Nothing Special   »   [go: up one dir, main page]

Pumunta sa nilalaman

Relihiyon sa Sinaunang Roma

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
(Idinirekta mula sa Relihiyong Romano)
Relihiyon sa
Sinaunang Roma
Si Marcus Aurelius na naghahandog
Mga kasanayan at paniniwala
Mga pagkasaserdote
Mga Diyos
Mga nauugnay na paksa
Portico ng Templo ni Antoninus at Faustina, na kalaunang ginawang isang simbahang Katoliko

Ang Relihiyon sa Sinaunang Roma ang mga kasanayan at paniniwala ng mga sinaunang Romano gayundin ang maraming mga kulto na inangkat sa Roma o sinanay ng mga tao sa ilalim ng pamumunong Romano. Ang mga Romano ay labis na mga relihiyosong tao. Kanilang itinuturo ang kanilang mga pagtatagumpay bilang pandaigdigang kapangyarihan sa kanilang sama-samang kabanalan(pietas) sa pagpapanatili ng pax deorum o mabuting mga ugnayan sa mga Diyos. Ayon mitolohiyang Romano, ang karamihan sa mga institusyong panrelihiyon ng Roma ay mababakas sa mga mga tagapagtatag ng Roma partikular na kay Numa Pompilius na Sabinong ikalawang hari ng Roma na direktang nakipag-ayos sa mga Diyos.

Ang sinaunang relihiyong ito ang saligan ng mos maiorum, "ang daan ng mga ninuno" o simpleng "tradisyon" na nakikitang sentral sa pagkakakilanlang Romano. Ang mga pagkasaserdote ng relihiyon ng mga tao ay pinaniniwalaan ng mga kasapi ng mga klaseng elitista sa Sinaunang Roma. Walang prinsipyong katulad ng separasyon ng estado at simbahan sa Sinaunang Roma. Noong panahon ng Republikang Romano noong 509 BCE hanggang 27 BCE, ang mga parehong mga tao na mga hinalalal na mga mahistradong Romano ay nagsisilbi ring mga augur at mga mga pontipise. Ang mga saserdote ay nagpakasal, nagkapamilya at namuhay ng mga aktibong buhay sa politika.

Si Julio Cesar ay naging Pontifex Maximus bago siya mahalal na konsul. Ang mga augur ay nagbabasa ng mga kalooban ng mga Diyos at nangasiwa sa pagmamarka ng mga hangganan bilang isang pagsasalamin sa kaayusang pangkalahatan at kaya ay nagbabasbas sa ekspansiyonismong Romano bilang bagay ng kapalarang makadiyos. Ang tagumpay na Romano ay isang prusisyong relihiyoso kung saan ang nagwaging heneral ay nagpapakita ng kanyang kabanalan at kahandaan sa pagsisilbi sa kabutihan ng mga tao sa pamamagitan ng pag-aalay ng isang bahagi ng kanyang mga nakukang bagay sa mga Diyos lalo na kay Hupiter na kumakatawan sa makatarungang pamumuno. Bilang resulta ng mga Digmaang Puniko (264–146 BCE) nang ang Roma ay nagpunyaging itatag ang sarili nito bilang nananaig na kapangyarihan sa mundo, maraming mga bagong templong Romano ay itinayo ng mga mahistrado sa pagtupad ng isang panata sa isang Diyos sa pagsiguro ng kanilang mga tagumpay sa mga digmaa.

Kaya ang relihiyong Romano ay praktikal at ayon sa kontrata batay sa prinsipyo ng do ut des, "Ako ay magbibigay upang ikaw ay magbigay". Ang relihiyon ay nakasalalay sa kaalaman ng tamang pagsasanay ng panalangin, ritwal at paghahandog at hindi sa pananampalataya at dogma. Para sa mga ordinaryong Romano, ang relihiyon ay isang bahagi ng pang-araw araw na buhay.[1] Ang bawat bahay ng mga Romano ay may dambana kung saan ang mga panalangin at libasyon sa mga diyos ng pamilya ay inaalay. Inilarawan ni Apuleius ang pang-araw araw na kalidad ng relihiyon sa pagmamasid kung paanong ang mga taong dumadaan sa isang lugar ng kulto ay mamamanata o maghahandog ng prutas o uupo lamang sa isang sandali.[2]

Ang kalendaryong Romano ay nakaistruktura sa mga pagmamasid na pangrelihyon. Sa panahong Imperyo Romano, ang kasing rami ng mga 135 ng taon ay inalay sa mga pistang panrelihiyon at mga palaro (ludi).[3] Ang mga kababaihan, mga alipin at mga bata ay lahat lumahok sa iba't ibang mga gawaing panrelihiyon. Ang ilang mga ritwal ay dapat lamang isagawa ng mga kababaihan at ang mga kababaihan ay bumuo ng marahil ang pinakasikat na pagkasaserdote sa Roma na sinuportahan ng estadong mga Birheng Vestal. Ang mga Romano ay kilala sa kanilang malaking bilang ng mga Diyos na pinapipitaganan.[4] Ang presensiya ng mga Griyego sa peninsulang Italyano mula sa pasimula ng panahong historikal ay umipluwensiya sa kulturang Romano. Tumingin ang mga Roma sa mga bagay na karaniwan sa kanilang mga pangunahing Diyos at mga Diyos ng mga Griyego. Ang relihiyong Etruskano ay isa ring pangunahing impluwensiya partikular na sa pagsasanay ng augurya dahil ang Roma ay minsang pinamunuan ng mga haring Etruskano.

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. Jörg Rüpke, "Roman Religion – Religions of Rome," in A Companion to Roman Religion (Blackwell, 2007), p. 4.
  2. Apuleius, Florides 1.1; John Scheid, "Sacrifices for Gods and Ancestors," in A Companion to Roman Religion (Blackwell, 2007), p. 279.
  3. Matthew Bunson, A Dictionary of the Roman Empire (Oxford University Press, 1995), p. 246.
  4. For an overview of the representation of Roman religion in early Christian authors, see R.P.C. Hanson, "The Christian Attitue to Pagan Religions up to the Time of Constantine the Great," and Carlos A. Contreras, "Christian Views of Paganism," in Aufstieg und Niedergang der römischen Welt II.23.1 (1980) 871–1022.