Mga Pamahiin
Mga Pamahiin
Mga Pamahiin
BSN 3-2
Mga Pamahiin
Pagtulog at Pananaginip
Kung tinutulugan ng isang tao ang kanyang mga libro, siya ay magiging
palatandain.
Kapag Gabi Na
Huwag kang magsuklay ng iyong buhok sa gabi dahil baka ikaw ay maging
kalbo, ulila, balo. Subalit kung kailangang suklayin mo ang iyong buhok sa gabi,
kagatin mo muna ang dulo ng suklay.
Kapag namamasyal kasama ang iyong mga kaibigan, lalu na sa gabi, dapat ay
lagi kayong magkasama bilang isang grupo na pantay ang bilang. Kung hindi
pantay ang inyong bilang, ang isa sa inyo ay kukunin ng mga espritu upang
gawing pantay ang bilang.
Ang mga nalabhang damit ay dapat kuhanin mula sa sampayan sa gabi, upang
ang mga ito ay hindi kunin at isuot ng mga dwende.
Huwag kang magsusugal kapag ikaw ay bagong gupit, kung hindi ikaw ay
siguradong matatalo.
Huwag mamimigay ng mga sapatos na walang bayad. Sa halip, itapon ang mga
sapatos paitaas sa hangin at kung sino man ang makadampot ng mga ito ay siya
ang magmay-ari, o di kaya ay bayaran niya ang mga sapatos ng singko
sentimos.
Huwag upuan ang mga libro, kung hindi ikaw ay magiging bobo.
Huwag sirain o putulin ang isang puno ng balete dahil ito ay bahay ng mga
enkantada at iba pang mga esperitu ng mga engkanto.
Kapag may bumahing habang ikaw ay paalis na ng iyong bahay, huwag mo nang
ituloy ang iyong lakad dahil baka may sakunang mangyayari sa iyo.
Upang maalis ang iyon takot habang ikaw ay nagsasalita sa harap ng publiko,
maglagay ng isang sentimo sa loob ng iyong sapatos.
Huwag putulin ang iyong kuko sa gabi, o sa mga araw ng Martes, Miyerkules, at
Biyernes.
Kung ikaw ay maligaw, baligtarin mo ang iyong damit at makikita mo ang tamang
daan.
Upang huwag umulan, kumuha ng abo mula sa iyong kusina at isabog ito sa
iyong bakuran.
Delos Reyes, Diana Hazel S.
BSN 3-2
Huwag lumabas kapag araw ng Huwebes at Biyernes Santo, dahil ang mga
masasamang engkantada ay nagsisipaglabasan sa mga araw na ito upang
manakit ng mga tao.