Nothing Special   »   [go: up one dir, main page]

Pumunta sa nilalaman

Sulat ni Hudas

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Tungkol ito sa sinulat ni Hudas Tadeo, para sa akdang ukol kay Hudas Iskariote tingnan ang Ebanghelyo ni Hudas.
Mga Aklat ng Bibliya

Ang Sulat ni Hudas[1] o Sulat ni Judas[2][3] ay aklat sa Bagong Tipan na ipinagpapalagay na isinulat ni Hudas ang Alagad na kapatid ni Santiago ang Makatarungan na kapatid ni Hesus at kaya ay kapatid rin ni Hesus.[2] Bagaman isa lamang napakaikling akdang may dalawampu't limang taludtod at siyang pinakamaiksing sulatin at aklat na nasa Bagong Tipan ng Bibliya, nilalarawan itong natatangi dahil sa angkin nitong katatagan at karangalan. Naaangkop ang halos lahat ng nilalaman nito sa pangkasalukuyang panahon sapagkat may pagkakatulad sa kapanahunan ni San Hudas Tadeo, isang panahong laganap ang imoralidad at erehiya. Laban si San Hudas Tadeo sa ganitong mga bagay.[4]

Ang sulat ni Judas ay isa sa mga tinutulang aklat ng kanon.[5] Bagaman ang liham na ito ay itinuturing ng ilang mga skolar na isang pseudonomosong(may pekeng pangalan) aklat na isinulat sa pagitan ng huli ng ika-1 siglo CE at unang kwarter ng ika-2 siglo CE sa batayan ng mga pagtukoy sa tradisyon ng mga apostol,[6][7] at sa mahusay na istilong Griyego nito, ito ay pinepetsahan ng ilang mga konserbatibong skolar sa pagitan ng 66 hanggang 90 CE[8][9][10]

Ito ay itinuring nina Clement ng Alexandria, Tertullian at ng pragmentong Muratorian na kanonikal bagaman ang unang historikal na rekord ng mga pagdududa sa may-akda nito ay matatagpuan sa mga kasulatan ni Origen ng Alexandria na nagsalita ng mga pagdududa na pinanghahawakan ng ilan ngunit niya. Ito ay inuri ni Eusebius na isang antilegomena(tinutulang kasulatan). Ito ay kalaunang tinanggap sa kanon nina Athanasius at sa Synod ng Laodicea (c. 363) at Konseho ng Carthage (397).

Ang ilang bahagi ng liham ni Judas ay labis na katulad ng Ikalawang Sulat ni Pedro lalo ang kapitulo 2 kaya ang karamihan sa mga skolar ng Bibliya ay umaayon na may pagbatay sa pagitan ng dalawang aklat na ito. Maaring ang isa ay direktang humango sa isa o ang parehong ito ay humango sa isang karaniwang pinagkunan.[11] Dahil sa ang liham na ito ay mas maikli sa 2 Pedro at dahil sa iba ibang mga detalyeng istilistiko, ang ilang mga may akda ay tumuturing sa Judas na pinagkunan ng parehong mga talata sa 2 Pedro.[12] Gayunpaman, ang ibang may akda ay nagbigay pansin sa pagsisipi ng Judas 18 sa 1 Pedro 3:3 sa tensong nakaraan(past tense) kaya itinuturing ng mga ito na ang Judas ay isinulat pagkatapos isulat ng 2 Pedro.[13]

Paggamit ng apokripa

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Ang Sulat ni Judas ay naglalaman ng mga reperensiya sa dalawang mga aklat na apokripal.

Ang Talatang 9 ay tumutukoy sa alitan sa pagitan ng Miguel na Arkanghel at ng diyablo tungkol sa katawan ni Moises. Ito ay nauunawaan ng ilan na reperensiyang alusyon sa mga pangyayaring inilalarawan sa Aklat ni Zacarias 3:1,2. Ayon kay Origen, ito ay reperensiya sa hindi kanonikal na aklat na Asumpsiyon ni Moises.[14] Ayon kay James Charlesworth, walang ebidensiya na ang natitirang aklat na may pangalang ito ay kailanman naglalaman ng gayong nilalaman.[15][15][16]
Ang Mga Talatang 14-15 ay naglalaman ng direktang sipi(quote) sa hula mula sa Aklat ni Enoch 1:9. Ang pamagat na "Enoch, na ikapito mula kay Adan" ay hinango rin sa 1 Enoch 60:1. Ipinagpapalagay ng karamihan ng mga komentador na ito ay nagpapakitang tinanggap ng may-akda ng Judas ang patriarkang si Enoch(na ninuno ni Noe) na ang may akda ng Aklat ng Enoch na naglalaman ng parehong sipi. Ang Aklat ni Enoch ay hindi itinuturing na kanonikal sa Tanakh gayundin sa karamihan ng mga simbahang Kristiyano ngunit ito ay kanonikal sa Simbahang Etiopianong Ortodoksong Tewahedo. Ayon sa mga skolar, ang mas lumang mga seksiyon ng Aklat ni Enoch(Book of the Watchers) ay may petsang 300 BCE at ang pinakahuling bahagi(Book of Parables) ay sinulat noong huli nang ika-1 siglo BCE.[17] It is generally accepted by scholars that the author of the Epistle of Jude was familiar with the Book of Enoch and was influenced by it in thought and diction.[18] Ang Judas 1:14-15 ay sumipi sa 1Enoch 1:9 na bahagi ng pseudepigrapha at bahagi rin ng Mga skrolyo ng Patay na Dagat(Dead Sea Scrolls) [4Q Enoch (4Q204[4QENAR]) COL I 16-18].[19]

Sa pagkasulat ng liham na ito, nilayon ni Hudas Tadeong sugpuin at labanan ang mga maling pangaral na ginagawa ng mga ereheng hindi kumikilala kay Hesus bilang Panginoon at Guro. Hindi ayon ang mga erehe sa "lahat ng Batas, kapangyarihan, at kalayaang Kristiyano."[2] Kabilang sa loob ng Simbahan o parokya ang mga nabanggit na erehe dito, at nagsilbing babala ang Sulat ni Hudas para sa mga taong ito.[4]

Binubuo ng tatlong bahagi ang Sulat ni Hudas: Una, mayroon itong isang Pambungad. Nagsisilbing isang babala para sa mga Kristiyano ang hinggil sa mga bulaang tagapagturo[2] o mga huwad na mga mangangaral. Nagtatapos ito sa isang Paglalagom o konklusyon, ang ikatlong bahagi ng liham.[4]

Pagkakatulad sa 2 Pedro

[baguhin | baguhin ang wikitext]
Mga magkasalong talata sa Griyego[20]
2 Pedro Sulat ni Judas
1:5 3
1:12 5
2:1 4
2:4 6
2:6 7
2:10–11 8–9
2:12 10
2:13–17 11–13
3:2-3 17-18
3:14 24
3:18 25

Marami sa mga talata sa sulat ni Hudas ay katulad ng 2 Pedro na pinaniniwalaan na ang 2 Pedro ay kumopya sa Sulat ni Hudas. May 80 salitang Griyego na ginamit sa parehong 2 Pedro at Sulat ni Hudas at 7 hinalinhang mga sinonimo.[21] Dahil sa maikli, ang Hudas sa 2 Pedro at dahil sa mga detalyeng istilistiko, pinaniniwalaan ng mga iskolar na kumopya ang 2 Pedro sa Judas.[22] However, other writers, arguing that Jude 18 quotes 2 Peter 3:3 as past tense, consider Jude to have come after 2 Peter.[23] Isa rin sa tanda nito ang pag-aalis sa talata na sumisipi sa Aklat ni Enoch na inalis sa 2 Pedro.[24]

Ang Sulat ni Hudas ay sumangguni sa 2 aklat na hindi kasama sa Kanon ng Biblia. Isa rito ay ang aklat na pinamagatang Ang Pag-akyat ni Moises (o Asunsiyon ni Moises) na tinukoy sa bersikulo 9 ng Sulat ni Hudas ukol sa pagtatalo ni Arkanghel Miguel at ng Diablo tungkol sa katawan ni Moises. Ang ikalawang aklat na pinagsanggunian ni Hudas ay ang Aklat ni Enoc) ukol sa hula na mababasa sa 1 Enoc 60:8, 1:9 (= Deuteronomyo 33:2). Bagama't ang Aklat ni Enoc ay hindi kasama sa kanon ng makabagong biblia, ito ay tinuturing na kanonikal ng Ortodoksiyang Iglesia ng Etiopia. Bilang karagdagan, ikinukumpara ang paghalaw na ito ni Hudas Tadeo sa ginawang paghalaw ni San Pablo mula sa Mga Orakulo ni Epimenides. Ginawa ni Judas Tadeo ang paghalaw na ito upang patunayang totoo ang mga hula ni Enoc.[2] Nagwawakas ang aklat na may mga payo o pangaral para sa mga Kristiyano.[4]

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. English, Leo James (1977). "Hudas, Judas". Tagalog-English Dictionary (sa wikang Ingles). Congregation of the Most Holy Redeemer. ISBN 9710810731.{{cite ensiklopedya}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. 2.0 2.1 2.2 2.3 2.4 Abriol, Jose C. (2000). "Sulat ni Judas". Ang Banal na Biblia, Natatanging Edisyon, Jubileo A.D. Paulines Publishing House/Daughters of St. Paul (Lungsod ng Pasay) ISBN 9715901077.{{cite ensiklopedya}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. "Ang Sulat ni Judas". Ang Biblia/Bagong Magandang Balita Biblia (Lumang Tipan, Deuterocanonico at Bagong Tipan). Philippine Bible Society, Lungsod ng Batangas, Pilipinas. 2008.{{cite ensiklopedya}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  4. 4.0 4.1 4.2 4.3 "St. Jude Thaddeus." Devotional Exercises and Novena Prayers, Archdiocesan Shrine of St. Jude Thaddeus, Divine Word Missionaries, Gerard Kloesters, S.V.D. (nihil obstat), Alphonse Lesage (imprimi potest), Msgr. Jose N. Jovellanos, P.A., V.G. (imprimatur), Catholic Trade (Manila) Inc. (tagapaglathala), Hinglimco Enterprises, Inc. (tagapaglimbag) Maynila, Pilipinas, 1977.
  5. Church History, Eusebius
  6. Jude: 17-18
  7. Jude:3
  8. "USCCB - NAB - Jude". Inarkibo mula sa orihinal noong 2007-12-08. Nakuha noong 2012-06-13.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  9. Norman Perrin, (1974) The New Testament: An Introduction, p. 260
  10. Bauckham,RJ (1986), Word Biblical Commentary, Vol.50, Word (UK) Ltd. p.16
  11. Introduction to 2 Peter in Expositor's Bible Commentary, Ed. F.E.Gaebelein, Zondervan 1976-1992
  12. e.g. Terrance Callan, Use of the Letter of Jude by the Second Letter of Peter, in Biblica 85 (2004), pp. 42-64.
  13. e.g. John MacArthur 1, 2, 3, John Jude 2007 p101 "...closely parallels that of 2 Peter (2:1–3:4), and it is believed that Peter's writing predated Jude for several reasons: (1) Second Peter anticipates the coming of false teachers (2 Pet. 2:1–2; 3:3), whereas Jude deals with their arrival (vv. 4, 11–12, 17–18); and (2) Jude quotes directly from 2 Peter 3:3 and acknowledges that it is from an apostle (vv. 17–18)."
  14. Origen
  15. 15.0 15.1 James Charlesworth Old Testament Pseudepigrapha, p. 76, Google books link
  16. The Assumption of Moses: a critical edition with commentary By Johannes Tromp. P270
  17. Fahlbusch E., Bromiley G.W. The Encyclopedia of Christianity: P-Sh pag 411, ISBN 0-8028-2416-1 (2004)
  18. "Apocalyptic Literature" (column 220), Encyclopedia Biblica
  19. Clontz, T.E. and J., "The Comprehensive New Testament with complete textual variant mapping and references for the Dead Sea Scrolls, Philo, Josephus, Nag Hammadi Library, Pseudepigrapha, Apocrypha, Plato, Egyptian Book of the Dead, Talmud, Old Testament, Patristic Writings, Dhammapada, Tacitus, Epic of Gilgamesh", Cornerstone Publications, 2008, p.711, ISBN 978-0-9778737-1-5
  20. Robinson 2017, p. 10.
  21. Callan 2004, p. 43.
  22. e.g. Callan 2004, pp. 42–64.
  23. e.g. John MacArthur 1, 2, 3, John Jude 2007 p101 "...closely parallels that of 2 Peter (2:1–3:4), and it is believed that Peter's writing predated Jude for several reasons: (1) Second Peter anticipates the coming of false teachers (2 Peter 2:1–2; 3:3), whereas Jude deals with their arrival (verses 4, 11–12, 17–18); and (2) Jude quotes directly from 2 Peter 3:3 and acknowledges that it is from an apostle (verses 17–18)."
  24. Dale Martin 2009 (lecture). "24. Apocalyptic and Accommodation". Yale University. Accessed July 22, 2013.

Mga panlabas na kawing

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  • Sulat ni Judas (Jude), mula sa Ang Dating Biblia (1905)
  • Sulat ni Judas, Buong Bibliya sa wikang Tagalog, mula sa AngBiblia.net
  • Judas, Ang Salita ng Diyos (SND, 1998), Bibliyang Tagalog sa Internet (Bagong Tipan), BiblesInternational, BibleGateway.com