Nothing Special   »   [go: up one dir, main page]

Pumunta sa nilalaman

Saklay

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Isang pilay na nakasaklay

Ang saklay ay isang kagamitan na dagliang nakakatulong sa paglipat ng bigat mula sa mga biyas patungo sa itaas na bahagi ng katawan. Kadalasan itong ginagamit ng mga taong hindi magamit ang kanilang biyas o binti para maalalayan ang kanilang timbang. May iba't ibang mga kadahilanan kung bakit hindi magamit ang binti para masuportahan ang sariling bigat. Ito ay maaring dahil sa panandaliang pinsala o kaya'y dahil sa habambuhay na pagkapilay o pagkalumpo.

May iba't ibang uri ng mga saklay.

Isang uri ng saklay na mayroong lupi sa itaas upang mailagay ang bisig ay tinatawag na saklay na Lofstrand. Ito ay ang mga uri ng pinaka-karaniwang ginagamit sa Europa.

Ginagamit ang mga saklay na axillary sa pamamagitan ng paglalagay ng sapin sa tadyang sa ilalim ng kilikili at may hawakan sa may gitna nito.

Hindi gaanong karaniwang ang mga saklay na plataporma at kadalasang ginagamit ito ng mga taong hindi makahawak ng mabuti dahil sa rayuma, cerebral palsy at iba pang karamdaman. Nakakapahinga ang mga bisig sa isang pahalang na plataporma at tinatali ito. Mailalagay ang kamay sa hawakan na kung maayos na nagawa ay maaring ibahin ang anggulo batay sa kapinsalaan ng gagamit.

Suporta sa binti

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Ang mga hindi tradisyunal na mga saklay na sumusuporta sa binti ay kapakipakinabang para sa mga taong may pinsala o pagkabaldado sa mababang bahagi ng binti lamang.