Nothing Special   »   [go: up one dir, main page]

Pumunta sa nilalaman

Kolehiyo ng mga Pontipise

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya

Ang Kolehiyo ng mga Pontipise (Latin: Collegium Pontificum) ay isang katawan ng estadong Sinaunang Roma na ang mga kasapi ay mga pinakamataas na nirangguhang mga saserdote (mga pari) ng relihiyon sa Sinaunang Roma. Ang kolehiyong ito ay binubuyo ng Pontifex Maximus at iba pang mga pontipise na Rex Sacrorum, labinglimang mga flamen at mga Vestal.[1] Ang Kolehiyo ng mga Pontipise ang isa sa apat na pangunahing mga kolehiyong pang-saserdote. Ang iba ay ang mga augurs, quindecimviri sacris faciundis ("labing limang mga lalake na nagsasagawa ng mga rito") at ang mga Epulones. Ang pamagat na pontifex ay nagmula sa Latin na "tagapagtayo ng tulay" na isang posibleng alusyon sa napakaagang papel sa pagpapalubag sa mga diyos at espirito na nauugnay halimbawa sa Ilog Tiber. Ang Pontifex Maximus ang pinakamahalagang kasapi ng kolehiyong ito. Hanggang 104 BCE, ang pontifex maximus ay humawak ng nag-iisang kapangyarihan sa paghiran ng mga kasapi sa iba pang mga pagkasaserdote sa kolehiyo. Ang mga flamen ay mga saserdote na nangangasiwa sa 15 na mga opisyal na kulto ng relihiyong Romano na ang bawat isa ay itinakda sa isang partikular na diyos. Ang tatlong mga pangunahing flamen(flamines maiores) ay mga Flamen Dialis na dakilang saserdote ng diyos na si Hupiter; ang Flamen Martialis na naglilinang kay Mars; ang Flamen Quirinalis na nakalaan kay Quirinus. Ang mga diyos na nililinang ng 12 flamines minores ay sina Carmenta, Ceres, Falacer, Flora, Furrina, Palatua, Pomona, Portunes, Volcanus (Vulcan), Volturnus at dalawa pa na ang mga pangalan ay nawala. Ang mga Birheng Vestal ang mga tanging babaeng kasapi ng kolehiyo. Ang mga ito ay nangangasiwa sa pagbabantay ng sagradong apuyan ng Roma na nagpapanatiling paningasian ang apoy sa loob ng Templo ni Vesta. Sa mga edad na 6 hanggang 10, ang mga batang babae ay pinili para sa posisyong ito at obligado na magsagawa ng mga rito at obligasyon kabilang ang pananatiling birhen sa loob ng 30 taon.

Ang pagsapi sa iba't ibang mga kolehiyo ng mga saserdote kabilang ang kolehiyo ng mga pontipise ay karaniwang isang karangalang inaalok sa mga kasapi ng makapangyarihang sa politika o mayamang mga pamilya. Ang pagiging kasapi ay pang buong buhay maliban sa mga Birheng Vestal na ang termino ay sa loob ng 30 taon. Sa simulang Republikang Romano, ang tanging mga patrisiyano ay maaaring maging mga saserdote. Gayunpaman, ang Lex Ogulnia ay nagbukas ng kolehiyo sa mga plebeian noong 300 BCE. Hanggang ika-3 siglo BCe, ang kolehiyo ay humahalal ng pontifex maximus mula sa kanilang bilang. Ang karapatan ng kolehiyo na humalal ng kanilang sariling pontifex maximus ay ibinalik ngunit ang mga sirkunstansiya nito ay hindi malinaw. Ito ay muling nagbago pagkatapos ni Sulla nang sa pagtugon sa kanyang mga reporma, ang paghahalal ng pontifex maximus ay muling inilagay sa mga kamay ng asemblea ng 17 ng 25 mga tribo. Gayunpaman, ang kolehiyo ay kumontrol pa sa kung sinong mga kandidato ang ihahalal ng asemblea. Sa panahon ng imperyo, ang opisinang ito ay publikong hinalal mula sa mga kandidato ng mga umiiral na pontipise hanggang sa sinimulan ng mga emperador na automatikong kunin ang pamagat kasunod ng halimawa ni Julius Caesar.

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. Jörg Rüpke, "Communicating with the Gods," in A Companion to Roman Religion, (Blackwell, 2010), p. 226; John A. North, "The Constitution of the Roman Republic," in the same volume, p. 268 (a table showing priestly roles of Roman religion, including assignment to colleges).