Nothing Special   »   [go: up one dir, main page]

Pumunta sa nilalaman

Leo James English

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya

Si Padre Leo James English, C.Ss.R. (Agosto 1907–1997) ay isang taga-Australia na taga-lipon at editor ng dalawa sa mga pinakaunang pinakagamiting diksiyunaryong pang-dalawang wika sa Pilipinas.

Isa siyang miyembro ng mga Redemptorist o Kongregasyon ng Kabanal-banalang Tagapag-ligtas (Congregation of the Most Holy Redeemer), isang samahang relihiyoso na nagsasagawa ng mga misyon sa Pilipinas na gumagamit ng mga lokal na wika na may pitumpong taon.[1][2]

Si Padre English rin ang kaunaunahang nagsagawa ng tanyag ng Novenario sa Baclaran Church na noong Hunyo 23 1948. [3]

Ang mga diksiyunaryo ni Padre English

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Si Padre English ang may-akda ng dalawang magkatuwang na diksiyunaryo, ang Diksiyunaryong Ingles-Tagalog (English-Tagalog Dictionary) (1965) at ang Diksiyunaryong Tagalog-Ingles (Tagalog-English Dictionary) (1986).

Itong dalawahang diksiyunaryo ang pinagmulan ng paglalathala ng iba pang mga katulad na diksiyunaryo at mga tesoro sa Pilipinas kabilang ang mga inakdaan ni Pilipinong taga-lipon na si Vito C. Santos, kung saan kabilang ang Vicassan's Pilipino-English Dictionary (Bagong Diksiyunaryong Pilipino-Ingles ni Vicassan) at New Vicassan's English-Pilipino Dictionary (1995) (Bagong Diksiyunaryong Ingles-Pilipino ni Vicassan). Ipinagbigay-alam ni Padre James English sa diksiyunaryo Tagalog-English Dictionary na kinonsultahin niya ang diksiyunaryo ng Pilipino-Ingles ni Vito Santos bilang sanggunian habang kinukumpleto ang kanyang Tagalog-English Dictionary. Dating nakatuwang sa trabaho si Vito C. Santos ni Padre English.[1][2]

Naging malaki ang impluwensiya ng mga diksiyunaryo ni Padre English's sa pagpapalawig at pagkakalat ng wikang Pilipino sa Pilipinas.

Kung ikukumpara kay James Murray, isang leksikograpo at may-akda ng Diksiyunaryong Ingles ng Oxford (Oxford English Dictionary), nasaksikhan ni Padre English ang matagumpay na pagkaka-kumpleto ng kanyang mga diksiyunaryo na isinagawa sa loob ng 51 taon bilang nagsisilbing relihiyoso sa Pilipinas.

Mga kaugnay na kawing

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Iba pang mga diksiyunaryo ng mga wika sa Pilipinas

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  • An English–Cebuano Visayan Dictionary (Isang Diksiyunaryong Inggles-Bisayang Sebwano) ni Rodolfo Cabonce, Lungsod ng Maynila, Pilipinas: National Book Store, 1983
  • Ilokano Dictionary (Diksiyunaryong Ilokano) ni Ernesto Constantino, Honolulu: Palimbagan ng Pamantasan ng Hawaii, 1971
  • Filipino-English Dictionary (Diksiyunaryong Pilipino-Ingles) ng Komisyon sa Wikang Filipino, Pasig, Lungsod ng Maynila, 1993
  • JVP English-Filipino Thesaurus-Dictionary JVP Diksiyunaryo at Tesorong Ingles-Pilipino, Lungsod ng Maynila, Mhelle L. Publications (Palimbagang Mhelle L.), 1988
  • Vicassan's Pilipino-English Dictionary (Diksiyunaryong Pilipino-Ingles) ni Vito C. Santos, Lungsod ng Maynila, National Book Store, 1988
  • Tagalog Slang Dictionary (Diksiyunaryo ng mga Islang sa Tagalog) ni R. David Paul Zorc, Maynila, Palimbagan ng Pamantasan ng De la Salle, 1993
  • Lim Filipino-English English-Filipino Dictionary ni Ed Lim, Lulu.com, 2008 ISBN 9780557038008

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. 1.0 1.1 Diksiyunaryong Ingles-Tagalog ni Leo James English, Kongregasyon ng Kabanalbanalang Tagapag-ligtas, Maynila, 1211 mga dahon, ASIN B0007B8MGG
  2. 2.0 2.1 Diksiyunaryong Tagalog-Ingles ni Leo James English, Kongregasyon ng Kabanalbanalang Tagapag-ligtas, Maynila, ipinamamahagi ng National Book Store, 1583 mga dahon, ISBN 971910550X
  3. "Baclaran Church", Wikipedia (sa wikang Ingles), 2022-07-24, nakuha noong 2022-08-22{{citation}}: CS1 maint: date auto-translated (link)