Nothing Special   »   [go: up one dir, main page]

Pumunta sa nilalaman

Liberalismo

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya

Ang liberalismo ay isang pampulitika at moral na pilosopiya na nakabatay sa mga karapatan ng indibiduwal, libertad, pagsang-ayon ng pinamamahalaan, pagkakapantay-pantay sa pulitika, karapatan sa pribadong pag-aari at pagkakapantay-pantay sa harap ng batas.[1][2] Sinusuportahan ng mga liberal ang iba't-ibang at madalas na magkaaway na pananaw depende sa kanilang pag-unawa sa mga prinsipyong ito subalit sinusuporta sa pangkalahatan ang pribadong pag-aari, ekonomiyang pampamilihan, mga karapatang pang-indibiduwal (kabilang ang mga karapatang sibil at karapatang pantao), demokrasyang liberal, sekularismo, tuntunin ng batas, kalayaan sa ekonomiya at pulitika, kalayaang makapagsalita, kalayaan sa pamamahayag, kalayaan sa pagpupulong, at kalayaang pang-relihiyon,[2][3][4][5][6][7][8][9] pamahalaang konstitusyonal at karapatan sa pagkapribado.[10] Madalas na binabanggit ang liberalismo bilang ang nangingibabaw na ideolohiya ng modernong kasaysayan.[11][12]

Hinanap at itinatag ng mga liberal ang isang kaayusang pangkonstitusyon na pinahahalagahan ang mahahalagang indibiduwal na kalayaan, tulad ng kalayaang makapagsalita at kalayaang sumali sa isang samahan; isang independiyenteng hudikatura at pampublikong paglilitis ng hurado; at ang abolisyon ng mga pribilehiyong aristokrata.[13] Ang mga sumunod na yugto ng modernong liberal na pag-iisip at pakikibaka ay malakas na naimpluwensyahan ng pangangailangang palawakin ang mga karapatang sibil.[14] Nagtaguyod ang mga liberal ng pagkakapantay-pantay ng kasarian at lahi sa kanilang pagpupursige na isulong ang mga karapatang sibil, at nakamit ng mga pandaigdigang kilusang karapatang sibil noong ika-20 dantaon ang ilang mga layunin patungo sa parehong mga mithiin. Kabilang sa iba pang mga layunin na kadalasang tinatanggap ng mga liberal ang unibersal na pagboto at unibersal na pagkuha ng edukasyon. Sa Europa at Hilagang Amerika, ang pagtatatag ng liberalismong panlipunan (madalas na tinatawag sa pinapayak na liberalismo sa Estados Unidos) ay naging isang mahalagang bahagi sa pagpapalawak ng kapakanang pang-estado. May liberal na mga ugat ang mga pangunahing elemento ng kontemporaryong lipunan at patuloy ang mga partiodng liberal na gumagamit ng kapangyarihan at impluwensiya sa buong mundo. Ginawang popular ng unang yugto ng liberalismo ang indibiduwalismo pang-ekonomiya habang pinalawak ang pamahalaang pang-konstitusyon at parlyamentaryong awtoridad.[13]

Etimolohiya at kahulugan

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Mababakas ang katawagang liberal, libertad, libertaryo, at libertino sa kanilang etimolohiya na liber, isang salitang-ugat mula sa Latin na nangangahulugang "malaya".[15] Isa sa mga unang okasyon na naitala ang salitang liberal ay naganap noong 1375 nang ito ay ginamit upang ilarawan ang liberal na sining sa konteksto ng isang edukasyong kanais-nais para sa isang malayang ipinanganak na tao.[15] Dagling nagbigay-daan ang maagang koneksyon ng salita sa klasikong edukasyon sa isang medyebal na unibersidad sa paglaganap ng iba't ibang denotasyon at konotasyon. Maaring tukuyin ang liberal bilang "malaya sa pagkakaloob" na pinakamaagang ginamit noong 1387, "ginawa nang walang limitasyon" noong 1433, "malayang pinahihintulutan" noong 1530, at "malaya sa pagpigil"—kadalasan bilang isang peyoratibo o nakakasirang pananalita—noong ika-16 at ika-17 dantaon.[15]

Dilaw ang pampulitikang kulay na pinakakaraniwang nauugnay sa liberalismo.[16][17] Sa Pilipinas, kilala ang Partido Liberal sa kulay dilaw[18] na naikakabit din ang kulay sa mag-asawang sina dating Senador Benigno Aquino Jr. at dating Pangulong Corazon Aquino.[19] Kadalasang nakikitang nakakulay dilaw si Corazon Aquino simula noong pinaslang ang kanyang asawa nang bumaba sa eroplano noong 1983.[20] Bago nito, may mga tagasuporta ni Benigno ang nagsabit ng mga dilaw na sagisag tungo sa paliparan.[20] Noong panunugkulan ni Pangulong Rodrigo Duterte, tinutukoy ang Partido Liberal at lahat ng may kaugnayan sa mga Aquino bilang mga "dilawan"[21][22][23] na kadalasang bilang peyoratibo o nakakasirang pagtawag.[20]

Sa Europa at Amerikang Latino, nangangahulugan ang liberalismo bilang isang katamtamang anyo ng klasikong liberalismo at kinabibilangan ng parehong liberalismong konserbatibo (gitnang-kanang liberalismo) at liberalismong panlipunan (gitnang-kaliwang liberalismo).[24] Sa Hilagang Amerika, halos eksklusibong tumutukoy ang liberalismo sa liberalismong panlipunan. Ang nangingibabaw na partido sa Canada ay ang Partido Liberal, at karaniwang itinuturing ang Partido Demokratiko na liberal sa Estados Unidos.[25][26][27] Sa Estados Unidos, karaniwang tinatawag na mga konserbatibo sa malawak na kahulugan ang mga konserbatibong liberal.[28][29] Sa kontekstong Amerikano, kadalasang peyoratibo na tawag ang liberal.[30]

Ang Areopagitica ni John Milton (1644) ay nagpahayag para sa kahalagahan ng kalayaan sa pagsasalita .

Ang liberalismo—kapwa bilang isang agos pampulitika at isang tradisyong intelektuwal na tradisyon—ay isang modernong kaisipan na nagsimula noong ika-17 dantaon, bagama't may mga pasimula ang ilang mga ideyang pampilosopiyang liberal noong klasikong sinaunang panahon at Tsinong Imperyal.[31][32] Pinuri ng Emperador Romano na si Marco Aurelio "ang ideya ng isang pamahalaang pinangangasiwaan patungkol sa pantay na karapatan at pantay na kalayaan sa pagsasalita, at ang ideya ng isang makaharing pamahalaan na gumagalang higit sa lahat sa kalayaan ng pinamamahalaan".[33] Nakilala rin ng mga iskolar ang maraming prinsipyong pamilyar sa mga kontemporaryong liberal sa mga gawa ng ilang Sopista at ang Funeral Oration (Orasyon sa Libing) ni Perikles.[34] Paghahantong ang pilosopiyang liberal ng isang malawak na intelektuwal na tradisyon na nagsuri at nagpasikat sa ilan sa mga pinakamahalaga at kontrobersyal na prinsipyo ng makabagong mundo. Nailalarawan ng napakalaking resultang pang-iskolar bilang naglalaman ng "kayamanan at pagkakaiba-iba", subalit kadalasang nangangahulugan ang pagkakaiba-iba na iyon na nagmula ang liberalismo sa iba't ibang mga pormulasyon at nagpapakita ng hamon sa sinumang naghahanap ng malinaw na kahulugan.[35]

Pagpuna at suporta

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Ang liberalismo ay umani ng kritisismo at suporta mula sa iba't ibang pangkat pang-ideolohiya sa buong kasaysayan nito. Sa kabila ng mga masalimuot na relasyon na ito, ipinahayag ng ilang mga iskolar ang liberalismo ay talagang "tinatanggihan ang ideolohikal na pag-iisip" sa kabuuan, karamihan dahil maaaring humantong ang gayong pag-iisip sa mga inaasahang hindi makatotohanan para sa lipunan ng tao.[36]

Liberalismong panlipunan

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Ang liberalismong panlipunan[a] ay isang pilosopiyang pampolitika at kategorya ng liberalismo na sinasang-ayunan ang katarungang panlipunan, mga serbisyong panlipunan, isang ekonomiyang magkahalo, at ang pagpapalawak ng karapatang sibil at pampolitika, salungat sa klasikong liberalismo na sinsuporta ang di-kinokontrol na kapitalismong laissez-faire na may napakaliit na mga serbisyo ng pamahalaan.

  1. Kilala din bilang bagong liberalismo sa Reyno Unido,.[37][38] makabagong liberalismo sa Estados Unidos (kung saan simpleng tinatawag ito bilang liberalismo),[39][40] makakaliwang-liberalismo (Aleman: Linksliberalismus) sa Alemanya,[41][42][43] at progresibong liberalismo (Kastila: liberalismo progresista) sa mga bansang nagsasalita ng Kastila (Aleman: Sozialliberalismus, Kastila: socioliberalismo, Olandes: Sociaalliberalisme o sosyoliberalismo)

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. "liberalism In general, the belief that it is the aim of politics to preserve individual rights and to maximize freedom of choice." Concise Oxford Dictionary of Politics, Iain McLean and Alistair McMillan, Ikatlong edisyon 2009, ISBN 978-0-19-920516-5. (sa Ingles)
  2. 2.0 2.1 Dunn, John (1993). Western Political Theory in the Face of the Future (sa wikang Ingles). Cambridge University Press. ISBN 978-0-521-43755-4. political rationalism, hostility to autocracy, cultural distaste for conservatism and for tradition in general, tolerance, and ... individualism.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. Hashemi, Nader (2009). Islam, Secularism, and Liberal Democracy: Toward a Democratic Theory for Muslim Societies (sa wikang Ingles). Oxford University Press. ISBN 978-0-19-971751-4 – sa pamamagitan ni/ng Google Books. Liberal democracy requires a form of secularism to sustain itself{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  4. Donohue, Kathleen G. (19 Disyembre 2003). Freedom from Want: American Liberalism and the Idea of the Consumer. New Studies in American Intellectual and Cultural History (sa wikang Ingles). Johns Hopkins University Press. ISBN 978-0-8018-7426-0. Nakuha noong 31 Disyembre 2007 – sa pamamagitan ni/ng Google Books. Three of them – freedom from fear, freedom of speech, and freedom of religion – have long been fundamental to liberalism.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  5. "The Economist, Volume 341, Issues 7995–7997". The Economist (sa wikang Ingles). 1996. Nakuha noong 31 Disyembre 2007 – sa pamamagitan ni/ng Google Books. For all three share a belief in the liberal society as defined above: a society that provides constitutional government (rule by law, not by men) and freedom of religion, thought, expression and economic interaction; a society in which ... .{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  6. Wolin, Sheldon S. (2004). Politics and Vision: Continuity and Innovation in Western Political Thought (sa wikang Ingles). Princeton University Press. ISBN 978-0-691-11977-9. Nakuha noong 31 Disyembre 2007 – sa pamamagitan ni/ng Google Books. The most frequently cited rights included freedom of speech, press, assembly, religion, property, and procedural rights{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  7. Firmage, Edwin Brown; Weiss, Bernard G.; Welch, John Woodland (1990). Religion and Law: Biblical-Judaic and Islamic Perspectives (sa wikang Ingles). Eisenbrauns. ISBN 978-0-931464-39-3. Nakuha noong 31 Disyembre 2007 – sa pamamagitan ni/ng Google Books. There is no need to expound the foundations and principles of modern liberalism, which emphasises the values of freedom of conscience and freedom of religion{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  8. Lalor, John Joseph (1883). Cyclopædia of Political Science, Political Economy, and of the Political History of the United States (sa wikang Ingles). Nabu Press. p. 760. Nakuha noong 31 Disyembre 2007. Democracy attaches itself to a form of government: liberalism, to liberty and guarantees of liberty. The two may agree; they are not contradictory, but they are neither identical, nor necessarily connected. In the moral order, liberalism is the liberty to think, recognised and practiced. This is primordial liberalism, as the liberty to think is itself the first and noblest of liberties. Man would not be free in any degree or in any sphere of action, if he were not a thinking being endowed with consciousness. The freedom of worship, the freedom of education, and the freedom of the press are derived the most directly from the freedom to think.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  9. "Liberalism". Encyclopedia Britannica (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2021-06-16.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  10. Wright, Edmund, pat. (2006). The Desk Encyclopedia of World History (sa wikang Ingles). New York: Oxford University Press. p. 374. ISBN 978-0-7394-7809-7.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  11. Wolfe, p. 23. (sa Ingles)
  12. Adams, Ian (2001). "2: Liberalism and democracy". Political Ideology Today. Politics Today (sa wikang Ingles) (ika-Ikalawang (na) edisyon). Manchester and New York: Manchester University Press. ISBN 0-7190-6019-2.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  13. 13.0 13.1 Gould, p. 3.(sa Ingles)
  14. Worell, Judith. Encyclopedia of women and gender, Volume I. Amsterdam: Elsevier, 2001. ISBN 0-12-227246-3 (sa Ingles)
  15. 15.0 15.1 15.2 Gross, p. 5.(sa Ingles)
  16. Adams, Sean; Morioka, Noreen; Stone, Terry Lee (2006). Color Design Workbook: A Real World Guide to Using Color in Graphic Design (sa wikang Ingles). Gloucester, Mass.: Rockport Publishers. pp. 86. ISBN 1-59253-192-X. OCLC 60393965.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  17. Kumar, Rohit Vishal; Joshi, Radhika (Oktubre–Disyembre 2006). "Colour, Colour Everywhere: In Marketing Too". SCMS Journal of Indian Management (sa wikang Ingles). 3 (4): 40–46. ISSN 0973-3167. SSRN 969272.{{cite journal}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  18. "[WATCH] Yellow out, pink is in: Robredo runs for president as an independent". RAPPLER (sa wikang Ingles). 2021-10-07. Nakuha noong 2024-05-21.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  19. "Opinion | Benigno Aquino's lost liberal 'yellow' legacy in the Philippines". South China Morning Post (sa wikang Ingles). 2021-06-25. Nakuha noong 2024-05-21.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  20. 20.0 20.1 20.2 Gotinga, J. C. "Philippines: Marcos ouster rally targets 'dictator' Duterte". Al Jazeera (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2024-05-21.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  21. Arceo, Acor (2017-09-21). "On 'dilawan' tag, Aquino says listen to message before looking at color". RAPPLER (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2024-05-21.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  22. Cupin, Bea (2017-06-23). "The fall of the 'dilawang' Liberal Party". RAPPLER (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2024-05-21.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  23. OMBAY, GISELLE (2022-03-13). "Duterte claims 'dilawan' working with communists possibly to disrupt Eleksyon 2022". GMA News Online (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2024-05-21.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  24. "Content". Parties and Elections in Europe (sa wikang Ingles). 2020.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  25. Puddington, p. 142. "After a dozen years of centre-left Liberal Party rule, the Conservative Party emerged from the 2006 parliamentary elections with a plurality and established a fragile minority government." (sa Ingles)
  26. Grigsby, pp. 106–07. [Talking about the Democratic Party] "Its liberalism is, for the most part, the later version of liberalism – modern liberalism." (sa Ingles)
  27. Arnold, p. 3. "Modern liberalism occupies the left-of-center in the traditional political spectrum and is represented by the Democratic Party in the United States." (sa Ingles)
  28. Cayla, David, pat. (2021). Populism and Neoliberalism (sa wikang Ingles). Routledge. p. 62. ISBN 9781000366709 – sa pamamagitan ni/ng Google Books.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  29. Slomp, Hans, pat. (2011). Europe, A Political Profile: An American Companion to European Politics, Volume 1 (sa wikang Ingles). ABC-CLIO. pp. 106–108. ISBN 9780313391811 – sa pamamagitan ni/ng Google Books.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  30. "The failure of American political speech". The Economist (sa wikang Ingles). 6 Enero 2012. ISSN 0013-0613. Nakuha noong 1 Setyembre 2022.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  31. Bevir, Mark (2010). Encyclopedia of Political Theory: A–E, Volume 1 (sa wikang Ingles). SAGE Publications. p. 164. ISBN 978-1-4129-5865-3. Nakuha noong 19 Mayo 2017 – sa pamamagitan ni/ng Google Books.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  32. Fung, Edmund S. K. (2010). The Intellectual Foundations of Chinese Modernity: Cultural and Political Thought in the Republican Era (sa wikang Ingles). Cambridge University Press. p. 130. ISBN 978-1-139-48823-5. Nakuha noong 16 Mayo 2017 – sa pamamagitan ni/ng Google Books.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  33. Antoninus, p. 3. (sa Ingles)
  34. Young 2002. (sa Ingles)
  35. Young 2002. (sa Ingles)
  36. Wolfe, p. 116. (sa Ingles)
  37. Freeden, Michael (1978). The New Liberalism: An Ideology of Social Reform. Oxford: Oxford University Press. (sa Ingles)
  38. Adams, Ian (2001). Political Ideology Today (Politics Today) (sa wikang Ingles). Manchester: Manchester University Press. ISBN 0719060206.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  39. Pease, Donald E.; Wiegman, Robyn (eds.) (2002). The Futures of American Studies. Duke University Press. p. 518. (sa Ingles)
  40. Courtland, Shane D.; Gaus, Gerald; Schmidtz, David (2022), "Liberalism", sa Zalta, Edward N. (pat.), The Stanford Encyclopedia of Philosophy (sa wikang Ingles) (ika-Taglagas 2022 (na) edisyon), Metaphysics Research Lab, Stanford University, inarkibo mula sa orihinal noong 22 Marso 2022, nakuha noong 16 Setyembre 2022{{citation}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  41. Hoensbroech, Paul Kajus Graf (1912). Der Linksliberalismus. Leipzig. (sa Ingles)
  42. Felix Rachfahl (1912). Eugen Richter und der Linksliberalismus im Neuen Reiche. Berlin. (sa Ingles)
  43. Ulrich Zeller (1912). Die Linksliberalen. Munich. (sa Ingles)