Nothing Special   »   [go: up one dir, main page]

Pumunta sa nilalaman

Papa Urbano III

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Urban III
Nagsimula ang pagka-Papa25 November 1185
Nagtapos ang pagka-Papa20 October 1187
HinalinhanLucius III
KahaliliGregory VIII
Mga detalyeng personal
Pangalan sa kapanganakanUberto Crivelli
Kapanganakan???
Cuggiono, Holy Roman Empire
Yumao(1187-10-20)20 Oktubre 1187
Ferrara, Holy Roman Empire
Iba pang mga Papa na mayroon ding pangalan na Urban
Pampapang styles ni
Papa Urbano III
Sangguniang estiloHis Holiness
Estilo ng pananalitaYour Holiness
Estilo ng relihiyosoHoly Father
Estilo ng pumanawnone

Si Papa Urbano III(namatay noong 20 Oktubre 1187) na ipinanganak na Uberto Crivelli ang Papa ng Simbahang Katoliko Romano mula 1185 hanggang 1187.[1] Siya ay ginawang kardinal at arsobispo ng Milan ni Papa Lucio III na kanyang hinalinhan noong 25 Nobyembre 1185.[2] Kanyang masiglang kinuha ang pakikipag-away ng kanyang predesesor sa Banal na Emperador Romano na si Frederick I Barbarossa kabilang ang alitan tungkol sa paglalagay ng mga teritoryo ng kondesang si Matilda ng Tuscany. Kahit pagkatapos ng kanyang pagkahalal sa kapapahan, kanyang patuloy na hinawakan ang arsobisporiko ng Milan at sa kapasidad na ito ay kanyang tinanggihang koronahan ang Hari ng Italya na anak nai Frederick I na si Prinsipe Henry VI, Banal na Emperador Romano na nagpakasal kay Constancia ng Sicily na tagapagmanan ng Kaharian ng Sicily. Bagaman si Henery sa timog ay nakipagtulungan sa rebeldeng senadong Romano hinarangan ni Frederick I ang mga daanan ng Alpat at pinutol ang lahat ng komunikasyon sa pagitan ng Papa na sa panahong ito ay nakatira sa Roma at mga tagasunod nitong Aleman. Si Urbano II ay nagpasya sa pagtitiwalag kay Frederic I ngunit ang Veronese ay nagprotesta laban sa gayong aksiyon na dinulog sa loob ng kanilang mga pader. Kaya siya ay umurong sa Ferrar ngunit namatay bago bigyang epekto ang kanyang mga intensiyon. Ayon sa isang alamat, si Papa Urbano III ay namatay sa pagdadalamhati sa pagkarinig ng balita ng pagkatalo ng mga Mga nagkrusada noong Hulyo 1187 sa Labanan ng Hattin.

Inkisisyon ni Galileo

[baguhin | baguhin ang wikitext]
Modelong geosentrismo ng uniberso(itaas) kung saan ang mga katawang pangkalawakan na araw at mga planeta ay umiinog sa mundo(earth) na sentro ng uniberso at ang modelong heliosentrismo (ibaba) na salungat sa geosentrismo kung saan ang mga planeta kabilang ang mundo(earth) ay umiinog sa araw.

Bago sa paglilimbag ng De Revolutionibus orbium coelestium noong 1543 ni Nicolaus Copernicus, ang malawakang paniniwala tungkol sa araw na tinatanggap ng mga tao ay ang geosentrismo ni Ptolomeo na ang mundo(earth) ang gitna ang uniberso at lahat ng mga katawang pangkalawakan ay umiinog dito. Isa sa mga astronomong tutol sa heliosentrismo ni Copernicus si Tycho Brahe na nagbigay ng alternatibo sa geocentrismo kung saan ang araw at buwan ay umiinog sa mundo, ang Mercury at Venus at umiinog sa araw sa loob ng orbito ng araw ng mundo at, Mars, Hupiter at ang Saturn ay umiinog sa araw sa labas ng orbito ng araw sa mundo. Si Brahe ay tutol kay Copernicus dahil sa kadahilanang pang-relihiyon. Si Giordano Bruno ang tanging mamamayan noong panahong ito na nagtanggol sa heliosentrismo ni Copernicus.

Ang alternatibo sa geosentrismo na itinaguyod ni Brahe kung ang araw at buwan ay umiinog sa mundo at ang Mercury, Venus, Mars at Hupiter at Saturn ay umiinog sa araw. Sa palibot ng mga ito ay mga matatag na bituin na hindi gumagalaw.

Sa kanyang 1615 "Liham sa Dakilang Dukesang Cristina", ipinagtanggol ni Galileo ang heliosentrismo at iginiit na ito ay hindi salungat sa Bibliya. Tinanggap ni Galileo ang posisyon ni Agustin ng Hipona na hindi dapat pakahulugang literal] ang Bibliya. Ang prayleng Dominicano na si Tommaso Caccini ang unang umatake kay Galileo. Sa sermon ni Caccini noong 1614, kanyang hinayag na mali si Galileo at ginamit sa kanyang sermon ang Aklat ni Josue 10:13 kung saan pinahinto ng Diyos ang araw. Si Galileo ay humarap sa inkisisyong Romano Katoliko noong 1633 at pumayag na umaming may sala sa pagtatanggol ng heliosentrismo kapalit ng mas magaan na kaparusahan. Si Galileo ay ipinakulong sa bahay ni Papa Urbano III hanggang sa kamatayan ni Galileo sa Florence, Italya noong Enero 8, 1642.

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. Duffy, Eamon, Saints & sinners: A History of the Popes, (Yale University Press, 2001), 392.
  2. Coulombe, Charles A., Vicars of Christ: A History of the Popes, (Citadel Press, 2003), 249.