Filpan Complete Notes
Filpan Complete Notes
Filpan Complete Notes
Maikling Kwento/Katha
Kathambuhay/Nobela
Dula o drama
Sanaysay
Talambuhay
Pangulong Tudling
Balita
Talumpati
Salaysay gaya ng:
o Pabula – Isang maikling salaysay na patalinghaga at kinatha upang maglarawan ng isang aral na moral.
Ang mga panauhan dito ay mga hayop o mga bagay na binibigyang-katauhan, gaya ng kapangyarihang
magsalita ar umisip na parang tao.
o Parabula - upang maglarawan ng isang aral hinggil sa kalinisan ng pamumuhay, kabanalan,
pagkakawangga, mabuting pakikipagkapwa.
o Alamat – isang kuwento ng mahiwagang pangyayari na nagpagsalin-salin sa pamamagitan ng mga
bibig at pinaniniwalaang may batayang historikal bagamat walang kakayahang patunayan sa
katotohanan.
o Anekdote – ay maikling salaysay ng mga tunay na karanasan o katawa-tawa at nag-iiwan ng
magagandang aral sa buhay.
o Mitolohiya – katipunan ng iba’t ibang paniniwala at mga kuwento tungkol sa mga diyos at diyosa.
o Kuwentong-bayan – mga kuwentong pumapaksa sa mga katangian ng mga tauhan at may layuning
maglibang. Nagpasalin-salin din ito sa bibig ng mga tao.
Iba’t ibang uri ng Patula
Tulang Liriko o Tula ng Damdamin – (Awit,Soneto,Oda,Elehiya,Dalit)
Tulang Pasalaysay – (Epiko,Awit at Korido,Balad)
Tulang Patnigan – (Karagatan,Duplo,Balagtasan/Batutian)
Tulang Dula o Pantang-halan
III. Bakit Dapat Mag-aral ng Literatura?
Upang makilala natin ang ating sarili bilang Pilipino, at matalos at ating minanang yaman ng isip at angking talino
n gating pinanggalingang lahi.
Tulad ng ibang lahi sa daigdig, dapat nating mabatid na tayo’y may dakila at marangal na tradisyong siya nating
ginawang sandigan ng pagkabuo ng ibang kulturang nakarating sa ating bansa.
Upang matanto natin ang ating mga kakulangan sa pagsulat ng literature at makapagsanay na ito’y matuwid at
mabago.
Upang makilala at magamit ang ating mga kakayahan sa pagsulat at magsikap na ito’y malinang at mapaunlad.
Mapahalagaan natin ang kagandahan ng sariling wika at makapagbubukas ito ng isipan sa ganap na pag-unawa sa
ating pagka-Pilipino.
Higit sa lahat, bilang mga Pilipinong nagmamahal sa sariling kultura ay kailangang maipamalas ang
pagmamalasakit sa ating sariling literature.
1. Katutubong Panitikan o ang Panitikan sa Panahon Bago Dumating ang mga Kastila – mula sa kamula-mulaang
panahon hanggang sa pananakop na ginawa ni Legazpi noong 1565.
2. Panitikan sa Panahon ng Kastila – mula noong 1565 hanggang sa pag-aalsa sa Cavite noong 1872, nang bitayin
ang tatlong paring Pilipino na sina Burgos, Gomez at Zamora.
3. Panitikan sa Panahon ng Kilusang Propaganda – mula noong 1872 hanggang 1896.
4. Panitikan ng Himagsikan – mulang noong 1896 hanggang sa pananakop ng Amerika.
5. Panitikan sa Panahon ng Amerikano – mula 1910 hanggang 1941.
6. Panitikan sa Panahon ng Hapon – mula 1942 hanggang 1944.
7. Panahon ng Bagong Kalayaan at Pambansang Krisis
8. Panahon ng Protesta
9. Panahon ng Bagong Lipunan
10. Ang Rebolusyong EDSA Hanggang sa Kasalukuyan
Kabanata II: Ang Literaturang Filipino sa Panahon Bago Dumating Ang Mga Kastila
I. Kaligirang Kasaysayan
A. Ang Kapanahunan ng Alamat, na dapat magsimula sa lalong kauna-unahang panahon ng ating lahi magtapos
sa paglipas ng ikalawang pandarayuhan sa mga pulong ito ng mga Malay sa pali-palibot ng taong 1300 A.D.
Ang mga nakatira sa kapuluang ito ay mga Ita o Aetas, bagama’t hindi tahasang gala, ay walang panatilihang
tahanan. Ang panitikan noon ay saling-dila o lipat-dila na ang nag-iingat at nagpapahayag ay ang mga apo, na
karaniwang puno ng tribo o pinaka-pari ng kanilang relihiyon. Ang relihiyon noon ay pagsamba ng Araw,
pagsamba sa punongkahoy o anumang kalagayan ng Kalikasan at ang lahat ng kababalaghan ay gawa ng
mabubuti at masasamang hilagyo (spirit) na tinatawag nilang “anito”.
Ang panitikan noon, samakatuwid ay binubuo ng mga bulong na pangmahiya (incantations), kuwentong-bayan
(folktale) at alamat (legend). Ang karamihan ay galing sa pananampalataya at pamahiin.
B. Ang Panahon ng Epiko, na nagsisimula sa pali-palibot ng taong 1300 A.D. at nagtatapos sa panahon ng
pananakop ni Legazpi noong 1565 A.D. Ito ang panahon ng pandarayuhan ng mga Malay na marunong
bumasa’t sumulat. Dalawang uri ng alpabeto ang naging laganap sa buong kapuluan. Ang Alibata na ginagamit
sa pulo ng Luzon at Kabisayaan, samantalang ang Sanskrito ay sa pali-palibot ng Mindanao at Sulu. Sapagkat
ang mga pinagsusulatan ay mga bagay na marurupok gaya ang dahon ng saging, balat ng kahoy at tukil (wala
pang papel noon), karamihan sa mga alam natin ngayon at hindi na mababasa sa matandang Alibata o
Sanskrito kundi pawang halaw sa saling-dila ng matatanda sa mga baranggay at mga bayan.
Ang tuldok sa itaas ng katinig ay binibigkas nang may tunog na /e/ o /i/ ngunit kung ang tuldok ay nasa ilalim ng
katinig, ang bigkas dito ay may tunog na /o/ o /u/. Samantala ang tandang krus + sa ibaba ng katinig ay nagpapawala sa
tunog na patinig na /a/ ang dalawang maiikling guhit na patindig (/ /) sa hulihan ng pangungusap ay siyang pinaka-tuldok.
Halimbawa:
baba = bobo = alab = bibi = Ikaw ay Pilipino =
A. Mito - ay matatandang kuwentong-bayan tungkol sa mga bathala, sa pagkakalikha ng daigdig at iba pang
kalikasan, tungkol sa pinagmulan o pagkakalikha ng mga unang tao, tungkol sa mga bayani, sa kanilang kagitingan
at kapangyarihan, at tungkol sa iba pang bagay na may kinalaman sa pagsamba ng tao sa kanilang anito o diyus-
diyusan.
Noon daw unang panahon ang Araw ay may mga bituing anak na tulad ng Buwan. Ang mga bituin
ng Araw ay dilaw, makinang at mainit. Ang mga bituin ng Buwan ay mapula at malamig. Natakot ang Buwan
sa pakikipagsalitaan sa Araw ang paksang napakarami ang kanilang mga anak at nagsisikap tuloy ang
kalangitan. Nagkasundo silang pagpapatayin ang kanilang mga bituin.
Ngunit nang mapatay na ng Araw ang kanyang mga bituin ay itinaboy na lamang ng Buwan ang
ganang kanya sa dilim at sa kabila ng mga ulap. Kapag gabi ay nahawi ang ulap, ang mga bituin ng Buwan
ay lumilitaw. Galit na galit ang Araw. Hinahangad niya ang Buwan at kapag kanyang nalalapitan ay
nagkakaroon tayo ng eklipse tuwing umaga ay pinapatay ng Araw ang mga bituing kanyang maabutan.
Hanggang ngayon ang paghahabulang ito at ang pagpapatay ng araw sa mga bituin ay nangyayari, ngunit
hindi maubos-ubos ang mga ito sapagkat anak nang anak ang Buwan ng marami pang bituin.
B. Alamat - ay mga kuwentong-bayan na maaaring kathang-isip lamang o hango sa isang tunay na pangyayari.
Ito’y tungkol sa pinagmulan. Maaaring pinagmulan ng isang pook, ng isang halaman, o pungungkahoy, ng ibon, ng
bulaklak o kaya’y tungkol sa pagkakabuo ng isang pangalan.
Noong unang panahon sa lalawigang Negros ay may napatanging baranggay na pinamumunuan ni Datu
Ramilon na may pambihirang katapangan, kabaitan at napakagandang anak na si Kang.
Maraming dugong maharlika ang nanunuyo kay Kang.
“Kung sino sa inyo ang mamarapatin ng aking anak ay hindi ako tumututol.” malimit na masabi ng datu sa
mga talisuyo ng kanyang anak.
Ngunit ang magandang si Kang ay may kasintahan na, ang magiting na si Laon, ang anak ng isang raha sa
karatig na baranggay. Tulad ng amang Datu, si Laon ay isa ring magiting na mandirigma at mabuting anak.
Nang duamting ang tamang araw, nagtapat ng magsing-irog sa ama ng dalaga. Buong galang na hinihingi ni Laon ang
pahintulot ni Datu Ramilon na makaisang-dibdib ang kanyang anak. Tulad ng inaasahan, hindi tumanggi ang butihing
datu at itinakda ang pagtataling-puso sa susunod na pagbilog ng buwan.
Buong karangalang ibinabalita sa kanyang nasasakupan ang takdang araw at tuloy pinaghanda ang lahat para
sa malaking piging. Magmula noong naging abala ang lahat upang salubungin ang magandang araw.
Nang sumapit ang araw ng kasal, kitang-kita ang kasiyahan sa lahat ng dumalo. Masaya ang buong paligid.
Subalit ang lahat ng ito’y naparam na parang bula nang ibalita ng humahangos at namumutlang bantay na maraming
bangkang punung-puno ng mga sandatahang kawal ang dumaong sa kanilang pampang. Si Datu Subanon na isa sa
mga masugid na manliligaw ni Kang ang pinuno ng pangkat. Hindi siya makapapayag na mapunta sa ibang kamay ang
dalagang pinipintuho.
Dahil dito nahinto ang seremonyas at agad na hinanda ng datu ang lahat ng kawal para salubungin sa
dalampasigan ang mga pangahas. Kahit na malayo dinig na dinig ang sigawan at pingkian ng mga tabak. Nang mapawi
ang ingay, patay na naglumok ang mga kawal ni Datu Ramilon. Humanda ang magiting na datu at ilan pang kawal
upang harapin ang mga kaaway. Tumulong na rin si Laon sa pakikihamok. Subalit talagang marami ang mga kawal ni
Datu Subanon. Hindi nagluwat, patay ding bumagsak si Datu Ramilon.
Nang makita ni Laon ang pagbagsak ng datu, tinangka niyang tumakas kasama si Kang upang humingi ng
saklolo sa karatig baranggay subalit nakita sila ng mga kawal ni Datu Subanon at walang humpay silang tinugis ng
mga ito. Nang masukol ang magkasintahan, pinagsisibat sila nang walang patumangga. Niyakap ni Laon si Kang upang
huwag tamaan ngunit ang matutulis na sibat ng mga tampalasan ay naglaos pa rin sa kanilang katawan. Magkayakap
na naglumok ang magsing-irog.
Kinabukasan, hinanap ni Datu Subanon ang bangkay ni Kang subalit wala silang natagpuan. Sa halip isang
munting burol ang tumubo sa kinabuwalan ng magkasintahan. Ibinulong ng isang kawal na doon sa tumubong burol
nabuwal sina Kang at Laon.
Sa paglipas ng mga araw, ang tumubong burol ay naging isang napakalaking bundok at tinawag ng mga tao
na Kang at Laon na sa katagalan ang naging Kanlaon.
C. Pabula - isang maikling salaysay na patalinhaga at kinatha upang maglarawan ng isang aral na moral. Ang mga
panauhan dito ay mga hayop o mga bagay na binigyang-katauhan, gaya ng kapangyarihang magsalita at umisip na
parang tao.
Isang araw habang namamasyal ang langaw, nakita niyang gumagwa ng bahay ang gagamba. Mataman niyang
pinagmamasdan ito. Pabalik-balik ang gagamba sa paghabi ng kanyang bahay. Matapos na makapaglagay ng
pinakaposte ng kanyang bahay ay nagpaikut-ikot ito. Papasok-pasok ang ginagawang paghabi sa bahay. Nang hindi na
makatiis ang langaw ay nagsalita: “Ano ba’t nagpapahirap ka ng paggawa sa bahay mo, tingnan mo ang aming bahay,
masaya palipad-lipad lamang kami.” wika ng langaw na wari’y nanunuya pa.
Hindi naman kumibo ang gagamba at ipinagpatuloy ang paggawa ng bahay, hanggang makatapos at nanatili na
lamang sa pinakagitna ng hinabing bahay.
“Paano ka makalalabas niyan?” usisa ng langaw. “Nariyan ka sa gitnang- gitna. Paano ka makakakuha ng pagkain
mo?”
“Huwag mo nga akong abalahin. Matungo ka na sa nararapat mo puntahan. Hayaan mo akong mag-isa.”
Nagpalipad-lipad ang langaw sa pali-paligid ngunit hindi umalis. Tinitingan kung makalalabas ang gagamba.
“Paano ka ngang makalalabas diyan?”
“Talaga bang nais mong malaman?” tanong ng gagamba. “O sige, tingnan mo kung paano ako makalalabas,”
susog pa nito habang lumalabas sa kanyang hinahabing bahay.
“Ang dali naman pala, susubukin ko ha. Tutungo ako sa bahay mo at ipkakita ko sa iyong kayang-kaya kong
gawin ang ginawa mo.”
“Huwag! Ako lamang ang maaaring makagawa nang ganoon sapagkat ako ang may gawa ng aking bahay at
tanging ako lang ang nakakaalam ng mga lagusan nito.”
“Ang yabang mo naman, nakita ko kung paano ka nakalabas.”
“Huwag!”
“Tinadaan ko kung saan-saan ka dumaan.”
“Sinasabi ko na sa iyong hindi mo iyon matatagpuan kapag narito ka na sa bahay ko.”
“O, nagdaromot ka lamang.” at biglang dumapo sa sapot ng gagamba ang langaw. Nang naroon na ang langaw
ay hindi na makalipad dahil malagkit ang sapot ng gagamba, naninikit ang mga paa ng langaw.
“Bakit hindi mo sinabi na naninikit pala ang bahay mo!”
“Sinabi ko naman sa iyong huwag kang tutuntong sa bahay ko, mapilit ka lamang e, ayaw mo namang
mapagbawalan.”
“Tulungan mo naman akong makaalis dito,” pakiusap ng langaw.
“Narining mo na ba ang kasabihang: Ang kapalaran mo hindi mo man hanapin, dudulog, lalapit kung talagang
iyo?”
“Oo, bakit? Ano ang ibig mong sabhin?”
“Kasi dalawang araw na akong hindi kumakain at ngayon ay nagkakaroon ng pagkakataong ako ng magandang
kapalaran.”
“Bakit nga ba?”
“Sandali lang,” pagsabi noo’y biglang sinunggaban ng gagamba ang langaw na hindi man lamang nakapagbuka
ng bibig sa kabiglaanan.
Kuwentong-bayan - maaaring kuwento ng panlilinlang, katusuhan, kapilyuhan, katangahan atbp. Ito’y maaaring
kuwento ng kababalaghan o enkantado
Ang kinagigiliwang Juan ng Katagalugan ay may katumbas sa mga Maranaw: si Pilandok. Narito ang kuwento.
Dahil sa pagkakasalang ginawa ni Pilandok, siya ay nahatulang ikulong sa isang kulungan at itapon sa gitna ng
dagat.
Makalipas ang ilang araw, ang Sultan ay nanggilalas nang makita si Pilandok sa kanyang harap na nakadamit
nang magarang kasuotan ng sultan. Nakasabit sa kanyang baywang ang isang kumikislap na ginintuang tabak.
“Hindi ba’t itinapon ka sa gitna ng dagat?” nagtatangkang usisa ng Sultan kay Pilandok.
“Siya pong tunay, mahal na Sultan.”
“Papaanong nangyari ikaw ay nasa harap ko ngayon at nakadamit nang ganyan? Dapat ay patay ka na ngayon!”
ang sabi ng Sultan.
“Hindi po ako namatay, mahal na sultan, sapagkat nang sumapit po ako sa ilalim ng dagat ay nakita ko po ang
aking ninuno. Sila po ang nagbigay sa akin ng mga salapi, ginto at pilak,” paliwanag ni Pilandok.
“Sino po ang magnais na mamatay sa isang kahariang masagana sa lahat ng bagay?”
“Siguro’y nasisiraan ka na ng ulo.”
“Bakit po naririto ngayon? Ako na ipinatapon ninyo sa gitna ng dagat. Ako na ikinulong pa ninyo sa hawla ay
naririto ngayon sa inyong harapan at kausap ninyo,” ang pagpapatunay ni Pilandok. “Mayroon pong kaharian sa ilalim
ng dagat at ang tanging paraan ng pagtungo roon ay ang pagkulong sa hawla at itapon sa gitna ng dagat.”
Umakmang papaalis si Pilandok upang makabalik na muli sa kaharian sa ilalim ng dagat.
“Ako po’y aalis na at marahil hinihintay na ako ng aking mga kamag-anak.”
“Hintay.” sansala ng Sultan kay Pilandok. “Isama mo ako at nais kong makita ang aking kanunuan, ang sultan
ng mga sultan at iba ko pang mga kamag-anak.”
“Hindi po maaari ‘yan,” sagot ni Pilandok. “Mag-isa kayong pupunta roon sa loob ng hawla.”
“Kung gayon ilagay mo ako sa loob ng hawla at itapon mo ako sa ginta ng dagat.” Tumindig ang sultan upang
patunugin ang gong para tumawag ng ilang kampon ngunit sinansala siya ni Pilandok. “Huwag po kayong tatawag
kaninuman kung nais po ninyong makita ang inyong mga ninuno. At isa pa po, ay ano ang mangyayari sa inyong kaharian
kung malaman nila ang tungkol sa kahariang ito? Magnanais din sila marahil na makatungo sa kahariang iyan sino
ngayon ang mamumuno sa mga maiiwan?” tanong ni Pilandok sa Sultan.
Sandaling nag-isip ang Sultan, pagkaraan ay pangiting nagwika, “Gagawin kitang pansamantalang sultan.
Pilandok. Iiwan ko ngayon din ang kautusang ito ikaw ang aking pansamantalang nahalili”
“Hintay mahal na Sultan,” sanasala ni Pilandok. “Hindi ninyo ito dapat na ipaalam sa inyong mga ministro.”
“Ano ang dapat kong gawin?”
“Ililihim natin ang lahat na ito. Basta’t ipagkaloob ninyo sa akin ang inyong singsing, korona at espada. Pag
nakita ito ng inyong kabig ako’y kanilang susunduin.”
Pumayag naman ang sultan. Ipinagkaloob kay Pilandok ang lahat ng kanyang hinihingi at sila’y tumungo sa
tabing-dagat. Ikinulong ni Pilandok ang sultan sa may laot ay inihagis ang hawlang kinukulungan ng sultan. Dali-daling
lumubog ang hawlang lulan ng sultan at ang sultan ay namatay. Mula noon, naging sultan si Pilandok.
III. Mga UNANG ANYO NG DULA
1. Ritwal - Ito ay isang uri ng seremonya na ginagamitan ng tula, sayaw, at awit. Ito’y karaniwang pinangungunahan
ng isang babaylan o sinaunang pari na naglalayong mamagitan sa mga Diyos at mga taong mortal hinggil sa lahat
ng nasa kalooban ng mga ito. Ang ritwal ay ginagamit sa pagpapasalamat, pagdiriwang sa pag-aani, pagtataboy ng
masamang espiritu, paghiling ng anak o pagpapawala sa inaakalang poot ng mga diyos.
2. Sayaw - May mga sayaw na hindi ginagamtan ng tula kundi ng mga instrumentong pan-tugtog lamang. Sa
pamamagitan ng pamumuwestra o senyas nailalahad ang damdamin o salaysay ng mga nagsasayaw. Halimbawa
ay mga sayaw hinggil sa tagumpay ng pangangaso, kagitingan sa pakikidigma o pakikipaglaban sa kaaway o kaya’y
nagpapa-hiwatig ng pag-ibig sa napusuang dalaga.
3. Laro at Libangan - Maraming laro ang mga batang maaaring ipalagay na nasa anyong dula. Ang pagtataguan,
paghahabulan at patintero at bahay-bahayan ay may ibig ipahiwatig na saysay. Nang malaon ang karagatan,
tagayan, at pananapatan ay naging laro na rin ng mga kabinataan at kadalagahan.
4. Wayang Orang at Wayang Purwa - Mga unang dula sa Pilipinas na matatagpuan sa pulo ng Panay, Cebu, at
Dumaguete. Ito’y katulad ng “puppet show” na binubuo ng tugtog sa agong ng tanso, sayaw sa galaw ng kamay,
leeg, ng mga mata at pabigla-biglang hakbang. Mayroon itong banghay hinggil sa isang sultan at mga aliping babae,
o parusa ng bathala sa kalupitan ng sultan o datu sa nga babae.
5. Embayoka o Sayatan - Buhat sa mga Muslim ng Lanao to Jolo; ang embayoka ay isang pagtatalong patula na
katulad ng “Balagtasan” ng mga Tagalog. Karaniwan isang babae at isang lalaki ang binabayaran ng salapi upang
gumanap sa pagtatalo. Ang embeyoka ay Sinusundan ng isang laro sa panyo na tinatawag na Saystan. Sa larong
ito, sinasabing ang ginang, na may mahalagang papel ay may dalang panyo. Habang tumutugtog ay lalapitan niya
ang pangkat ng mga kabinataan at kadalagahan; tatakipin niya ang balikat ng lalaki. Ang lalaking ito ang
magbibigay ng panyo sa nagugustuhang dalaga. Aawit ang lalaki at isasayaw ang dalaga. Magsisimula ang sayaw
sa pamamagitan ng pambungan na talumpati ng pinuno ng pamayanan.
1. Bugtong - ay maiikling tugmang naghahamon sa tao na mag-isip nang madalian nang walang pagbabatayan
kundi ang inilalarawan ng mga salita. Ang ganitong gawain ng isipan ay nagpapatibay ng kasiglahan ng guniguni.
Ito’y karaniwang binubuo ng dalawang taludtod na may sukat at tugma.
2. Palaisipan - ay tila baga isang pagsasanay sa pagpapatalas ng isip, upang marahil kapag dumating ang isang
suliranin sa buhay ay may kaalaman na sila kung paano lulutasin. Ang palaisipan ay maaaring ilahad sa paraang
patula o tuluyan na karaniwang nagpapakita ng payak na katalinuhang pang-aritmetika, panlohika o dili kaya’y
pansintido-komon.
May prinsesa sa tore ay nakatira
balita sa kaharian pambihirang ganda
bawal tumingala upang siya’y makita
Anong gagawin ng binatang sumisinta?
3. Salawikain - ay mga butil ng karunungang-bayang hango sa karanasan ng mga matatanda. Ito’y kinapapalooban
ng mga mabubuting payo tungkol sa kagandahang-asal at mga paalaala tungkol sa mga batas ng kaugalian. Ang
salawikain ay karaniwang patalinhaga at nasusulat nang may sukat at tugma.
Ang sakit sa kalingkingan Sa taong nagugutom
Damdam ng buong katawan. Walang sunog na tubong.
4. Tugmang Pambata o Tugmang-bayan - mga tugmang walang diwa, o kaya’y mga tugmang mababaw ang
isinasaad na kahulugan. Ito’y maikli, maindayog, mapanukso at mapagtawa. Nagtataglay ng magkakatulad na
tunog sa hulihan ng bawat taludtod.
Tugmang mapanukso: Tiririt ng maya Tiririt ng maya
Tiririt ng ibon Tiririt ng ibon
Ibig mag-asawa Matapang ka’t
walang ipalamon asawa ang habol.
Kapag ang bata’y nakahiga at gustong patawanin:
B. Bulong - Ginagamit bilang pagbibigay-galang o pagpapasintabi sa mga bagay o pook tulad ng punong balete,
sapa, ilog, puno sa punso atbp. Pinaniniwalaang tirahan ng mga lamang-lupa, maligno at iba pang
makapangyarihang ispiritu nang hindi magalit at manakit.
Halimbawa:
Tabi, tabi nuno Huwag magalit kaibigan,
Kami lang po Aming pinuputol lamang
ay makikiraan. Ang sa ami’y napag-utusan.
Sa Bagobo, sinasabing kapag nanakawan sila ng bigas, naglalagay sila ng bangat (bulong) sa pook na dating
kinalalagyan ng bigas na ninakaw.
Nagnakaw ka ng bigas ko Mamaga sana ang katawan mo
lumuwa sana ang mata mo patayin ka ng anibos.
C. Kantahing-Bayan - Ang mga nilalaman nito’y nagpapakilala ng iba’t ibang pamumuhay at pag-uugali ng mga
tao, mga kaisipan at damdamin ng bayan. Nagpapahayag ito ng tunay na kalinangan ng mga Pilipino. Bunga ito
ng matulang damdaming buhay sa puso at kaluluwa ng bayan. Ang mga kantahing-bayan ay maaaring uriin sa mga
sumusunod:
a. soliranin - awit ng pamamangka e. diona - awit sa panliligaw
b. dalit - awit sa pamamangka f. sambotani - awit ng tagumpay
c. talindaw - awit sa pagsagwan g. oyayi - awit ng paghehele
d. kumintang - awit ng digmaan h. kundiman - awit ng pag-ibig
Naragdagan noon at nagkaroon ng pagbabago ang mga dating kantahing- bayan upang maangkop sa panahon.
Nanging kapuna-puna ang pagpasok ng ilang salitang Kastila sa mga awitin noon:
Dadansoy
Dadansoy, bayaan ‘ta ikaw Dadansoy, kon imo apason
pauli sa Payao Bisan tubig di magbalon
Ugaling kon ikaw hidlawon Ugaling kon ikaw uhawon
Ang Payao imo lang lantawon Sa dalan magbobon-bobon
Paruparong Bukid
Paruparong bukid na lilipad-lipad
sa gitna ng daan, papaga-pagaspas
sangdakal ang tapis, sang bara ang manggas
ang saya de kola sang metro ang sayad
May payneta pa siya, may suklay pa mandin
Naguas de ojedes ang palilitawin
Haharap sa altar at mananalamin
At saka lalakad nang pakendeng-kendeng.
Leron-Leron Sinta
Leron-leron sinta, puno ng papaya Ako’y ibigin mo lalaking matapang
Dala-dala’y buslo, sisidlan ng bunga Ang baril ko’y pito, ang sundang ko’y siyam
Pagdating sa dulo nabali ang sanga Ang lalakarin ko’y parte ng dinulang
Kumapit ka, Neneng baka ka mahulog. Isang pinggang pansit ang aking kalaban.
Sitsiritsit Alibangbang
Sitsiritsit alibangbang Mama, mamang namamangka
Salaginbo’t salagubang Pakisakay yaring bata
Ang babae sa lansangan Pagdating mo sa Maynila
Kung gumiri’y parang tandang Ipagpalit ng manika.
Doon po sa Amin
Doon po sa amin Sumasayaw ang pilay
Bayan ng San Roque Kumanta ang pipi
May nagkatuwaan Nanood ang bulag
Apat na pulubi Nakinig ang bingi
D. Epiko - Ito’y isang mahabang tulang pasalaysay tungkol sa kabayanihan ng pangunahing tauhan na nagtataglay
ng katangiang nakahihigit sa karaniwang tao na kadalasan siya’y buhat sa lipi ng mga diyos o diyosa. Ang paksa
ng mga epiko ay mga kabayanihan ng pangunahing tauhan sa kanyang paglalakbay at pakikidigma.
Nakarating si Humadapnon sa kaharian ng Umban Pinaumbaw at sa tulong ng kanyang mahiwagang lupa, naialis niya ang
malaking bato na nasa sentro ng kaharian. Bunga nito napangasawa ni Humadapnon ang prinsesa ng Umabaw Pinaumbaw.
Ang Pangatlong pakikipagsapalaran ni Humadanon ay ang pagkamit niya sa kamay ni Burigadang Pada Sinaklang Bulawon, na
Diyosa ng Kasakiman.
Si Dumalapdap naman ang nakipagsapalaran. Upang makamit niya si Mahuyuk-huyukan, kinakailangan niyang
mapatay si Banalakon na isang higante na may isang ulo. Nakipaglaban din siya kay Ayutang ang higanteng kabag. Mahaba
ang kanilang paglalabanan. Nagtamo ng sugat sa kilikili si Ayutang, ang pinakamahinang bahagi ng katawan nito. Sa sakit
pumalag nang pumalag si Ayutang. Sa di-kawasa’y, ang lupang tinakpan nito ay biglang nahati sa dalawa, ang mga bato ay
lumubog sa dagat at pagkatapos ay lumutang na muli at nagiging mga pulo ng Panay at Negros. Sa pagkakabuo ng Panay at
Negros, ang mga batong tatag ng lupa ay ipinamahagi sa tatlong magkakapatid: si Labaw Donggon, ang naging hari ng Irong-
Irong, si Humandapnon ang hari ng Hantik, at si Dumalapdap ay naging hari ng Aklan. Sina Paubari at Alunsina ay nagtungo
sa Bundok ng Madyaas at doon na nabuhay nang tahimik.
II. MARAGTAS - Ang salitang “maragtas” ay nangangahulugang kasay-sayan. Ang akdang ito samakatuwid ay
kasaysayan ng mga pangyayari sa pulo ng Panay mula sa pagdating doon ng mga datu mula sa Borneo hanggang
sa mga unang taon ng ika-19 ng siglo. Narito ang buod:
A. Si Marikudo
Sa Sinugbuhan - isang pook sa Panay - ay maraming naninirahang, Negrito. Pinamumunuan ito ni Datu Pulpolan,
ngunit nang siya’y tumanda na, piniling kahalili ang anak niyang si Marikudo. Karapat-rapat siya sa tungkuling iyon sapagkat
si Marikudo ay malakas, matapang at mabilis tumakbo. At hindi rin siya natatakot lumakad mag-isa sa kagubatang
pinaninirahan ng mga maiilap na hayop at mga masasamang espiritu.
Bago siya naging datu, kailangan muna ni Marikudo na mag-asawa. Maraming mga babaing nananabik at naghihintay
na mapili ngunit ang pinili ni Marikudo ay ang mayuming si Maniwantiwan na isang mahirap.
Nabubuhay sa pagkakaingin at pagtatanim ng palay ang mga Negrito. Pang-ulam nila ang usa, babpydamo, bayawak,
alamid, isda at mga suso at kuhol na makukuha sa mga ilog.
Sa sinugbuhan ang mga Negrito ay malayang nakakalakad nang walang anumang saplot ngunit nang makarating doon
ang mga taga-Borneo, tinakpan nila ang maseselan nilang bahagi. Mula noon at nagbahag na sila; nagsuot ng tapis ang mga
babae - tapis na yari sa balat ng hayop, yari sa banakal ng punungkahoy o kaya’y yari sa dahon ng giniit.
Kung may kailangan silang bagay na wala sa kanila ay nagtutungo sila sa isang burol na pinagpapalitan - dala nila’y
mga sungay ng usa, mga ngipin ng baboy damo, mga kabibe atbp. upang ipakipagpalit.
Kapag may mag-aasawang magkasintahan, dinadala sila ng mga kababata nila sa isang burol, doon ang babae
pinauunang patakbuhin. Sa layong mga sandaang dipa, hahabulin na siya ng lalaki. Sa sandaling mahuli na ng lalaki ang babae,
pinahihintulutan na ang pagpapakasal sa dalawa.
Kapag malapit nang magsilang ang babae, dinadala siya ng kanyang asawa sa burol na napili ng babae. Babantayan
siya roon ng asawa (bana) hanggang sa maisilang ang anak, pangangalanan naman ang bata ng ngalan ng punungkahoy na
malapit sa pinagsilangang sanggol.
Ang namatay na Negrito ay inililibing na kasama ang mga bagay na mahalaga rito; kung hindi, iisipan pa nito ang mga bagay
na naiwan niya. Ibinabaon nila nang patayo ang patay at litaw ang ulong may salakot. Saka lamang ganap na tatabunan ng
lupa ang bangkay pagkaraan ng ilang araw. Sinasabing nagiging tagapangalaga ng mga pananim ang namatay na ibinaon sa
lupaing dati niyang sinasaka.
Naggagalangan ang mga Negrito at wala sa kanila ang nakikialam sa ari-arian ng iba, ang datu ang laging tagaayos
kapag may di-nagkakasundo. Mabibigat na kasalanan ang pagnanakaw, pangngagahasa at pakikiapid. Ang mga ganitong uri
ng kasalanan ay pinarurusahan sa pamamagitan ng paglibing ng buhay o pagtatapon sa gitna ng dagat. At ito ang kalagyan ng
Negrito nang dumating ang sampung datu galing sa Borneo.
B. Si Datu Puti
Ang mag datu: sina Datu Puti, Datu Sumakwal, Datu Bangkaya, Datu Paiborong, Datu Domongsol, Datu Lubay, Datu
Domangsil, Datu Paduhinogan, Datu Domolog at Datu Balensuela ay nagkaisang tumakas sa kalupitan ni Datu Makatunaw.
Ito ang kumamkam sa kanilang mga ari-arian, mga kayamanan at mga ginto at lumapastangan sa kanilang mga asawa.
Isang gabi, kasama ang mag-asawa nila at dala ang mga ibang nailigtas na mga ari-arian, palihim silang sumakay sa
isang mabilis na sasakyang dagat.
Pagkaraan ng maraming araw na paglalakbay, narating nila ang Panay. Dumaong sila sa Sinugbuhan na
pinamumunuan na ng bagong datu - ni Marikudo. Nagpanakbuhan ang mga katutubonang matanaw nila ang nagsidating,
tanging si Marikudo ang naiwan. Matatag nitong hinawakan ang kanyang sibat at pana, inalam sa mga lumapit na dayuhan
ang kailangan ng mga ito.
Sinabi ni Datu Puti na hangad nila ang pakikipagkaibigan; ibig din nilang tumigil; doon bilang kahangga ng mga Negrito.
Saka, nais din nilang bumili ng lupa at kung maaari’y ang pook na kinatatayuan nila.
Sumagot si Marikudo na kailangang kausapin muna niya ang mga matatanda. Kaya bumalik muna ang mga taga-
Borneo sa kanilang sasakyang-dagat upang doon tumigil at maghintay ng kasagutan.
Agad na pinatunog ni Marikudo ang gong. Nagsibalik ang mga kalalakihan at kababaihan at ang mga bata bata. Isang
pagpupulong ang itinakda ni Marikudo. Ipinagbibigay alam ni Marikudo sa mga katandaang Negrito ang hangarin ng mga
taga-Borneo. Sumang-ayon ang mga matatanda. Sinabing mabuti ang marahil ipagbili ang lupa sapagkat napakalawak naman
at mahirap nilang masakang lahat. At nang sabihin ni Marikudo na ang lugar na tinitirahan nila ang ibig ng mga dayuhan
sapagkat malapit sa dagat, nag-uusap na muli ang mga katandaan. Iyon man at hindi na nila tinutulan sapagkat ang mga
kalapit na burol ay nakaingin na at ibig naman nilang mamuhay sa matatandang bundok na hindi pa nakaingin sa pusod ng
kagubatan.
Isang malaking piging ang idinaos. Naghanda sina Marikudo ng mga pagkain at mga inumin. Inutusan niya ang mga
tauhan na manghuli ng usa at baboy-ramo, at ng maraming isda, hipon at alimango.
Dumating sa Sinugbuhan ang mga datu kasama ang kani-kanilang mga asawa at mga katulong. Nabibihisan ang mga
ito ng magagandang kasuotan. Ang mga ulo ng kalalakihan ay napuluputan ng apat na ulit ng makukulay na panyo. Nakadamit
sila ng pang-itaas na walang manggas at walang kwelyo. Ang buhok naman ng mga babae ay nasuklay nang hati sa gitna at
pinusod sa magkabilang gilid ng ulo at bahagyang nakatakip sa magkabilang taynga, ang mga blusa nila ay may mahahabang
manggas; ang mga tapis ay mahahaba samantalang may mga pulseras pa sila mula sa pupulsuhan hanggang siko. Ang mga
daliri ng mga kamay at mga paa nila ay nasusuotan ng mga singsing.
Nangakasalampak ang mga Negrito sa lupa sa lilim ng puno ng dapdap at ang mga handa nila ay nakalatag sa mga
dahon ng saging.
Ang mag asa-asawa ng mga datu ay nagkaloob ng mga kuwintas, mga panyo at mga suklay suklay sa kababaihang
Negrito. Nagkaloob naman ang mga datu ng lanseta at mga palakol sa kalalakihan. Isang natatanging tansong karis ang
ipinagkaloob kay Marikudo.
Bilang kabayaran sa lupain, ipinagkaloob ni Datu Puti kay Marikudo ang isang mabigat na gintong salakot at isang
malaking gintong batya na tumitimbang ng limampung bas-ing.
Isinuot ni Marikudo ang salakot at nagsimula na ang pagdiriwang. Lahat ay masasaya sapagkat ipinalalagay nilang
mahal na ang pagkakapagbili sa Panay, lalo’t iisiping ang lupain noon ay nahihingi lamang.
Sinabi ni Marikudo kay Datu Puti na ang lupaing iyon ay napakalawak kaya kung liligirin ang buong lupain at
magsisimulang maglakad sa panahon ng taniman, aabutin na ng anihan bago makarating sa pinagsimulan.
Samantala, naipasiya ng mga datu na sa Malandog na lamang tumigil sapagkat higit na maraming isda sa mga ilog ng
Malandog kaysa sa Sinugbuhan.
Nang maisaayos na ang lahat, naipasiya ni Datu Puti na bumalik sa Borneo. Ibig niyang makipagtuos kay Sultan
Makatunaw. Si Datu Sumakwel ang pinili niyang mamuno habang siya’y wala. Tinagubilinan niya ang lahat na magtrabahong
mabuti at magtanim. Nalungkot ang lahat sa kanyang pag-alis.
Ipinagsama ni Datu Puti sina Datu Domangsil at Datu Balensuela, ngunit sa naaranan nilang pulo, sa may baybay-ilog,
hiniling ng dalawa na maiwan na sila roon. Sila naman ang magiging ninuno ng mga taga-ilog o mga Tagalog. Si Datu Puti na
lamang ang nagpatuloy sa paglalakbay kasama ang kanyang pamilya at mga utusan. Mula noo’y wala nang narinig pa sa buhay
ni Datu Puti.
C. Si Sumakwel at si Kapinangan
Ang mga naiwan ni Datu Puti, sa pamumuno ni Datu Sumakwel, ay naging abala sa pagkakaingin. Kung tag-ulan, nag-
tatanim sila ng palay. Sa ibang pagkakataon, sila’y nangingisda. Sila ang naging ninuno ng mga Bisaya.
Lumipas ang isang taon sa Maladog. Minsan, naisipan ni Sumakwel na hanapin ang bundok na tinatahanan ng
Bathalang Bulaklak. Iniwan niya sa kanang-kamay na si Gurunggurong ang kanyang lambat na gamit sa pangingisda.
Tinagubilinan din niya gaya ng dati, na ito na ang bahalang tumingin sa kanyang tahanan. Malimit kung siya’y umalis. Si
Gurunggurong ang napag-iiwanan niya ng tahanan. Ngunit lingid sa kanyang kaalaman, ang asawa niyang si Kapinangan ay
umibig kay Gurunggurong.
Nang bumalik si Sumakwel, napansin niya ang lambat sa pangingisda ay hindi nagamit. Ginamit agad iyon ni
Sumakwel at maraming siyang nahuli. Inutusan niya ang mga alipin na patuyuin ang mga isda at bantayan upang di tangayin
ng mga ibon o kainin ng mga aso. At sumagot ang mga utusan: “Kung ang nasa loob ng pamamahay ay nananakaw, ang mga
naiiwan pa kaya sa labas ang hindi manakaw?”
Sa pahiwatig na iyon ay naisip ni Sumakwel na may mga nangyayaring hindi niya alam.
Isang araw, namaalam si Sumakwel kay Kapinangan. Maging sa mga utusan ay hindi niyang may lalakbayin siyang
malayong pook. Ipinahanda niya ang kanin, isda at tubig na babaunin. Sinabi niya kay Kapinangan na malalim pa ang gabi ay
aalis na siya at hindi na niya ito gigisingin pa; na sa gabi naman ng kinabukasan ang balik niya.
Nang maghahatinggabi na, dahan-dahang bumangon si Sumakwel at uamkyat sa kisame sa tapat ng kanilang papag,
dala ang mga pagkain.
At gaya ng iniisip niya, sa pagsikat ng araw ipinasundo na ni Kapinangan si Gurunggurong sa tagubiling may ipagagawa siya
rito. Agad namang dumating si Gurunggurong at nananabik na lumapit sa kinahihimlayan ng naghihintay na si Kapinangan.
Nakita ni Sumakwel ang pag-uulayaw ng dalawa. Mahigpit niyang hinawakan ang sibat at buong lakas iyong iyong pinatama
sa likod ng lalaki. Sa lakas, tumagos ang sibat sa dibdib. Namatay noon din si Gurunggurong.
Walang kahina-hinala si Kapinangan na kagagawan iyon ni Sumakwel. Naibulalas niya: “Ilang ulit ko na bang sinabi
kay Sumakwel na huwag magtago ng sibat sa kisame dahil sa mga aksidenteng maaaring mangyari na tulad nito.”
Pigil ang hangad ni Sumakwel na lundagin ang asawa. Naghintay pa siya ng gagawin ni Kapinangan.
Binalot ni Kapinangan sa banig ang katawan ngunit napakabigat niyon upang buhatin. Ipinasya ng babaing tagpasin
ang mga pa, binti, hita at mga braso’t kamay. Pagkatapos magawa iyon at mabalot ang mga ito, dinala niya sa kagubatan at
itinapon ang mga iyon sa bangin. Ang lahat nang ito’y nasaksihan at nasubaybayan ni Sumakwel.
Kinabukasan, nagkunwa si Sumakwel na kararating lamang. Buong giliw na binati ang asawa. Iniabot niya kay
Kapinangan ang mga isdang dala at sinabing linisin at lutuin agad iyon sapagkat siya’y gutom na gutom.
Sumimangot si Kapinangan at sinabing hindi siyang marunong magputol-putol ng isda, saka may mga utusan namang
dapat gumawa niyon.
“Bakit hindi mo magawang putul-putulin ang mga isda,” tanong ni Sumakwel, “gayong sanay ka sa pagpuputul-putol
ng isang tao?”
Nabigla si Kapinangan. Hindi siya makatingin kay Sumakwel. Sa kaibutaran, alam niyang nagbabatid ni Sumakwel ang
lahat.
Upang mabigyan ng aral ang kababaihan, hinatulan ni Sumakwel ng kamatayan si Kapinangan. Nagdurugo ang pusong
ipinatupad sa mga utusan ang hatol dalhin sa kalagitnaan ng dagat ang asawa, ilagay sa isang malaking basket na
napapabigatan ng malalaking bato at ihulog sa karagatan.
Matagal ang paglalayag. Samantala, habang nalalapit ang mga sandali, ang habag ay namumuno sa isang malayong
pulo upang doon nito mapagsisihan ang mga kasalanan.
D. Si Sumakwel at si Alayon
Lumipas ang maraming taon. Nagdurugo pa rin ang puso sa kataksilang ginawa ng asawa, ipinasya ni Sumakwel na
maglakbay upang makalimot. Maghahanap na rin siya ng mga binhi at mga bungang punla na itatanim sa kaupuluan. Kasama
ang mga abay na utusan, naglakbay silang walang tiyak na tutunguhan. Ang sasakyan nila’y inihatid ng malakas na hangin sa
isang mahiwagang pulo. Sa baybayin, nakita niya ang isang bahay. Nakapanungaw sa bintana ang isang babaing nagpagunita
kay Sumakwel kay Kapinangan.
“Sino ang babaing iyon?” tanong ni Sumakwel. Ang katanungan niya ay nasagot ng mga tagroon. Sinabing dumating
roon matagal na ang mahiwagang babae; na iyo’y sinamba na nila mula noon at kinikilalang isang diyosa.
Si Alayon, na walang iba kundi si Kapinangan ngunit napagbago ng mga taon, ay nakadama ng pagkahabag sa nakitang
kalungkutan sa katauhan ni Sumakwel. Inanyayahan niya sina Sumakwel na tumigil sa lugar niya sa loob ng ilang araw. Hindi
siya nakilala ninuman, maging ng mga kasamang utusan sa maglulunod kay Kapinangan, isang gabi, matagal nang panahon
ang lumipas. Di masusukat ang kabutihang-loob na ipinakita at ipinadama ni Alayon kina Sumakwel. Sa ilang araw iyon, hindi
maikakaila sa mga kasama niya na umiibig si Sumakwel kay Alayon. Ngunit kapag naggugunita niya ang pagtataksil ni
Kapinangan, ibig niyang sikilin ang pag-ibig na nadarama niya.
Umisip ng paraan ang mga kasama ni Sumakwel upang lubusang magkalapit na ang dalawa. Isang madaling araw,
isang malungkot na himig mula sa plawta ang narinig. Tumutugbog ang isa sa mga tauhan ni Sumakwel. Narinig iyon ni
Sumakwel; waring may nabuhay sa mga gunitain, nabagbag ang kalooban niya; hindi na niya namalayang lululuhi siya at wala
siyang ibang matakbuhan kundi si Alayon. Nasa piling na siya ni Alayon na lumuluha rin nang mga sandaling iyon. “Ang luhang
ito,” ani Alayon, “ay hindi matutuyo para sa lalaking minamahal ko na, na malapit nang lumayo sa akin.”
Hindi na mapigil ni Sumakwel ang sarili. Isinumpa ni Sumakwel na hindi niya lalayuan ang babaing iniibig niya.
Nakasal sina Sumakwel at Alayon sa gitna ng masiglang kasayan. Nagmahalan sila sa buong buhay nila ngunit ni hindi nakilala
ni Sumakwel na si Alayon ay si Kapinangan.
EPIKO NG BIKOLANO
IBALON - Ito’y matandang epiko ng Bikol na isinalaysay ni Cadregong, isang makatang manlalakbay. Isinsiin ito sa Kastila ni
Padre Castano at nalatha sa Madrid. Ang epiko ay nagsasalaysay tungkol sa tatlong bayani ng Bikol: sina Baltog, Handiong, at
Bantog. Ang Ibalon ay binubuo ng 60 saknong. Ang sukat ay 12 pantig sa bawat taludtod. Ang epikong ito ay nahahati sa
dalawang bahagi, ang unang bahagi ay ang kahilingan ni Iling kay Kadugnung na awitin nitong huli ang mga pangyayaring
magpapakilala sa kabayanihan ng bayaning si Handiong. Ang ikalawang bahagi ay ang awit ni Kadugnung na naglalaman at
naglalahad ng mga pangyayaring nagaganap noong matagal nang panahon.
Iling - isang ibong laganap sa Kabikulan at kung inaalagan ay maaring turuang bumigkas ng ilang salita. Kudugnung -
mang-aawit at matalinong makata at sa kahiligan ng Iling ay inawit niya ang epiko. Siya ang nagsasalaysay ng epiko kay Fr.
Jose Castrano.
Buod:
Si Baltog ang unang taong nakarating sa Bikol. Siya ang anak ng Hari ng Samar. Nagtungo si Baltog sa Bikol at nagtatag
ng kaharian niya sa kagubtan ng Ibalon. Ngunit mapanganib ang kaharian sa isang baboy na kumakain ng tao at namiminsala
ng mga pananim. Nilabanan ni Baltog ang baboy at dahil sa iwi niyang lakas at talino natalo niya ang hayop.
Muli, isang malaking kalabaw kasama ang pating na may pakpak at mga higanteng buwaya ang sumalakay sa Ibalon. Matanda
na si Beltog at wala nang lakas kaya hindi niya maipagtanggol ang ibalon. Nagdaan naman sa Ibalon si Handiong, na isang
mahusay na mandirigma mula sa kalapit na kaharian. Si Handiong at ang kanyang mga tauhan ang tinuksa sa mga salot.
Nailigtas din ni Handiong ang Ibalon kay Oriol, na isang babaing may ulong ahas at may aliping mga higanteng bulag.
Si Rabut ay isang halimaw na may kapangyarihang gawing bato ang mga kaaway. Siya’y isang dambuhalang may
kalahating tao at kalahati ay hayop ang katawan. Si Bantug, na batang-batang mandirigma at kaibigan ni Handiong ang
tumigpas sa leeg ni Rabut. Sa paghihirap ni Rabut, nagkikisay ito at napauga niya at nahati ang tubig sa dagat. Sumulpot ang
bagong isla at ang bundok na bato ay napalitan ng lawa. Lumitaw din ang kilala natin ngayong Bulkang Mayon.
EPIKO NG IPUGAW
I. ALIM - Ito’y ipinaglalagay ni Dr. Otley Beyer na pinakamatandang epiko sa Pilipinas. Higit na makarelihiyon ang
anyo nito at inaawit sa mga pagtitipong nauukol sa relihiyon. Isinalaysay sa Aliw ang tungkol sa Diyos na si
Makanungan, ang bathalang nagkasal sa magkakapatid na sina Bugan at Wigen. Nagkaroon noon ng delubyo ang
magkapatid na Bugan at Wigan lamang ang nakaligtas dahilan sa nakatakbo sa mga bundok ng Kalawitan sa
kanluran at Amuyaw sa silangan. Nagdalantao si Bugan at sa hiya ay naisip niyang magpakamatay. Subalit,
nagpakita sa kanya si Makanungan at sila ay ikinasal. Nagkaanak sila ng apat na babae at limang lalaki. Ang apat
na babae ay ikinasal sa apat na nakatatandang kapatid na lalaki. Si Igon, ang bunsong anak na lalaki ay walang
asawa. Nagsalat at naghandog ng mga hayop si Wigan, ngunit wari’y hindi sila narinig ng kanilang diyos kaya
inihandog nila si Igon. Dumating si Makanungan at sila ay pina-galitan. Dahil sa pagkakahandog kay Igon,
pinarusahan ang mag-anak. Ikinalat sila sa apat na sulok ng mundo. At mula noon ang mga tao ay nagdidigmaan
at nagpatayan bilang bahagi ng sumpa ni Makanungan sa mag-anak nina Bugan at Wigan.
II. HUDHUD - Ito ay inaawit naman sa mga pagkakataong di-panrelihiyon. Ito ay tungkol sa buhay ni Aliguyon, ang
pinakamasipag, pinakamakisig, pinakamatapang at pinakamalakas na tao sa buong Gonhandan. Isinalaysay din sa
epikong ito ang matagal nang alitan ng dalawang tribo; tribong Hananggaa at tribong Daligdigan. Napagka-
sunduang tapusin na ang alitang ito sa pamamagitan ng pagtutuos ng dalawang pinuno; si Liguyon ng tribong
Hanangga at si Pumbakhayon ng tribong Daligdigan. Ang labanan ay nagtagal ng apat na taon na walang nanalo ni
natalo. Nagwakas lamang ang labanan nang nakilala ni Aliguyon si Bugan, ang kapatid na baabe ni Pumbakhayon
at ito’y pinakasalan. Si Pumbakhayon ay imibig naman sa kapatid ni Aliguyon na si Aginaya. Ang maraming
kuwentong bahagi ng epiko ay nagsasabi rin ng matandang kultura ng Upugaw, ang kanilang mga kaugalian,
tradisyon, paniniwala at pamumuhay.
EPIKO NG ILOKANO
BIAG NI LAM-ANG - Isinalaysay dito ang pakikipagsapalaran sa buhay ng bayaning si Lam-ang. Ito’y akda ng isang
bulag na si Pedro Bukaneg, na taga-Abra at naging bihasa sa wikang samtoy sa Kastila. Siya’y isinilang noong
Marso, 1592 na isang bulag ngunit inampon ng mga Paring Agustino at ipinadala sa Maynila upang doon ay mag-
aral ng wikang Kastila.
Si Lam-ang maliit pa mang bata ay kinikitaan na ng likas na lakas. Isang araw ay naitanong niya sa kanyang ina kung saan
naroon ang kanyang ama. Sinabi ng kanyang ina na ito’y tumungo sa lupalop ng mga Igorot na kalaban nila. Nang malaman
ito dali-daling lumisan si Lam-ang na taglay ang sandata. Sa wakas ay sinapit niya ang lupalop ng mga Igorot at gayon
lamang ang kanyang panlulumo nang makita niya ang mga ito na ipinagdiriwang ang pagkakapatay ng kanyang ama.
Nag-ibayo ang galit ni Lam-ang nang siya ay pagtawanan ng mga ito sa kanyang pagtatanong kung bakit nila
pinatay ang kanyang ama. Pinag-pupuksa niya ang mga Igorot sa tulong ng kanyang taglay na anting-anting. Ang dugong
bumuha ay tulad ng ilog ng Amburayan. Labis ang kasiyahang umuwi si Lam-ang, dahil sa naipaghiganti na niya ang
pagkamatay ng kanyang ama.
Nang siya ay makauwi na sa kanilang munting kaharian, ay ipinatawag niya sa kanyang ina ang lahat ng babae sa
kanilang kaharian at pinapaghanda sila ng isang uri ng gugo o lihiya, upang ipanlinis sa kanyang ulo. Pumunta sila sa ilog
at doon, siya ay ginugan. Dahil sa karumihan ng kanyang buhok ay marami ang namatay na isda. Nang matapos sila ay
pinagbibigyan niya ng tig-iisang gintong salapi ang bawat isa sa kanila, at siya naman ay naghanda upang magtungo sa
bahay ni Ines Kannoyan na balita sa kagandahan. Sa kanyang pag-alis ay kasama niya ang kanyang manok na sasabungin
at ang kanyang mahal na aso.
EPIKO NG MARANAO
I.
Sa paglalakad niya patungo na kina Ines Kannoyan ay nasalubong niya si Sumarang, isa sa masugid na manliligaw
ng dalaga. Kinutya ni Sumarang si Lam-ang. Nagalit ang dalawa. Sinamang-palad si Sumarang. Ang bangkay niya ay
tumapon nang may anim na burol.
Nahirapan siyang makapasok sa bakuran nina Ines Kannoyan, sapagkat maraming tao ang naghahangad na makita
ang mala-diwatang kagandahan ng dalaga. Umupo siya sa mga damuhan at pagkuwa’y inutusan niya ang kanyang mga
alaga na gumawa ng paraan upang siya ay mapansin. Ipinagaspas ng manok ang kanyang pakpak at kaalinsabay niyon ay
isang bahay na maliit na hindi kalayuan ang nabuwal; at nang kumahol ang aso ay muling nagbalik sa dating pagkakatayo
ang bahay. Ang lahat ng iyon ay nakita ng ina ni Ines Kannoyan, at siya ay ipinatawag at tinanong kung ano ang pakay
nito. Sa pamamagitan ng kanyang manok, siya ay nagpahayag ng pag-ibig. Pumayag ang mga magulang ng dalaga na sila
magpakasal kung matutumbasan ni Lam-ang ang kanilang kayaman. Sinang-ayunan ni Lam-ang ang kahilingan at
maligayang ibinalita sa kanyang ina ang paghahandang gaagwin sa kanilang kasal.
Masaya at marangal ang kasalan. Sa kailukuhan ay may isang kaugalian, na pagkatapos ng kasal kina-kailangang
sumisid ang lalaki sa ilog upang humuli ng isda. Ito ay sinunod ni Lam-ang, subalit sa kasamaang-palad siya ay nilamon ng
pating. Magluluksa na sana si Ines Kannoyan, kung di nagawan ng himala ng manok at ng kanyang mahal na aso. Ipinakuha
nila ang buto ni Lam-ang at sa bisa ng engkanyo nito ay muling nabuhay si Lam-ang. Naging maligaya ang mag-asawa at
nabuhay nang maluwalhati at tiwasay.
EPIKO NG MARANAO
I. DARANGAN - Isa ito sa pinakamatanda at pinakamahabang epiko ng mga Pilipino. Maraming gabi ang kailangan
upang maibigkas ang may 25 kabanata ng Darangan sapagkat hindi ito iisa kundi sama-samang epiko. At ang
pinakamagandang bahagi nito ay ang ukol sa prinsipe na nangangalang Bantugan na nangunguhulugang ay
“kapuri-puri.”
Ang Darangan ay nagsisimula sa mahabang pagsasalaysay ng pamamahala ni Diwantandao Gibon, ang lolo
ni Prinsipe Bentugan, at ang unang pinuno ng kahariang Bembaran, ang sinasabing unang tirahan sa Mindanao ng
mga ninunong Marana. Ang tula ay tumatalakay sa napakaraming tema, na isang katangiang napapaloob sa mga
karaniwang epiko.
Sa isa sa mga higit na popular na kabanatang inaawit sa Darangan, ang paksa ay ang digmaang
namamagitan sa matanda at makapangyarihag pamayanan ng Rombaran at Kadaraan. Ang pagtutunggali ay
bungis ng pag-aalitan nina Prinsipe Bantugan ng Bembaran at Prinsipe Mindalano ng Kadaraan. Bawat isa sa nag-
aalitang prinsipe ay may layuning pakasalan ang prinsesa ng Guidologan ng iba pang pamayanan. Ang magwawagi
sa digmaan ay gagantimpalaan ng pagpapakasal sa magandang dilag. Ang bahaging ito ng epiko ay kinagigiliwan
ng mga nakikinig na Maranao dahil sa taglay nitong matulaing kuwento ng pag-ibig at karangalan.
Ang isa pang kinagigiliwang kabanata ay ang “Abduction of Princess Lawanen”. Ayon sa tula, ang kaakit-
akit na dilag ay kapatid ng dakilang datu. Murog ng Pembaran at ni Prinsipe Bantugen. Siya ay itinakdang ipakasal
kay Mabanig, isa pang makisig na prinsipe ng Kudarangan. Ang prinsipeng ito ay naghahanap ng ginintuang
manikang sumasayaw bilang alay sa napupusuang dilag. Sa panahon ng kanyang pagkakawala isa namang
mabagsik na datung nangangalang Mapandi ang dumukot sa prinsesa at iniuwi sa tirahan niya sa Sorsogon at
inalukan ng pagpapakasal sa kabila ng pagtutol ng prinsesa. At buong ng ikinilos niyang labag sa batas sina Prinsipe
Mabanig at Bantugan ay nagsagawa ng malaking pakikibaka upang makuha muli ang prinsesa at ipaghiganti ang
panghahamak na ginawa sa pamilyang may dugong bughaw. Ang mga kawal ng Bembaran na pinangungunahan
ni Bantugan at Mabaning ay sumalakay sa Sorsogon at nagtagumpay sa pagkuha muli kay Lawanen at pagsakop
ng lupain ng salarin.
Ang pag-aaral ng pinamanang literaturang ito ay mayroong maraming kahalagahan. Bilang isang popular
na literaturang-bayan, ito’y isang ebidensya ng mga paniniwala at ideolohiyang gumagabay sa ikinikilos ng mga
Moro.
A. Bantugan - ang epikong ito ay ukol sa isang prisipe, si Bantugan na ubod ng tapang at lakas. Dahil sa inggit at
selos, iniutos ng kanyang kapatid na si Haring Madali sa kanyang mga sinasakupan na huwag pansinin o kausapin
si Bantugan. Napilitan si Bantugan na lisanin ang kaharihan ng Bumbaran. Sa paglalakbay, siya’y sinamang-palad,
nagkasakit at namatay. Ito’y nabalitaan ni Haring Madali at muling nanaig ang dating pagmamahal sa kapatid.
Lumipad ang hari sa langit, hinihing ang kaluluwa ni Bantugan at ibinalik niya ito sa Bumbaran. At sa wakas, iniligtas
ni Bantugan ang kahariang Bumbaran mula sa kanilang kalaban na si Haring Miskoyaw, na nagtangkang umagaw
dito.
B. Indarapata at Sulayman - ito ay salaysay ukol kay Emperador Indarapatra ng kahariang Matanpuli; matapang,
matalino at mabait. May sibat siya na matapos ihagis sa kaaway ay bumalik sa kanya. May apat na dambuhalang
halimaw ang nananalot sa Mindanaw, na isa-isa niyang napatay. Sumama ang Emperador Intrapatra kay Sulayman
na iligtas ng prinsipe ang kaharian sa apat na salot: si Kurita, hayop na maraming paa at limang tao’y isang kainan
lamang. Si Tarabusaw na mukhang tao na nangangain ng tao. Si Pah na ibong sa laki ay nagpapadilim ang bundok.
Ang halimaw na Kurayan na isa ring ibong pito ang ulo. Tinanggap ni Sulayman ang tungkulin. Naglagay si Indapatra
ng halaman sa durungawan. Kapag nalanta ang halaman, nangangahulugang nasawi si Sulayman. Isa-isang
napatay ni Sulayman ang mga halimaw. Ngunit nang matigpas niya ang pakpak ng huling halimaw, nadaganan siya
nito at siya’y namatay. Sa tulong ng halamang nalanta ay nabatid na Indarapatra ang nangyari. Pinuntahan niya si
Sulayman. Dumalangin siya sa Bathala. Muling nabuhay ang bayani. Isang magandang dalaga sa mga nailigtas ni
Sulayman ang nakabihag ng kanyang puso.
C. Bidasari - ay isa lamang hiram na epiko sa Malaysia; ngunit naging popular ito nang maisalin sa Maranaw.
Kasama ito madalas sa Darangan. Ito ay ukol sa magandang si Bidasari na dahil sa kalupitan ng Sultana ay patay
kung araw at gabi lamang nabubuhay. Napaibig ang isang Sultan sa dalaga at sila’y naging
Patula man o tuluyan ang Panitikan sa mga unang panahon ng pananakop ay pumaksa sa tatlong bagay: wika,
relihiyon at kagandahang-asal.
Mga Akdang Pangwika:
1. Pambalarila o panggramatika. Halimbawa: “Arte y Reglas de la Lengua Tagala” ni Francisco Blancas de
San Jose (1610).
2. Diksyunaryo at bokabularyo. Halimbawa: “Arte y Diccionario de Tagala” ni Padre San Juan de Placencia.
Akdang Pangrelihiyon. Halimabawa. “Doctrina Christiana” - kauna-unahang aklat na nalimbag sa Pilipinas noong
1593. Nasulat sa wikang Kastila at Tagalog na inakda nina Fr. Dominggo Nieva OP at Fr. Juan de Placencia. Ito’y
naglalaman ng mga unang dasal na dapat matutuhan ng mga Kristiyanong tulad ng: Pater Noster (Ama Namin), El
Ave Maria (Abe Ginoong Maria), El Credo (Ang Pananampalataya), La Salve Regina (Abe Po Santang Mariang Hari),
Los Artikulos de la Fe (Mga Artikulo Ng Pananampalataya), Los Sacramentos de la Santa Madre Iglesia (Pitong
Sacramento Ng Simbahang Katoliko).
Dalit - Ito’y patulang dasal sa papuri sa mga santo at santa. Ang dalit kay Maria na naging kaugalian na sa
iba’t ibang lalawigan sa Pilipinas ay siyang pinakalaganap. Ginaganap ito tuwing buwan ng Mayo. Nag-
aalay ng mga bulaklak ang mga bata habang dinadalit ang papuri sa Mahal na Birheng Maria. Sa
pagpupuri’t sagutan, may namumuno na siyang dadalit ng mga papuri at sasagot naman ang mga bata.
Pagkatapos isa-isang mag-aalay ng kanilang mga dalang bulaklak sa altar. Narito ang isang bahagi ng
kanilang sagutan:
Namumuno:
Matamis na Birheng pinaghandugan
Cami nangangaco naman pong mag-aalay
Ng isang guinaldo bawat isang araw
at ang magdudulot yaring murang camay.
Mga Bata:
Tuhog na bulaclac sadyang salit-salit
Sa mahal mong noo’y aming icacapit
Lubos ang pag-asa’y sa Iyo nananalig
Na tanggapin mo handog na pag-ibig.
Pasyon - Ito’y pasalaysay ng buhay, pasakit at pagdurusa ng Panginoon Hesukristo sa paraang pagtula at
inaawit sa panahong Karesma. Ito ang itinuturing na Bibliya ng mga Pilipino. Sa mga nagsusulat ng pasyon,
ang higit na nauunawaan at binabasa ay ang pagkakasulat ni P. Mariano Pilapil. Narito ang ilang bahagi ng
kanyang pasyon:
Adan, ang iyong asawa Nguni at ang palaaway
mahalin mo tuwina magpatalo gabi’t araw
at katawan mo rin siya punong kinapopootan
sundin mo anumang ola tuloy ikinapaparam
tungkol gawang maganda grasyang kamahal-mahalan
at ikaw naman babae ikaw na anak na suwail
sisintahin mong parati walang munti mong pagtingin
si Adan na iyong kasi sa ama’t inang nag-aangkin
susundin mo araw-gabi kung uutusan kang marahil
tungkol sa gawang mabuti dumadabog, umaangil.
Awit at Kurido (Metrical Romance) - Batay sa anyo ang awit ay binubuo ng labindalawang pantig sa loob
ng isang taludtod. Ang musika ay masigla o andante. Samantala ang kurido ay binubuo naman ng walang
pantig sa bawat taludtod at ang himig ay mapanglagay o malungkot.
Ang salitang kurido ay galing sa salitang Mehikanong “occurido” na sa kanila’y nangangahulugang
“kasalukuyang pangyayari”. Kung gayo’y ang kurido ay batay sa mga tunay na pangyayari sa ibang bansa.
Samantalang ang awit ay bunga lamang ng haraya o imahinasyon ng may-akda.
Sa Pilipinas, ang mga tulang pasalaysay na may sukat na walo o labindalawang pantig sa bawat taludtod
at may paksang kababalaghan o maalamat at karamihan ay hiram o halaw sa paksang Europeo na dala
rito ng mga Kastila ay tinatawag na “kurido”, sapagkat batay na rin sa mga akda noon pinagpapalit-palit
nila ang tawag sa awit at kurido.
Ang paksa ng awit o kurido ay karaniwang, tungkol sa romansa, kabayanihan at Kristiyanismo. Ito’y mga tulang
pasalaysay tungkol sa kagitingan at pakikipagsapalaran ng mga prinsiper at prinsesa na ang layunin ay mapalaganap ang
Kristiyanismo. Pinaksa rin rito ang paglalabanan at pagtatagumpay ng mga Kristiyanong laban sa mga di-binigyan o di
Kristiyano. Ang mga pangyayari ay batay sa mga alamat at epiko ng nakaraang panahon sa Italya, Espanya, Pransiya,
Inglatera atbp.
Mga Ilang Dahilan Kung bakit naging Popular ang mga Kurido sa Panahong
1. Kakaunti ang mga babasahin ng bayan at sa kaunting ito ay halos walang nakalulungod o nakalilibang na
basahin.
2. Ang pinahihintulutang malimbag ng sensor ay hinggil sa relihiyon lamang.
3. Ang mga palabas ay itinatanghal kung pista at araw na sadyang may pagdiriwang lamang; ang komedya kung
pista at ang pasyon kung kuwaresma at ang mga ito’y iilang ulit lamang sa isang taon.
Sa isang pangyayari bunga ng kambal na kabuktutan ay nakatagpo sina Florante at Aladin sa madilim na
kagubatan. Si Florante at napaglalangan ni Konde Adolfo at nang madakip ay ipinagapos sa gubat upang ipasila sa
mababangis na hayop. Ito’y dahil sa hangad ng konde sa trono ng Haring Lenceo, ama ni Laura at sa pag-ibig din sa
prinsesang kasintahan ni Florante.
Si Aladin naman ay ipinatapon sa kagubatan ng amang si Sultan Ali Adab dahil sa paghahangad kay Plerida, ang kasintahan
ng prinsipe. Sa halip na masuklam sa ginagawa ng ama ganito na lamang ang nawika ni Aladin:
Nang nakagapos sa puno si Florante at may dumarating na mga leon, naghimutok ang prinsipe ng Albanya nang ganito:
Nawalan ng malay tao si Florante. Maninila na ang leon. Ngunit hinahadlang si Aladin. Iniligtas si Florante. Nang
magkamalay ang prinsipeng Kristiyano pipiglas sana nang makilala ang may kalong sa kanya ay isang taga-Persya at di-
binigyan. Ngunit pinigilan siya ng prinisipeng Moro at.
Ang girero’y huwag nang manganib Kung nasusuklan kasa aking kandungan
Ika’t mag-aliw ng dibdib lason sa puso mo ang hindi binyagan
nagyo’y ligtas ka na sa lahat ng sakit nakukutya akong di ka saklolohan
may kalong sa iyo ang nagtatangkilik sa iyong nasapit na napakarawal.
Isinalaysay ni Florante kay Aladin kung paano siya na bugtong na supling nina Duke Briseo at Prinsesa Floresca ay
iniligtas ng kanyang pinsan na si Manalipo nang muntik siyang madagit ng buwitre, ang pagdadala sa kanya ng ama sa
Atenas upang doo’y mag-aaral, ang pagtatangka sa buhay niya ni Adolfo, ang pagbabalik niya sa Albanya kasama ang
matalik na kaibigan na si Menandro at ang pagpatay niya sa heneral ng mga Moro na si Osmalik. Isinalaysay din niya ang
tagumpay niyang natamo sa labimpito pang kahariang hindi binyagan. Tinapos niya ang pagsasalaysay sa pagtataksil na
ginawa ni Adolfo sa kanya.
Nagpakilala ang harap na si Aladin, ang prinsipe ng Persya, mahigpit na kaaway ng bayan at relihiyon ni Florante. Kapwa
raw sila sawi sa pag-ibig. Pinagbalakan siyang ipapatay ng sariling ama upang masarili nito ang kanyang kasintahang si
Flerida. Nagsumamo si Flerida na huwag ipapatay ang kasintahan at nangako itong pakakasal sa sultan. Pumayag ang
sultan kaya ipinatapon na lamang sa gubat si Aladin at pinagbantaang huwag nang babalik sa Persya, kung ayaw nitong
mamatay
Katatapos pa lamang magsalaysay ni Aladin nang makarinig sila ng mga tinig ng nag-uusap sina Laura at Flerida
pala. Isinalaysay ni Flerida na siya’y tumakas sa Persya upang hanapin sa gubat si Aladin. Pumayyag siyang pakasal kay
sultan Ali Adab upang mailigtas ang kasintahan sa kamatayan ngunit tumakas siya bago sumapit ang kasal. Natagpuan
niya sa gubat sina Laura at Adolfo. Pinipilit ni Adolfo na pagsamantalahan si Laura. Pinana ni Flerida si Adolfo at nailigtas
niya sa kamay ng buhog si Laura.
Maligyang-maligaya ang lahat, dumating si Menadro at ibinalita rito na nabawi na niya ang kaharian sa mga
tauhan ni Adolfo. Nagpabinyag sina Aladin at Flerida. Sabay na ikinasal ang dalawang pareha. Naghari sa Albanya sina
Florante at Laura at naghari naman sa Persya sina Aladin at Flerida pagkamatay ni Sultan Ali Adab.
WAKAS
Ang diwang nasyunalismo ay unang sumapanitikang Pilipino nang matitik ni Balagtas ang pagtuturingang
magkapatid ng Muslim at Kristiyano. Noon ang kaisipang ito ay taboo o bawal. Ang mga Muslim ay kaaway na dapat
lipulin. Ngunit sa awit ni Balagtas, Muslim pa ang ____________ kaysa sa pangunahing tauhan. Kung babanatin pang
ganap ang pagpapahalaga sa awit, masasabing ang kaisipan ni Balagtas ay higit pa sa nasyunalismo, isang kaisipang pang-
internasyunalismo: ang mabuting pagsasamahan ng mga tao sa daigdig, nang walang pagtatangi sa pananalig, kulay at
kaalwan sa buhay. (Ang parisukat na daigdig nina Florante at Laura, Aladin at Flerida ay nagpapatunay sa ikapangyayari
nito).
Ang kaharian ng Berbanya’y pinamumunuan ni Haring Fernando. Siya ay bantog sa ibang kaharian at mahal ng
kanyang mga nasasakop dahil sa pagiging makatarungan at maunawain niya. Isang araw ay biglang nagulo ang kaharian
dahil sa pagkakasakit ng hari bunga ng isang masamang panaginip. Pinatingnan ang hari sa mga dalubhasang mediko na
nagsabi na ang tanging lunas sa karamdaman ay ang awit ng Ibong Adarna. Nang malaman yaon ng hari inutusan
kapagdaka si Don Pedro. Dinala naman ni Don Pedro ang mga kakailanganin niya sa paglalakbay. Narating din niya ang
Bundok ng Tebor na tinatahanan ng Ibong Adarna ngunit hindi siya nagtagumpay sa mithiin niya sapagkat sinawing-palad
siyang maging batumbuhay.
Nagulo ang Berbanya sa di-pagbabalik ni Don Pedro. Ang susunod na inutusan ng hari ay si Don Diego. Katulad din
ni Don Pedro ang kanyang kapalaran. Lalong nainip ang Berbanya sa di-pagbalik ng magkapatid samantala ang
karamdaman ng hari ay lalong lumubha. Si Don Juan ay labis na nabahala sa kalagayan ng ama kaya hiningi niya ang
kapahintulutan nito sa gagawing paglalakbay.
Apat na buwan siyang naglakbay at nang marating niya ang ituktok ng bundok ay isang matandang ketongin na
gutom na gutom ang kanyang nakita. Ibinigay ni Don Juan ang isa pang natitirang tinapay at sa tuwa ng matanda ay halos
hagkan si Don Juan. Bilang ganti ng utang na loob ay itinuro ng matanda ang bahay ng ermitanyo na makapagtuturo sa
kinaroroonan ng Ibong Adarna. Madali niya nakita ang tirahan ng ermitanyo at nang makilala siya ay ibinigay na ang lahat
ng mga bagay na kakailanganin sa paghuli ng Ibong Adarna. Tinagubilin siya na sa bawat kanta ng Ibong Adarna ay
kinakailangang sugatan niya ang kanyang mga palad at pigaan ng dayap upang di maparis sa mga kapatid na naging bato
nang mapatakan ng dumi ng ibon. Nasunod lahat ng tagubilin ng ermitanyo kaya nahuli niya ang Ibong Adarna at agad
itong tinalian ng sintas na ginto ay dinala sa matanda. Sa tulong din ng ermitanyo ay nanumbalik sa dating anyo ang
magkapatid na bato.
Dala ng malabis na pagkamainggit at kahihiyang tatamuhin ay nakaisip ng kataksilan si Don Pedro. Binugbog nila
si Don Juan at iniwan sa gubat. Bumalik sa palasyo ang magkapatid na dala ang ibon. Sa tinanggap na balita at sa nakitang
anyo ng ibon na ubod ng pangit at lalong lumubha ang karamdaman ng hari.
Samantala si Don Juan sa natamong pahirap sa magkapatid ay gagapang-gapang na lamang sa damo at gutom na gutom.
Muli siyang nanalangin at tinulungan siya naman ng isang matanda. Muli siyang nagbalik sa palasyo at nang makita siya
nang ibon ay nagbihis ng balahibo at nagsimulang umawit.
Matapos ang awit ang hari ay napabalikwas na para bagang hindi nagkasakit. Isinalaysay na lahat ng ibon ang
ginawa ng magkapatid kay Don Juan at sa galit ng hari ay inilagda ang parusang pagpapatapon. Nakiusap si Don Juan na
patawarin ang dalawa yamang siya naman ay buhay.
Nanauli ang mabuting pagsusunuran ng magkapatid at ang hari sa malabis na pagmamahal sa Adarna ay inutos sa
kanyang tatlong anak na tanuran ito sa gabi. Naisip naman ni Don Pedro na ipahamak si Don Juan. Pinakawalan niya ang
ibon nang siya (si Don Juan) ang nakatanod. Sa pagkabahala ng prinsipe, siya’y naglayas. Sinundan siya ng magkapatid.
May natagpuan sila sa malayong kagubatan ng isang balon. Ang balon ay walang tubig, malinis ang gilid at may lubid pa sa
ibabaw. Nilusog ito ni Don Juan at nakatagpo roon sa ilalim ng isang kaharian. Doo’y natagpuan niya ang magkapatid na
prinsesa: si Donya Juana na bihag ng isang higante at si Donya Leonora na bihag ng isang serpiyente. Ginapi ni Don Juan
ang higante at serpiyente at sila’y umahon sa balon. Sa pagmamadali nila ay naiwan ni Donya Leonora ang kanyang
engkantadang singsing sa ibabaw ng mesa. Si Don Juan ang lumusong sa balon at nang nasa kalagitnaan na ay pinatid ni
Don Pedro ang lubid at sila’y lumisan kasama ang magkapatid na prinsesa. Pagdating sa palasyo ay naglubid ng
kasinungalingan ang dalawa. Si Don Diego at Donya Juana ay napakasal si Donya Leonora ay humingi ng pitong taong
panata sa pag-iisa sa isang bahagi ng palasyo para makaiwas sa pagpapakasal kay Don Pedro; Saka nag-utos ito sa isang
lobo na hanapin at arugain si Don Juan. Napagaling ng lobo ang sugatan at lamog na katawan ni Don Juan. Sa minsang
pagtulong ng prinsipe at dumating ang Ibong Adarna. Umawit ito. Nagising si Don Juan. Nagsalaysay ang ibon tungkol sa
kabuktutan ng magkapatid at sinabing kalimutan na si Donya Leonora sapagkat sa Reyno de los Cristal ay may lalo pang
maganda, si Donya Maria.
Nagbata ng katakut-takot na hirap si Don Juan bago marating ang Reyno de los Cristal. Napag-alaman niya sa
tulong ng isang agila na si Donya Maria kasama ang mga kapatid ay naliligo sa batis tuwing ikaapat na madaling araw.
Samantalang naliligo ang prinsesa ay itinago ni Don Juan ang damit nito at siyang naging daan ng pagkikilala nila
at pag-iibigan. Idinaan ng haring ama ng prinsesa sa pagsubok si Don Juan. Papatayin niya ang isang bundok at tatamnan
ng trigo at kinabukasan ay may tinapay nang buhat sa arina ng ani roon at marami pang iba. Tumulong ang may mahikang
prinsesa kay Don Juan at nagtagumpay ang prinsipe. Ngunit binalak ng hari na ipapaay si Don Juan at ito’y natuklasan ni
Maria kaya naisip nilang magtanan ng prinsipe.
Sa pagtatanan ay nagkamali ang prinsipe sa pagkuha ng kabayo, sa halip ng ikapitong pintuan ay ikawalo ang
nakuha niya kaya sinisi siya ng prinsesa. Natuklasan ng hari ang kanilang pagkakawala kaya pinakuha ang pinakamatuling
kabayo sa ikapitong pintuan. Nang malapit na silang abutan ay naglaglag ng karayom ang prinsesa at ito’y naging
kagubtang matinik. Nang malaman ang tinik ay ipinagpatuloy ng hari ang paghabol at inilaglag naman ng prinsesa ang
dalang sabon. Ito’y naging bundok. Ang sumunod na inilaglag ay ang kohe at ito’y naging dagat. Dahil sa kahihiyang tinamo
sa kagagawan ng anak ay isinumpa niya ito na sana’y itakwil ng kasintahan. Di nagluwat ay namatay ang hari.
Nang sumapit ang magkasi sa Berbanya ay minarapat ni Don Juan na iwan muna ang prinsesa sa isang nayon. Bago
umalis ang prinsipe ay ipinagbilin ng prinsesa na huwag itong makikitungo sa mga babae sapagkat karaniwan sa mga lalaki
ang mabihag sa babae. Tumalab na lahat ang sumpa ng hari at ang lahat ng bilin ni Donya Maria kay Don Juan ay nawalang
saysay. Natakdang pakasal si Don Juan kay Donya Leonora. Sa tulong ng kanyang mahiya-blanca ni Donya Maria ang lahat
ng pangyayari. Araw ng kasal ni Don Juan at Donya Leonora ay hiniling ni Donya Maria sa kanyang singsing na ipagkaloob
siya ng isang magarang karosa at kasuotang pang-Emperatriz. Natupad ang kahilingan at nang matapat sa palasyo ang
karosang ginto at itinigil ang kasalan upang ang panauhin ay parangalan. Binati ni Donya Maria ang ikakasal at napansin
niyang parang hindi siya kilala n g prinsipe. Hiniling niya sa hari na pahintulutan siyang magtanghal ng isang palabas.
Itinanghal niya sa pamamagitan ng mag-asawang ito ang ginawang pagtulong at pagpapakasakit alang-alang sa kaligtasan
ni Don Juan. Matapos ang pagtatanghal ay hindi pa rin siya nakilala ni Don Juan. Nang sabihin ni Donya Maria na babasagin
niya ang presko ay saka lamang nagliwanag kay Don Juan ang lumipas. Batay sa paliwanag ng dalawang prinsesa ang hatol
ng Arsobispo ay makasal si Don Juan kay Don Leonora. Sa matinding galit ni Donya Maria ay ibinuhos ang tubig ng presko
at bumaha ang buong reyno. Nang makita ni Don Juan na wala na silang kaligtasan ay pumayag na siyang magpakasal kay
Donya Maria. Si Don Pedro ay napakasal naman kay Donya Leonora ay siyang humalili lamang sa hari. Samantala sina Don
Juan at Donya Maria ay umuwi sa kahariang Cristal at doon namuno. Lumigaya sila habambuhay.
MORO-MORO o KOMEDYA - ay isang uri ng dula na puno ng pakikipagsapalaran, pagdanak ng dugo at digmaan. Ang
komedya ay isang tula tungkol sa pakikipagsapalaran at pakikipaglaban ng mga Kastila sa mga Moors na minsang sumakop
sa Espanya at nanirahan sa isang lugar sa Hilaga ng Iverian Peninsula. Nang sakupin ng Espanya ang Pilipinas, ang dula ay
di gaanong popular sa Espanya ngunit nang makatagpo ng mga Kastila ang mga Mahometanong Malay ay naisip ng mga
Kastila na mapalabas sa Pilipinas ang nasabing dula.
Ang unang komedyang ipinalabas sa Pilipinas ay isinulat ni P. Jeronima Perez noong 1937 bilang pagdiriwang sa
pagiging Kristiyano ng mga tao sa Timong Mindanao. Ang pamagat nito ay Guerras Piracticas de Filipinas. Naibigan ng
mga tao ang komedya at naging kawili-wili sa kanila bilang panoorin. Ito’y natanyag sa tawag na moro-moro.
Ang sumunod na komedya ay isinulat ng isa pang pari noong 1750. Ito’y sinulat bilang pagdiriwang sa pagiging
Kristiyano ay ipinagdiwang nang buong dingal. Pagkatapos maisadula sa buong kapuluan ang Comedia ni Ali Mudin, ang
moro-moro ay tinawag na ring comedia o komedya.
Ang buod ng Moro-moro ay isa bagaman iba-iba ang tagpuan at pangyayari. Ito’y tungkol sa paglalabanan ng mga
Kristiyano at Muslim na nagwawakas sa tagumpay ng mga Kristiyano at mga bihag na Muslim ay nagpapabinyag.
FLORES DE MAYO - pag-aalay ito ng mga bulaklak at dasal sa Mahal na Birheng Maria na itinatanghal bilang dula ng mga
paring misyunero. Ang mga gumaganap ay mga batang babae at lalaki na nakasuot ng damit na puti. Umaawit sila ng mga
awiting pag-aalay sa Mahal Na Birheng Maria. Ang pag-aalay ng mga bulaklak sa Mahal na Birheng Maria ay ginagawa
tuwing buwan ng Mayo sa panahon ng pamumulaklak ng mga halaman kaya tinawag na “Flores de Mayo”. Narito ang
isang bahagi ng awitin:
Solo: O Mariang sakdal dilag Koro: Ito ang bulaklak na aming alay
dalagang lubhang mapalad sa aming pagsintang tunay
tanging pinili sa lahat palitan mo o Birheng Mahal
ng Diyos Haring mataas ng tuwa sa kalangitan.
TIBAG - ito’y pumapaksa sa paghahanap sa krus na pinagpakuan at kinamatayan ni Hesukristo. Si Fruto Cruz ang sumulat
ng Tibag. Ito’y nahahati sa dalawang bahagi:
a. Pagtatagumpay ng mga Kristiyano sa mga Muslim. Ito’y karaniwang ginagamit sa entablado. Si Haring
Constantino ang namumuno sa mga Kristiyano.
b. Pagtuklas ni Emperatris Elena kasama ang kanyang anak na si Constantino sa krus ni Hesus at pagsauli nito sa
kalbaryo.
Sa ikalawang bahagi, ang mga tauhan o mga kasali sa pagtatanghal ay kahalu-halo ng taong bayan. Tatlong
mumunting bundok ang itinayo sa plasa at sa isang bundok ibinaon ang krus. Si Santa Elena kasama si Haring Constantino,
mga kawal at iba pa ay magdudukal o magtitibag sa unang bundok at hindi makikita ang krus. Sa ganito, sila ay
napagsasagutan ng loa at mga tulang panrelihiyon. Pagkatapos ay magdudukal naman sa ikalawang bundok at gayon muli
ang mangyayari.
Ngunit naman sa ikalawang bundok ay matatagpuan ang krus at masasayang tula at mga awitin ng maririnig
kasama ang taumbayan. Ang kurus ay dadalhin sa simbahan at habang naglalakad ay nag-aawitan ng mga kantang
panrelihiyon ang lahat.
SANTACRUZAN - halos nakalimutan na ang Tibag at napalitan ng santacruzan, ang paghatid ng kurus sa simbahan. Ito’y
isang marangyang parada ng mga sagala at mga konsorte na lumilibot sa kalye. Ang mga sagala ay nagrereprisinta ng iba’t
ibang tauhan sa Bibliya. Nariyan si Maria Magdalena at ang konsorteng Boanerges; si Reyna Sentensyada, reynang itinakwil
at nakaposas ang mga kamay: si Reyna Esther: “Femme Fatale” ng reyna; Infatha Judith, hawak ang pugot na ulo ni
Holufunes; ang kaaway ng kapitan; Reyna de las Flores, ang marikit na reyna ng Mayo at kasinrangya ng panahon; Babaing
Bandera ang may hawak ng bandera ng Pilipinas at ang Reyna Elena at ang konsorte ay si Constantino, ang pangunahing
atraksyon ng okasyon. Sa pagkakataong ito’y dapat maunawaan na ang Santa Cruzan ay naging tradisyon na lamang at
hindi na umunlad bilang isang anyo ng dula.
Mga Dulang Ginaganap Tuwing Mahal na Linggo
SENAKULO - ito’y isang dulang pagsasalaysay ng buhay at kamatayan ni Hesus at masasabing parang “pasyon” itinatanghal
sa entablado. May dalawang uri ng pagtatanghal; hablada (sinasalita) at cantada (inaawit). Ang mga salitaan ay hinango
sa taludtod ng pasyon. Ito ay itinatanghal nang sunod-sunod mula Lunes hanggang Sabado de Glorya.
PENETENCIA - ito’y tinatawag nawalang labis-walang kulang na panggagaya kay Hesus. Tuwing semana santa, ang mga
penitentes ay nakatabon ang mga mukha, nakahubad ang kalahating katawan, may koronang tinik sa ulo at maglalakad sa
kalye na pasan-pasan ang krus habang pinapalo at hinahampas ang sarili sa ilalim ng matinding init ng araw. May
pagkakataon na may isang penitente ay tunay na nakapako sa krus. Pagkatapos, ang mga penitentes ay lulusong sa dagat
o ilog na ayon sa kanila ay tanging gamot sa mga sugat na natamo.
MORIONES - sa Marinduque ginaganap ang Moriones. Makulay ito. Dinarayo ito ng mga turista tuwing Mahal na Araw.
Ang mga kasali sa dula ay nag-aanyong mga sundalong Romano, may mga maskarang anyong Romano. Ipinakita rito ang
pagkaulos ni Longinos sa tadyang ni Hesus habang ito’y nakabayubay sa krus. Natuluan ng dugo ang bulag niyang mata
kaya siay’y nakakita. Pagkalibing kay Hesus ay pinabantayan sa kanila ang bangkay ni Hesus ngunit nakita niya itong
nabuhay muli. Hindi na siya ipinapigil ng mga escribas at paraseo sa pagsasabi ng kanyang nakita. Pinugutan siya ng ulo.
Ang pugot na ulo’y dadalhin sa simbahan at ang mga tao’y manananghoy at maghihinagpis.
SALUBONG - tuwing Pako ng Pagkabuhay ay ginaganap ang seremonya ng Salubong sa pamamagitan ng pagsasalubong
ng dalawang prusisyon: ang Prusisyon ng Resurrection na nagbubuhat sa bahay ng may-ari ng Poong Hesukristo at ang
ikalawa ay ang prusisyon ng Mahal na Birheng Maria na nanggaling sa simbahan. Pagkatapos magkasalubong ay mag-
sasama ang dalawang prusisyon ng imahen sa iisang prusisyon at magtutungo sa isang entablado na kung tawaging ay
Galilea. Ito’y napalalamutian ng mga dahon at bandera at sa gitna ay nakabitin na parang malaking puso na itinataas at
ibinababa sa pamamagitan ng kalo. Nasa loob ng pusong ito na hindi nakikita ng madla ang isang batang suot anghel.
Pagdating sa Galilea, ang binibining tinatawag na Tenyenta ay nagsasayaw na ang tiyempo ay mabagal at di-
gaanong masigla. Pagkatapos nito, ay siya’y tutula ng tinatawag na dicho at sa bahagi ng tula na bumabanggit ang mga
ibong papel na tumutulay sa lubid na nakatali sa puno at sa pagbubukas ng pinto ng puso, lalabas ang isang batang anghel.
Ang batang suot anghel ay aawit ng Regina Coile sa saliw ng banda at ang apat na batang angelita na nakatayo sa apat ba
sulok ng Galilea ay sasabay sa pag-awit. Kukunin ng isang angelita ang balabal na itim ng Mahal na Birhen bilang tanda ng
pagkakaisa at pagkakaalis ng hapis ng santinakpan at pagkabuhay ng muli ng Dakilang Manunubos. Ang susunod na
sasayaw sa tiyempong mabilis, masigla at masaya at may himig na tagumpay ay ang binibining tinatawag na Kapitana. Ang
kanyang sayaw ay sinasabing pagbati sa muling pagkabuhay ni Hesus.
PANUNULUYAN - isang anyo ng dulang makarelihiyon at ginaganap tuwing oras ng Pasko. Ipinapakita rito ang mag-
asawang Birheng Maria at San Jose sa paghahanap ng kanilang matutuluyan. Walang sinumang magpapatuloy sa kanila
kaya sa isang sabsaban sila humantong. Ang huling tagpo ay ang pagsamba ng tatlong hari na nagsipag handog ng kani-
kanilang regalo.
NINOS INOCENTES - ang dulang ito ay kaugnay din sa pagsilang ni Hesus. Sadyang kakila-kilabot ang diwa ng dulang ito
sapagkat ito ay nagpapakita sa pagpatay sa mga bagong silang na sanggol sa utos ng Haring Herodes na nagkaroon ng
sobrang panibugho sa pagsilang ni Hesus na sinasabing magiging Hari ng mga hari. Nabigo rin si Herodes sa hindi pagtupad
ng tatlong hari na sina Melchor, Gaspar at Baltazar sa pakikipagsundo sa kanya na sa oras na matagpuan ng tatlo ang
kinaroroonan ng sanggol ay ipagbigay-alam ng tatlo sa kanya. Bunga noon ay ipinag-utos ni Herodes na ipapatay ang lahat
ng mga batang bagong silang upang makasiguro na siya lamang ang hari ng mga hari.
DUPLO - ang salitang duplo sa kastila’y nangangahulugang doble o ibayo. Sa larong ito ang lalong mahalaga ay pagtatalo
sa pamamagitan ng tula. Pagandahan ng bigkas ng berso, patayugan ng nilalaman. Karaniwang hango sa mga awit, korido,
salawikain, kasabihan at iba’t ibang babasahin ang ipinanlalaban ng duplero. Sa paglalaro nito, nahahati ang manlalaro sa
dalawang pangkat. Dalawang hanay ng mahabang bangko ang nasa magkabilang panig ng isang lamesang
pinangunguluhan ng isang tinatawag na “Hari” o “Punong Halaman”. Nasa dakong kanan ang mga belyaka at nasa kaliwa
naman ang mga belyako. Nasa hapag naman ang bendaha ng hitso at sigarilyo. Ang laro’y maaaring panimulan ng hari sa
pagbibintag sa isang belyaka. Pagbibintagan niya ang dalaga na pumatay sa kanya loro o nagnakaw sa kanyang kulasisi.
Maaari namang ang ibinintang ng hari sa dalag ang pagpitas nito ng bulaklak sa hardin. Ang pinagbintangan ay
magtatanggol sa sarili ngunit may isang belyako na magpapatunay na siya nga ang belyakong nagkasala. Isang belyakong
umiibig sa naturang belyaka ang patayo at magtatanggol sa dalaga. Dito na ngayon magsisimula ang pagtatalong patula.
Kung sino ang mapatunayang nagkasala ay papaluin sa kamay ng sinelas ng hari. Maaari namang igawad na parusa ay
pagdarasal o pag-awit ng dalit para sa kaluluwa ng namatay. Narito ang isang bahagi ng duplo:
Sa pagsisimula ng laro, hahawakan ng hari ang palmatoryo (tsinelas) at magwika ng:
Hari: Tribulacion!
Lahat: Tribulacion!
Hari: Estamos en buena composicion!
Lahat: Composicion!
Hari: Atin ngayong sisimulan ang paglalarong mahusay, ang magulo ay mahalay pakinggan ng kapitbahay.
Ito’y dudugtungan ng pagdarasal ng Ama Namin, Aba Ginoong Maria, Requiem Eternam para sa kaluluwa ng
namatay. Pagkatapos…
HUWEGO DE PRENDA - hindi lahat ng mga Pilipino ay marunong magtula. Kaya’t ang malikhaing Pilipino ay yumari ng isa
pang pang-aliw sa mga lamayan. Ito’y ay huwego de prenda. Sa larong ito nagkahalu-halo ang mga makata at di-makata,
babai’t lalaki, matanda at bati. Lalong marami ang kalahok, lalong nakalulugod-lugod. Ang ngalan ng larong ito ay buhat
sa prenda o sangla na inilalagay ng bawat kasali sa hapag ng ahri. Ito’y maaaring abaniko, kuwintas, pulseras o anumang
mahalagang bagay na tatanggapin ng hari. Kapag may manlalarong hindi tumalima sa utos o parusa, iniliit ng hari ang
kanyang prenda. Kailangan ito’y tubusin ng pera sa halagang tawaran. Ang perang matitipon sa prendahan ay isahuloy sa
namatayan. Dito’y lumilitaw kadalasan ang pagkamaginoo ng mga kalahok at pagpapaungusan ng mga kalalakihan sa
pagpapatubos sa prenda ng isang babae. Karapatan din ng babae ang di-pagtanggap ng parusa upang matiyak kung
mayroong tutubos ng kanyang prenda sa mga kalalakihang nagkatipun-tipon. Sa larong ito ang mga kasali ay nagbabansag
ng mga kalalakihan. Ipahayag ng hari na siya ay may alagang paru-paro at ito’y lumipad at dumapo sa isang pruta o
bulaklak. Hanggang ang pinagbibintangan ay sasagot at sasabihing…