Nothing Special   »   [go: up one dir, main page]

Pumunta sa nilalaman

Patrice Lumumba

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Patrice Lumumba
Si Patrice E. Lumumba, punong-ministro ng Congo.
Unang Punong Ministro ng Demokratikong Republika ng Congo
Nasa puwesto
24 Hunyo 1960 – 14 Setyembre 1960
DiputadoAntoine Gizenga
Nakaraang sinundanPamahalaang kolonyal
Sinundan niJoseph Ileo
Personal na detalye
Isinilang2 Hulyo 1925(1925-07-02)
Onalua, Katakokombe, Congong Belhiyako
Yumao17 Enero 1961(1961-01-17) (edad 35)
Elisabethville, Katanga
Partidong pampolitikaMNC

Si Patrice Émery Lumumba o Patrice Emergy Lumumba[1] (2 Hulyo, 1925 – 17 Enero, 1961) ay isang Aprikanong pinuno na laban sa kolonyalismo at unang legal na nahalal sa pagka-Punong ministro ng Republika ng Congo makaraan niyang tumulong sa pagkakamit ng kasarinlan mula sa Belgium noong Hunyo 1960. Makaraan lamang ang sampung linggo, naalis ang pamahalaan ni Lumumba dahil sa isang coup d'etat noong panahon ng Krisis ng Congo. Ipinakulong siya at sumailalim sa isang pataksil na pagpaslang.

Isinilang ang makabayang pinunong Kongoles na ito sa Katakokombe, lalawigan ng Kasai. Bilang pinuno ng Mouvement National Congolais, sinubukan niyang magkaroon ng pagkakaisa sa Congo, na tinatanggihan ang pagkakaroon ng kasarinlan ng lalawigan ng Katanga noong Hulyo 1960. Naalis siya sa tungkulin dahil sa coup ni Koronel Joseph-Désiré Mobutu (kilala rin bilang Mobutu Sese Seko at Mobutu Sese Seko Nkuku Ngbendu wa Za Banga) noong Setyembre 1960 at ibinilanggo sa kaniyang sariling tahanan. Nakatakas siya subalit muling nahuli, at inilipad sa Elisabethville, Katanga, kung saan muli siyang nakatakas ngunit inihayag na napatay ng kaniyang mga kaaway sa politika.[1]

  1. 1.0 1.1 "Patrice Emergy Lumumba". The New Book of Knowledge (Ang Bagong Aklat ng Kaalaman), Grolier Incorporated. 1977.{{cite ensiklopedya}}: CS1 maint: date auto-translated (link)