Nothing Special   »   [go: up one dir, main page]

Pumunta sa nilalaman

Salamangka (bilis ng kamay)

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Si Howard Thurston, isang kilalang madyisyan mula sa Estados Unidos. Sinasaad sa poster na ang katagang "Thurston, pinakatanyag na salamangkero ng mundo, ang kahanga-hangang palabas sa uniberso."

Ang salamangka[1] o hokuspokus[2] (Ingles: sleight of hand) ay isang uri ng talentong ginagamitan ng bilis ng kamay. Bagaman kadalasan at tuwirang tumutukoy ito sa isang gawain na pagbibigay ng kasiyahan sa mga manonood habang nagtatanghal ng pagsasalamangka katulad ng pagsasagawa ng mga ilusyon ng mga naglalahong baraha o salapi, maaari rin itong tumukoy sa mapanlinlang, mapanloko, at mapandayang gawain. Halimbawa ng huli ang pagtatakip ng isang kahero ng mga kwenta para maitago ang ginawa niyang pagnanakaw mula sa kaha ng pera. Tinatawag na mga salamangkero, madyikero, madyisyan, at magician ang mga may kasanayan sa pagsasalamangka.[2]

  1. Salamangka, trick, legerdemain Naka-arkibo 2016-03-06 sa Wayback Machine., Tagalog English Dictionary, Bansa.org
  2. 2.0 2.1 English, Leo James (1977). "Salamangka, hokuspokus, madyisyan, tinatanggap sa Tagalog ang baybay na magician". Tagalog-English Dictionary (sa wikang Ingles). Congregation of the Most Holy Redeemer. ISBN 9710810731.{{cite ensiklopedya}}: CS1 maint: date auto-translated (link)


Usbong Ang lathalaing ito ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.