Nothing Special   »   [go: up one dir, main page]

Pumunta sa nilalaman

Batas

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
(Idinirekta mula sa Sharia)

Ang batas, sa pinakamalawak na kahulugan nito, ay ang kumpol na mga alituntunin na inilikha at ipinatutupad ng isang institusyong pampamahalaan o panlipunan awtoridad upang panatilihin ang pagkakaayos ng mga gawain.[1] Wala itong pangkalahatang tinatanggap o pinagkakasunduang kahulugan,[2][3][4] at karaniwang itinuturing bilang isang agham[5][6] at isang sining ng hustisya[7][8][9] sa kadahilanang ito.

Pilosopiya ng batas

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Ang pilosopiya ng batas ay karaniwang kilala bilang hurisprudensiya. Tinatanong ng hurisprudensiyang normatibo kung "ano ang magiging batas?", habang tinatanong ng hurisprudensiyang analitiko kung "ano ang batas?"

Tinatawag din na palabatasan ang hurisprudensiya na ang teoriya, pilosopiya, kaisipan, o diwa ng mga batas.[10] Ang mga dalubhasa sa palabatasan ay umaasang makakamit ng mas malalim na pag-unawa sa kalikasan ng batas, ng pangangatuwirang legal, mga sistemang legal, at ng mga institusyong legal. Bukod sa hurisprudensiyang analitiko (palabatasang mapanuri) at hurisprudensiyang normatibo (palabatasang makapamantayan), ang isa pang aspeto ng palabatasan ang batas na likas. Ang makabagong palabatasan o modernong hurisprudensiya ay nagsimula noong ika-18 dantaon at nakatuon sa unang mga prinsipyo ng likas na batas, ng batas na sibil, at ng batas ng mga bansa (batas ng mga nasyon).[11]

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Sa pangkalahatan, maaaring hatiin ang sistemang legal sa batas sibil at mga sistemang batas pangkaraniwan.[12] Sinasabi ng mga makabagong iskolar na humina ang kahalagaan ng pagkakaibang ito sa paglipas ng panahon. Batas panrelihiyon ang ikatlong uri ng sistemang legal, batay sa mga kasulatan. Ang partikular na sistema ng isang bansa na namamayani ay kadalasang tinutukoy sa kasaysayan nito, mga koneksyon sa ibang bansa, o pagsunod sa pamantayang pandaigdigan. Ang mga pinagmulan na pinagtitibay ng mga palabatasan bilang awtorisadong may bisa ay binibigyang kahulugan ang katangian ng kahit anumang sistemang legal.

Nakakodigong-kulay na mapa ng mga sistemang legal sa buong mund, na pinapakita ang mga sistemang legal na sibil, karaniwang batas, panrelihiyon, kustomaryo at halo-halo.[13] Ang mga sistemang karaniwang batas ay nasa kulay rosas, at ang batas sibil ay nakakulay bughaw/turkesa.
Unang pahina ng edisyong 1804 ng Kodigong Napaleoniko na opisyal na tinatawag na Kodigo Sibil ng Pranses

Ang batas sibil ay ang sistemang legal na ginagamit sa karamihan ng bansa sa buong mundo sa ngayon. Sa batas sibil, ang mga pinagmumulan na kinikilala bilang awtoratibo ay, sa pangunahin, ang lehislasyon o pagbabatas—lalo na pasasakodigo sa mga konstitusyon o kautusan na pinasa ng pamahalaan—at kustumbre.[a]

Batas pangkaraniwan

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Sa mga sistemang legal na batas pangkaraniwan, ang mga pasya ng mga korte ay tahasang kinikilala bilang "batas" na may pantay na pagtingin sa batas lehislatibo at mga regulasyong ehekutibo. Ang "doktrina ng pagkakasumundan" (o "doctrine of precedent"), o stare decisis (Latin para sa "manindigan sa mga pasya") ay nangangahulugang na ang mga kapasyahan ng mga mas mataas na korte ay binububuklod ang mas mababang korte upang matiyak na maabot ng kaparehong kaso ang kaparehong resulta. means that decisions by higher courts bind lower courts to assure that similar cases reach similar results. Sa pagtutulad, sa batas sibil, tipikal na mas detalyado ang mga batas lehislatibo, at mas maikli at hindi gaanong detalyo ang mga pasyang hudisyal, dahil nagsusulat lamang ng tagahatol upang pasyahan ang iisang kaso, sa halip na magbigay ng kadahilanan na gagabay ng mga korte sa hinaharap.

Batas panrelihiyon

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Tahasang nakabatay ang batas panrelihiyon sa mga tuntuning panrelihiyon. Halimbawa dito ang Halakha ng mga Hudyo at Sharia ng mga Islam—na parehong naisasalin bilang ang "daang susundan".

Hudaismo at Kristiyanismo

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Sa pananampalatayang katulad ng Hudaismo, Katolisismo at Kristiyanismo – partikular na sa Lumang Tipan ng Bibliya – tinatawag na Batas ang unang limang aklat ng Bibliya, na kilala rin bilang Tora (sa Hudaismo) at Pentateuko. Naglalaman ang unang limang aklat na mga ito ng lahat ng mga panuntunan o patakarang moral ng Diyos kung paano nararapat sambahin ng Israel ang Diyos, at kung paano rin sila dapat mamuhay bilang mga tao o mamamayan ng Diyos. Dahil sa pagiging likas na makasalanan ng lahat ng mga tao, hindi maaaring makagawa ng pangangatwiran ang Banal na Batas na ito ng Diyos, subalit naging tama at naaangkop si Hesus sa harapan ng Diyos bilang isang handog para sa mga tao ng Diyos. Tumutukoy din ang batas sa lahat ng praktikal na mga alituntuning nais ng Diyos na sundin ng tao, mga instruksiyon na tumutulong sa taong maipakita ang kanilang pagmamahal sa Diyos, at nagsasabing kung paano sila makapapamuhay ng mapayapa sa piling ng isa't isa. Bilang dagdag, itinuturo pa rin sa mga pananampalatayang ito na matatagpuan mula sa pagsunod sa perpektong Batas ng Diyos ang tunay na kalayaan ng tao na kinakatawan ng isang bagong utos ng Diyos: ang "mahalin ang bawat isa".[14]

Ang makatang si Saadi at isang a dervish na tumungo sa isang hukom (qadi) ng Sharia upang pagpasyahan ang kanilang awayan (ika-16 na dantaon na miniature o maliit na modelong Persa).

Ang Sharia ay ang katawan ng batas na pang-Islam, na isang panuntunan ng pag-uugali, o batas panrelihiyon, ng pananampalatayang Islam. Pinaniniwalaan ng maraming Muslim na ang Sharia ay hinango sa dalawang pangunahing sanggunian: ang mga atas na nasasaad sa Qur'an, at sa mga halimbawang ipinakita ng propetang si Muhamad ayon sa Sunnah.

Ang saklaw ng batas ay maaaring ihati sa dalawang dominyo: Ang pampublikong batas ay sumasaklaw sa pamahalaan at lipunan, kabilang ang batas konstitusyonal, batas administratibo, at batas kriminal; samantalang ang pribadong batas ay sumasakop sa larangan ng kontrata, pag-aari, pamiminsalang sinadya at batas komersyal.

Batas internasyonal

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Ang batas internasyonal ay maaaring tumukoy sa tatlong bagay: publikong internasyonal na batas, pribadong internasyonal na batas o alitan ng mga batas at ang batas ng supranasyonal na mga organisasyon

Maaaring buuin ang publkong internasyunal na batas ng mga samahang pandaigdigan tulad ng Mga Nagkakaisang Bansa (na naitatag pagkatapos na mabigo ang Liga ng mga Bansa na iwasan ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig),[b] ang Pandaigdigang Organisasyon sa Paggawa, ang Pandaigdigang Organisasyon ng Pangangalakal, o ang Pandaigdigang Pondong Pananalapi.

Batas pangkonstitusyon at administratibo

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Ang batas pangkonstitusyon at administratibo ay nangangasiwa sa mga isyu ng estado. Ang konstitusyonal na batas ay tumutungkol sa parehong ugnayan sa pagitan ng ehekutibo, lehislatura, at hudikatura at ang mga karapatang pantao o mga sibil na kalayaan ng mga indibiduwal laban sa estado.

Ang pundamental na prinsipyong pangkonstitusyon, na nakuha ang inspirasyon kay John Locke, ay sinasabing ang maaaring gawin ng isang indibiduwal ang kahit ano maliban kung pinagbabawal ito ng batas, at walang magagawa ang estado kung hindi iawtorisa ito sa pamamagitan ng batas.[16][17]

Batas pangkrimen

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Ang batas pangkrimen na kilala rin bilang batas pamparusa (o penal law) ay nauukol sa mga krimen at mga parusa.[18] Kaya, nireregula o inaayos nito ang depinisyon at mga parusa para sa mga paglabag na na natukoy na may sapat na mapanganib na epekto sa lipunan subalit sa sarili nito, hindi gumagawa ng moral na paghatol sa lumabag o nagpapataw ng mga restriksiyon sa lipunan na pisikal na pumipigil sa mga tao na gumawa ng krimen sa simula pa lamang.[19][20] Ang pag-iimbestiga, pagdakip, pagkakaso, at paglilitis sa mga sinusupetsahang manlalabag ay pinangagasiwaan ng batas ng kaparaanang pangkrimen. Ang modelong kaso ng isang krimen ay nakasalig sa pagpapatunay na lagpas sa makatuwirang pagdududa (beyond reasonable doubt) na ang taong ito ay talagang nagkasala sa dalawang bagay. Una, ang akusado ay dapat gumawa ng aktong itinuturing ng lipunan na kriminal o actus reus (aktong nagpapatunay na gumawa ng kasalanan). Ikalawa, ang akusado ay dapat may paunang malisyosong layunin na gumawa ng aktong kriminal o mens rea. Gayunpaman, sa mga istriktong pananagutan na mga krimen, sasapat ang actus reus. Ang mga sistemang kriminal ng tradisyong batas sibil ay nagbubukod sa pagitan ng intensiyon sa malawak na kahulugan (dolus directus at dolus eventualis) at kapabayaan. Ang kapabayaan ay hindi nagdadala ng kriminal na responsibilidad malibang ang isang partikular na krimen ay nagbibigay dito ng parusa. Ang halimbawa ng mga krimen ay kinabibilangan ng pagpatay, pag-atake, pandaraya at pagnanakaw. Sa mga eksepsiyonal na kalagayan, maaaring ilapat ang ang pagtatanggol sa mga partikular na akto gaya ng pagpatay sa isang pagtatanggol sa sarili o pagsasamo ng kabaliwan.

Batas pangkontrata

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Ang batas kontrata ay tumutungkol sa maipatutupad na mga pangako at sinusuma ng pariralang Latin na pacta sunt servanda (ang mga kasunduan ay dapat tuparin).[21] Sa mga huridiksyong ng karaniwang batas, tatlong susing elemento sa paglikha ng kontrata ang kinakailangan: alok at pagtanggap, konsiderasyon at ang intensyong lumikha ng relasyong legal.

Maling akto o pagsuway sa batas

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Ang ilang kamaliang sibil ay pinagsasama bilang maling akto (o tort) sa ilalim ng mga sistemang karaniwang batas at pagsuway sa batas (o delict) sa ilalim ng mga sistemang batas sibil.[22] Para makaakto ng mali, ang isang indibiduwal ay kailangang lumabag sa isang tungkulin ng isang pang indibiduwal, o nanghimasok sa ilang mayroon nang karapatang legal. Isang payak na halibawa ang hindi sinasadyang paghagis at pagtama ng bola ng isang bola sa pang indibiduwal.[23]

Batas ng pag-aaari

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Pinamamahalaanan ng batas ng pag-aari ang pagmamay-ari at ari-arian. Ang ari-ariang bahay at lupa (tinatawag sa Ingles na real property o real estate) ay tumutukoy sa pagmamay-ari ng lupa at anumang nakakabit dito.[24] Tumutukoy ang ari-ariang personal sa lahat ng iba pa, tulad ng mga kompyuter, kotse, alahas o mga karapatang di-nahahawakan, tulad ng sapi (o stock) at bahagi (share) sa kompanya.

  1. Kinikilala ng mga hurisdiksyon ng batas sibil ang kustumbre bilang "ang ibang pinagmumulan ng batas"; Civil law jurisdictions recognise custom as "the other source of law"; kaya naman, nakagawian ng mga iskolar ang hatiin ang batas sibil sa malawak na mga kategorya ng "sinulat na batas" (ius scriptum) o pagbabatas, at "di nakasulat na batas" (ius non-scriptum) or kustumbre. Subalit may ugali silang balewalain ang kustumbre o kaugalian bilang bahagyang mahalaga kumpura sa lehislasyon (Georgiadis, General Principles of Civil Law, 19; Washofsky, Taking Precedent Seriously, 7, sa Ingles).
  2. Kinumento ni Winston Churchill (The Hinge of Fate, 719) sa kabiguan ng Liga ng mga Barangay (sa wikang Ingles): "It was wrong to say that the League failed. It was rather the member states who had failed the League." (Mali na sabihin na nabigo ang Liga. Sa halip, ang kasaping estado ang binigo ang Liga.)[15]

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. Robertson 2006, p. 90.
  2. Willis 1926.
  3. Gibbs, Jack P. (1968). "Definitions of Law and Empirical Questions". Law & Society Review (sa wikang Ingles). 2 (3): 429–446. doi:10.2307/3052897. ISSN 0023-9216. JSTOR 3052897.{{cite journal}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  4. Akers, Ronald L. (1965). "Toward a Comparative Definition of Law". Journal of Criminal Law and Criminology (sa wikang Ingles). 56 (3): 301–306. doi:10.2307/1141239. ISSN 0022-0205. JSTOR 1141239. Inarkibo mula sa orihinal noong 19 Hulyo 2018. Nakuha noong 3 Enero 2020.{{cite journal}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  5. Spooner, Lysander (1882). Natural Law; or The Science of Justice: A Treatise on Natural Law, Natural Justice, Natural Rights, Natural Liberty, and Natural Society; Showing that All Legislation Whatsoever is an Absurdity, a Usurpation, and a Crime. Part First (sa wikang Ingles). A. Williams & Co. Inarkibo mula sa orihinal noong Disyembre 31, 2019. Nakuha noong 31 Disyembre 2019.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  6. Núñez Vaquero, Álvaro (10 Hunyo 2013). "Five Models of Legal Science". Revus. Journal for Constitutional Theory and Philosophy of Law / Revija za ustavno teorijo in filozofijo prava (sa wikang Ingles) (19): 53–81. doi:10.4000/revus.2449. ISSN 1581-7652. Inarkibo mula sa orihinal noong 31 Disyembre 2019. Nakuha noong 31 Disyembre 2019.{{cite journal}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  7. Cohen 1992.
  8. Rubin, Basha (13 Enero 2015). "Is Law an Art or a Science?: A Bit of Both". Forbes (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa orihinal noong Nobyembre 3, 2018.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  9. Berger 1953, p. 525.
  10. Gaboy, Luciano L. Jurisprudence, hurisprudensiya, palabatasan - Gabby's Dictionary: Praktikal na Talahuluganang Ingles-Filipino ni Gabby/Gabby's Practical English-Filipino Dictionary, GabbyDictionary.com.
  11. "Jurisprudence", Black's Law Dictionary
  12. Pejovic, Caslav (2001). "Civil Law and Common Law: Two Different Paths Leading to the Same Goal". Victoria University of Wellington Law Review. 32 (3): 817. doi:10.26686/vuwlr.v32i3.5873. Inarkibo mula sa orihinal noong 8 Setyembre 2019. Nakuha noong 31 Disyembre 2019.{{cite journal}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  13. "Alphabetical Index of the 192 United Nations Member States and Corresponding Legal Systems". JuriGlobe. University of Ottawa. Inarkibo mula sa orihinal noong 22 Hulyo 2016. Nakuha noong 1 Enero 2020.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  14. The Committee on Bible Translation (1984). "Law". The New Testament, God's Word, The Holy Bible, New International Version (NIV). International Bible Society, Colorado, USA.{{cite ensiklopedya}}: CS1 maint: date auto-translated (link), Dictionary/Concordance, pahina B6 at B7. (sa Ingles)
  15. "History of the UN". About the United Nations/History (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa orihinal noong 18 Pebrero 2010. Nakuha noong 1 Setyembre 2008.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  16. Locke, The Second Treatise, Kabanata 9, seksyon 124 (sa Ingles)
  17. Tamanaha, On the Rule of Law, 47 (sa Ingles)
  18. Ang tratado ni Cesare Beccaria noong 1763–1764 ay pinamagatang On Crimes and Punishments (Dei delitti e delle pene).
  19. Brody, Acker & Logan 2001, p. 2.
  20. Wilson 2003, p. 2.
  21. Wehberg, Pacta Sunt Servanda, 775 (sa Ingles)
  22. Lee, R. W. (Abril 1918). "Torts and Delicts". Yale Law Journal (sa wikang Ingles). 27 (6): 721–730. doi:10.2307/786478. ISSN 0044-0094. JSTOR 786478. Inarkibo mula sa orihinal noong 1 Enero 2020. Nakuha noong 1 Enero 2020.{{cite journal}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  23. Bolton v Stone [1951] AC 850 (sa Ingles)
  24. e.g. Hunter v Canary Wharf Ltd [1997] 2 All ER 426 Naka-arkibo 22 September 2017 sa Wayback Machine.