Kimi ga Yo
君が代 | |
Pambansang awit ng Hapon | |
Liriko | Tulang Waka, Heian (794-1185) |
---|---|
Musika | Yoshiisa Oku, Akimori Hayashi at Franz Eckert, 1880 |
Ginamit | 13 Agosto 1999 |
Tunog | |
Kimigayo (Instrumental) |
Ang Kimi ga Yo (君が代), na malimit na sinasalin bilang "Ang paghahari mo ay tumagal magpakailan man", ay ang pambansang awit ng Hapon. Ito rin ang isa sa mga pinakamaikling pambansang awit na ginagamit. Mayroon lamang itong 11 na sukat at 32 na karakter.[1] [2] [3] Ang liriko ay binatay sa isang tulang Waka na isinulat noong Panahong Heian at inaawit sa melodiya na sinulat noong Panahong Meiji. Ang pangkasalukuyang melodiya ay pinili noong 1880. Pinalitan nito ang hindi gaanong sikat na melodiya na ginawa labing-isang taon nang nakalilipas.
Kahit na ang Kimi ga Yo ay matagal nang de facto na pambansang awit ng Hapon, noong 1999 lamang itong kinilala ayon sa batas sa pamamagitan ng pagpasa ng Batas Tungkol sa Pambansang Watawat at Awit. Pagkatapos ng pagpapakilala nito, may mga kontrobersiya tungkol sa pagsagawa ng awit sa mga seremonya sa mga pampublikong paaralan. Ang Kimi ga Yo, kasama ng Hinomaru, ay sinasabing simbolo ng imperyalismo at militarismo ng mga Hapones.[1]
Titik
[baguhin | baguhin ang wikitext]
Hiragana
|
Rōmaji
|
Opisyal[4]
|
Tagalog
|
Ingles
|
Sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ 1.0 1.1 JUN HONGO (of The Japan Times) (2007-07-17). "Hinomaru, 'Kimigayo' express conflicts both past and future". The Japan Times ONLINE. Published by The Japan Times Ltd. Inarkibo mula sa orihinal noong 2012-07-18. Nakuha noong 2007-07-26.
{{cite web}}
: External link in
(tulong)CS1 maint: date auto-translated (link)|work=
- ↑ "イギリス生活情報週刊誌-英国ニュースダイジェスト". Nakuha noong 2008-10-16.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ NAITO, T. (1999-10). "「歌唱(ウタ)」を忘れた「君が代」論争". Bungeishunjū. Inarkibo mula sa orihinal noong 2012-01-12. Nakuha noong 2008-10-16.
{{cite web}}
: Check date values in:|date=
(tulong) - ↑ "国旗及び国歌に関する法律" (sa wikang Hapones). Pamahalaan ng Hapon. 1999-08-13. Inarkibo mula sa orihinal noong 2010-05-21. Nakuha noong 2008-01-17.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)
Ang lathalaing ito na tungkol sa Musika ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.