Nothing Special   »   [go: up one dir, main page]

Group 4 Patnubay Sa Operasyonalisasyon Na Filipino

Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 26

PATNUBAY SA

OPERASYONALISASYON
NG
FILIPINO
2002 Kurikulum
SA BATAYANG EDUKASYON
SA LEVEL SEKONDARI

Departmento ng Edukasyon
KAWANIHAN NG EDUKASYONG SEKONDARI
DepEd Complex, Meralco Ave., Pasig City
DESKRIPSYON
A. MGA BATAYANG KONSEPTWAL
DALAWA ANG PANGUNAHING DAHILAN KUNG
BAKIT ITINUTURO ANG FILIPINO SA ATING MGA
PAARALANG PAMBANSA. ANG MGA DAHILANG ITO
AY NAKATADHANA SA UMIIRAL NA PATAKARANG
EDUKASYONG BILINGWAL
● ITUTURO ITO BILANG ISANG
SABJEK PANGWIKA.
● UPANG MAGAMIT ANG WIKANG ITO
BILANG WIKANG PANGKLASRUM SA
IBA PANG SABJEK NA GINAGAMITAN
NG FILIPINO BILANG WIKANG
PANTURO.
PAGSASAALANG-ALANG NA
KAISAPAN MULA SA MGA EKSPERTO
 Ayon kay Otanes ( 2001), sa anuman daw balaking bumuo ng isang
kurikulum pangwika, kinakailangang bigyang focus ang mga mag-aaral na
ang pangunahing layunin ay ang matuto ng wika upang sila ay
makapaghanapbuhay, makipamuhay sa kanilang kapwa atmakapagpahalaga
sa kagandahan ng buhay na kanilang ginagalawan.
 Ayon naman kay Espiritu ( 2001), nararapat daw ikonsidera ang mga
umiiral na teorya sa pagkatuto at pagtuturo ng wika sa anumang
pagtatangkang bumuo ng isang kurikulum pangwika.
 “ A knowledge of grammatical rules is useful. For example, a good
knowledge of the eight parts of speech is important because one cannot use
the dictionary intelligently as an aid to learning without knowing the verb
or adjective is and their function in a sentence. Properly taught the basic of
grammar rules, the learners will understand and appreciate the language.”
-Sibayan (1998)
APAT NA KOMPONENT NG
KASANAYANG KOMUNIKATIBO

 Gramatikal - ang komponent na nagbibigay-kakayahan sa


nagsasalita upang epektibong makipagtalastasan gamit ang angkop
na mga tuntuning pang-gramatika.

 Sosyo-Linggiwistik - ang komponent na nagbibigay-kakayahan sa


nagsasalita upang magamit ang salitang naaangkop sa sitawsyon at
sa kontekstong sosyal ng lugar kung saan ginagamit ang wika.
Kailangang alam at magamit ang salitang angkop para sa
hinihinging pagkakataon.
 Diskorsal - ang komponent na nagbibigay-kakayahang magamit
ang wikang binibigkas at wikang ginagamit sa pagsulat sa
makabuluhang paraan upang maipabatid ang mensahe at
maunawaan din ang tinatanggap na mensahe.
 
 Strategic - ang komponent na nagbibigay-kakayahang magamit ang
berbal at hindi berbal na mga hudyat upang maihatid nang mas
malinaw ang mensahe at maiwasan o maisaayos ang mga hindi
pagkakaunawaan o mga puwang (gaps) sa komunikasyon. Sa isang
bagong nag-aaral ng salita na hindi pa bihasa sa paggamit ng
wikang binibigkas ay makatutulong ang paggamit ng mga hindi
berbal na hudyat tulad ng kumpas ng kamay, tindig, at ekspresyon
ng mukha upang maipaabot ang tamang mensahe.
B. KONTENT
BILANG ISANG LARANGAN NG PAGKATUTO AT
PANTULONG
NA SABJEK SA LEVEL SEKONDARI, MAKIKILALA ANG
FILIPINO BILANG FILIPINO SA
ISKOLARLINGPAKIKIPAGTALASTASAN.

 Sa unang dalawang taon (Una at Ikalawang Taon), ang bibigyan ng focus ay ang
masusing pag-aanalisa at pag-aaral ng mga tiyak na istrukturang gramatikal
ng Filipino bilang isang  wika kasabay sa pagtatamo ng  wastong kasanayan
sa maunawang pagbasa. Upang matamo ito, pagsasanibin ang mga interdisiplinaring
paksa at vokabularyong nakapaloob sa iba’t ibang uri ng texto tulad ng mga textong
prosijural, referensyal, jornalistik, literari at politico-ekonomik at ang pagkatuto
ng iba’t ibang istrukturang gramatikal.
 Sa huling dalawang taon (Ikatlo at Ikaapat na Taon), ang focus ay ang
pagtatamo ng mapanuring pag-iisip sa pamamagitan ng kritikal na pagbabasa
at pag-unawa sa iba’t ibang genre ng panitikang ( lokal at rehiyunal,
nasyunalat Asyano) nakasalin sa Filipino.

 Sa bawat taon, mananatili ang pagbibigay ng tiyak na atensyon sa paglinang


sa pasulat na komunikasyon sa pamamagitan ng eksposyur sa iba’t ibang uri
ng komposisyon at malikhaing pagsulat. Ito ay pagtutuunan ng isang linggong
sesyon sa bawat markahan.Mananatili pa rin ang pagbibigay pansin sa mga
tiyak na akda bilang mga akdang pampanitikan.

 Sa Unang Taon – Ibong Adarna.
 Ikalawang Taon- Florante at Lauranaman
 Ikatlong Taon- Noli me Tangere
 Ikaapat na Taon- El Filibusterismo
MGA INAASAHANG BUNGA SA BAWAT
TAON

 Sa pagtatapos ng Unang Taon, ang isang mag-aaral ay nararapat nanagtataglay


na ng sapat na kasanayan at kaalamang magamit nang wasto angmga angkop na
istrukturang gramatikal sa isang iskolarling pakikipagtalastasansa tulong ng
mapanuring pagbasa ng iba’t ibang uri ng texto.

 Sa pagtatapos ng Ikalawang Taon, ang isang mag-aaral ay dapat nanagtataglay


na ng kognitivong kasanayan at kahusayan sa maunawang pagbasang iba’t
ibang texto at nagagamit nang wasto ang angkop na istrukturanggramatikal sa
isang akademikong pakikipagtalastasan.
 Pagkatapos ng Ikatlong Taon, ang isang mag-aaral ay dapat na nagtataglay na ng
kahusayan, kaalaman at angkop na kamalayan sa pagsasagawa ng kritikal na
pagpapasya upang mabigyang-halaga ang ating pambansang panitikan batay sa
mga umiiral at tiyak na pamantayan, istandard at teoryang pampanitikan.

 Pagkatapos ng Ikaapat na Taon, ang isang gradweyt ay nagtataglay


ngkahusayan, kaalaman at angkop na kamalayan sa pagsasagawa ng
mapanuringpaghuhusga sa kagandahan at sining ng panitikan batay na rin sa
mga tanggapna pamantayan, istandard at teorya ng pamumuna. ( sa tulong ng
mga akdang rehiyunal at Asyanong nakasalin sa Filipino)
MGA MUNGKAHING ISTRATEHIYA
AT KAGAMITANG PAGTUTURO

Sa pagtuturo/pagkatuto ng Filipino bilang isang sabjek pangwika


namagdedevelop sa kahusayan sa maunawang pagbasa at pagkilala sa mga
tiyakna istrukturang gramatikal, gagamitin ang istratehiyang Teaching
GrammarThrough Texttypes (TGTT).

Sa ganitong lapit ng pagtuturo, ang pagkatuto ngtiyak na istrukturang


gramatikal ng wika ay kasabay sa paglinang nangmaunawaang pagbasa. Ang
pag-aaral ng tiyak na istruktura ng wika ay hahanguin sa mga paksang
pangnilalaman.
SA PAGGAMIT NG TGTT SA PAG-AARAL NG
ISTRUKTURANG GRAMATIKAL, MAHALAGANG
MABIGYAN NG PANSIN ANG MGA SUMUSUNOD:

1. Paglalapit/paglalapat ng texto sa karanasan ng mga mag-aaral

2. Pagsusuring pangnilalaman na nagbibigay tuon sa paksa,pangunahing kaisipan,


mga pantulong na kaisipan, mgaopinyong lumutang, mga paniniwalang
inihayag. Kinakailanganding makabuo ng pansariling paalagay ang mga mag-
aaraltungkol sa nilalaman ng texto.

3. Pagsusuri sa mga ispesifik na katangian ng texto tulad ng tono (kilos o galaw,


damdamin ), layon ( ano ang nais sabihin ),paraan ng pagkakasulat ( pagbubuo
ng salita, paggamit ngparirala, pagbubuo ng pangungusap,
pagsisimula,pagpapalawak, pagwawakas, formalidad ng gamit ng
salita ),pananaw, relasyon ng sumulat sa texto, at relasyon ng sumulatsa
mambabasa
4. Pagkilala sa tiyak na uri ng texto ( ekspositori, narativ, impormativ,
deskriptiv, argumentativ, instruksyunal, referensyal,at prosijural )

5. Pagsusuring Gramatikal ( pagkilala sa mga tiyak na istrukturanggramatikal


na ginamit upang maging mabisa ang pagkakabuong texto) )

6. Evalwasyon, Eksposyur sa katulad pang texto.


MGA PANLAHAT AT TIYAK NA KASANAYANG PAMPAGKATUTO
 
 UNANG TAON
UNANG MARKAHAN
PAKIKINIG
 -Napauunlad ang mga kasanayan sa pag-
unawa, pagpapakahulugan,pagsusuri at pagbibigay-halaga sa mga
diskursong napakinggan.

PAGSASALITA
-Natatamo ang mga kaalamang pambalarila na makatutulong samalinaw
at mabisang pakikipagkomunikasyon.
- Naipapakita ang kasanayan sa paggamit ng Filipino sa
pasalitangkomunikasyon
PAGBASA
-Napayayaman ang talasalitaan sa pamamagitan ng pagtukoy sakayarian,
kahulugan at kaangkupan ng mga salita sa kontekstong pinaggagamitan

PAGSULAT
- Naipakikita ang kakayahang pumili ng pamamaraan at batayangpanretorika
upang pasulat na maipahayag ang sariling damdamin,opinion, ideya at
saloobin
IKALAWANG MARKAHAN
PAKIKINIG
-Naisasagawa ang mga kasanayan sa maunawaang
pakikinig sa iba’tibang diskurso na ang layon ay makaunawa,
makakuha at makapag-ayos ng mga impormasyon

PAGBASA
 Napayayaman ang talasalitaan sa pamamagitan ng pagtukoy sa
kayarian, kahulugan at kaangkupan ng mga salita sa kontekstong
pinaggagamitan sa husay na pakikipagtalastasan

PAGSULAT
- Naipamamalas ang pagkamasining sa pasulat na paraan
IKATLONG MARKAHAN

PAKIKINIG
-Naipamamalas ang kasanayan sa maunawang pakikinig kaugnay
sapagkakaroon ng kritikal na pag-iisip at mabisang pagpapahayag
ngdamdamin

PAGSASALITA
- Natatamo ang mga kaalamang gramatikal na magagamit sa
pagsasakatuparan efektiv na pakikipagtalastasan

PAGBASA
- Napalalawak ang talasalitaan asa pamamagitan ng pagkilala sa kahulugan,
kayarian at sitwasyong pinaggagamitan ng mga salita at idyom

PAGSULAT
-Naipakikita ang pagkamalikhain at masining sa pasulat na komunikasyon
IKAAPAT NA MARKAHAN

PAGSASALITA
-Natatamo ang mga kaalamang gramatikal na makatutulong tungo
saefektiv na komunikasyon

PAGBASA
- Napalalawak ang talasalitaan sa pamamagitan ng pagkilala sa
kahulugan, kayarian at sitwasyong pinaggagamitan ng mga salita at
idyom

PAGSULAT
-Naipapakita ang pagkamalikhain sa pagsulat ng sariling talaarawan

PAKIKINIG
Naipamamalas ang mga kasanayan sa maunawang  pakikinig
kaugnay sa pagkakaroon ng kritikal na pag-iisip at
mabisangpagpapahayag ng damdamin
IKALAWANG TAON

UNANG MARKAHAN
PAKIKINIG
-Naisasagawa ang proseso ng pakikinig na bottom-up ( ginagamit angmga
narinig na input leksikal at gramatikal bilang hanguan ng mgaimpormasyon
tungkol sa kahulugan ng mensahe )

PAGSASALITA
- Natatamo ang mga kaalamang gramatikal na makatutulong sa pagtatamo ng
efektiv na pasalitang komunikasyon

PAGBASA
-Napauunlad ang talasalitaan sa pamamagitan ng pagkilala sa kahulugan ng
salita o idyom

PAGSULAT
- Naipakikita ang mayamang imahinasyon sa pagsulat ng isang tiyakna uri ng
paglalahad
IKALAWANG MARKAHAN

PAKIKINIG
-Napauunlad ang kahusayan sa at naisasagawa ang proseso ng pakikinig
mula sa mensaheng narinig at mga datihan ng alam na impormasyon ( top-
down process )

PAGSASALITA
- Natatamo ang mga kaalamang gramatikal na makatutulong upang
maisagawa ang efektiv na pasalitang komunikasyon

PAGBASA
 Napauunlad ang talasalitaan sa pamamagitan ng pagkilala sa kahulugang
taglay ng salita

PAGSULAT
- Natatamo ang mga kasanayan sa paggamit ng Filipino sa paraang pasulat
IKATLONG MARKAHAN

PAKIKINIG
- Napauunlad ang kasanayan sa at/ o naisasagawa ang proseso ngpakikinig
mula sa mensaheng narinig ( top-down process) at mgadatihan ng alam

PAGSASALITA
 Natatamo ang kaalamang gramatikal na makatutulong tungo saefektiv na
komunikasyon

PAGBASA
 Napalalawak ang talasalitaan sa tulong ng iba’t ibang paraan ng pagbibigay-
kahulugan sa salita

PAGSULAT
-Natatamo ang mga kasanayan sa efektivong paggamit ng Filipino sa pasulat na
komunikasyon
IKAAPAT NA MARKAHAN

PAKIKINIG 
Naisasagawa ang mahusay na proseso ng maunawaang pakikinig mula sa
taglay na leksikal at gramatikal na kakayahan sa pagkuha ng
mensahe( bottom-up process)

PAGSASALITA
- Natatamo ang mga kaalamang gramatikal na magagamit sa efektiv na
pasalitang komunikasyon

PAGBASA
-Napalalawak ang talasalitaan sa tulong ng iba’t ibang paraan ng pagbibigay-
kahulugan sa salita

PAGSULAT
- Naipamamalas ang kahusayan sa paggamit ng Filipino pasulat nakomunikasyon
IKATLONG TAON

Pagsusuring Panglingwistika
Nasusuri ang mga elementong ponemiko sa akda bilang sangkap sa
mabisang pagkakabuo

Pagsusuring Pangnilalaman
Nasusuri ang akda batay sa mga nais sabihin nito sa:
-sarili
-sa ibang tao
-sa isang indibividwal
-sa kalahatan
Pagsusuring Pampanitikan
Nailalapat ang mga tiyak na kaalaman tungkol sa kasaysayan
ngpanitikan sa pagsusuri sa akda
-local na kasaysayan
-pambansang kasaysayan
-pandaigdigang kasaysayan

Naipapamalas ang pagkamalikhain sa pagsulat ng iba’t ibang genre


ng panitikan
Nailalapat ang mga kaalaman tungkol sa iba’t ibang elemento sa
paglikha ng tula:
-may sukat at tugma
-malayang taludturan
PAGTUTURO NG KOMPOSISYON
UNANG MARKAHAN
Nailalapat ang mga batayang kaalaman at kasanayan sa pagsulat ng isang
liham-paanyaya para sa isang panauhing tagapanayam

IKALAWANG MARKAHAN
Nailalapat ang mga batayang kaalaman sa pagbubuo ng bibliyograpi

IKATLONG MARKAHAN
  Nailalapat ang mga batayang kaalaman at kasanayan sa pagsulat ngbuod
ng isang akdang binasa

IKAAPAT NA MARKAHAN
Naipapamalas ang kahusayan sa pagsulat ng isang rebyu sa tulong ngmga
tiyak na kaalaman at pamantayan
IKAAPAT NA TAON

Nagagamit na batayan sa mapanuring pagbasa ng akdang


pampanitikan ang iba’t ibang pamantayan at batayang
kaalaman

●Pagsusuring Panglinggwistika

●Pagsusuring Pangnilalaman

●Pagsusuring Pampanitikan
MARAMING SALAMAT
PO! 

Pangkat 3:
Mayo, Maraiah Anne
Garbo, Jarlen
Samson, Gayle
Mercado, Charie
Isabelo, Clarissa

You might also like