Nothing Special   »   [go: up one dir, main page]

Pumunta sa nilalaman

Sulat kay Filemon

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Bagong Tipan ng Bibliya

Ang Sulat kay Filemon ay isang aklat sa Bagong Tipan ng Bibliya na isinulat ni San Pablo Apostol. Tungkol ito sa isang takas na aliping nagngangalang Onesimo[1] (Onesimus).[2] Namumukod tangi sa lahat ng mga kalipunan ng mga liham ni San Pablo ang Sulat kay Filemon dahil sa pagtuon ni San Pablo sa aliping ito na kanyang nakasalamuha, na ang panginoon ay si Filemon (Philemon). Hindi nagresulta ang liham na ito mula sa anumang katanungang itinanong ni San Pablo ukol sa mga suliranin ng mga simbahang Kristiyanong itinatag ni San Pablo sa mga lugar na pinagmisyunan niya.[2] Nilarawan ni Jose C. Abriol ang sulat na ito bilang isang liham na "nakababagabag ng kalooban".[1]

Tumakas ang aliping si Onesimo mula sa tahanan ng kanyang among si Filemon. Si Filemon ay isang mayamang Kristiyano at taga-Colosas. Nagpunta si Onesimo sa Roma, kung saan niya nakilala si San Pablo habang nasa isang bilangguan. Tinuruan ni San Pablo si Onesimo ng tungkol sa pananampalataya. Nagpabinyag si Onesimo kay San Pablo at naging isang Kristiyano.[1]

Pinabalik ni San Pablo si Onesimo kay Filemon na may dalang mensaheng nagbibigay ng diin sa kahalagahan ng kapatiran ng mga Kristiyano at sa kalayaan nakakamit kay Hesukristo.[2] Kasama ni Onesimo sa kanyang pagbabalik kay Filemon si Tiquico, na may dala-dalang liham para kay Filemon. Layunin ng liham na ipagmakaawa si Onesimo kay Filemon. Sa pamamagitan ng sulat, hiniling ni San Pablo kay Filemon na tanggapin ni Filemon si Onesimo bilang isang "kapatid ni Kristo" at bilang isang "kinatawan ni San Pablo".[1]

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. 1.0 1.1 1.2 1.3 Abriol, Jose C. (2000). "Sulat kay Filemon". Ang Banal na Biblia, Natatanging Edisyon, Jubileo A.D. Paulines Publishing House/Daughters of St. Paul (Lungsod ng Pasay) ISBN 9715901077.{{cite ensiklopedya}}: CS1 maint: date auto-translated (link), pahina 1748.
  2. 2.0 2.1 2.2 ""Letter of Philemon"". The New Book of Knowledge (Ang Bagong Aklat ng Kaalaman), Grolier Incorporated. 1977.{{cite ensiklopedya}}: CS1 maint: date auto-translated (link), Pauline Epistles, New Testament, Bible, tomo para sa titik na B, pahina 162.

Mga panlabas na kawing

[baguhin | baguhin ang wikitext]