Nothing Special   »   [go: up one dir, main page]

Pumunta sa nilalaman

Sumerya

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Pagbabago noong 10:56, 1 Agosto 2015 ni Inilene (usapan | ambag)
Isang skulptura ng babaeng Diyosa ng mga Sumerio, c. 2120 BCE.
Sinaunang
Mesopotamia
Eufrates · Tigris
Mga Imperyo/Lungsod
Sumerya
Eridu · Kish · Uruk · Ur
Lagash · Nippur · Ngirsu
Elam
Susa
Imperyong Akkadiano
Akkad · Mari
Amorreo
Isin · Larsa
Babilonya
Babilonya · Caldea
Asiria
Assur · Nimrud
Dur-Sharrukin · Nineve

Ang Sumerya o Sumer (mula sa wikang Akkadian Šumeru; Sumerian 𒆠𒂗𒂠 ki-en-ĝir15, tinatayang "lupain ng mga sibilisadong hari" o "katutubong lupain"[note 1])[1] ay isang sinaunang kabihasnan at historikal na rehiyon sa Mesopotamia sa modernong Iraq noong mga panahong Chalcolithic at maagang panahong Tanso. Bagaman ang mga pinakamaagang historikal rekord sa rehiyong ito ay hindi mas maaga sa ca. 2900 BCE, ang mga modernong historyan ay nagsasaad na ang Sumerya ay unang tinirhan ng mga taong hindi-Semitiko na maaring nagsalita ng wikang Sumeryo sa pagitan ng ca. 4500 BCE at 4000 BCE dahil sa mga ebidensiya ng mga pangalan ng siyudad, mga ilog at iba pa.[2] Ang mga pinagpapalagay na prehistorikong mga taong ito ay tinatawag ngayon ng mga skolar na mga "proto-Euphratean" o mga "Ubaidian",[3] na pinaniniwalaang nagebolb mula sa kulturang Samarra ng Hilagaang Mesopotomia (Assyria).[4][5][6][7] Ang mga Ubaidian ang mga unang nagpaunlad ng kabihasnan sa rehiyon sa pamamagitan ng pagpapaunlad ng irigasyon, pagpapaunlad ng kalakalan, pagtatatag ng mga industriya kabilang ang paghahabi, pagkakatad, pagmemetal, masonriya at pagpapalayok.[3] Ang kabihasnang Sumeryo ay nagkaanyo sa panahong Uruk (ika-4 milenyo BCE) na nagpatuloy hanggang sa Jemdat Nasr at mga panahong Maagang Dinastiko. Noong ika-3 milenyo BCE, ang isang malapit na simbiosis na kultural ay nabuo sa pagitan ng mga Sumeryo (na nagsasalita ng Hiwalay na wika) at mga tagapagsalitang Semitikong Akkadiano na kinabibilangan ng malawakang bilingualismo.[8] Ang impluwensiya ng wikang Sumerian sa wikang Akkadian at bise bersa ay ebidente sa lahat ng mga sakop mula sa malawakang panghihiram na leksikal hanggang sa pagtatagpong sintaktiko, morpolohikal at ponolohikal.[8] Ito ay nagtulak sa mga skolar na tukuyin ang wikang Sumerian at Akkadian noong ikatlong milenyo BCE bilang isang sprachbund.[8] Ang Sumerya ay sinakop ng mga nagsasalita ng Semitikong mga hari ng Imperyong Akkadian noong mga 2270 BCE (maikling kronolohiya) ngunit ang wikang Sumeryo ay nagptuloy bilang isang sagradong wika. Ang katutubong pamumunong Sumeryo ay muling umahon sa loob ng isang siglo ng Ikatlong Dinastiya ng Ur (Renasimiyentong Sumeryo) ng ika-21 hanggang ika-20 siglo BCE ngunit ang wikang Akkadian ay nanatiling ginagamit sa panahong ito. Ang siyudad na Sumeryong Eridu sa baybayin ng Golpong Persiko (Persian Gulf) ang kauna-unahang siyudad sa mundo kung saan ang tatlong magkakahiwalay na mga kultura ay nagsama-ng mga magsasakang Ubaidiano na nabubuhay sa mga kubong putik at brick at nagsasanay ng irigasyon, mga nomadikong Semitikong mga magpapastol na nabubuhay sa mga itim na told at nagpapastol ng mga tupa at kambing, at mga mangingisda na nabubuhay sa mga kubong reed na maaaring mga ninuno ng mga Sumeryo.[9]

Ang labis na maiimbak na mga pagkain na nalikha ng ekonomiyang ito ay pumayag sa populasyon ng rehiyong ito na tumira sa isang lugar sa halip na magpagala-gala bilang mga mangangaso. Ang Sumerya ay lugar rin ng maagang pag-unlad ng pagsusulat na sumulong mula sa isang yugto ng proto-pagsusulat noong gitnang ika-4 milenyo BCE hanggang sa kuneipormang Sumeryo sa ikatlong milenyo BCE.

Mga siyudad-estado sa Mesopotamia

Mapa ng Sumerya

Sa huling ika-4 na milenyo BCE, ang Sumerya ay nahahati sa mga dosenang independiyenteng mga siyudad-estado na nahahati ng mga kanal at mga hangganang bato. Ang bawat isa ay nakasentro sa isang templong inalay sa isang partikular na patrong Diyos o Diyosa ng siyudad at pinamumunuan ng isang saserdoteng gobernador (ensi) o ng isang hari (lugal) na malapit na nakatali sa mga ritong panrelihiyon ng siyudad. Ang limang mga unang siyudad ay sinasabing nagsanay ng pre-Dinastikong paghahari:   

  1. Eridu (Tell Abu Shahrain)
  2. Bad-tibira (Tell al-Madain)
  3. Larsa (Tell as-Senkereh)
  4. Sippar (Tell Abu Habbah)
  5. Shuruppak (Tell Fara)

Ang ibang mga pangunahing siyudad ang:

  1. Uruk (Warka)
  2. Kish (Tell Uheimir & Ingharra)
  3. Ur (Tell al-Muqayyar)
  4. Nippur (Afak)
  5. Lagash (Tell al-Hiba)
  6. Girsu (Tello or Telloh)
  7. Umma (Tell Jokha)
  8. Hamazi 1
  9. Adab (Tell Bismaya)
  10. Mari (Tell Hariri) 2
  11. Akshak 1
  12. Akkad 1
  13. Isin (Ishan al-Bahriyat)

(1ang lokasyon ay hindi matiyak )
(2isang malayong siyudad sa hilagaang Mesopotamia )
Ang mga maliliit na siyudad mula timog hanggang hilaga:

  1. Kuara (Tell al-Lahm)
  2. Zabala (Tell Ibzeikh)
  3. Kisurra (Tell Abu Hatab)
  4. Marad (Tell Wannat es-Sadum)
  5. Dilbat (Tell ed-Duleim)
  6. Borsippa (Birs Nimrud)
  7. Kutha (Tell Ibrahim)
  8. Der (al-Badra)
  9. Eshnunna (Tell Asmar)
  10. Nagar (Tell Brak) 2

(2isang malayong lugar sa hilagaang Mesopotamia) Maliban sa Mari na nasa buong 330 km (205 mi) hilagang kanluran ng Agade ngunit kinikilala sa talaan ng haring Sumeryo na nagsanay ng paghahari sa panahong simulang Dinastiko II at Nagar, ang mga siyudad ay lahat nasa kapatagang alubyal na Euprates-Tigris sa timog ng Baghdad sa ngayong Bābil, Diyala, Wāsit, Dhi Qar, Basra, Al-Muthannā at mga gobernadoradang Al-Qādisiyyah ng Iraq.

Kasaysayan

Early Dynastic Period of SumerUr III periodGutian periodAkkadian EmpireUrukUrukUrukChalcolithicPanahong UrukChalcolithicPanahong Ubaid

Ang kasaysayan ng Sumerya na kinabibilangan ng prehistorikong mga panahong Ubaid at panahong Uruk ay sumasaklaw mula ika-5 hanggang ika-3 milenyo BCE na nagtapos sa Ikatlong Dinastiya ng Ur noong 2047–1940 BCE na sinundan ng transisyonal na panahon ng mga estadong Amoreo.

Ang unang lugar na tinirhan ng mga tao sa katimugang Mesopotamia ang Eridu. Inangkin ng mga Sumeryo na ang kanilang kabihasnan ay dinala sa siyudad ng Eridu ng kanilang Diyos na si Enki o kanyang tagapayong si Adapa. Dinala ng mga unang tao ng Eridu ang kulturang Samarran mula sa hilagaang Mesopotamia na kinikilalang panahong Ubaid ngunit hindi pa matiyak kung ang mga ito ay mga Sumeryo na nauugnay sa kalaunang panahong Uruk.

Ang mga siyudad-estado o lungsod-estado na Sumeryo ay umakyat sa kapangyarihan noong prehistorikal na panahong Ubaid at panahong Uruk. Ang Klasikong Sumeryo ay nagwakas sa pag-akyat sa kapangyarihan ng Imperyong Akkadiano noong ika-23 siglo BCE Pagkatapos ng panahong Gutian, may isang maikling Renasimiyentong Sumeryo noong ika-21 siglo BCE na pinatigil noong ika-20 siglo BCE ng mga pananakop ng mga Amoreong Semitiko. Ang "dinastiyang Isin" ng Amoreo ay nagpatuloy hanggang ca. 1700 BCE nang ang Mesopotamia ay pinag-isa sa ilalim ng pamumuno ng Babilonia. Ang mga Sumeryo ay kalaunang isinama sa populasyong Akkadian (Assyro-Babylonian).

Ang talaan ng mga haring Sumeryo ay nagtatala ng mga hari ng Sumerya. Bagaman ang mga dinastiyang namuno ay itinalang magkakasunod dito, ang ilan sa mga pinunong ito ay aktuwal na namuno ng sabay sa mga magkaibang lugar.

Panahong Predinastiko

Ang panahong pre-dinastiko sa talaan ng mga haring Sumeryo ay nagpapakita ng pagpasa ng kapangyarihan mula sa Eridu tungo sa Shuruppak bago ang isang malaking baha . Ayon sa talaan ng mga haring Sumeryo, ang paghahari ay bumaba mula sa langit sa Eridu at si Alulim ang unang haring nanamuno ng 28,000 taon. Ang Eridu ay bumagsak at ang paghahari ay inilipat sa Bad-tibira. Ang Bad-tibira ay bumagsak at ang paghahari ay inilipat sa Larag. Ang Larag ay bumagsak at ang paghahari ay inilipat sa Zimbir. Ang Zimbir ay bumagsak at ang paghahari ay inilipat sa Shuruppak. Pagkatapos nito ay nagkaroon ng malaking baha sa Shuruppak. Ang mga ebidensiya ng paghuhukay sa Iraq ay nagpapakita ng isang lokal na baha sa Shuruppak. Nakumpirma ng mga arkeologo ang presensiya ng isang malawakang patong ng mga depositong silt sa mga bangko ng ilog sa Shuruppak na pinetsahan ng radio carbon na nangyari noong ca. 2900 BCE sa sandaling pagkatapos ng osilasyong Piora na gumambala sa pagkakasunod ng pagtira ng tao na nag-iwan ng ilang talampakan ng dilaw na sedimento sa mga siyudad ng Shuruppak at Uruk at hanggang sa Kish sa hilaga. Ang mga palayukang polychrome mula sa panahong Jemdet Nasr (3000–2900 BCE) ay natuklasan ng agaran sa ilalim ng stratum o patong ng baha sa Shuruppak. Ang panahong Jemdet Nasr ay sinundan ng mga artipakto ng panahong Maagang Dinastiko I sa itaas ng patong na sedimento ng baha. Ayon sa resensiyong WB-62 ng talaan ng mga haring Sumeryo, si Ziusudra ng Shuruppak ang huling hari ng Sumerya bago ang baha. Ang mito ng paglikha ng Sumerya ay nagsasalaysay rin ng pagkakalikha ng mga tao, pagbaba ng paghahari mula sa langit at pagkakatag ng unang limang mga siyudad na Eridu, Bad-tibira, Larsa (Larag), Sippar (Zimbir), at Shuruppak, ang bahang ipinadala ng mga Diyos na sina An, Enlil, Enki at Ninhursanga at paggawa ng isang bangka ni Ziusudra at pagbibigay kay Ziusudra ng buhay na walang hanggan ng mga Diyos. Pagkatapos ng baha sa Sumerya, ang hegemonya ay muling lumitaw sa hilagaang siyudad ng Kish sa pasimula ng panahong Maagang Dinastiko.

Panahong Maagang Dinastiko

Ang panahong Maagang Dinastiko ay nagsimula pagkatapos ng isang patid sa kultura dahil sa isang baha sa mas naunang panahong Jemdet Nasr na pinetsahan ng radio carbon noong mga 2900 BCE. Ang panahong Maagang Dinastiko II ang panahon na ang hari ng Uruk na si Gilgamesh ay namuno. Ang hegemonya na ipinagkakaloob ng saserdote ng Nippur ay naghalili sa isang bilang ng mga magkakatunggaling dinastiya mula sa siyudad-estado ng sumerya kabilang ang Kish, Uruk, Ur, Adab at Akshak gayundin mula sa labas ng katimugang Mesopotamia gaya ng Awan, Hamazi, at Mari, hanggang sakupin ni Sargon ng Akkad ang mga sakop nito.

Unang Dinastiya ng Kish

Pagkatapos ng malaking baha sa Sumerya, ang paghahari ay nagpatuloy sa Kish. Ang pinuno ng Kish na si Enmebaragesi (ca. 2600 BCE) ang unang pinunong sa talaan ng mga haring Sumeryo na pinatunayan ng arkeolohiya. Tinalo ni Enmebaragesi ang Elam at itinayo ang templo ng Diyos na si Enlil sa Nippur. Ang kahalili ni Enmebaragesi na si Aga ng Kish ay nakipaglaban kay Gilgamesh na hari ng Uruk. Pagkatapos na matalo ang Kish sa labanan, ang paghahari ay inilipat sa E-ana.

Unang Dinastiya ng Uruk

Si Mesh-ki-ang-gasher ang unang hari ng Uruk. Siya ay sinundan ni Enmerkar. Ang epikong Enmerkar at ang Panginoon ng Aratta ay nagsasalaysay ng kanyang paglalakbay sa Aratta. Ang epiko ni Enmerkar at ang Panginoon ng Aratta ay posibleng nakaimpluwensiya sa mas kalaunang kuwento ng Tore ng Babel sa Tanakh ng Hudaismo. Hiniling ni Enmerkar sa Diyos na si Inanna na ipailalim sa kanya ang Aratta at paghatirin ang mga tao ng Aratta ng isang tributo ng mga mahahalagang metal at hiyas para sa pagtatayo ng isang matayog na Abzu ziggurat ni Enki sa Eridu gayundin para sa pagpapalamuti ng sariling santuwaryo ni Inanna sa Uruk. Pinayuhan ng Diyos na si Inanna si Enmerkar na magpadala ng isang sugo sa mga kabundukan ng Susin at Anshan sa panginoon ng Aratta upang hilingin ang kanyang pagpapailalim at ang kanyang tributo. Si Enmerkar ay pumayag at nagpadala ng sugo kasama ng mga spesipikong banta na wawasakin ang Aratta at papakalatin ang mga tao kung hindi sila magpapadala sa kanya ng tributo. Sa karagdagan, siya ay bibigkas ng isang "Inkantasyon ng Nudimmud" na isang himnong nagsusumamo kay Enki na ibalik ang pagkakaisa sa wika ng mga tinatahanang rehiyon na pinangalanang Shubur, Hamazi, Sumerya, Uri-ki (ang rehiyon sa palibot ng Akkad) at ang lupaing Martu: "Ang buong uniberso, ang mahusay na nabantayang mga tao— nawa'y kanilang magkakasamang pagsalitaan si Enlil sa isang wika." Si Enmerkar ay sindundan ni Lugalbanda at ni Dumuzid ang Mangingisda. Si Dumuzid ay sinundan ni haring Gilgamesh na bida sa Epiko ni Gilgamesh na nakaimpluwensiya sa kuwentong Arko ni Noe sa Bibliya.

Ang Uruk ay natalo at ang paghahari ay dinala sa Ur.

Unang Dinastiya ng Ur

Ang dinastiyang ito ay umiral noong mga ika-26 siglo BCE. Si Meskalamdug ang unang hari ng Ur na pinatayunan ng arkeolohiya.

Mga sumunod pang dinastiya

Ang Ur ay natalo at ang pahahari ay dinala sa Awan. Ang dinastiyang Awan ay umiral noong mga ika-26 siglo BCE. Ang Awan ay natalo at ang paghahari ay dinala sa Kish. Ang Ikalawang Dinastiya ng Kish ay pinamunuan ng 8 pinuno. Pagkatapo sna matalo ang Kish, ang paghahari ay dinala sa Hamazi. Ang Hamazi ay pinamunuan ng isang 1 pinuno. Ang Hamazi ay natalo at ang paghahari ay dinala sa Uruk. Ang Ikalawang Dinastiya ng Uruk ay pinamunuan ng 3 pinuno. Ang Uruk ay natalo at ang paghahari ay dinala sa Ur. Ang Ur ay natalo at ang paghahari ay dinala sa Adab. Ang Adab ay natalo at ang paghahari ay dinala sa Mari. Ang Mari ay natalo at ang paghahari ay dinala sa Kish. Ang Ikatlong Dinastiya ng Kish ay natalo at ang paghahari ay dinala sa Akshak. Ang Akshak ay natalo at ang paghahari ay dinala sa Kish. Ang Ikaapat na Dinastiya ng Kish ay natalo at ang paghahari ay dinala sa Uruk. Ang Unang Dinastiya ng Lagash ay umiral noong ika-25 siglo BCE at si En-hegal ang unang pinuno nito bilang isang tributaryo ng Uruk. Si Urukagina (ca. 2359–2335 BCE maikling kronolohiya) ay pinabagsak at ang kanyang siyudad na Lagash ay nabihag ng dakilang saserdote ng Umma na si Lugal-zage-si. Sinakop ni Lugal-zage-si ang Uruk at Ur at ginawa niyang kabisera ang Uruk. Gumawa siya ng mga mahabang inskripsiyon sa mga batong base na inalay sa Diyos na Enlil ng Nippur. Siya ay pinabagsak ni Sargon ng Akkad at ang paghahari ay dinala sa Akkad na tumagal ng ca. 2334 hanggang 2218 BCE (maikling kronolohiya). Ang Akkad ay natalo ng mga Gutian na namuno ng mga isang siglo. Ang ikalawang Dinastiya ng Lagash ay tumagal ng ca. 2260 hanggang 2110 BCE. Ang mga Gutian ay pinalayas ng mga Sumeryo sa ilalim ni Utu-hengal ng Uruk. Si Utu-hegal ay natalo ni Ur-Nammu na nagtatag ng Ikatlong Dinastiya ng Ur na tumagal ng ca. 2047 hanggang 1940 BCE sa maikling kronolohiya.

Pagbagsak

Ang Sumeria ay hindi nagkaisa noong sinasalakay sila ng mga Akkadiano kaya ang lungsod-estado na ito ay naging bahagi ng Imperyong Akkadiano. Nilusob din ito ng mga Elamita. Sinasabing humina ang agrikultura kaya lumisan ang ibang tao.[10]. Sa huli, naging bahagi ito ng Imperyong Babilonya.

Kultura

Pagsulat

Pagsulat na Sumeryo na nagtatala ng alokasyon ng serbesa, 3100–3000 BCE

Ang pagsulat sa Sumerya ang pinakamatandang halimbawa ng pagsulat sa mundo. Ang malaking bilang ng mga libo libong kasulatan sa wikang Sumeryo ay nakaligtas gaya ng mga liham na personal o pangnegosyo, mga resibo, mga talaang leksikal, mga batas, mga imno, mga panalangin, mga kuwento, mga talaang pang-araw araw at mga aklatang puno ng mga tabletang putik. Ang sistema ng kanilang pagsulat ay tinatawag na Cuneiform.

Relihiyon

Walang malawakang pangimperyong hanay ng mga Diyos. Ang bawat siyudad-estado ay may sarili nitong patrong-Diyos, mga templo, mga saserdote-hari. Ang mga Sumeryo ang pinaniniwalaang ang unang sumulat ng kanilang mga paniniwala na kalaunang naging inspirasyon ng mitolohiyang Mesopotamiano na naging impluwensiya naman sa mga mas kalaunang relihiyon gaya ng Hudaismo at Kristiyanismo.

Matematika

Ang mga Sumeryo ay bumuo ng isang masalimuot na sistema ng metrolohiya noong mga 4000 BCE. Ito ay nagresulta sa paglikha ng aritmetika, heometriya at alhebra. Mula c. 2600 BCE, ang mga Sumeryo ay sumulat ng mga tabla ng multiplikasyon sa mga tabletang putik at mga pagsasanay na heometrikal at mga problema sa dibisyon. Ang pinakamaagang mga bakas ng mga numeral na Babilonyo ay mula sa panahong ito. Ang panahong 2700–2300 BCE ay nakakita ng unang paglitaw ng abacus at isang tabla ng mga sunod sunod na column na nagdelimita ng mga sunod sunod na orden ng magnitudo ng sistemang seksahesimal ng bilang. Ang mga Sumeryo ang unang gumamit ng isang halagang lugar na sistemang numeral. Maaari ring ang mga Sumeryo ay gumamit ng isang uri ng slide rule sa pagkukuwentang astronomikal. Sila ang unang nakahanap ng area ng isang tatsulok at bolyum ng isang cube.

Agrikultura

Ang mga Sumeryo ay nagsanay ng mga pamamaraang agrikultural kabilang ang organisadong irigasyon, malawakang kultibasyon ng lupain, pang isahang pagtatanim, paggamit ng araro at paggamit ng espesyalisadong mga manggagawa sa ilalim ng burokratikong kontrol. Ang pangangailangan na mangasiwa ng mga salaysay ng templo sa organisasyong ito ay nagresulta sa pagbuo ng pagsulat sa Sumerya noong ca. 3500 BCE.

Mga teknolohiya

Maagang karwahe sa Pamantayan ng Ur, ca. 2600 BCE.

Kabilang sa mga teknolohiyang inimbento o ginamit ng mga Sumeryo ang gulong, kuneiporma, aritmetika, heometriya, mga sistemang irigasyon, mga bangka, kalendaryong lunisolar, bronse, kuwero, mga lagari, mga pait, mga martilyo, mga pako, mga pin, mga bit, balat ng tubig, mga singsing, mga pala, mga palakol, mga kutsilyo, mga espada, pandikit, balaraw, mga bag, mga harness, mga baluti, mga karwaheng pandigma, mga bota, mga sandalyas, mga arpon, at serbesa.

Mga sanggunian

  1. "Sumerian Questions and Answers". Sumerian.org. Nakuha noong 2012-03-29.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. Bertman, Stephen (2003). Handbook to life in ancient Mesopotamia. Facts on File. p. 143. ISBN 978-0-8160-4346-0.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. 3.0 3.1 "Sumer (ancient region, Iraq)". Britannica Online Encyclopedia. Britannica.com. Nakuha noong 2012-03-29.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  4. Kleniewski, Nancy; Thomas, Alexander R (2010-03-26). "Cities, Change, and Conflict: A Political Economy of Urban Life". ISBN 978-0-495-81222-7. {{cite journal}}: Cite journal requires |journal= (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link)
  5. Maisels, Charles Keith (1993). "The Near East: Archaeology in the "Cradle of Civilization"". ISBN 978-0-415-04742-5. {{cite journal}}: Cite journal requires |journal= (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link)
  6. Maisels, Charles Keith (2001). "Early Civilizations of the Old World: The Formative Histories of Egypt, the Levant, Mesopotamia, India and China". ISBN 978-0-415-10976-5. {{cite journal}}: Cite journal requires |journal= (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link)
  7. Shaw, Ian; Jameson, Robert (2002). "A dictionary of archaeology". ISBN 978-0-631-23583-5. {{cite journal}}: Cite journal requires |journal= (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link)
  8. 8.0 8.1 8.2 Deutscher, Guy (2007). Syntactic Change in Akkadian: The Evolution of Sentential Complementation. Oxford University Press US. pp. 20–21. ISBN 978-0-19-953222-3.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  9. Leick, Gwendolyn (2003), "Mesopotamia, the Invention of the City" (Penguin)
  10. Thompson, William R. (2004). "Complexity, Diminishing Marginal Returns and Serial Mesopotamian Fragmentation" (pdf). Journal of World Systems Research.{{cite journal}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  1. ĝir15 means "native, local", in some contexts is "noble" (Makapal na panitik'epsd/e2182.html ĝir NATIVE (7x: Old Babylonian) from The Pennsylvania Sumerian Dictionary). Literally, "land of the native (local, noble) lords". Stiebing (1994) has "Land of the Lords of Brightness" (William Stiebing, Ancient Near Eastern History and Culture). Postgate (1994) takes en as substituting eme "language", translating "land of the Sumerian tongue" (John Nicholas Postgate (1994). Early Mesopotamia: Society and Economy at the Dawn of History. Routledge (UK).{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link). Postgate believes it likely that eme, 'tongue', became en, 'lord', through consonantal assimilation.)