Papa Leo V
Leo V | |
---|---|
Nagsimula ang pagka-Papa | Late July 903 |
Nagtapos ang pagka-Papa | Mid September 903 |
Hinalinhan | Benedict IV |
Kahalili | Sergius III |
Mga detalyeng personal | |
Pangalan sa kapanganakan | Leo |
Kapanganakan | ??? Ardea, Papal States |
Yumao | c. February 904 Rome, Papal States |
Iba pang mga Papa na mayroon ding pangalan na Leo |
Si Papa Leo V (namatay noong c. Pebrero 904) ang Papa ng Simbahang Katoliko Romano mula Hulyo hanggang Setyembre 903 sa panahong kilala bilang Saeculum obscurum. Siya ay pinatalsik ni Antipapa Christopher at malamang ay pinatay sa pagkapapa ni Papa Sergio III. Siya ay ipinanganak sa Priapi malapit sa Ardea. Bagaman siya ay isang pari nang mahalal na papa kasunod ng kamatayan ni Papa Benedicto IV, siya ay hindi isang kardinal-pari ng Roma.[1] Sa kanyang pagkapapa, kanyang pinagkalooban ang mga kanon ng Bologna ng isang espesyal na bull ng papa na (epistola tuitionis) kung saan ay hindi nila sila isinama mula pagbabayad ng buwis. Gayunpaman, pagkatapos ng isang paghahari ng kaunting higit sa dalawang buwan, si Leo V ay nabihayag ng antipapa Christopher na kardinal-pari ng San Lorenzo sa Damaso at ipinabilanggo. Pagkatapos ay ipinahalal ang kanyang sarili na papa(903-904). Bagaman si Christopher ay itinuring na ngayong isang antipapa, siya ay hanggang kamakailan lamang itinuring na isang lehitimong papa. Siya ay kinumpirma ring papa ng kanyang mga kahaliling papa. Gayunpaman, siya ay hindi itinuturing na lehitimong papa ng Simbahan Katoliko[2]
Si Leo ay namatay habang nasa bilangguan. Siya ay pinatay ni Christopher na pinaslang naman ni Papa Sergio III noong 904, o mas malamang ay inutusang ipinasakal sa pagsisimula ng pagkapapa ni Sergio III sa mga kautusan mismo ni Sergio o sa direksiyon ng sacri palatii vestararius, Theophylact, Konde ng Tusculum.[3]
Mga sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]Ang lathalaing ito na tungkol sa Katolisismo ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.