Nothing Special   »   [go: up one dir, main page]

Pumunta sa nilalaman

Europa

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Europa
Europe
Ang Lokasyon ng Europa sa Mundo
Watawat Ang watawat ng Europa
Lawak 10,180,000 km² (3,930,000 sq mi)o[›]
Populasyon 742,500,000o[›]
Kapal ng Populasyon 73/km² (188/sq mi)
Mga Bansa ca. 50
Demonym Europeo
Wikang Pamilya Indo-Europeo
Finno-Ugric
Altaic
Basque
Semitic
North Caucasian
Pinakamalaking Lungsod Istanbul (trans- kontinental na lungsod sa pagitan ng Asia at Europa), Moscow, London, Saint Petersburg, Paris, Madrid, Berlin, Rome, Athens, Kiev
Time Zone UTC (Iceland) to UTC+5 (Russia, MSK+2)

Ang Europa ay isa sa pitong kontinente ng daigdig. Matatagpuan sa silangan ng Europa ang mga Kabundukang Ural at Caucasus, ang Ilog Ural, ang Dagat Caspian, ang Dagat Itim, ng mga daluyan ng tubig na nag-uugnay sa Dagat Itim at Dagat Egeo. Sa hilaga naman, katabi ng Europa ang Karagatang Artiko at ng iba pang mga anyong-tubig. Ang Karagatang Atlantiko ay nasa kanluran naman ng Europa at ang Dagat Mediteraneo ay nasa timog ng kontinente na ito samantalang ang iba pang mga parte ng Dagat Itim ay matatagpuan sa timog-silangan at ang iba pang daluyan ng tubig. Subalit, ang mga hangganan ng Europa ay na impluwensiyahan ng mga sanhing may kinalaman sa politika at kultura ng rehiyon.

Ang Europa, base sa laki at lawak ng lupain, ay ang pangalawang pinakamaliit na kontinente sa mundo na mayroong 10,180,000 kilometrong kuwadrado. Ang mga lupain ng Europa ay ang mga bumubuo ng mahigit 2% ng mundo at mahigit 6.8% ng mga lupain ng mundo. Ang Rusya ay ang pinamalaking bansa sa Europa kung pagbabasehan sa lawak at laki ng lupain at ang Banal na Lungsod ng Vaticano ay ang pinakamaliit.

Ang Europa ay isa ring kontinente ng kasaysayan sapagkat ito ang itinuturing na ang lugar na kapanganakan ng kulturang Kanluranin at dito rin lumaki at lumago ang mga makalumang sibilisasyon ng Sinaunang Roma at ng Sinaunang Gresya. May malaking ginanap na papel ang kontinente ng Europa sa kasaysayan na mapapatunayan sa mga pangyayari at mga naganap rito noong mga iba't ibang panahon na nakalipas. Mapapatunayan ito sa mga ika-14 at ika-16 na siglo na ang Europa ay may malaking ginanap sa kolonyalismo ng mga iba't ibang parte ng mundo. Ang Unang Digmaang Pandaigdig at ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig ay nakasentro rin sa Europa. Sa Digmaang Malamig naman, ang Europa ay hinati sa dalawang parte, ang isa na panig sa NATO at isa sa Unyong Sobyet. Sa taong 1991 naman nagawa ang organisasyong Unyong Europeo na naglalayong pagkaisahin ang buong kontinente.

Mga teritoryo ng mga Bansa sa Europa at rehiyon

[baguhin | baguhin ang wikitext]
Pangalan ng rehiyon at
teritoryo, kasama ang watawat
Lawak
(km²)
Populasyon
Kapal ng Populasyon
(bawat km²)
Kabisera
Albanya Albanya 28,748 3,600,523 125.2 Tirana
Andorra Andorra 468 68,403 146.2 Andorra la Vella
Armenya Armeniak[›] 29,800 3,229,900 101 Yerevan
Austria Austria 83,858 8,169,929 97.4 Vienna
Azerbaijan Azerbaijanl[›] 86,600 8,621,000 97 Baku
Belarus Belarus 207,600 10,335,382 49.8 Minsk
Belhika Belhika 30,510 10,274,595 336.8 Bruselas
Bosnia at Herzegovina Bosnia at Herzegovina 51,129 4,448,500 77.5 Sarajevo
Bulgaria Bulgarya 110,910 7,621,337 68.7 Sofia
Croatia Croatia 56,542 4,437,460 77.7 Zagreb
Cyprus Tsipree[›] 9,251 788,457 85 Nicosia
Republikang Tseko Republikang Tseko 78,866 10,256,760 130.1 Praga
Denmark Dinamarka 43,094 5,368,854 124.6 Copenhague
Slovakia Eslobakya 48,845 5,422,366 111.0 Bratislava
Slovenia Eslobenya 20,273 1,932,917 95.3 Ljubljana
Espanya Espanya 504,851 45,061,274 89.3 Madrid
Estonia Estonia 45,226 1,415,681 31.3 Tallinn
Finland Finland 336,593 5,157,537 15.3 Helsinki
Pransiya Pransiyah[›] 547,030 59,765,983 109.3 Paris
Heorhiya Georgia m[›] 69,700 4,661,473 64 Tbilisi
Alemanya Alemanya 357,021 83,251,851 233.2 Berlin
Greece Gresya 131,940 10,645,343 80.7 Atenas
Hilagang Macedonia Hilagang Macedonia 25,333 2,054,800 81.1 Skopje
Hungary Hungary 93,030 10,075,034 108.3 Budapest
Iceland Iceland 103,000 307,261 2.7 Reikiavik
Republic of Ireland Irlanda 70,280 4,234,925 60.3 Dublin
Italya Italya 301,230 58,751,711 191.6 Roma
Kazakhstan Kazakhstanj[›] 2,724,900 15,217,711 5.6 Nur-Sultan
Latvia Latbiya 64,589 2,366,515 36.6 Riga
Liechtenstein Liechtenstein 160 32,842 205.3 Vaduz
Lithuania Lithuania 65,200 3,601,138 55.2 Vilna
Luxembourg Luxembourg 2,586 448,569 173.5 Luxembourg
Malta Malta 316 397,499 1,257.9 Valletta
Moldova Moldovab[›] 33,843 4,434,547 131.0 Chişinău
Monaco Monaco 1.95 31,987 16,403.6 Monaco
Montenegro Montenegro 13,812 616,258 44.6 Podgorica
Netherlands Netherlandsi[›] 41,526 16,318,199 393.0 Amsterdam
Norway Noruwega 324,220 4,525,116 14.0 Oslo
Poland Polonya 312,685 38,625,478 123.5 Varsovia
Portugal Portugalf[›] 91,568 10,409,995 110.1 Lisboa
Romania Romania 238,391 21,698,181 91.0 Bucharest
Rusya Rusyac[›] 17,075,400 142,200,000 26.8 Moscow
San Marino San Marino 61 27,730 454.6 San Marino
Serbiya Serbia[1] 88,361 7,495,742 89.4 Belgrado
Suwesya Suwesya 449,964 9,090,113 19.7 Estokolmo
Switzerland Suwisa 41,290 7,507,000 176.8 Bern
Turkey Turkeyn[›] 783,562 71,517,100 93 Ankara
Ukraine Ukraine 603,700 48,396,470 80.2 Kiev
United Kingdom Reyno Unido 244,820 61,100,835 244.2 Londres
Lungsod ng Vaticano Lungsod ng Vaticano 0.44 900 2,045.5 Lungsod ng Vaticano
Total 10,180,000o[›] 731,000,000o[›] 70

Mga Larawan ng Europa

[baguhin | baguhin ang wikitext]
Rehiyon ng Europa
Europa 1000

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]


EuropaHeograpiya Ang lathalaing ito na tungkol sa Europa at Heograpiya ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.