Nothing Special   »   [go: up one dir, main page]

Pumunta sa nilalaman

Hudas Iskariote

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Huwag itong ikalito kay Hudas Tadeo; para sa iba pa tingnan ang Hudas (paglilinaw).
Ang pangunahing detalye mula sa Ang Halik ni Hudas na ipininta ng alagad ng sining na si Giotto di Bondone.

Si Hudas Iskariote ay isa sa mga naging unang labindalawang alagad ni Hesus at itinuturing na santong Romano Katoliko. Anak siya ni Simon Iskariote (ayon sa Juan 13:26).[1] Pagkatapos ng Huling Hapunan, ipinagkanulo niya si Hesus sa pamamagitan ng pagtanggap ng tatlumpung pirasong salaping pilak mula sa mga makapangyarihang laban sa pangangaral ni Hesukristo. Nadakip si Hesus, ngunit matapos na hatulan ng parusang kamatayan si Hesus sa pamamagitan ng pagpapako sa krus, nagsisi si Hudas Iskariote at nagpasyang kitlin ang sariling buhay sa paraan ng pagbibigti.[2]

Pagkakapili at pagkakanulo

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Hindi maikakaila na nagkanulo o nagkulang kay Hesus ang lahat ng napili niyang mga unang alagad. Isa itong tanda na hindi walang bahid ng dungis ang simbahan, isang simbahang nilalayong maging perpekto. Subalit bagaman bahagi ng katuparan ng walang-hanggang plano ng Diyos ang nagawang kasalanan ni Hudas Iskariote, isa pa rin itong mali sa kaniyang pagpili at isang ring maling kapasyahan.[3] Dahil dito, naisatitik ni San Mateo sa kaniyang ebanghelyo ang ganitong mga kataga hinggil sa nagawa ni Hudas Iskariote: na "... sawimpalad ang taong nagkanulo sa Anak ng tao. Mabuti pa sa taong iyan ang hindi na siya ipinanganak..." Si Hesus ang tinutukoy ditong "Anak ng tao."[1][4] Ngunit mayroon ding paliwanag na maaaring may kasunduan sina Hudas Iskariote at Hesus kaya't walang pagtataksil na naganap. Dahil ito sa pangungusap na "Ang gagawin mo ay gawin mo agad"[4] (o "Gawin mo na ang dapat mong gawin"[5]) na nasa Ebanghelyo ni Juan (Juan 13:28)[1][4]

Halik ni Hudas Iskariote

[baguhin | baguhin ang wikitext]
Makatotohanang nililok na hubog ni Hudas Iskariote na humahalik kay Hesus. Mga poon itong ipinuprusisyon habang nakasakay sa ibabaw ng isang karo tuwing Mahal na Araw.

Nakilala si Hesus ng mga sundalong dumakip sa kaniya sa pamamagitan ng halik ni Hudas. Ang paghalik na ito naging tanda ng pagkakanulo kay Hesus ni Hudas Iskariote. Matatagpuan ito sa lahat ng mga ebanghelyo sa Bagong Tipan ng Bibliya maliban na lamang sa Ebanghelyo ni Juan. Nasa ibaba ang mga piling sipi na bumabanggit sa paghalik ni Hudas kay Hesus bago dakpin ang huli. Matutunghayan din ang sipi mula sa Ebanghelyo ni Juan na hindi bumabanggit ng ginawang paghalik ni Hudas kay Hesus.

Mula sa Mateo 26:47-50

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Nanggaling ito sa Ang Banal na Biblia ni isinalin ni Jose C. Abriol:

...Samantalang nagsasalita pa siya, dumating si Judas na isa sa labindalawa, at kasama niya ang maraming taong may mga tabak at mga panghalaw, na inutusan ng mga punong saserdote at matatanda sa bayan. Ang taksil ay nagbigay ng isang hudyat, "Ang aking halikan ay siya iyon, dakpin ninyo." Kapagdaka nilapitan niya si Jesus at nagsabi, "Maligayang bati, Guro," at hinalikan siya. Ngunit winikan sa kaniya ni Jesus "Kaibigan, ano ang ipinarito mo?" At nagsilapit sila upang sunggaban at dakpin si Jesus...[4]

Mula sa Marcos 14:44-46

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Nagbuhat ito sa Bagong Magandang Balita Biblia ng AngBiblia.net:

...Bago pa man dumating, ibinigay ni Judas ang isang hudyat, "Kung sino ang hahalikan ko, iyon ang inyong hinahanap. Dakpin ninyo siya at huwag pabayaang makatakas." Pagdating ni Judas, agad siyang lumapit kay Jesus. "Guro!" ang bati niya, at ito'y kanyang hinalikan. Agad ngang sinunggaban at dinakip ng mga tao si Jesus....[5]

Mula sa Lucas 22:47-48

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Inangkat ito mula sa Ang Dating Biblia:

...Samantalang nagsasalita pa siya, narito, ang isang karamihan, at siyang tinatawag na Judas, na isa sa labingdalawa, ay nangunguna sa kanila; at siya'y lumapit kay Jesus upang ito'y hagkan. 48 Datapuwa't sinabi ni Jesus sa kaniya, Judas, sa isang halik baga ay ipinagkakanulo mo ang Anak ng tao?...[6]

Mula sa Juan 18:4-8

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Hinango rin ito mula sa Ang Dating Biblia:

...Si Jesus nga, na nakatataho ng lahat ng mga bagay na sasapit sa kaniya, ay lumabas, at sa kanila'y sinabi, Sino ang inyong hinahanap? Sinagot niya sila, Si Jesus na taga Nazaret. Sinabi sa kanila ni Jesus, Ako nga. At si Judas din naman, na sa kaniya'y nagkanulo, ay nakatayong kasama nila. Pagkasabi nga niya sa kanila, Ako nga, ay nagsiurong sila, at nangalugmok sa lupa. Muli ngang sila'y tinanong niya, Sino ang inyong hinahanap? At sinabi nila, Si Jesus na taga Nazaret. Sumagot si Jesus, Sinabi ko sa inyo na ako nga; kung ako nga ang inyong hinahanap, ay pabayaan ninyo ang mga ito na magsiyaon sa kanilang lakad...[6]

Taksil o kinalulugdang alagad

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Muling isinasalaysay ng bawat ebanghelyo sa Bagong Tipan ng Bibliya ang kamatayan ni Hesus upang gunitain at bigyan ng diin ang kahalagahan ng pagsasakatuparan ng paghihirap at kamatayan ni Hesus. Sa Ebanghelyo ni Marcos, sinasaad na kailangang magbata ng sakit at mamatay si Hesus upang maitulak ang pagdating ng kaharian ng Diyos at katapusan ng lahat ng mga bagay. Ipinapaliwanag naman ng Ebanghelyo ni Mateo na bahagi ng plano ng Diyos ang lahat ng mga naganap na ito, maging ang naging kasakiman ni Hudas, dahil sa pagtanggap nito ng salapi bilang kapalit ng pagdakip kay Hesus. Samantalang sa Ebanghelyo ni Lucas, ipinakitang may kapangyarihan si Hesus sa lahat ng mga nangyari sa kaniya - maging ang pagpasok ni Satanas kay Hudas - para matupad ang plano ng Diyos. Nilarawan naman sa Ebanghelyo ni Juan na si Hesus ang namamahala sa lahat ng mga kaganapan at kaniyang kapalaran, pati na ang pagkakanulo sa kaniya ni Hudas Iskariote. Sa nostikong Ebanghelyo ni Hudas na hindi kabilang sa mga ebanghelyong nasa Bibliya, tinampok naman si Hudas bilang unang martir sapagkat iginuhit na niya ang sariling tadhana nang ipasakamay niya si Hesus sa mga kawal na Romano.[1]

May ilang mga deskripsiyon ng kamatayan ni Hudas na ang dalawa sa mga ito ay kabilang sa Biblikal na Kanon:

  • Ayon sa Mateo 27:3–10, ibinalik ni Hudas ang salpi sa mga saserdote at nagpatiwakal sa pamamagitan ng pagbibigti. Itinatanghal ito ng ebanghelyong ito bilang katuparan ng isang hula.[7]
  • Ayon sa Mga Gawa ng Mga Apostol, ginamit ni Hudas ang salapi upang bumili ng lupain ngunit nahulog ng patiwarik at sumabog ang kanyang tiyan at lumabas ang kanyang bituka. Ang lupaing ito ay tinawag na Akeldama o lupain ng dugo.[8]
  • Ang hindi kanonikal na Ebanghelyo ni Hudas ay nagsasaad na si Hudas ay may pangitain na ang labing isang mga alagad ay umuusig sa kanya at binabato siya.[9]
  • Ang isa pang salaysay ay naingatan ng sinaunang pinunong Kristiyano na si Papias: "Si Hudas ay lumakad sa mundong ito bilang isang malungkot na halimbawa ng kawalang kabanalan; sapagkat ang kanyang katawan ay namaga sa puntong siya ay hindi makadaan kung saan ang isang karwahe ay madaling makadadaan. Siya ay naapakan ng karwahe upang ang kanyang tiyan ay sumabog."[10]

Ang pag-iral ng mga magkakasalungat na salaysay ng kamatayan ni Hudas ay nagsanhi ng mga problema sa mga skolar na nakikita sa mga ito na pagbabanta sa pagiging maaasahan ng kasulatan. [11] Ang problemang ito ang isa sa mga puntong nagdulot halimbawa sa apolohistang Kristiyanong si C. S. Lewis na itakwil ang pananaw na "ang bawat pangungusap sa Kasulatan ay dapat katotohanang historikal".[12] May mga iba ibang pagtatangka sa paghaharmonisa ng mga talata na iminungkahi gaya ng isinaad ni Augustine na nagbigti si Hudas sa bukirin at ang tali ay kalaunang naputol at ang pagbagsak na ito ay nagpasabog sa kanyang katawan,[11][13] o ang mga salaysay sa Mga Gawa ng mga Apostol at Ebanghelyo ni Mateo ay tumutukoy sa dalawang magkaibang mga transaksiyon.[14] Ang ilang mga modernong skolar ay tumatakwil sa mga pakikitungong ito[15][16][17] na nagsasaad na ang salaysay sa Mateo ay isang eksposisyong Midrashiko na pumapayag sa may akda na itanghal ang pangyayari bilang katuparan sa mga propetikong talata ng Lumang Tipan. Kanilang ikinatwiran na ang may akda ay nagdagdag ng mga imahinatibong detalye gaya ng 30 piraso ng pilak at pagbibigti ni Hudas sa mas naunang tradisyon tungkol sa kamatayan ni Hudas. [18] Ang reperensiya ng Ebanghelyo ni Mateo sa kamatayan ni Hudas bilang katuparan sa isang hulang "sinalita sa pamamagitan ni Heremias na propeta" ay nagsanhi ng kontrobersiya dahil ito ay nagpa-paraphrase ng isang kwento mula sa Aklat ni Zacarias[19] na tumutukoy sa pagbabalik ng kabayaran sa 30 piraso ng pilak.[20] Ang ilang mga may akda gaya nina Jerome at John Calvin ay nagbigay ng konklusyon na ito ay isang halatang kamalian.[21] Ang ilang mga modernong manunulat ay nagmungkahi na ang may akda ng ebanghelyo ay maaaring nasa Jeremias ang mga talata na nasa isip nito[22] gaya ng nasa 18:1–4 at 19:1–13 na tumutukoy sa banga ng magpapalayok at isang isang libingan at sa 32:6–15 na tumutukoy sa isang libingan at isang bangang lupa.[23]

Malayang kalooban ni Hudas at ang kanyang kaligtasan

[baguhin | baguhin ang wikitext]

May mga ilang paliwanag kung bakit ipinagkanulo ni Hudas si Hesus.[24] Ayon (Matthew 26:14–16), ipinagkanulo ni Hudas si Hesus para sa 30 piraso ng pilak. Ayon sa (John 12:4–6), ang isa sa pangunahing kahinaan ni Hudas ay tila ang salapi. Ayon sa Luke 22:3–6 at John 13:27, si Satanas ay pumasok kay Hudas at tinawag siyang gawin ito. Isinasaad ng (John 6:64, Matthew 26:25) na nakita sa hinaharap ni Hesus ang pagkakanulo ni Hudas at ayon sa (John 13:27–28) ay pinayagan ni Hesus ang pagkakanulo ni Hudas.[25] Ayon sa Ebanghelyo ni Hudas na isinalin sa Ingles noong 2006, iniutos ni Hesus kay Hudas na ipinagkanulo siya.[26]

Si Hudas ay paksa ng mga kasulatang pilosopikal kabilang ang The Problem of Natural Evil ni Bertrand Russell at ang "Three Versions of Judas" ni Jorge Luis Borges. Kanilang isinaad ang mga problematikong ideolohikal sa kontradiksiyon sa pagitan ng mga aksiyon ni Hudas at sa kanyang walang hanggang kaparusahan. Ikinatwiran ni John S. Feinberg na kung nakita na sa hinaharap ni Hesus ang pagkakanulo ni Hudas, kung gayon, ang pagkakanulo ni Hudas ay hindi isang akto ng malayang kalooban (free will)[27] at kaya ay hindi dapat maparusahan. Ayon sa ibang mga skolar, ginawa ito ni Hudas ayon sa pagsunod sa kalooban ng diyos.[28] Ayon sa John 13:18, John 17:12, Matthew 26:23–25, Luke 22:21–22, Matt 27:9–10, Acts 1:16, Acts 1:20,[25] si Hudas ay maliwanag na nakatali sa katuparan ng mga layunin ng diyos. Gayunpaman ayon sa Matthew 26:23–25, kahabag-habag ang taong magkakanulo sa kanya! Mabuti pa sa taong iyon ang hindi na siya ipinanganak!. Ang kahirapan na likas sa kasabihang ito ang pagiging magkasalungat nito. Kung si Hudas ay hindi ipinanganak, ang anak ng tao ay maliwanag na hindi mamamatay ayon sa nasusulat tungkol sa kanya. Ang konsekwensiya ng pakikitungong ito ay ang mga aksiyon ni Hudas ay nakikitang kinakailangan at hindi maiiwasan ngunit tumutungo sa kapahamakan.[29] Si Erasmus ay naniwalang si Hudas ay malayang magbago ng kanyang kalooban ngunit ikinatwiran ni Martin Luther bilang pagtutol dito na ang kalooban ni Hudas ay hindi mababago. Ipinagpalagay na ang kapahamakan ni Hudas ay hindi mula sa pagkakanulo niya kay Hesus kundi sa kadeperaduhan na nagsanhi sa kanyang magpatiwakal.[30] Gayunpaman, ayon sa John 17:12, si Hudas ay napahamak na bago pa man siya nagpatiwakal. Ang pagkapamahak ni Hudas ay hindi inaayunan ng lahat. Ikinatwiran ng iba na walang indikasyon ni si Hudas ay kinondena sa walang hanggang kaparusahan. Ang iba ay nangatwirang si Hudas ay may malayang kalooban na tanggapin o itakwil si Hesus sa anumang panahon bago ang kanyang kamatayan.[31] Ayon sa kristiyanong si Adam Clarke "siya (Hudas) ay nakagawa ng isang kasuklam-suklam na akto ng kasalanan... ngunit siya ay nagsisi (Matthew 27:3–5) at kanyang ginagawa ang maaari niyang gawin upang ibalik ang kanyang masamang akto: kanyang ginawa ang kasalanan hanggang kamatayan, i.e ang isang kasalanan na sumasangkot sa kamatayan ng katawan, (kung ang kahabagan ay inalok ni Kristo sa mga mamamatay tao? (Luke 23:34)...) na ang parehong habag ay hindi iaabot sa sawing si Hudas?..."[32]

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. 1.0 1.1 1.2 1.3 Pagels, Elaine at Karen L. King. (a) (...) "The Gospel of John suggests that Jesus himself was complicit in the betrayal, that moments before Judas went out, Jesus had told him, "Do quickly what you are going to do" (John 13:27)," pahina 3–4 (...); (b) (...) "The Son of Man goes as it is written of him, but woe to that one by whom the Son of Man is betrayed! It would have been better for that one not to have been born" (...), pahina 16; (c) (...) "Judas son of Simon Iscariot" (...), pahina 25; (d) (...) [The Gospel of Judas]... portrays Judas himself as the first martyr (...), pahina 90, ISBN 9780143113164.
  2. "(a) Judas Iscariot, The Apostles, pahina 333; (b) Jesus Christ, Betrayal and Crucifixion, pahina 84". The New Book of Knowledge (Ang Bagong Aklat ng Kaalaman), Grolier Incorporated. 1977.{{cite ensiklopedya}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. "Why would Jesus pick a disciple (Judas) who would betray Him?, pahina 156". Fackler, Mark (patnugot). 500 Questions & Answers from the Bible / 500 mga Katanungan at mga Kasagutan mula sa Bibliya. The Livingston Corporation/Barbour Publishing, Inc., Uhrichsville, Ohio, ISBN 9781597894739. 2006.{{cite ensiklopedya}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  4. 4.0 4.1 4.2 4.3 Abriol, Jose C. (2000). "Marcos 14:21, pahina 1504; Juan 13:28, pahina 1583; Mateo 26:47-50, pahina 1475". Ang Banal na Biblia, Natatanging Edisyon, Jubileo A.D. Paulines Publishing House/Daughters of St. Paul (Lungsod ng Pasay) ISBN 9715901077.{{cite ensiklopedya}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  5. 5.0 5.1 "[http://angbiblia.net/juan13.aspx Juan 13:28]; [http://angbiblia.net/marcos14.aspx Marcos 14-44-46]". Ang Biblia/Bagong Magandang Balita Biblia (Lumang Tipan, Deuterocanonico at Bagong Tipan). Philippine Bible Society, Lungsod ng Batangas, Pilipinas. 2008. {{cite ensiklopedya}}: External link in |title= (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link)
  6. 6.0 6.1 Long, Dolores; Long, Richard (1905). "[http://adb.scripturetext.com/john/18.htm Juan 18:4-8]; [http://adb.scripturetext.com/luke/22.htm Lucas 22:47-48]". Ang Dating Biblia (Ang Biblia/Ang Biblia Tagalog), wika: Tagalog/Pambansang Wika ng Pilipinas, nasa dominyong publiko. Online Bible, Byblos.com. {{cite ensiklopedya}}: External link in |title= (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link)
  7. Matthew 27:9–10
  8. Acts 1:18.
  9. Gospel of Judas 44–45 Naka-arkibo 2011-09-11 sa Wayback Machine..
  10. (Papias Fragment 3, 1742–1744).
  11. 11.0 11.1 Zwiep, Arie W. Judas and the choice of Matthias: a study on context and concern of Acts 1:15–26. p. 109.
  12. letter to Clyde S. Kilby, 7 May 1959, quoted in Michael J. Christensen, C. S. Lewis on Scripture, Abingdon, 1979, Appendix A.
  13. "Easton's Bible Dictionary: Judas". christnotes.org. Nakuha noong 2007-06-26.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  14. "The purchase of "the potter's field", Appendix 161 of the Companion Bible". Nakuha noong 2008-02-15.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  15. Raymond E. Brown, An Introduction to the New Testament, p. 114.
  16. Charles Talbert, Reading Acts: A Literary and Theological Commentary, Smyth & Helwys (2005) p. 15.
  17. Frederick Dale Bruner, Matthew: A Commentary, Eerdmans (2004), p. 703.
  18. Reed, David A. (2005). ""Saving Judas"—A social Scientific Approach to Judas's Suicide in Matthew 27:3–10" (PDF). Biblical Theology Bulletin. Inarkibo (PDF) mula sa orihinal noong 2007-06-29. Nakuha noong 2007-06-26.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  19. Zechariah 11:12–13
  20. Vincent P. Branick, Understanding the New Testament and Its Message, (Paulist Press, 1998), 126–128.
  21. Frederick Dale Bruner, Matthew: A Commentary (Eerdmans, 2004), p. 710; Jerome, Epistolae 57.7: "This passage is not found in Jeremiah but in Zechariah, in quite different words and a different order" [1]; John Calvin, Commentary on a Harmony of the Evangelists, Matthew, Mark and Luke, 3:177: "The passage itself plainly shows that the name of Jeremiah has been put down by mistake, instead of Zechariah, for in Jeremiah we find nothing of this sort, nor any thing that even approaches to it." [2].
  22. Donald Senior, The Passion of Jesus in the Gospel of Matthew (Liturgical Press, 1985), pp. 107–108; Anthony Cane, The Place of Judas Iscariot in Christology (Ashgate Publishing, 2005), p. 50.
  23. See also Maarten JJ Menken, 'The Old Testament Quotation in Matthew 27,9–10' Naka-arkibo 2008-12-20 sa Wayback Machine., Biblica 83 (2002): 9–10.
  24. Joel B. Green; Scot McKnight; I. Howard Marshall (1992). Dictionary of Jesus and the Gospels. InterVaristy Press. p. 406. ISBN 978-0-8308-1777-1.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  25. 25.0 25.1 Judas and the choice of Matthias: a study on context and concern of Acts 1:15–26, Arie W. Zwiep. Books.google.ca. Nakuha noong 2011-02-08.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  26. Associated Press, "Ancient Manuscript Suggests Jesus Asked Judas to Betray Him," Fox News Thursday, 6 Abril 2006.
  27. John S. Feinberg, David Basinger (2001). Predestination & free will: four views of divine sovereignty & human freedom. Kregel Publications. p. 91. ISBN 978-0-8254-3489-1.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  28. Authenticating the activities of Jesus, Bruce Chilton, Craig A. Evans. Books.google.ca. Nakuha noong 2011-02-08.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  29. The place of Judas Iscariot in christology, Anthony Cane. Books.google.ca. Nakuha noong 2011-02-08.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  30. A Dictionary of biblical tradition in English literature, David L. Jeffrey. Books.google.ca. Nakuha noong 2011-02-08.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  31. "Judas Iscariot-In Heaven or in Hell?". Tentmaker.org. Nakuha noong 2011-02-08.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  32. The New Testament of our Lord and Saviour Jesus Christ: the text ... Volume 1, Adam Clarke. Nakuha noong 2011-02-08.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)