Nothing Special   »   [go: up one dir, main page]

Kabanata 1 - Barayti at Baryasyon

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 4

Fil.

111 – Barayti at Baryasyon ng Wika

Yunit I: MGA KONSEPTO AT TEORYA: WIKANG PAMBANSA AT BARAYTI AT


BARYASYON NG WIKA

Kabanata 1: Mga Kaugnay na Konsepto sa Pag-aaral ng Barayti ng Wika

Inaasahang matutunan:

a. Natatalakay ang iba’t ibang konsepto ng pag-aaral ng barayti ng wika.


b. Nakapagbibigay kahalagahan sa pagkilala ng barayti at baryasyon ng wika.
c. Nakikilala ang iba’t ibang uri ng barayti ng wika at mga halimbawa nito.

Introduksyon

Bawat lipunan ay may kani-kanyang wika katulad ng Ingles, Filpino, Hapon, kastila at iba
pa na may sariling ponolohiya, morpolohiya at sintaksis. Ang mga wikang ito ay nagkakaroon ng
barayti o pagkakaiba. Nagkakaroon ng barayti ng wika dahil sa pakikipag-ugnayan ng tao sa
kapwa mula sa ibang lugar na may naiibang kaugalian at wika.
Dahil sa pagkakahati sa pulo ng ating lugar na kinasasakupan tayo ay nagkaroon ng
iba’t ibang uri o baryasyon ng wika. Iisang bansa man ang ating ginagalawan, tayo ay nahahati
o nauuri pa rin ayon sa wikang ating ginagamit. Maraming lahi rin ang sumakop sa atin na
nakapagbigay ng impluwensya sa uri ng ating pananalita, dagdag ang pagpapapalit-palit ng
henerasyon sa ating lipunan, mga aspetong nagbigay ng dahilan ng pagkakaroon ng barayti ng
wika.

Abstrakyon

Wikang Filipino Bilang Konsepto

Ayon sa WIKArambulan bigkasin ang tunog upang mabuo ang salita:

TUG – GOAL – LOG


FEE – LEE – PIE – KNOW
PEA – LEE – PEE – KNOW

Tagalog, Pilipino, o Filipino?

 1937
Ang wikang pambansa ay batay sa isang wika.
TAGALOG – ang naging batayan nito ayon sa Executive Order 134 (Pang. Manuel L. Quezon)
 1959
Tinatawag itong PILIPINO batay sa Dept. Order No. 7 ni Sec. Romero ng Department of
Education.
 1973
Sa sumunod na pagbabago ng Konstitusyon, hindi na isa kundi lahat ng Wika ng
Pilipinas kasama ang Ingles at Espanyol ang batayan ng Wikang Pambansa sa
pagbabago ng Konstitusyon noong 1987 pinalitan ang pangalang PILIPINO bilang
FILIPINO.
POLITIKAL ang pangunahing dahilan ng pagbabago ng wikang pambansa kaya may
mga di-tagalog na umaalma sa pangunguna ng Tagalog pagdating sa komunikasyon at
edukasyon.

Konseptuwal na Batayan ng Filipino

Ano ang ibig sabihin ng KONSEPTO?


Ang isang konsepto ayon sa diksyunaryo ay “isang ideya o abstraktong prinsipyo
kaugnay ng isang partikular na paksa o pananaw sa paksa.

Lingua Franca at Karanasang Komon sa mga Filipino

Lingua Franca – komon na wikang ginagamit ng taong magkaiba ng unang wika naging
posible ito dahil sa tatlong pangunahing bagay na komon sa mga Filipino.
 Pagkakahawig ng mga wika ng Filipinas at komon na katawagan sa mga bagay.
 Halos kalahati ng bokabularyo ng lahat ng katutubong wika ay magkakahawig.

bigas Tagalog, Binignan Abra, Mangyan, Tiruray


begas Batac Palawan, Cuyunen Palawan, Binukid
bugas Dibabawon Davao, Samal, Subanon
Pangangalakal at Kolonisasyon ng mga dayuhan.
 Pangangalakal galing sa Tsino – hiram na salitang Intsik gaya ng siopao, hototay, siomai,
kikiam, atbp.
 Kastila – hiram na salitang kalye (Calye), kanal (canal), pan de sal, karwahe (caruaje) atbp.
 Ingles – hiram na salitang beysbol (baseball), dyip (jeep), atbp.
 Paggamit ng wikang pambansa sa mass media (tv, radio, print, pelikula) at sa edukasyon
(Filipino bilang wikang panturo sa eskwelahan), pag-unlad ng paggamit ng wikang
pambansa (Pilipino).

Pluralidad Tungo sa Identidad: Ang Barayti ng Wikang Filipino sa Pagbuo ng Wika at


Kamalayang Pambansa

Wika – masistemang balangkas ng sinasalitang tunog na isinasaayos sa paraang arbitraryo


upang magamit ng tao para sa komunikasyon.
Identidad – mga katangian at paniniwala ng isa tao
- pagkakakilanlan sa isang tao batay sa kinagisnang kultura.
- mga aspeto ng identidad
 nasyonalidad
 edad
 kasarian
 estado, etc.

Barayti - kilala rin sa Ingles na “variety”, ito ang sanhi ng pagkakaiba ng uri ng lipunan nating
ginagalawan, heograpiya, edukasyon, okupasyon, edad, kasarian, at kung minsan, ang uri ng
pangkat etniko.
- Set ng mga lingguwistik aytem na may kaparehong distribusyon. Maliit na grupo
ng pormal o makabuluhang katangian na nauugnay sa partikular na uri ng
katangaing sosyo-sitwasyunal (DAGHAN)
- Halimbawa: Wikang ginagamit ng mga estudyante, manggagawa, mga tambay sa
kanto, mga tinder at anumang grupo.

Baryasyon - Iba’t ibang manipestasyon ng wika. (KALAHIAN sa Tagalog).


- Halimbawa: Ang Filipino at ang ibang wika sa Pilipinas.

Mga Uri ng Barayti at Baryasyon ng Wika

1. Idyolek - Ito ay ang personal na paggamit ng salita ng isang indibidwal. Bawat indibidwal
ay may istilo sa pamamahayag at pananalita.
Halimbawa:
“Magandang Gabi Bayan” – Noli de Castro
“Hoy Gising” - Ted Failon
“Hindi ka namin tatantanan” – Mike Enriquez
“Na diumano” – Jessica Soho

2. Dayalek – Ito ay nalilikha ng dahil sa heograpikonog kinaroroonan. Ang barayti na ito ay


ginagamit ng mga tao ayon sa partikular na rehiyon o lalawigan na tnitirhan.
Halimbawa:
Tagalog – “Mahal kita”
Hiligaynon – “Langga ta gd ka”
Bikolano – “Namumutan ta ka”
Tagalog – “Hindi ko makaintindi”
Cebuano – “Dili ko sabot”

3. Sosyolek / Sosyalek – Uri ng barayti na pansamantala lang at ginagamit sa isang


partikular na grupo. Ito ay nabubuo batay sa dimensyong sosyal at ang barayting ito ng
wika ay nakabatay sa katayuan ng isang gumagamit ng wika sa lipunang kanyang
kinabibilangan.
Halimbawa:
Te meg, shat ta? (Pare, mag-inuman tayo)
Oh my God! It’s so mainit naman dito. (Naku, ang init naman dito!)
Wag kang snobber (Huwag kang maging suplado)

4. Etnolek - Ginawa ito mula sa salita ng mga etnolonggwistang grupo. Nagkaroon nga
iba’t ibang etnolek dahil sa maraming mga pangkat na etniko.
Halimbawa:
Palangga – Sinisinta, Minamahal
Kalipay – saya, tuwa, kasiya
Bulanim – pagkahugis ng buo ng buwan
Vakuul – gamit ng mga Ivatan na pantakip sa kanilang ulo tuwing panahon ng tag-init at tag-
ulan.

5. Ekolek – Ito ay kadalasang ginagamit sa ating tirahan. Ito ay kadalasang nagmumula sa


mga bibig ng bata at matanda.
Halimbawa:
Palikuran – banyo o kubeta
Papa – ama/tatay
Mama – nanay/ina
6. Pidgin – Wala itong pormal na estraktura at tinawag ding “lengwahe ng wala ninuman”,
“Nobody’s Native Language”. Ginagamit ito sa mga tao na nasa ibang lugar o bansa.
Halimbawa:
Ako punta banyo – Pupunta muna ako sa banyo.
Hindi ikaw galing kanta – Hindi ka magaling kumanta.
Sali ako laro ulan – Sasali akong maglaro sa ulan.

7. Creole – Ito ay ang pinaghalo-halong salita ng indibidwal, mula sa magkaibang lugar


hanggang sa naging personal na wika.
Halimbawa:
Mi nombre – Ang pangalan ko
Yu ting yu wan, a? – Akala mo espesyal ka o ano?
I gat planti kain kain abus long bikbus – Marami akong uri ng mga hayop sa gubatan.

8. Register – tawag sa espesyalisadong termino gaya ng mga salitang siyentipiko o


teknikal na nagtataglay na nagtataglay ng iba’t ibang kahulugan sa iba’t ibang larangan
o disiplina.
- Ito ay espesyalisadong ginagamit sa isang partikular na pangkat o domain. May
tatlong uri nito:
a. Field o Larangan – naayon ito sa larangan ng taong gumagamit nito
b. Mode o Modo – paano isinasagawa ang uri ng komunikasyon?
c. Tenor- ayon sa relasyon ng mga-naguusap
Halimbawa:
Mga salitang Jejemon
Mga salitang Binaliktad
Mga salitang Pinaikli sa teks
Mga salitang gingamit ng ma iba’t ibang propesyon gaya ng doktor

9. Jargon – tanging bokabularyo ng isang partikular na pangkat ng isang propesyon,


partikular na trabaho o gawain ng tao.
- “salitang balbal”, “salitang kalye” o “salitang kanto”. Ito ay grupo ng mga salita na
hindi mo mauunawaan kung hindi ka parte ng isang grupo o kung wala kang
konteksto sa nagaganap.
Halimbawa:
Chaka – hindi maganda
Japorms – porma
Kano – Amerikano
Yosi

You might also like