Nothing Special   »   [go: up one dir, main page]

GR.11 Filipino

Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 28

Halimbawa ng kanyang

tanyag na tula:

Sa kabataang
Pilipino
Huling Paalam
Halimbawa ng kanyang
tanyag na tula:

Florante at Laura
Modelong Makata
(Pagsulat ng Tula Gamit
ang Stratehiya ni Roman
Guillermo)
Bilang bagong manunulat, mahalagang
magkaroon ng lalim at lawak ang panulaan.

• Lawak- ibig sabihin ay iba't bang estilo ang


dapat subukan, at iba't bang paksa ang dapat
talakayin.
• Lalim- ibig sabihin, hindi lamang basta-
basta ang trato sa tula.
Hindi maaaring padalos-dalos na
pananaliksik lamang ang gagawin
o madaliang pagmumuni-muni.
Ang pagsusulat ay
nangangailangan ito ng pawis at
tiyaga.
Isa sa mga modelong makata na
pagtutuonan ng araling ito ay si
Ramon Guillermo. Bagaman hindi
maaaring iisang makata lang ang
babasahin, mahalagang matutuhan
kung paano nga maging makata.
Roman Guillermo
Sino si Ramon Guillermo?

- Si Ramon "omen" Guillermo ay anak ng


makata-kritikong Gelacio Guiliermo at
kritiko ng sining na st Alice Guillermo. Si
Ramon Guillermo ay ginawaran nitong
2015 bilang UP Artist ng Unibersidad ng
Pilipinas, Diliman.
-Bukod sa pagiging makata siya rin ay nobelista.
Bilang kritiko, pinaghahalo niya ang me
sopistikadong computer-enabled na metodo at
ang malawak na larangan ng humanidades.

-Nakasusulat si Guillermo sa ibat bang wika, ang


tawag dito ay polyglot. Bihasa siya sa Alema
Pranses, Espanyol, at Bahasa Indonesia.
Mga paraan at stratehiya sa
pagsulat ng tula na ginamit ni
Roman Guillermo.
•Paghahalintulad
Halimbawa: sa tulang “Agaw Liwanag”
Para kayong makinang tumitilapon
tungo sa tiyak na
Pagkawasak
-Ginamitan ito ng salitang parang na
nagpapahayag ng paghahlintulad.
 Metapora
Halimbawa sa tulang, “Pagsisisi ni B”
 
Walang tagumpay ang aking paghahanap sa totoo
Sinikap kung humanap ng katwiran at magpakatao
Kinahon ko nag mundo at sinukat ayon sa numero
Pero dumating ang gyera at ang mga sukat koy di
wasto
 
-Ginamitan ito ng paghahambing pero
hindi literal, ang tawag nito ay
metapora ng talinghaga.

-Ang metapora ay ang paghahambing


dalawang bagay na hindi ginamitan ng
parang o katulad.
•Suryalismo
Halimbawa sa tulang, “Hangin”
Hindi makatagos Pero
Ang aking paningin sa makapal na Hindi ako
hangin. Makahinga kung hindi kita
Ang mga daliri nito'y makita
Nakasaksak Kaya hinugot ko ang ating patalim
Na parang mga kutsilyo At sinaksak
Sa aking mga mata. Nong paulit-ulit ang mataba't
Binulag ako ng parang lobo
Hangin, Na katawan ng hangin
Upang
Sa ibabaw ng kaniyang
Bangkay ay
Makahakbang na ako
Patungo sa ipo.
Kahit sinasakal naman
No mga daliring kahungkagan
Ang aking
Lalamunan.
-Ang tawag sa ganitong estilo
ay suryalismo o surrealism, na
nagbibigay sa atin sa ibang uri
ng realidad.
 Apostrophe
Halimbawa, sa ikasiyam na taludtud sa tulang,
“Hangin”
Pero
Hindi ako
Makahinga kung hindi kita
Makita
- Ang tawag sa pakikipa-usap sa isang tao o nilalang na
wala naman sa malapit kapag sa tula ay, apostrophe.
 Paralelismo
Halimbawa, sa tulang “Ang mga Pangangailangan”
 
Kapag nagugutum ako
Minsan
Kailangan kong kumain
Litson man o buto
Pareho-pareho lang
 
- Nagsimula ang ang mga salita sa “gutom” na
 
may katumbas na “litson” o “buto”.
- Ganito dapat ang gawin kapag tumutula,
kailangang may mahusay na proporsyon na
imahen.
- Ang paralelismo ay ang pagpahayag tungkol sa
dalawang bagay sa parehong paraan ng parirala
o pangungusap nang sa gayon ay mabigyang diin
ang pagkakapareho ng dalawa.
 Isa pang paggamit ng parallelismo ni Guillermo, sa
 
kanyang tula na, “Kung Ika’y Di Ikaw ay Narito Ka Pa
Sana”
 
Kumg may kauntim lamang
Sa iyang mga mata
Kung may bahid lamang
Ang itim sa iyong puso
Kung mabilis-bilis ka sanang
Pumisil sa gatilyo
Narito ka pa sana
- Mapapansin dito na may baryasyon sa paglalatag ng mga
magkapares na taludtod ni Guillerma, Tama ito, Ang paggamit
n paralelismo ay hindi nangangahulugang magiging
nakababagot ang tula. Pero pansinin, natatapos ang una't
ikatlong linya sa "lamang" at ginamit lang ni Guillermo ang,
"sanang sa ikalimang taludtod. Masisira ang paralelismo kung
ang dulo ng unang taludtod ay "lamang." ang sa ikatlo ay
"sanang" at sa ikalima ang "lamang" May dating ang "sanang"
sa kalimang taludtod dahil nga ang inaasahan ng mambabasa
ay "lamang" ulit ang lalabas, dahil to na ang ginamit sauna at
ikatlong taludtod.
- Hahatiin ang mga mag-aaral sa tatlong pangkat, at ang bawat pangkat
ay gumawa ng dalawang saknong ng tula na ginamitan ng stratehiya
paraan gaya ng ginamit ni Roman Guillermo, pagkatapos ay pumili ng
dalawang tagapagsalita bawat pangkat upang e presenta sa harap ng
klase.
 
Ang bawat pangkat ay inaasahang gumawa ng tula tungkol sa:
 
Unang pangkat – Tungkol sa naibigan o napusuan.
Pangalawang pangkat – Tungkol sa hinanakit at pagsubok sa
buhay.
Pangatlong pangkat – Tungkol sa nasirang pagkakaibigan
Rubriks sa pagbuo ng Gawain:
 
Nilalaman-10
Kahusayan- 5
Lalim at lawak- 5
Kabuuan- 20 puntos
 
Pagtataya
Direksyon: Sa isang kalahating papel, isulat ang hininging
kasagutan sa bawat tanong:
 
1. Ito ay nagpapahayag iba't bang estilo ang dapat subukan, at
iba't bang paksa ang dapat talakayin.
2. Sino ang tinaguriang modelong makata, at isa ring
nobelista.
3. Isang stratehiya sa pagsulat na ginamitan ng parang o
katuad.
4. Ano ang tawag sa paghahambing ng dalawang bagay na
hindi ginamitan ng parang o katulad.
5. Ang tawag sa pagpahayag tungkol sa dalawang
bagay sa parehong paraan ng parirala
6. Ang tawag sa pakikipa-usap sa isang tao o nilalang
na wala naman sa malapit kapag sa tula
7-10. Magbigay ng apat na estratehiya o paraan sa
pagsulat ng tula na ginamit ni Roman Guillermo.
Takdang Aralin
   
- Sa isang boong papel sumulat ng
dalawang saknong na tula tungkol sa
iyong pangrap sa buhay. Gamitin ang
estratehiya o paraan sa pagsulat ng
tula na ginamit ni Roman Guillermo.

You might also like