Nothing Special   »   [go: up one dir, main page]

Pumunta sa nilalaman

Miyerkules ng Abo

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Miyerkules ng Abo
Isang krus ng abo sa noo ng sumasamba sa Miyerkules ng Abo
Ipinagdiriwang ngKanluraning Kristiyano
UriKristiyano
Mga pamimitaganSerbisyon ng pagsamba o Misa
Paglalagay ng abong krus sa noo
PetsaPinakamaaga sa Pebrero 4 hanggang pinakahuli sa Marso 10
Kaugnay saMartes de Carnaval/Mardi Gras
Mahal na Araw
Pasko ng Pagkabuhay

Sa kalendaryo ng Kanluraning Kristiyano, ang Miyerkules ng Abo[1] ay ang unang araw ng Kuwaresma at pumapatak apatnapu't-anim na araw (apatnapu kapag hindi binibilang ang mga Linggo) bago ang Pasko ng Pagkabuhay. Nagaganap ito sa iba't ibang araw bawat taon, dahil nakabatay ito sa petsa ng Pasko ng Pagkabuhay; maaaring pumatak ito ng pinakamaaga sa Pebrero 4 o pinakahuli sa Marso 10.

Nakuha ng Miyerkules ng Abo ang pangalan nito sa paglalagay ng abo sa noo ng namamalampalataya bilang tanda ng pagsisisi. Kinukuha ang mga palaspas sa nakaraang Linggo ng Palaspas upang sunugin at gawing abo para sa pistang ito. Sa ibang kasanayang pang-liturhiya ng ibang mga simbahan, hinahalo ang abo sa Langis ng mga Katehumen[2] (isa sa mga banal na langis na ginagamit sa pagpahid sa mga bibinyagan), bagaman ginagamit ng ibang simbahan ang pangkaraniwang langis. Ginagamit ang abo at langis ng paring mangunguna sa misa o serbisyo upang makagawa ng antanda ng krus, una sa kanyang sariling noo at sa bawat taong luluhod sa kanya sa baranda ng altar. Pagkatapos sasabihin ng pari ang mga salitang: "Tandaan mo na nagmula ka sa alikabok, at sa alikabok ka rin babalik."

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. English, Leo James (1977). "Sinisa, senisa, Miyerkules-de-Senisa". Tagalog-English Dictionary (sa wikang Ingles). Congregation of the Most Holy Redeemer. ISBN 9710810731.{{cite ensiklopedya}}: CS1 maint: date auto-translated (link), pahina 1240.
  2. Nakakabit ito sa simula ng Mahal na Araw kasama ang orihinal na layunin: ang huling paghahanda ng mga Katehumen para sa binyag.