Chapter 1: Shet! Ang Inet!
Summary:
Rejoice! Cause as of today, hindi ka na virgin sa inuman.
Chapter title from Sobrang Init by Kamikazee
Chapter Text
Minhyuk and the Chamber of Secretions
12:25 AM
KH
Happy Birthday, Hotdog!
*hook
*hose
*hoseok
auto-correct
sorry
MH
happy birthday pre! ginawan kita art subscribe ka sa patreon ko
WH
siraulo pinagbayad pa ako amp
btw thank you!!!
SN
HBD tara inom
WH
thank you guys!
ano tara ba?
MH
tara tara tara
🍻
Mga Payasong Sadboi
1:15 PM
JH
oy kyun ano na namang pinuputok ng bucci mo dyan?
nakita ko tweet mo
HW
I think yung groupmates nya sa capstone
tsaka hindi ba butsi yon?
JH
ewan q bucci rinig ko ih
CK
may mga lakad daw sila ngayon
eh last week pa ako nag-assign ng parts?
kung di lang ako tinulungan ni jun baka di pa ako umabot sa deadline.
HW
ambait talaga ni junhui boy kung ako ikaw kikiss ko na yan
JH
Same
HW
???
JH
???
HW
@changkyun i-drop mo na kasi yang mga yan?
CK
idk, tinulungan naman nila ako sa unang chapters eh
pero after non puro busy na
baka nagkataon lang talaga na busy?
JH
what if suntukin ko utak nila para sayo pre
CK
siraulo ka HAHA
HW
bawian mo na lang sa peer eval
0 nga sakin si mark eh
JH
kasi tahimik lang sya?
CK
HAHHSHSAHAHAAHAH
sige sa peer eval lang na lang
thanks guys
HW
okay goodnight
JH
tanghaling tapat?!
8:07 PM
JH
@ changkyun labas
CK
???
"Kyun! Hanap ka nina Joo!" Naalimpungatan mula sa pagkakaidilip at napabangon si Changkyun mula sa kanyang pagkakahiga nang marinig ang tawag ng kanyang kuya. Agad siyang sumilip sa bintana at naroon nga ang dalawang ulupong sa labas ng kanilang bahay.
Nakasandal si Hyungwon sa kanyang sasakyan habang nagso-scroll sa kanyang cellphone habang si Jooheon naman ay nakatingala sa bintana ng kanyang silid na para bang hinihintay na lamang siyang dumungaw doon.
“Oy, Kyun! Naipagpaalam ka na namin. Dala ka brief overnight tayo,” malakas na anunsyo ni Jooheon mula sa baba. Napatirik na lang ang mga mata ni Changkyun sa kalokohan ng dalawang ‘to.
“Ge! Teka lang,” mabilis niyang sagot at saka nagbitbit ng ilang gamit.
“Ma, Pa, kina Hyungwon lang po,” paalam ni Changkyun nang siya ay makababa sa may sala.
“May pasok kayo bukas ah?” Tanong ng kanyang ina.
“Opo, bitbit ko na po gamit ko pampasok.” Ini-angat ni Changkyun ang kanyang bitbit na bag bilang patunay.
“Huwag na kayong maglalabas at gabi na ha,” dagdag ng kanyang ama.
“Opo, alis na po ako. Kuya,” paalam na rin nya sa kuya nya.
“Naol obernayt,” rinig niyang pahabol ng kanyang kuya nang siya’y makalabas ng gate.
“Anong trip nyo?” Tanong agad ni Changkyun nang siya’y makasakay sa backseat ng kotse ni Hyungwon.
“Iinom daw,” deadpan na sagot ni Hyungwon. Sinuot nya ang kanyang seatbelt at saka pinaandar ang sasakyan.
“Ulul.” Inilabas ni Changkyun ang kanyang cellphone at nag-scroll muna sa ig. Lagi naman nila ginagawa ‘tong spontaneous overnights kuno kaya wala anumang problema. Napasandal si Changkyun at nag-isip kung i-idlip muna siya, grabe kasi yung puyat nya matapos lang yung capstone paper nila. Pinatong nya ang kanyang bag sa ibabaw ng bag ni Jooheon at hihiga na sana nang- teka, bakit lumiliko ang kotse ni Hyungwon sa maling direksyon??
“Hoy anong iinom?! Totoo ba kayo?” Halos maihagis ni Changkyun ang sarili niya sa dashboard sa bilis ng kanyang pag dungaw kay Hyungwon at Jooheon.
“Oo nga pre! When ba kami nagjoke?” Patuloy lang si Jooheon sa pag-scroll sa kanyang cellphone. “Ito mukhang maganda dito oh,” dagdag nya pa at pinakita kay Changkyun at Hyungwon ang page ng isang bar na mukhang mamahalin.
“Uy nakapunta na kami diyan. Maganda nga diyan. Tara ba?” Sagot ni Hyungwon habang nagmamaneho. Mukhang hindi nga nagbibiro ‘tong dalawang to. Ngayon lang din napansin ni Changkyun na naka-ayos at nakabihis ang dalawang ‘to.
“Uhh.. wala akong bitbit na pera? Plus I’m underage,” palusot ni Changkyun.
“Underage mo mukha mo. Nag-eighteen ka na nitong January, hoy! Plus, kami bahala sayo alam naming stressed na stressed ka na sa acads,” dungaw ni Jooheon sa back seat at iwinagayway ang kanyang kamay na para bang pinapahiga uli si Changkyun.
“Tara naaa. Masyado kang nagpapakamartyr sa acads eh. Enjoy mo na nalalabing SHS years mo gagraduate na tayo oh, minsan lang to,” sabi ni Hyungwon habang chinecheck ang sarili sa rearview mirror hangga't red light pa.
“Nakapambahay lang ako,” pakipot na palusot uli ni Changkyun pero deep inside giyang na giyang na talaga siya mabasbasan ng alak. Naalala niya ang mga nakakatawang kwento ni Jooheon at Hyungwon sa tuwing sila ay nalalasing at naiintriga na talaga si Changkyun.
“So sasama ka na? Damit na lang problema?” pang-aasar ni Jooheon. “Yiee sasama na yan,” asar pa uli nito. “May extra ako dyan, check mo yung bag ko.”
Napangiti na lang si Changkyun habang kinakalkal ang bag ni Jooheon. Matagal na rin talaga niya gustong ma-experience ang walwal na sinasabi nila. Lalo na’t sobrang stressed na talaga sya sa acads. Baka nga makapag-unwind siya nang kaunti pag uminom sya.
Wait, pero what if lightweight pala siya? What if paggising nya nakidnap na pala siya kasi sobrang senglot nya? What if mabalitaan ng parents nya natagpuan na lang bangkay nya sa ilat ng tabing barangay? Napatigil siya sa pag-iisip nang makita ang uniform ni Jooheon na maayos nakatiklop sa loob ng bag nya.
“Sooo.. diretso pasok tayo bukas after magwalwal?” Pagtatanong ni Changkyun habang sinasara ang bag ni Jooheon.
“Oo naman, yes,” sagot agad ni Jooheon.
“Master na kami dyan tuturuan ka namin today,” dagdag ni Hyungwon.
“‘Tsaka tanghali naman pasok natin so wala tayo masyadong poproblemahin. Gusto mo magkape pa tayo sa Tagaytay bukas nang umaga bago pumasok eh,” pabirong pagpapaliwanag ni Jooheon.
Hindi napigilang matawa ni Changkyun nang malakas sa kalokohan ni Jooheon. “Sige na, basta kayo bahala sakin ha. Pag ako nakidnap at nasalvage sa sobrang kalasingan ko, hintayin ko na lang kayo sa impyerno,” takip bibig nyang sagot. Natatawa pa rin siya sa pagkakape sa Tagaytay ni Jooheon.
“Ano ka ba safe ka samin bro. Gusto mo ibalot pa kita sa kumot tas i-hele tas i-kiss hanggang sa mawala amats mo eh,” assurance sa kanya ni Jooheon.
🍻
9:45 PM
“So..” panimula ni Hoseok, “Booked na daw lahat ng rooms.” Patuloy ang pagkatok niya ng kaniyang mga kuko sa desk as if milagrong mababakante ng kaniyang pagkatok ang mga kwarto.
Napapitik naman ng dila si Kihyun sa kanyang kinatatayuan. Ayos lang naman sa kanya mag booth na lang. Naalala lang niya yung nangyari noon na may sumuka sa kanya na hindi naman niya kakilala. Natatandaan nya pa kung paano niya inalagaan ‘to habang nagkakanda ugaga sina Minhyuk hanapin ang kasama nito.
“Shet,” simangot ni Minhyuk, “Ready na ko tumilaok oh. Dami ko na listahan ng mga kakantahin.”
Napatingin si Hoseok sa paligid. “May karaoke naman sa lounge oh,” turo niya, “Hanap na lang tayo bakante na booth.”
“Andaming nakapiluhhhhh… sa karaokeeee… ng loungeee…” Maktol ni Minhyuk.
“Hmm.. kung gusto nyo next week na lang natin i-celebrate. Okay lang naman e-” Hindi na natapos ni Hoseok ang kanyang sasabihin nang biglang akbayan ni Hyunwoo si Minhyuk at naglakad papalayo upang humanap ng bakanteng pwesto.
“Tingnan mo. Giyang na giyang uminom. Mga manginginom talaga,” natatawang komento ni Kihyun. Natawa na lang sila ni Hoseok at sumunod sa dalawa.
Malaki ang lounge sa napili nilang puntahan na club. Madalas sila dito dahil malinis ang lugar at solid ang service. May isang malaking flat screen tv na nakakabit sa dingding, dito nakadisplay ang lyrics ng karaoke. Adjacent sa flat screen tv ay ang mga booth na kolektibong nakahilera pa letrang C. May espasyo sa pagitan ng flat screen tv at mga booths, nagsisilbi itong dance floor pag may DJ na tumutugtog.
Minatahan ni Hoseok lahat ng booth at mukhang puno na ang lahat ng booth sa first floor. Napansin niya na paakyat na si Hyunwoo at Minhyuk papuntang upper level ng lounge. Hahatakin niya na sana si Kihyun upang sumunod sa dalawa nang makita niya ang isang pamilyar na ulo.
“Hyungwon?!” Sigaw ni Hoseok. Nakapwesto sila sa booth na nasa tapat mismo ng flat screen tv. May kasama siyang dalawa pa na hindi kilala ni Hoseok.
“Kakilala mo?” Tanong ni Kihyun. Tiningnan ni Kihyun ang lalaking napalingon, matangkad ito at nagmukhang antukin nang sila ay sulimpatin nito, may kasama itong dalawang lalaki na hindi niya maaninag ang mga mukha.
“Haha, yep. Same kami ng agency. Kuya! Minhyuk! tara dito!” Sagot ni Hoseok at mabilis na tinawag ang dalawang paakyat na ng second floor.
“Woy! Hoseok!” Laking gulat na lang ni Kihyun nang sumagot ang tinawag ni Hoseok. Nawala ang itsurang maantukin nito nang bumuka ang bibig at mata nito pa letrang O. Lumapit si Hoseok sa booth nila. Hindi na sana lalapit si Kihyun kaso may nakita siyang lasing na gumegewang papunta sa direksyon nya. Napakaripas siya ng lakad papunta sa kinaroroonan ni Hoseok na para bang aarangkada na ang huling byahe ng LRT.
“Uy. Happy birthday nga pala, wala kayo maupuan?” Bati nito kay Hoseok habang sinisilip ang ibang booth.
“Salamat! Salamat! Kararating lang namin eh. Wala tuloy kami naabutang bakante.” Nahihiyang natawa si Hoseok habang hinihimas ang kanyang batok.
“Dito na lang kayo! Tatlo lang naman kami,” sagot ng isa sa mga kasama nung Hyungwon. Hawak-hawak nya ang songbook at mukhang napaka-approachable nya.
“Okay lang ba? Apat kami eh.”
“Ano ka ba, pansampuan nga tong booth tapos tatatlo lang kami dito.” Binitawan nya ang hawak hawak niyang song book at tumayo para umusod at makipagkamay.
“Uy, hello!” Napatalon si Kihyun sa gulat nang sumulpot si Minhyuk at Hyunwoo sa likod niya. May bitbit na martini glass si Minhyuk. Mukhang nagdetour muna sila sa bar bago dumiretso ng booth.
“Guys, si Hyungwon, friend ko from part-time. Tapos si Jooheon at Changkyun, friends nya,” pagpapakilala ni Hoseok sa mga nasa booth. So, si Jooheon yung approachable tapos Changkyun yung mukhang pusang naligaw sa bar. Okay, pagmemental-note ni Kihyun.
“Eyyy! hello hello, nice to meet you guys!” Agad namang pasok ni Minhyuk sa booth. “Minhyuk nga pala. Artist dyan lang sa tabi-tabi.” Tumabi siya kay Jooheon at agad naman siyang inalok nito ng songbook. Bakas sa mukha ni Minhyuk ang pagkapanalo dahil sumaktong nasa booth na to ang songbook.
“Kihyun,”
“Hyunwoo,”
magkasunod at nahihiyang pagpapakilala ni Kihyun at Hyunwoo at saka naupo sa booth.
🍻
11: 04 PM
“So, same school kayong tatlo?” Direktang tanong ni Hyunwoo kay Changkyun habang namamapak ng mani. Nakaubos na agad sila ng tatlong tower, isang bote ng gin, at kasalukuyang nasa pang-apat na tower na pero mukhang wala pang tinatamaan sa anim na ‘to. What the hell? Mga tatay na ba ‘tong mga ‘to? Isip-isip ni Changkyun.
“Yep. STEM kami ni Joo tapos HUMSS si Hyungwon,” halos pabulong nang sagot ni Changkyun. Teka ito ba yung lasing o kaunting tama pa lang ‘to? Gusto niyang tanungin si Jooheon at Hyungwon kaso wala na ang mga ito sa booth at mukhang busy ang mga ‘to mag-input ng kanta sa karaoke kasama si Minhyuk.
“Oh? Akala ko magkalapit lang kami ng edad ni Hyungwon? Expected ko college na rin sya,” pagtataka ni Hoseok. Nagsalin ito ng gin sa shotglass at iniabot kay Changkyun. Pangalawang bote ng gin na nila ito at hiwalay pa mula sa tower na iniinom nila.
“Actually,” bungad ni Jooheon na may dala dalang bagong plato ng sisig, “Kami ni Changkyun ang magkalapit ng edad. Si Hyungwon graduating pa lang siya ng senior high dahil bourgeoisie yang hayp na yan. Madalas nasa ibang bansa kaya nahuhuli sa acads.” Sumandok ito ng sisig at isinubo kay Changkyun nang mapansin na nangilabot ito sa gin na ininom.
Napasandal si Changkyun sa kinauupuan at tumingala sa kisame. Thank God, dumating si Jooheon. Pakiramdam niya masusuka na siya pag nagsalita pa siya. I’ll let him do the talking for me muna. Huh? Bakit nag-e-English na ko sa sarili kong isip? Lasing ka na gago . Natawa si Changkyun sa sarili niyang soliloquy at matamlay na napalingon sa kaniyang kaliwa.
Si Kihyun, pagkakatanda ni Changkyun, hindi na siya masyadong nagsasalita at maya-maya ang pagtingin sa phone niya. Maingay naman siya kanina ah? Malakas pa nga tumawa eh. Nag-aalinlangan si Changkyun kung kakamustahin niya ba ito o hindi. Teka saan ka naman nakakuha ng lakas ng loob magtanong aber? Hanep na alak to nalason na ata utak niya.
Magsasalita na sana si Changkyun nang biglang may unti-unting sumulpot na bilugang mukha sa kaniyang pangitain. Nakalimutan niyang nakaupo nga pala si Jooheon sa pagitan nila ni Kihyun. Sumandal din si Jooheon at tinitigan si Changkyun. “Ano? Kaya pa?” Tanong nito habang dahan-dahang inilalapit Changkyun ang pulang beer cup na puno ng alak mula sa tower.
Nginitian na lang siya nang mahina ni Changkyun at nilaklak ang laman ng cup.
“Wow, okay ka lang ba Changkyun?” Tanong ni Minhyuk habang sumisiksik paloob ng booth. Kasunod nito si Hyungwon na medyo paggewang-gewang at patawa-tawa na.
“Ang bebe namin, pinapahirapan ng groupmates niya sa capsto-”
“Shh! Joo!” Mabilis na tinakpan ni Changkyun ang bibig ni Jooheon. Ayaw na ayaw niya talaga na pinag-uusapan siya ng ibang tao. Hindi naman sa ayaw niyang mag-share o anuman. Ayaw lang talaga niya abalahin ang mga tao sa paligid niya. Alam niyang lahat ng mga ito ay may kanya-kaniyang pinagdadaanan at ayaw niya na dumagdag sa mga iisipin nito.
“Speaking of capstone, kumusta yung paper natin sa ano..” tanong ni Hoseok kay Hyunwoo. Laking pasasalamat ni Changkyun at nailihis ang usapan mula sa kanya.
Tumayo muna si Changkyun at nagpaalam na magbabanyo. Kaylangan niyang tumakas saglit at baka ibalik na naman sa kanya ang usapan. Ihing-ihi na rin talaga siya and WOW ganito pala pag may tama na! Para bang ang bigat-bigat ng kaniyang mga hakbang pero sa parehong pagkakataon ay parang lumulutang din siya.
Ikinulong niya ang sarili sa isang cubicle at saka ginawa ang kaniyang business trippings. Matapos nito ay dumiretso siya sa lababo- kung diretso nga bang matatawag ‘yon. Sinilip niya ang sarili sa salamin. Ang init? Ganito ba talaga pakiramdam ng lasing? Tanong ni Changkyun sa sarili. Unti-unti niyang hinubad ang suot-suot na jacket. Maghihilamos pa sana siya nang may narinig na mahinang ungol mula sa dulong cubicle. Biglang nangunot ang noo ni Changkyun sa kung ano mang tunog na narinig niya.
“Uhh.. byeee,” mahinang bulong ni Changkyun at nagmadaling lumabas sa banyo.
Namataan niya agad si Jooheon, Hyungwon, at Minhyuk na kumakanta sa tapat ng flat screen tv. Hindi ba nila pwedeng gawin sa booth ‘yon? Super laki naman nung screen eh, kahit saan ka pumwesto sa lounge makikita mo yung lyrics. Nasagot agad ang kaniyang katanungan nang mag breakdance si Jooheon sa sahig habang ang dalawa naman ay kumakanta ng Sobrang Init ng Kamikaze.
Nagising sa pawis ko
Di kinaya ng bentilador, basa ang unan, pati ang kumot
Parang umihi sa kama kohhh!!
Hindi mapigilan ni Changkyun tumawa nang malakas at napaturo kina Jooheon. Siraulo! Kahit kaylan ‘tong dalawang ‘tong talaga, isama mo pa ang bago nilang recruit na si Minhyuk. Para silang mga uod na bagong dukot sa lupa na inasinan.
Ibang klase pag tanghali
Di ka lalabas sa kalye..
Ulo’y iinit, mukha’y papangit
Masusunog kasusungit!!
Napansin siya ni Jooheon at agad-agad na hinila sa gitna para sumayaw. Nagtatawanan at naghihiyawan ang buong lounge. Pati si Hyunwoo na akala mo ay statwa ay napatayo, napataas ng kamay, at nagpagewang-gewang sa kaniyang kinapupwestuhan. Si Kihyun ay napatayo na rin at nagtatalon sa pwesto habang tumatawa. Si Hoseok naman ay hinila ni Minhyuk sa gitna.
Syet sobrang init! abot singit!
Syet sobrang init! abot singit!
Syet sobrang init! abot singit!
Syet sobrang init! HAPPY BIRTHDAY HOSEOK!
“HAPPY BITHDAY HOSEOK!” Sigaw ng ibang tao sa lounge kahit hindi nila kakilala si Hoseok. Kinawayan naman ni Hoseok ang lahat, bakas sa kaniyang mukha ang sobrang saya at pasasalamat.
Natapos ang kanta sa palakpakan at hiyawan ng mga tao. Naupo na si Hyunwoo at Kihyun. Si Hoseok naman ay nanatili sa gitna at inabutan ng mic ni Joo.
Dumaan muna si Changkyun saglit sa bar para humingi ng tubig. Pakiramdam niya ay nadagdagan ang hilo niya matapos magtatalon kasama ang tatlo. Naghalo-halo kaya yung alak sa tiyan niya kaya lumakas yung tama? Ganon ba ‘yon?
“Sino ba dyan ang mga nanlalamig na ang relasyon o mga iniwan dahil hindi na tulad ng dati ang lahat? Namimiss mo ba ang kaniyang mga halik?” Tanong ni Jooheon sa mga nakikinig. Naghiyawan ang mga tao. “Our next song is called Halik by Kamikaze, para sa inyo ‘to,” dagdag niya pa.
Kumupas na lambing sa iyong mga mata
Nagtataka kung bakit yakap mo'y 'di na nadarama
May mali ba akong nagawa
Tila nag-iba ang mga kilos mo at salita
Bakit kaya
Parang hindi ka na masaya
Pabalik na si Changkyun sa booth nila. Napansin niyang tahimik uli si Kihyun sa kaniyang pwesto. Si Hyunwoo naman ay pinupuno ang mga pulang baso na naiwan nila. Hindi pa rin tapos?! Halos matumba na si Changkyun sa sahig nang makita kung gaano karami pang alak ang natitira.
Ika'y biglang natauhan
Umalis kaagad nang hindi nagpapaalam
Ang sabi ko hindi kita mamimiss
Hanggang kailan ito matitiis
Palapit na siya sa kanilang booth. Iniisip ni Changkyun kung sa banda na lang ba siya ni Hyunwoo dadaan dahil mukhang wala talaga sa mood si Kihyun at ayaw niya namang abalahin pa ito. Napansin naman siya ni Kihyun at agad na inayos ang kaniyang upo na para bang ayos lang sa kanya na dumaan si Changkyun. Tumango nang konti si Changkyun at naglakad patagilid upang makatawid sa gitna ng lamesa at ni Kihyun nang may narandamang siyang paa sa baba.
“Fuck..” mahinang bulong ni Changkyun. Lasing ka na gago!!! Napaupo agad siya at napahawak sa lamesa.
“Uy, tol. Sorry! Paa ko ‘yon,” agad namang paghingi ng tawad ni Hyunwoo na mukhang busy sa pagrerefill ng mga baso kaya walang kamalay-malay.
“Ahaha, okay lang.. ako talaga yon, lasing na ata talaga ako haha,” nahihiyang tawa ni Changkyun. Napansin niya na parang lumiit si Hyunwoo sa kinauupuan niya. Huh? Nakatayo pa rin ba ako?
Sumilip siya sa likod niya at doon niya napansin na nakatingin sa kanya si Kihyun na para bang hinihintay na lang niya na umalis si Changkyun sa pagkakaupo sa hita niya. SA PAGKAKAUPO SA HITA NIYA.
Kumaripas ng alis si Changkyun at napaupo sa puwesto niya. “Sorry,” mahinang paumanhin niya. Alam nyang namumula na ang mukha niya sa pagkakalasing pero pakiramdam niya natriple pa ang pagkapula nito dahil sa kahihiyan.
Alam ko na magaling lang ako sa umpisa
Umasa ka pa sa akin mga pangakong nauwi lang sa wala
Nasayang lang ang iyong pagtitiyaga
Wala kang napala at puro lang ako salita
Kaya pala paggising ko wala ka na (kaya pala)
“Ayos lang,” ngiti sa kanya ni Kihyun sabay abot sa bagong refill na baso ni Hyunwoo at uminom. Tumayo ito matapos ubusin ang laman ng baso at mukhang papunta sa banyo.
Sinampal ni Changkyun nang mahina ang kaniyang sarili at nagsimulang tunggain ang basong nakalaan sa kanya. Inabot niya rin ang bote ng gin na ngangalahati na at saka tinungga ito.
Ika'y biglang natauhan
Umalis kaagad ng hindi nagpapaalam
Ang sabi ko hindi kita mamimiss
Hanggang kailan ito matitiis
“Huy, hinay! Broken ka ba?” tanong sa kanya ni Hyunwoo na pumapapak pa rin ng mani. Bakit hindi maubos ubos yang mani na ‘yan?!
“Ahaha. Okay lang ako, kuya. Stressed lang sa research, promise!” delusyonal na tawa ni Changkyun. Well maliban don, sana’y matanggal ng alak lahat ng hiya na nararamdaman niya.
“Ah, ganon ba? Sige, eto pa oh. Ganyan din kami tuwing finals. Shot mo lang ‘yan” Inabutan siya ni Hyunwoo ng dalawa pang basong puno at agad naman niya itong tinungga.
Ika'y biglang natauhan
Umalis kaagad ng hindi nagpapaalam
Ang sabi ko hindi kita mamimiss
Hanggang kailan ito matitiis
Kumukumpas si Jooheon sa hangin. Magkakaakbay silang apat, sinasabayan ng lahat ng tao sa lounge sa pagkanta, mapalasing man o hindi. Kamikaze iba ka talaga, ngiti niya sa kaniyang sarili.
Ngayon ko lang natutunan
Masubukang mabuhay nang para bang may kulang
'Pag nawala doon lang mamimiss
Paalam sa halik mong matamis
Naghiyawan at nagpalakpakan ang lahat ng tao matapos ang kanta, doon natatapos ang ala-ala ni Changkyun sa gabing iyon.
🍻
5:50 AM
“Kyun,” nagising si Changkyun sa mahinang pagtapik ni Hyunwon sa kanyang pisngi. Agad na tumama sa kanya ang hindi magandang pakiramdam sa kaniyang tiyan.
“Masakit ba ulo mo?” Tanong ni Jooheon na mukhang bagong gising din at sinisilip ang kanyang nakacharge na phone.
“Hmm.. Hindi. Tiyan lang,” garalgal na sagot ni Changkyun. Nanunuyot ang kanyang bibig na para bang binilad siya sa arawan hanggang sa maubusan ng tubig sa katawan. Nakatitig lang siya sa kisame, no thoughts, head empty. Ayan, alak pa.
“Goods. Tubig at Kremil-S lang katapat niyan. Tara Tagaytay bago pumasok?” Natatawang alok ni Hyungwon.
“Seryoso kayo?” Tanong ni Changkyun na nakatingala pa rin sa kisame.
“Hindi ba sabi namin kahapon?” Paalala ni Jooheon. Kumuha ito ng damit mula sa kanyang bag at dumiretso sa banyo ni Hyungwon. Dumungaw siya mula sa pinto ng banyo saglit at ngumiti, “At kaylangan natin i-celebrate first kiss mo kagabi. Congrats, 'di na virgin labi mo woohoo!” 'Tsaka niya isinara ang pinto ng banyo.
Mabilis na napalingon si Changkyun kay Hyungwon, bakas sa mukha nito ang pagkagulantang. Andami niyang gustong itanong pero nakabaon lamang ang mukha ni Hyungwon sa unan nito at tumatawa nang sobrang lakas.
“TANGINA???”
Chapter 2: Nahihilo Nalilito
Summary:
All roads lead to beer so is Changkyun to someone named Kihyun
Chapter title is from Migraine by Moonstar88
Notes:
hello forda welcome back to my channel. first of all, thank you thank you thank you sooo much sa positive feedback sa first chapter. di ko naman kasi ineexpect na may magbabasa kaya hindi ko planado yung next chapters haha pero grabe nakaka-overwhelm yung responses so ayun nag-iisip na ako ng mga possible ending sa utak ko. goal ko sana weekly mag-update kaso super busy ko pa rin talaga sa university so there’s that. i’ll try my best na mag-update kahit siguro once a month? lol
slow chapter uli kasi hindi ko pa alam paano sya tatapusin. once again, wala akong proofreader and masyado na kong hotdog para mag-edit so expect some errors. wala bang nakapansin sa actions ni ki last chapter? ako lang? de okay lang. di naman mashaket. the show must go on! lezgaw!
for reference, ito ang starbucks na pinuntahan nila.
(See the end of the chapter for more notes.)
Chapter Text
"Psst.. Changkyun." Pinitik ni Hyungwon ang kanyang nga daliri sa harap ni Changkyun upang makuha ang kanyang atensyon. Kanina pa ito nakatitig sa Taal Lake na para bang kinuha na ng mga diwata ng lawa ang kanyang kaluluwa.
"Oh?" wala sa wisyong sagot ni Changkyun. Kanina pa ito tahimik mula nang umalis sila sa bahay ni Hyungwon.
"Order for Mister Ryan, Ryan Agoncillo," singit ni Jooheon. Dala-dala niya ang tray na naglalaman ng kanilang mga order. Nakaugalian nilang gumamit ng pangalan ng mga celebrity tuwing oorder sa labas dahil palaging nagkakamali ang mga cashier sa pagbaybay ng kanilang pangalan.
Inisa-isa ni Hyungwon ang mga laman ng tray at inabot kay Changkyun ang kanyang inumin. "Huy, ano bang problema? Masama ba pakiramdam mo? Pwede namang huwag tayong pumasok."
"Hindi pwede. Baka magpaquiz prof namin," nakasimangot na sagot ni Changkyun habang humihigop ng kape. Nakatingin pa rin ito sa lawa at mukhang malalim ang iniisip. Nanahimik na rin ang dalawa at napatitig din sa lawa. Dumaan ang ilang segundo ng katahimikan bago ito nagsalita uli, "Hindi niyo naman ako niloloko 'di ba?"
Napabuntong hininga si Jooheon at may kinuha mula sa kanyang bulsa. Inilabas niya ang kanyang cellphone at nagscroll saglit. Sa wakas at nakuha nito ang atensyon ni Changkyun mula sa kanyang kinauupuan.
"Eto," iniharap ni Jooheon ang kanyang screen kay Changkyun. Nanlaki ang mga mata ni Changkyun nang mamukaan ang grey na sweatshirt na siyang suot ni Kihyun kagabi. Agad din namang nanliit ang kanyang mga mata dahil pilit nyang inaaninag ang katabi ni Kihyun.
Kuha ang litrato mula sa malayong anggulo. Siguro ito ay kinuhaan ni Jooheon habang sila ay kumakanta sa tapat ng flat screen tv. Medyo malabo at magulo ang pagkakakuha nito, senyales na baka lasing na silang lahat nang mga oras na ito.
"Hindi naman ata ako 'to…" bulong ni Changkyun habang pinag-aaralan pa rin ang litrato. Nakapwesto pa rin si Kihyun sa natatanging pwesto nito sa booth kagabi ngunit nakatalikod na ito mula sa anggulo nina Jooheon. Nakaakbay ito sa isang tao at mukhang magka-level ang mga ulo nito. Makikita rin si Shownu na tumatawa mula sa kanyang pwesto.
"Gusto mo ba siya?" biglaang tanong ni Hyungwon na syang ikinabigla ni Changkyun. Agad siyang napatingin sa direksyon ni Hyungwon. Walang bahid ng pagbibiro ang mukha nito, bagkus, nakatingin ito sa kanya na para bang handa itong makinig at umintindi. Bumaling ang kanyang tingin kay Jooheon- tinapatan lamang siya nito ng isang ngiti.
Alam niyang darating din ang araw na ‘to. It’s not like Changkyun has been totally covert about his preferences, pero never din naman siya naging straightforward. Sasabihin niya ba? Hindi naman siya natatakot kay Hyungwon at Jooheon. In fact, sa sobrang tagal na nilang tatlo pakiramdam niya ay basang basa na siya ng dalawang 'to matagal na. Wala na ata silang kayang itago pa mula sa isa’t isa. Baka nga tadtarin pa siya ng assurance ng mga ‘to like they always do. But still…
“Ewan. Siguro…” mahinang tugon ni Changkyun na napasandal sa sarili niyang upuan at napatingin na lang sa labas. Parang gusto na lang niya tumalon diretso sa butas ng bulkan. Pansin niya mula sa kanyang peripheral vision kung paano lumapad ang ngiti at butas ng ilong ni Jooheon na para bang isang manyak. Maya maya ay sumunod din si Hyungwon na may kasamang pagtirik pa ng mata.
“Tigil niyo nga ‘yan! Para kayong tanga,” natatawang hinagisan ni Changkyun ng tissue paper sa pagmumukha ang dalawa para tumigil.
Humagalpak ng tawa si Hyungwon dahilan para tingnan sila ng iilang tao sa Starbucks. Pinulot nito ang mga nahulog na tissue sa sahig at ipinunas sa mga nangingilid na luha sa mata niya. Si Jooheon naman ay sinubukang humigop ng kape pero nabilaukan sa ginawa ni Hyungwon dahilan para magtalsikan ang ininom nito sa kanilang lamesa. Nag-asim ang mukha ni Changkyun sa kadugyutan ng dalawa. Tropa niya ba talaga ang mga ‘to?
Sinubukang linisin ni Changkyun at Jooheon ang lamesa para hindi sila mapalayas nang ‘di oras. Ikinakalma naman ni Hyungwon ang sarili sa pagtawa at ubos hiningang tinanong, “Gusto mo ba hingiin ko number niya kay Hoseok?”
“Paano nga pala kayo nagkakilala ni Hoseok?” pagpapalit ng topic ni Changkyun habang pinagsasama-sama ang mga gamit na tissue.
“Ah, ano, ‘di ba sabi ko may agency ako. Model din si Hoseok don pero mas matagal na siya sakin kaya madalang lang kami magkasabay sa projects. Tapos..” lumapit si Hyungwon at pinagmasdan ang paligid bago bumulong. “‘Di ba maganda katawan niya? Kinukuha na siyang model for underwear. Try niyo buklatin brochure ng nanay nyo baka makita niyo siya ‘don.” Nagtaas-baba pa ang mga kilay ni Hyungwon habang nakangisi.
“Ah! Kaya pala familiar mukha niya unang kita ko pa lang sa kanya,” nakapalumbabang obserbasyon ni Jooheon na agad namang nakakuha ng mapanghusgang tingin mula kay Changkyun at Hyungwon. Tumaas ang mga kilay ni Jooheon sa pagtataka. “Bakit? Hindi ba kayo nagtitingin ng brief sa brochure ng nanay nyo?”
“So ano, hingiin ko ba number ni Kuya Kihyun ?” pagsasawalang bahala ni Hyungwon kay Jooheon at ngisi kay Changkyun.
“‘Wag na. ‘Di naman na ata uli natin makikita mga ‘yon,” pangangampante ni Changkyun sa sarili. Please sana’y hindi na magkrus ang aming landas, pakiusap ni Changkyun sa kung sino mang nakikinig sa may ibabaw. Ni isa ay wala siyang matandaan mula sa gabing iyon at ano pa nga ba ang mas lalala sa pakikipaghalikan sa taong ‘di mo naman kilala-
"A-asan si Kihyun!!”
“Wala na, nakauwi na mga ‘yon!”
“HA?! eh..Eh HinDi ko pa nas-nasasabing crush ko sYA!!”
Nanlaki ang mga mata ni Changkyun nang marinig ang boses niya at boses ni Hyungwon mula sa cellphone ni Jooheon. Rinig na rinig kung gaano siya kalasing at kung paano nagpipigil ng tawa ang dalawa sa audio. Wala na ring ingay mula sa bar, senyales na baka nasa labas na sila o ‘di kaya ay nasa sasakyan na pauwi. Agad siyang napatayo at sinubukang hablutin ang cellphone ni Jooheon ngunit mas mabilis si Jooheon at agad nitong naibalik ang cellphone sa kanyang bulsa.
“Siraulo ka, patingin ako!” Halos maiyak na si Changkyun sa kahihiyan. Ano pang kahihiyan ang ginawa niya nang gabing ‘yon ha? Naglupasay sa sahig? Sumuka sa ibang tao? Utang na loob sana wala nang mas lalala pa ‘don.
“Ayoko. De-delete mo lang eh. ‘Di naman makakalabas ‘to pramis.” Belat sa kanya ni Jooheon. Sumuko na lang si Changkyun dahil nakakapanghina ang mga rebelasyong nagbabagsakan sa kanya. Mistulang may bagyo sa kanyang ulohan pero sa halip na butil ng tubig ang bumabagsak, mga bloke ito ng yelo.
“Never again.” Buntong hininga niya at sumubo na lang ng ensaymadang nanlamig na.
“About that..” marahang pagsingit ni Hyungwon, “nagtext sakin si Hoseok kanina, niyayaya tayo uli sa linggo makalawa. Trip daw nila tayong kasama at ayon sakto graduating na tayo tapos sila end na ng semester nila, pampatanggal stress daw.”
Napapikit saglit si Changkyun mula sa kanyang mga narinig at napahinga nang malalim. Pagmulat niya ay nakangiti sa kaniya si Jooheon at Hyungwon na para bang hinihintay na lamang na siya’y sumang-ayon. Sinilip muna ni Changkyun ang buong paligid. Nang makitang wala nang laman ang Starbucks maliban sa kanilang tatlo, tumayo si Changkyun at lumabas sa open balcony ng Starbucks.
“Ginagawa non?” tanong ni Hyungwon kay Jooheon na siya namang sinuklian nito ng bikit balikat.
Nasagot ang kanilang mga katanungan nang sumigaw si Changkyun mula sa balcony.
☕
Bumungad ang hallway na nababalot ng kulay kahel mula sa naglalakihang bintana sa dingding nito. Dapithapon na nang lumabas si Changkyun at ang kanyang mga kagrupo mula sa conference hall ng kanilang school. Naging cooperative naman ang kanyang mga kagrupo matapos ang isang insidenteng iyon at matagumpay nilang na-defend ang kanilang papel. Ilang requirements na lamang ang kanilang tatapusin at makakagraduate na rin sila ng senior high sa wakas.
Inikot at pinisil ni Changkyun ang kanyang balikat sa pagkahapo. Grabeng oras at dedikasyon ang kanyang ibinuhos para sa research na 'to at nagbunga naman ang lahat dahil mukhang satisfied ang kanilang prof at panel sa kanilang gawa. Ganon na rin ang galak ng kanyang mga kagrupo nang bigla siyang buhatin ng mga ito at ihagis sa ere na para bang nanalo sila isang championship nang sila’y tuluyang makalabas ng hall.
Bumuhos ang mga papuri at pasasalamat kay Changkyun mula sa kanyang mga kagrupo. Hindi naman maiwasan ni Changkyun mapangiti dahil sa naguumapaw na saya na kanyang nararamdaman. Nagpasalamat din siya mga ito at nagpaalam na upang kitain sina Jooheon at Hyungwon sa parking lot. Friday na, labing dalawang araw mula nang siya'y makatikim ng alak at mukhang balak na naman sundan agad ng mga ito.
"Changkyun!" tawag sa kaniya ng isa sa mga naghihintay sa labas ng hall. Isa kasi ang grupo ni Changkyun sa mga maswerteng nauna sa listahan ng mga magdedefense. Ang ilan sa kanyang mga kaklase ay hindi pa rin tapos magdefend at mukhang kaylangan nilang maghintay hanggang kinagabihan.
Agad na napangiti si Changkyun at dumiretso sa direksyon ni Junhui na siyang tumawag sa kanya. Hinawakan siya ni Changkyun sa magkabilang balikat at saka niyugyog. "Ah! Tapos na kami!" Hindi maiwasan ni Changkyun magpatalon-talon sa kanyang pwesto sa sobrang saya. "At wala nang revisions! Pa-publish na lang namin!"
"Congrats!" Masayang bati sa kaniya ni Junhui. "Hindi naman naging pabigat members mo this time?" Ipinatong din niya ang kanyang mga kamay sa ibabaw ng balikat ni Changkyun at saka niyugyog siya pabalik. Natawa na lang si Changkyun sa kaweirduhan nilang dalawa.
Napabuntong hininga si Changkyun. “Hays, buti nga at nagkusa rin sila sa wakas but thank you talaga kasi tinulungan mo ko last time. Huwag ka mag-alala may halong sedative yung milktea na hinanda namin para hindi na kayo magisa.” Kumindat ito at saka itinaas ang parehong hinlalaki.
“Thanks, G! Mukhang hindi tatalab kagwapuhan ko sa kanila today eh. Kulang ako sa tulog at sa ligo.. umm... mga dalawang araw na siguro,” seryosong sagot ni Jun at iniangat ang dalawang braso para amuyin ang sarili.
“Yuck sayo, ‘tol!” pabirong tulak ni Changkyun kay Jun. ‘Yan ba yung dalawang araw walang ligo? Halata sa mga mata ni Jun ang kakulangan nito sa tulog pero kahit kaylan hindi ito nagkulang sa pagiging presentable. Mukhang mas lugi pa nga si Changkyun sa ligo kumpara kay Jun.
Ngumisi si Jun at biglaang pinalibot ang braso nito sa leeg ni Changkyun para i-headlock ito. “Yuck? What if i-John Cena kita ngayon dito?” Nagpumiglas si Changkyun para makaalis pero nangingibabaw ang kaniyang pagtawa. Ni hindi nga mabantot ‘tong Junhui na ‘to!
“RKO ‘yon, tangek!” Halos ‘di na makahinga si Changkyun sa kakatawa at kukurutin na sana si Jun para makawala nang may tumawag sa grupo nito.
Agad naman siyang binitawan ni Jun at inayos ang mga manggas nito. “Time out. Defense muna kami,” paalam nito sa kanya at saka ngumiti, “Ingat pag-uwi ha?”
Sinuklian siya ni Changkyun ng ngiti at tapik sa magkabilang balikat. “Goodluck!”
“Thank you, master.” Sumaludo ito at sumunod sa kanyang mga kagrupo. Walang bahid ng kaba sa lakad at postura nito. Para bang sinulit nito ang lahat ng oras sa mundo para pag-aralan at tandaan ang sarili nilang research paper o sadyang naperfect na niya ang state of Nirvana at wala na siyang pinoproblema pa sa mundo?
Tumalikod na si Changkyun at nagsimulang maglakad papalabas ng building. Ang kulay kahel na langit ay unti-unti nang humahalo sa kulay lilang dala ng pagtatakip-silim. Napabuntong hininga si Changkyun at napa-iling. Hindi niya inaasahan na magiging ganito kalapit siya sa taong kanyang hinahangaan mula nang siya’y tumuntong ng senior high. Natatandaan niya pa ang unang araw na magtama ang kanilang mga mata. Parang kahapon lang ay inakala nya na may posibilidad, na baka ito na ang kanyang pagkakataon, na baka may pag-asa tulad ng kanyang mga nababasa mula sa mga istorya o kanyang mga napapanood mula sa mga pelikula. Parang kahapon lang din nang mapagtanto niya na hanggang akala lang pala lahat.
He never got to tell him how he felt. Sino ba naman ang nasa tamang pag-iisip na umamin matapos mong malaman na may girlfriend ang crush mo? And to think 6 years na sila and going strong. Tsaka, natatakot siya na magbago ang kanilang pagkakaibigan nang dahil lang sa bugso ng damdaming pwede naman niyang kalimutan. Sus, baka Im Changkyun ‘to. Anong jowa jowa? 18 years and going strong ‘to noh.
Still, ‘di pa rin niya maiwasang mainggit at mapaisip.
“Sa wakas,” bungad sa kaniya ni Jooheon nang buksan niya ang pinto sa backseat ng sasakyan ni Hyungwon. Nauna ang grupo ni Jooheon sa mga nagdefend at si Hyungwon naman ay tapos na sa lahat ng gawain mula sa kanilang strand. “Musta defense?”
“ Goods pare, ” sagot ni Changkyun. Umupo ito sa backseat at napansing nanonood ang dalawang ito ng Game of Thrones sa cellphone ni Hyungwon.
Pinatay ni Hyungwon ang kanilang pinapanood at sinimulan na ang kanyang sasakyan. “ Carps pare? let’s shot na? ”
Napabuntong-hininga si Changkyun. Parang napadalas ata ang pagbuntong-hininga nya ha.
“G na yan,” nakangising sagot ni Jooheon para sa kanya.
☕
“Okay, okay, hear me out. What if, pasimple naming tanungin mamaya if single si Kihyun?” Tanong ni Hyungwon habang dinudurog ang yelo sa icebox. Kasalukuyan silang nasa dinning area ng dambuhalang bahay ni Hyungwon.
“What if, tigil-tigilan niyo ‘ko?” Tanong pabalik ni Changkyun na siya namang nagwawalis sa sahig ng bahay ni Hyungwon. Napag-usapan nilang pito na sa bahay na lang ni Hyungwon mag-inuman tutal nasa ibang bansa naman ang mga magulang nito at ang mga kapatid naman nito ay may kanya-kanyang buhay sa kani-kanilang kwarto.
“Ang cute niyo kaya nung nakaraan!” Malakas na boses na singit ni Jooheon nagluluto ng pulutan sa kusina. Sa sobrang laki ng bahay ni Hyungwon ay halos magsigawan na sila magkarinigan lamang. “Halos hindi na nga uminom ‘yon kakaalaga sayo,” dagdag nito.
“Please. Tama na kaka-assume na lahat ng taong mabait sakin ay may gusto sakin. Please lang,” hinaing ni Changkyun. Ito rin ang naging dahilan kung bakit siya nagkagusto kay Jun in the first place. Kaylangan na ata niya i-tattoo sa noo nya ang mga salitang Utang na loob, huwag pakitaan ng kabaitan. Marupok ako.
Tumigil si Hyungwon sa pagdudurog ng yelo at tumingin kay Changkyun. “Hindi sa pinapa-asa kita ha, pero I think he’s genuinely interested in you.” Sinara nito ang icebox at dumiretso sa cabinet nila na puno ng snacks at chichirya. “Tsaka, we’ll never know unless we try ‘di ba?”
“Nadale mo, bro,” singit uli ni Jooheon mula sa kusina.
“Bahala na. ‘Wag na lang kayo gumawa ng kalokohan mamaya please,” buntong hininga ni Changkyun at nagpatuloy na lang sa ginagawa niya. Hindi niya alam kung matutuwa ba siya sa mga sinasabi ng dalawang ito. Naiintindihan naman niya na suportado siya ng dalawang ito pero hindi ganon kadali ang sitwasyon. Attraction is a thing, but would you settle with just that? Pag ang lalaki ba nagwapuhan sayo does that mean he wants to date you? What are the chances that he would? Ayaw niyang umasa lalo na’t kakarecover pa lang niya sa sakit na dala ng pagiging isang asyumero. Libre maging tanga pero ayaw naman niyang araw arawin noh.
Alas-nuwebe nang tumunog ang doorbell. Nakalatag na ang lahat ng kanilang kaylangan sa gazebo sa likod-bahay nina Hyungwon. Kasalukuyang tutok sa kani-kanilang cellphone ang tatlo nang tumunog ang doorbell. Napabangon si Hyungwon sa pagkakahilata mula sa isa sa mga sofa para pagbuksan ang mga bisita. Ibinaba naman ni Changkyun ang kaniyang cellphone at napatingala sa mga string lights na nakapalibot sa kabuuan ng gazebo.
Dumaan ang ilang minuto bago makabalik si Hyungwon kasama ang mga bisita. Bakas sa mukha ng mga ito ang pagkamangha marahil siguro sa laki ng bahay ni Hyungwon.
Kulang sila ng isa.
Tumayo si Changkyun at Jooheon para batiin ang mga ito. Niyakap sila isa-isa ni Jooheon na para bang matagal na silang magtotropa. Si Changkyun naman ay mahiyaing kinamayan ang mga ito. Agad na umingay ang kaninang tahimik na gazebo.
Agad na dumiretso si Minhyuk sa paper bags na kinalalagyan ng mga alak at napangiti nang malapad matapos silipin ang laman nito. Si Hoseok naman ay naghanap ng speakers na siya namang sinamahan ni Hyungwon pabalik sa loob ng bahay.
“Susunod daw si Kihyun. May kakausapin lang,” pagpapa-alam ni Hyunwoo na para bang nabasa niya ang isip ni Changkyun. Inilabas niya ang kanilang nabili na karne at inabot kay Jooheon. Balak kasi nilang mag-samgyeopsal.
Pumirme si Changkyun sa kanyang kinauupuan. Hindi niya alam bakit may kaunting parte sa kaniya ang natuwa nang marinig ang sinabi ni Hyunwoo. Sinampal niya nang mahina ang sarili. Sabing walang magiging tanga for today’s video eh.
Bumalik si Hyungwon kasama si Hoseok na may bitbit na malaking Bose speaker sa kanyang kanang balikat. Agad namang inilatag ni Minhyuk ang mga alak sa mahabang lamesa at unang binuksan ang Bacardi Superior. “Mojito? Ako bahala sa inyo, my babies,” malokong ngiti nito at nagsimula nang magtimpla. Nagkalat ang iba’t ibang tono ng protesta sa gazebo. Si Changkyun naman ay 'di mapakali sa kanyang kinauupuan.
Isang oras na ang lumipas mula nang dumating ang tatlo. Nakapatay na ang ilan sa mga string light dahilan para magkaroon ng katamtamang dilim ang paligid. Kasalukuyang tumutugtog ang playlist ni Hoseok na puno ng alt R&B na siyang dumadagdag sa ambiance ng paligid. Paubos na ang mojitong hawak ni Changkyun, which is by the way, napakasarap maraming salamat kay Minhyuk. Nakakapagtaka pa rin para kay Changkyun ang mga protesta mula kanina dahil hindi naman niya nalalasahan ang alak dito. May halong rum ba talaga ‘to?
Sa ngayon ay nagkukwento si Hyunwoo tungkol sa isang nakakatawang pangyayari sa kanilang kurso ni Hoseok. Sa mga nakaraang minuto nalaman nila na magkakaiba pala ng kurso ang mga ito sa kolehiyo. Magkababata ang mga ito kaya kilala nila ang isa’t isa kahit sila ay magkakaiba ng course at year. Si Hyunwoo at Hoseok ay nasa kanilang ikatlong taon na sa BS Biology, si Kihyun at Minhyuk naman ay nasa kanilang ikalawang taon bilang BMMA. Bachelor of Mixed Martial Arts, seryosong pagtatanong ni Jooheon na siya namang itinama ni Minhyuk na Bachelor of Multimedia Arts daw.
“One time, dinala kami ng professor namin sa lab,” tuloy ni Hyunwoo sa kanyang kwento, “tapos inutusan niya kami na palibutan yung isang table na may sa saklob. Ayun na nga pinalibutan namin. Tapos sa tingin ko, nakakakutob na si Hoseok kung ano 'yon dahil bigla niyang pinisil braso ko.” Natatawang tumigil muna ito at napahampas sa kanyang mga hita. “Alam niyo nangyari nung biglang tinanggal ng prof yung saklob?”
Napatayo si Hoseok at naglakad papalayo sa gazebo. Nakatakip ito sa kanyang mga tenga at nakasimangot na parang bata.
Tinawanan lang ito ni Hyunwoo at itinuloy ang kwento, “pagtanggal ng prof nung saklob biglang may lumagabog,” umakto itong nagulat at napatingin sa paligid, “edi nagulat kami syempre karamihan ng kaklase naming babae napasigaw din kasi akala namin multo ‘yon nung bangkay. Aba, pagtingin ko sa tabi ko, tumba! Si Hoseok? Knockout. Kala mo nakipagsuntukan dun sa bangkay eh.” Nagtawanan ang buong lamesa. Napatayo at napapalakpak pa si Jooheon.
“HA!!” Natatawang sigaw ni Hyungwon nang siya’y mapatayo at mapaturo kay Hoseok. “Sa laki mong yan?!” Sigaw nito at hagalpak na natumba sa kaniyang kinauupuan.
“Ano?! Tapos na ba kayo?!” Pasigaw na tanong ni Hoseok na siyang naglalakad na pabalik.
“Eto pa, tinext ko kaagad si Kihyun at Minhyuk,” dagdag ni Hyunwoo. Hagalpak pa rin ng tawa si Hyungwon sa kaniyang pwesto. “Edi takbo agad sila mula CEAT building papuntang CSCS. Si Kihyun dala-dala pa yung camera niya na halos isang ruler yung haba ng lens. Kala mo mga miyembro ng SOCO eh,” pagtatapos ni Hyunwoo sa kanyang kwento at inubos ang natitirang mojito sa kanyang baso.
“Anyare na kay Kihyun, kala ko ba susunod ‘yon?” Tanong ni Hyungwon na patagilid nang nakahiga sa sofa at hindi pa rin tapos sa pagtawa.
“Depende sa usapan nila,” sagot ni Hoseok na kakaupo lang uli sa sofa.
“Oh? Sino ba kausap ‘non nang ganitong oras? Bukas pa ba college nyo?” Tanong naman ni Jooheon.
“Girlfriend nya,” walang kamalay-malay na sagot ni Minhyuk habang hinahalo ang second batch ng kanilang inumin.
“Aw?” Yun lang ang tanging naisagot ni Hyungwon na biglaang napabangon sa kaniyang pwesto. Saglitan niyang sinulyapan si Changkyun. Pasimple itong dumampot at sumubo ng samgyup.
Sabi na eh. Sinimot ni Changkyun ang natitirang mojito sa kanyang baso.
Notes:
HAHAHAHAPPY BIRTHDAY SAKIN! i can't believe natapos ko 'tong chapter na 'to today at 6AM at sa birthday ko pa talaga lmaoooo. 'di ko na checheck kung may mali kasi hihimlay na ko. here's ma twitter. send me sum greetings? dahil ang love language po ng ferson ay words of affirmation hehe. love u all.