitin pa sana ng prinsipe ang pagsampal subalit isang
matandang babae ang namagitan. Palibhasa’y walang iginagalang ang mga
prinsipe, basta’t mahirap, kaya pinagtulungan nilang saktan ang matanda.
Nagsiksikan naman sa isang tabi ang mga nahintakutang dalaga. Hindi alam ang
gagawing pagtulong sa matandang hindi nila nakikilala. Datapuwa’t lahat ay
napamulagat ang matanda ay nagbago ng anyo. Isa pala itong engkantada!
“Panahon na upang bigyang wakas ang inyong kasamaan!” sabay turo sa tatlong
prinsipe at ang kanilang mga mata ay nangalaglag! Kasindak-sindak ang
pangyayaring iyon sapagkat ang mga nahulog na mata ay agad nilamon ng lupa.
Sa halip na magsisi at humingi ng tawad ay nagpupuyos pa sa galit na nabanta
ang magkakaibigan. Matapos kapain ang kani-kaniyang kabayo ay haghiwa-
hiwalay na sila nang alis. Palibhasa’y mga bulag kaya hindi na alam ang daang
pauwi. Tumakbo nang tumakbo ang kanilang mga kabayo hanggang silang lahat
ay mangahulog sa bangin!
Kinabukasan, nagtaka ang lahat sa biglang pagtubo ng isang puno kung saan
lumubog ang mga mata ng tatlong prinsipe.
Lumipas ang mga araw, ang puno ay namunga. Nang kanilang tikma, ito’y ubod ng
asim! Palibhasa’y may nakaukit na parang matang nakapikit sa buto ng bungang
maasim, kaya naalala nila ang mga mata nina Prinsipe Sam, Prinsipe Pal at
Prinsipe Lok na sa lugar na iyon ay lumubog. Dahil dito, minarapat nilang tawaging
Sampalok ang puno at bunga nito. Sa kalaunan natutuhan ng mga tao na gamiting
pampaasim sa nilulutong ulam ang Sampalok.
Alamat ng Alitaptap
Noong unang panahon, may isang makisig na binata na nais mag-asawa ng
pinakamagandang dilag. Siya ay mayabang at masyaong malaki ang pagkakilala
sa sarili. Kung minsan tuloy, nagdaramdam ang ilang mga dalaga s kanya dahil sa
pamimintas niya kahit nakaharap ang dalaga.

Isang araw, papunta na siya sa bundok upang manguha ng yantok nang


masalubong niya ang isang napakagandang dalaga na nakasuot ng putting-puti.

"Napakagandang dalaga," wika niya sa sarili at tuloy-tuloy na nilapitan niya ito.


Nang malapit na siya, nagtatakbo ang dalaga at nawalang parang bula. Hinanap
niya ang dalaga sa buong kagubatan ngunit hindi niya nakita.

Sa tagal at hirap na dinanas ng binata sa paghahanap sa dalaga, nagalit siya.

"Hindi ka talaga maganda. Ang ilong mo'y pango, ang mata mo ay duling at ang
mga tenga mo ay malalapad!" sigaw ng binata.

Dahil sa pagkahapo ay nahiga siya sa lilim ng punung-kahoy para magpahinga.


Naidlip siya at nang magising, nakita niya ang magandang dilag. Alam niyang
maganda talaga ang dalaga at hindi totoo ang sinabi niya.

Siya ng dalaga, "ininsulto mo ako, kaya mula ngayon, ikaw ay magiging isang
kulisap. Manunumbalik lamang ang anyo mo kapag naipakita mo sa akin ang
isang dalagang mas higit ang kagandahan sa akin. Humayo ka at hanapin mo ang
dalagang sinasabi ko para mabalik ang dati mong anyo," ang utos ng
engkantadang babae.

Lumipad ang binatang naging kulisap upang hanapin ang babaeng mas maganda
pa kaysa sa engkantada. Naghanap siya gabi't araw. Upang makita niya ang
babaing gaganda pa sa sumpa sa kanya, nagdala siya ng ilaw tuwing gabi. Ang
binatang yaon na naging kulisap ang tinawag natin ngayong alitaptap.

You might also like