Nothing Special   »   [go: up one dir, main page]

Pumunta sa nilalaman

Red Hot Chili Peppers

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Red Hot Chili Peppers
Red Hot Chili Peppers sa kanilang live na pagtatanghal noong 2013. Mula kaliwa pakanan: Chad Smith, Mauro Refosco, Flea, Anthony Kiedis, at Josh Klinghoffer
Red Hot Chili Peppers sa kanilang live na pagtatanghal noong 2013. Mula kaliwa pakanan: Chad Smith, Mauro Refosco, Flea, Anthony Kiedis, at Josh Klinghoffer
Kabatiran
PinagmulanLos Angeles, California, Estados Unidos
GenreFunk rock, alternative rock, funk metal
Taong aktibo1983 (1983) – kasalukuyan
LabelEMI Records, Warner Bros. Records
MiyembroAnthony Kiedis
Flea
Chad Smith
Josh Klinghoffer
Dating miyembroHillel Slovak
Jack Irons
Cliff Martinez
Jack Sherman
DeWayne McKnight
D.H. Peligro
John Frusciante
Arik Marshall
Jesse Tobias
Dave Navarro
Websiteredhotchilipeppers.com

Ang Red Hot Chili Peppers ay isang Amerikanong alternatibong bandang rock. Nagsimula ang banda noong 1983 sa Los Angeles, Kalipornya. Karamihan sa tema ng kanilang mga awitin ang estado ng Kalipornya. Binubuo ang Red Hot Chili Peppers nina Anthony Kiedis bilang bokalista, Michael "Flea" Balzary bilang bahistas, John Frusciante bilang gitarista, at Chad Smith bilang tagatambol.

Naglabas ang Red Hot Chili Peppers ng siyam na album pang-istudyo. Hindi gaanong matagumpay ang kanilang unang album. Nagbago ng ilang ulit ang mga kasapi ng banda noong dekada 1980, ngunit Kiedis at Flea ang nanatili noong simula pa. Nang sumali sina Frusciante at Smith noong 1989, nagtagumpay ang kanilang ikalawang album, Mother's Milk. Ito ang unang album ng banda na lumabas sa musikang tsart ng Billboard. Habang lumilibot ang Red Hot Chili Peppers noong 1992 matapos ang kanilang ikalimang album, Blood Sugar Sex Magic'', umalis si Frusciante kaliwa sa banda dahil sa isang pagkalulong sa droga.

Si Dave Navarro ang naging bagong gitarista matapos umalis si Frusciante. Hindi naging maganda ang samahan nina Navarro at ang iba pang miyembro ng Red Hot Chili Peppers. Hiniling ng ibang miyembro na iwanan ni Navarro ang banda noong 1998, pagkatapos ng paggawa ng isang album. Sa oras na ito, gumawa si Frusciante ng sariling album. Pagkatapos ng rehabilitasyon ni Frusciante mula sa pagkalulong sa droga, tinanong muli siya ni Flea na bumalik sa Red Hot chili Peppers muli at sumagot ng oo si Frusciante. Ang album na Californication (1999) ang pinakasikat nilang album sa ngayon. Nagpalabas pa ng mga ilang album ang Red Hot Chili Peppers pagkatapos nito. Nagkaroon sila ng isang konsyertong na naglilibot sa buong mundo. Matapos ang paglilibot, nag-rekord at nilabas ng banda ang album na Stadium Arcadium noong 2006.

MusikaEstados Unidos Ang lathalaing ito na tungkol sa Musika at Estados Unidos ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.