Nothing Special   »   [go: up one dir, main page]

Pumunta sa nilalaman

Marte (mitolohiya)

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
(Idinirekta mula sa Mars (mitolohiya))
Si Mars, unang siglo CE, na matatagpuan sa Forum ni Nerva.
Relihiyon sa
Sinaunang Roma
Si Marcus Aurelius na naghahandog
Mga kasanayan at paniniwala
Mga pagkasaserdote
Mga Diyos
Mga nauugnay na paksa

Si Mars o Marte (Latin: Mārs, mga panguri, Martius at Martialis) ang Romanong diyos ng digmaan at isa ring tagapagbanta ng agrikulturang Romano na isang magkahalong katangian ng maagang sinaunang Roma. [1] Siya ay ikalawa sa kahalagahan kay Hupiter at ang pinaka-prominente sa mga diyos na pang-hukbo na sinasamba ng mga lehiyong Romano. Ang kanyang mga pista ay idinadaos tuwing Marso na buwang ipinangalan sa kanya(Latin na Martius) at sa Oktubre na nagsisimula at nagwawakas ng panahon para sa pangangampanyang pang-hukbo at pang-pagsasaka. Sa ilalim ng impluwensiya ng kulturang Griyego, si Mars ay kinikilala sa diyos ng mitolohiyang Griyego na si Ares na ang mga mito ay muling pinakahulugan sa Panitikang Romano at sining Roma sa ilalim ng pangalang Mars. Gayunpaman, ang katangian at dignidad ni Mars ay iba sa mga pundamental na paraan kay Ares na kadalasang kinamumuhian sa panitikang Griyego. [2] Si Mars ay bahagi ng Kapitolinong Triad kasama nina Hupiter at Quirinus na ang huli bilang isang tagapagbantay ng mga Romano ay walang katumbas sa mitolohiyang Griyego. Ang dambana ni Mars sa Campus Martius na lugar sa Roma na kumuha ng pangalan nito mula sa kanya ay ipinagpapalagay na inalay sa mismong si Numa Pompilius na maibigin sa kapayapaang kalahating maalamat na ikalawang hari ng Roma. Bagaman ang sentro ng pagsamba kay Mars ay orihinal na matatagpuan sa labas ng pomerium o sagradong hangganan ng Roma, dinala ni Augustus si Mars sa sentro ng relihiyon ng Sinaunang mga Romano sa pamamagitan ng pagtatayo ng Templo ni Mars Ultor sa Forum ni Augustus.[3]

Bagaman si Ares ay pangunahing nakikita bilang isang pwersang nakapagwawasak at nag-aalis ng katatagan, si Mars ay kumakatawan sa isang kapangyarihang militar bilang isang paraan na makamit ang kapayapaan at isang ama (pater) ng mga mamamayang Romano. [4] Sa mitikong henealohiya ng pagkakatatag ng Roma, si Mars ang ama nina Romulus at Remus kay Rhea Silvia. Ang kanyang pakikipag-ibigan kay Venus ay simbolikong nagpapakasunod ng dalawang mga magkaibang tradisyon ng pagkakatatag ng Roma. Si Venus ang diyosang ina ng bayaning si Aeneas na ipinagdiriwang bilang takas na Romano na nagtatag ng Roma mga ilang henerasyon bago ilatag ni Romulus ang mga pader ng lungsod ng Roma.

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. Mary Beard, J.A. North, and S.R.F. Price, Religions of Rome: A History (Cambridge University Press, 1998), pp. 47–48.
  2. Kurt A. Raaflaub, War and Peace in the Ancient World (Blackwell, 2007), p. 15.
  3. Paul Rehak and John G. Younger, Imperium and Cosmos: Augustus and the Northern Campus Martius (University of Wisconsin Press, 2006), pp. 11–12.
  4. Isidore of Seville calls Mars Romanae gentis auctorem, the originator or founder of the Roman people as a gens (Etymologiae 5.33.5).