Nothing Special   »   [go: up one dir, main page]

Pumunta sa nilalaman

Numa Pompilius

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Numa Pompilius
Hari ng Roma
Numa Pompilius, nahinuha sa baryang Romanong ginawa ni Gnaeus Calpurnius Piso sa panahon ni Emperador Augusto. Sinabi mismo ni Piso na ninuno niya ang hari.
Paghahari715 – 673 BC
SinundanRomulus
KahaliliTullus Hostilius
AmaPomponius

Si Numa Pompilius (753 BCE –673 BCE at naghari noong 715 BCE – 673 BCE) ang maalamat na ikalawang hari ng Roma na humalili kay Romulus. Siya ay isang Sabino sa pinagmulan at marami sa mga pinakamahahalagang mga institusyong panrelihiyon at pang-politika ay itinuturo sa kanya. Ayon kay Plutarko, si Numa ang pinakabata sa apat na anak na lalake ni Pompos na ipinanganak sa araw ng pagkakatatag ng Roma na ayon sa tradisyon ay 21 Abril 753 BCE. Siya ay namuhay ng isang masidhing buhay ng disiplina at ang lahat ng karangyaan ay pinaalis sa kanyang tahanan. Si Titus Tatius na hari ng mga Sabino at kasama ni Romulus ay nagbigay ng kanyang tanging anak na babaeng si Tatia sa pagpapakasal kay Numa. Pagkatapos ng 13 taon ng kasal, si Tatia ay namatay at si Numa ay nagretiro sa nayon. Ayon kay Livy, si Numa ay tumira sa Cures bagon mahalal na hari.[1]

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. Livy, Ab urbe condita, 1:18.