Nothing Special   »   [go: up one dir, main page]

Dasal Sa Paglalamay Sa Patay

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 25

The Annunciation Parish

Pasong Camachile Gen. Trias City Cavite

Holy family
Parklane Community

DASAL SA PAGLALAMAY SA PATAY

Pambungad na Panalangin:

Namumuno: Mga kapatid sa ngalan ng Parokya ng The


Annunciation Parish, at ng Holy Family Parklane Pastoral
Workers, ipinaaabot namin sa inyong lahat, lalung-lalo na sa
pamilya ng ating yumaong kapatid na si ___________, ang taos-
pusong pakikiramay. Sa sandalling ito ng ating kapighatian ay
makatagpo nawa tayo ng aliw at pag-asa sa mga pangungusap at
pangakong binigkas ng ating Panginoong Hesukristo. Kaya kay
Hesus na tumubos at nagpalaya sa atin mula sa kamatayan at sa
takot na mamatay ay ialay natin patungkol kay ___________
itong gagawin nating pagdiriwang ng Salita ng Diyos.

Makiisa tayo sa panimulang awit.

Sino Ako?

Hiram sa Diyos ang aking buhay


Ikaw at ako'y tanging handog lamang
Di ko ninais na ako'y isilang
Ngunit salamat dahil may buhay

1|Page
The Annunciation Parish
Pasong Camachile Gen. Trias City Cavite

Holy family
Parklane Community

Ligaya ko
Na ako'y isilang
Pagkat tao ay mayroong dangal
Sino'ng may pag ibig

Sino'ng nagmamahal
Kung di ang tao Diyos ang pinagmulan
Kung di ako umibig
Kung di ko man bigyang halaga
Ang buhay na handog
Ang buhay ko'ng hiram sa Diyos
Kung di ako nagmamahal
Sino ako?

Namumuno: Sa ngalan ng Ama, at ng Anak, at ng Espiritu


Santo. Amen.

Mga kapatid, sa inyong kalumbayan at pangungulila ay


nakiramay ang bayan ng Diyos. Sa binyag, ang ating kapatid na
si _________ ay nakibahagi sa pagkamatay ni Kristo at kasama
rin niya, si _________ ay nagtatamasa ng kaluwalhatian ng
muling pagkabuhay. Tandaan natin ang sinasabi ng Panginoon,
“Ako ang muling pagkabuhay at ang buhay, buhat sa Diyos, gaya
ng babaeng ikakasal, gayak na gayak sa pagsalubong sa lalaking
mapapangasawa niya. Narinig ko ang isang malakas na tinig
mula sa trono.” Ngayon ang tahanan ng Diyos ay nasa piling na
2|Page
The Annunciation Parish
Pasong Camachile Gen. Trias City Cavite

Holy family
Parklane Community

ng mga tao! Nananahan siyang kasama nila at sila’y magiging


bayan nila. Makakapiling nila nang palagi ang Diyos, at
papahirin niya ang kanilang mga luha. Wala nang kamatayan,
dalamhati, pag-iyak at sakit sapagkat lumipas na ang dating mga
bagay.

Tagabasa: Pagbasa mula sa Sulat ni San Pablo sa mga taga-


Roma

Mga kapatid, noong tayo’y mahihina pa, namatay si Kristo


sa takdang panahon para sa mga makasalanan. Mahirap
mangyaring ialay ninuman ang kanyang buhay alang-alang sa
isang taong matuwid bagama’t maaaring may mangahas na
gumawa nito alang-alang sa isang mabuting tao. Ngunit
ipinadama ng Diyos ang kanyang pag-ibig sa atin nang mamatay
si Kristo para sa atin noong tayo’y makasalanan pa. At ngayong
napawalang-sala na tayo sa pamamagitan ng kanyang dugo, lalo
nang tiyak na maliligtas tayo sa poot ng Diyos sa pamamagitan
niya. Dati tayo’y mga kaaway ng Diyos, ngunit ngayon,
tinatanggap na niya tayong mga kaibigan alang-alang sa
pagkamatay ng kanyang anak. Kaya’t tiyak ang pagkaligtas natin
sa pamamagitan ng pagiging buhay ni Kristo. Hindi lamang ito!
Nagagalak tayo’t nagpupuri sa Diyos sa pamamagitan ng ating
Panginoong Hesukristo sapagkat dahil sa kanya at tinanggap tayo
ng Diyos na mga kaibigan niya.

3|Page
The Annunciation Parish
Pasong Camachile Gen. Trias City Cavite

Holy family
Parklane Community

Tagabasa: Ang Salita ng Diyos


Tugon: Salamat sa Diyos

Salmong Tugunan

Tugon: Ako’y maninirahan sa bahay ng Panginoon


magpakailanman.

Tagabasa: Ang Panginoon ang aking pastol, hindi ako


mangangailangan ng ano man. Inilalagay niya ako sa mga
sariwang pastulan at iniaakay at sa tabi ng tubig na aking
pahingahan. Pinagiginhawa ang aking kaluluwa.

Tugon: Ako’y maninirahan sa bahay ng Panginoon


magpakailanman.

Tagabasa: Pinapatnubayan niya ako sa mga tumpak na


landas alang-alang sa kanyang pangalan. Maglakad man ako sa
madilim na libis ng kamatayan, wala akong kakatakutang
masama, sapagkat ikaw ay sumasaakin. Ang iyong tungkod at
pamalo ang nagpapasigla sa akin.

Tugon: Ako’y maninirahan sa bahay ng Panginoon


magpakailanman.

4|Page
The Annunciation Parish
Pasong Camachile Gen. Trias City Cavite

Holy family
Parklane Community

Tagabasa: Pinakakain mo ako sa harap ng aking mga kaaway,


pinapahiran ang aking ulo ng langis, umaapaw ang aking kopa.

Tugon: Ako’y maninirahan sa bahay ng Panginoon


magpakailanman.

Tagabasa: Pawang kabutihan lamang at kagandahang-


loob ang tataglayin ko habang buhay at ako’y maninirahan sa
bahay ng Panginoon magpakailanman.

Tugon: Ako’y maninirahan sa bahay ng Panginoon


magpakailanman.

Aleluya, aleluya,
“Ako ang muling pagkabuhay at ang Buhay, ang nananalig sa
akin, kahit mamatay ay muling mabubuhay.”
Aleluya, aleluya,

Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Juan

Tugon: Papuri sa iyo Panginoon

Namumuno: Nang panahong iyon winika ni Hesus: Sinasabe ko


sa inyo. Ang nakikinig sa aking salita at nananalig sa nagsugo sa
akin ay may buhay na walang hanggan. Hindi na siya hahatulan
kundi inilipat na sa buhay na walang kamatayan. Tandaan ninyo,
5|Page
The Annunciation Parish
Pasong Camachile Gen. Trias City Cavite

Holy family
Parklane Community

darating ang panahon, ngayon na nga na maririnig ng mga patay


ang tinig ng anak ng Diyos at ang makinig sa kanya ay
mabubuhay. Ang Ama ay may kapangyarihang magbigay buhay.
Binibigyan din niya ng kapangyarihang humatol sapagkat siya
ang Anak ng Tao. Huwag Ninyo itong pagtakhan, sapagkat
darating ang oras na maririnig ng mga patay ang kanyang tinig.
Sila’y muling mabubuhay at lalabas sa kinalilibingan nila. Lahat
ng gumawa ng mabuti ay pagkakalooban ng buhay na walang
hanggan at lahat ng masama ay parurusahan.

Namumuno: Ang Mabuting Balita ng Panginoon

Tugon: Pinupuri ka namin, Panginoong Hesukristo

(Pagpapaliwanag o Pagbabahagi)

Panalanging Pangkalahatan:

Namumuno: Mga kapatid, sa Diyos Amang makapangyarihan


na bumuhay kay Hesus mula sa kamatayan at nagbibigay sa mga
yumao ng maluwalhating katawan. Manalangin tayong lahat at
sabihin sa kanya:

“AMA NAMING MINAMAHAL, ANG IYONG MGA


ANAK AY BIGYAN MO NG BUHAY.”

6|Page
The Annunciation Parish
Pasong Camachile Gen. Trias City Cavite

Holy family
Parklane Community

Namumuno: Upang ang mga inililibing sa kamatayan ni Hesus


sa pamamagitan ng binyag ay laging magtaglay ng bago at walang
katapusang buhay ni Hesus, hilingin natin sa ating Amang
minamahal.

Tugon: Ama naming minamahal, ang iyong mga anak ay


bigyan mo ng buhay.

Namumuno: Upang ang yumao nating kapatid na si


___________ ay magkamit ng patawad sa Maykapal, sa kapwa
tao ukol sa mga nagawa niyang pagkukulang, hilingin natin sa
ating Amang minamahal.

Tugon: Ama naming minamahal, ang iyong mga anak ay


bigyan mo ng buhay.

Namumuno: Upang ang naulilang pamilya ni ___________ ay


aliwin ng Panginoon sa kanilang pagdadalamhati at atin nawa
silang samahan sa kanilang pangungulila at tulungan sa kanilang
pangangailangan, hilingin natin sa ating Amang minamahal.

Tugon: Ama naming minamahal, ang iyong mga anak ay


bigyan mo ng buhay.

7|Page
The Annunciation Parish
Pasong Camachile Gen. Trias City Cavite

Holy family
Parklane Community

Namumuno: Upang ang lahat ng mga lumisan na sa daigdig na


ito, ang mga kaluluwang nagdurusa sa purgatoryo bilang
paglilinis sa kanila ay kahabagan ng Diyos na tanggapin sa
kanyang kaharian, hilingin natin sa ating Amang minamahal.

Tugon: Ama naming minamahal, ang iyong mga anak ay


bigyan mo ng buhay.

Namumuno: Maawaing Ama, dinggin mo ang aming mga


pagluhog para sa mga yumao naming kapatid na si ________ at
sa lahat ng pumanaw, gayundin para sa mga naulila at sa aming
lahat na nakikiramay. Magkasama-sama nawa kaming lahat sa
makalangit na salu-salo na inihanda mo para sa iyong mga anak.
Alang-alang kay Kristong aming Panginoon.

Tugon: Amen

Hindi kita malilimutan

Hindi kita malilimutan


Hindi kita pababayaan
Nakaukit magpakailanman
Sa king palad ang yong pangalan

8|Page
The Annunciation Parish
Pasong Camachile Gen. Trias City Cavite

Holy family
Parklane Community

Malilimutan ba ng ina
Ang anak na galing sa kanya
Sanggol sa kanyang sinapupunan
Paano niya matatalikdan

Ngunit kahit na malilimutan


Ng ina ang anak niyang tangan

Hindi kita malilimutan


Kailanma'y di pabababyaan
Hindi kita malilimutan
Kailnma'y di pababayaan

Pagsusumamo at Paghahabilin kay Hesus:

Namumuno: Buong kababaang-loob tayong magsusumamo kay


Hesus upang takpan Niya ng Kanyang mahalagang dugo ang mga
pagkukulang ni ___________ at atin siyang ihabilin sa kanyang
awa at pag-ibig. Sasabihin natin sa kanya: TANGGAPIN MO
SA IYONG LIGAYA SI ________ NA YUMAO NA.

Namumuno: O Hesus, alang-alang sa masaganang Dugo na


iyong ipinawis nang manalangin ka sa halamanan.

Tugon: Tanggapin mo sa iyong ligaya si ______ na yumao na.

9|Page
The Annunciation Parish
Pasong Camachile Gen. Trias City Cavite

Holy family
Parklane Community

Namumuno: O Hesus, alang-alang sa tampal na tinanggap ng


iyong kagalang-galang na mukha.

Tugon: Tanggapin mo sa iyong ligaya si ______ na yumao na.

Namumuno: O Hesus, alang-alang sa masakit na hampas na


iyong tiniis.

Tugon: Tanggapin mo sa iyong ligaya si ______ na yumao na.

Namumuno: O Hesus, alang-alang sa koronang tinik na


ipinutong sa kabanal-banalang mong ulo.

Tugon: Tanggapin mo sa iyong ligaya si ______ na yumao na.

Namumuno: O Hesus, alang-alang sa paglakad mo sa lansangan


ng kapaitan samantalang ang krus ay iyong pasan-pasan,

Tugon: Tanggapin mo sa iyong ligaya si ______ na yumao na.

Namumuno: O Hesus, alang-alang sa kabanal-banalang mong


mukha na naligo sa dugo at iyong binayaang malarawan sa birang
ni Veronica,

Tugon: Tanggapin mo sa iyong ligaya si ______ na yumao na.

10 | P a g e
The Annunciation Parish
Pasong Camachile Gen. Trias City Cavite

Holy family
Parklane Community

Namumuno: O Hesus, alang-alang sa damit mong natigmak ng


dugo na biglang hinubad sa iyong katawan ng mga tampalasan.

Tugon: Tanggapin mo sa iyong ligaya si ______ na yumao na.

Namumuno: O Hesus, alang-alang sa iyong pagkapako at


pagkamatay sa krus,

Tugon: Tanggapin mo sa iyong ligaya si ______ na yumao na.

Namumuno: O Hesus, alang-alang sa iyong pagkalibing.

Tugon: Tanggapin mo sa iyong ligaya si ______ na yumao na.

Namumuno: O Hesus, alang-alang sa muling pagkabuhay.

Tugon: Tanggapin mo sa iyong ligaya si ______ na yumao na.

Namumuno: O Hesus, manunubos ng sangkatauhan, ikaw ay


ipinanganak at nakiisa sa aming buhay, ikaw at pinagtaksilan ng
iyong matalik na alagad at kaibigan, ikaw ay inusig at tinuring na
isang salarin bagama’t wala kang kasalanan, ikaw ay isinakdal sa
mga punong-bayan at kahit na hindi napatunayang nagkasala,
ikaw ay inalimura, hinampas, pinutungan ng koronang tinik,
pinagpasan ng krus at ipinako roon sa gitna ng mga salarin na

11 | P a g e
The Annunciation Parish
Pasong Camachile Gen. Trias City Cavite

Holy family
Parklane Community

parang isa sa kanila, ikaw ay nalagutan ng hininga sa krus at ang


iyong tagiliran ay sinibat.

Alang-alang sa lahat ng pinagtiisan mong ito ay


isama mo sa iyong maligayang piling ang kapatid mong si
__________ na ngayon ay yumao na. Loobin mong balang araw
ay magkasama-sama kaming lahat, yaong mga yumao na at
kaming mga naiwan upang mapisan sa iyong payapang kaharian
na pinagpadalhan mo sa nagsising magnanakaw na kasama mong
namatay sa krus at ngayon ay nabubuhay sa piling mo at ng iyong
Ama at ng Espiritu Santo magpasawalang hanggan.

Tugon: Amen

Paghingi ng Tulong sa Mahal na Ina

Namumuno: Hilingin din natin ang tulong ng ating Mahal na


Inang si Maria, ang pinto ng langit at mapag-ampon sa mga
Kristiyano upang kanyang akayin si ___________ patungo sa
luklukan ng kanyang Anak na si Hesus.

Salve Regina

O Santa Maria, O Reyna’t Ina ng Awa,


Ika’y aming buhay, pag-asa’t katamisan.
12 | P a g e
The Annunciation Parish
Pasong Camachile Gen. Trias City Cavite

Holy family
Parklane Community

Sa’yo nga kami tumatawag


Pinapanaw na anak ni Eba
Sa’yo nga kami tumatangis
Dini sa lupang bayang kahapis-hapis.

Kaya’t ilingon mo sa amin


Ang mga mata mong maawain,
At saka kung matapos aming pagpanaw
Ipakita mo sa amin ang iyong anak na si Hesus.

O magiliw, mahabagin, matamis na Birheng Maria

Panalangin ng Pasasalamat
Namumuno: Ngayon, ating samahan ang (magulang, asawa, o
anak) ni ________ sa kanyang panalangin ng pasasalamat sa
Diyos.

Naulila: Diyos naming mapagmahal, ikaw ang pinagmulan ng


buhay, ang nagbibigay hininga sa bawat nilikha mong tao at ikaw
lamang ang may karapatang bumawi ng kaloob mong ito sa amin.
Sa sandalling ito Ama naming Diyos, sa gitna ng aming
pagdadalamhati ay nais pa rin naming magpasalamat sa iyo sa
pagkakaloob ng buhay sa aking (ama, ina, etc.) Salamat po,
Panginoon sa mga biyaya at pagmamahal na ipinadama mo sa

13 | P a g e
The Annunciation Parish
Pasong Camachile Gen. Trias City Cavite

Holy family
Parklane Community

kanya noong siya’y nabubuhay pa. Sa mga kaibigan at sa lahat


ng taong kanyang nakaugnayan na nagpakita sa kanya kung
gaano kaganda at kaligaya ang mabuhay sa daigdig na ito na
inilaan mo sa amin. Salamat sa mga pagkakataong ibinigay mo
sa amin upang siya’y makapiling at maging bahagi ng aming
buhay. Gayun din, maraming salamat sa mga pagsubok at
suliraning dumarating sa kanyang buhay sapagkat sa
pamamagitan nito siya’y umunlad, naipamalas ang kanyang mga
kakayahan at natutong makibaka sa buhay. Masakit man, Ama,
sa aming kalooban ang kanyang paglisan lubos pa rin kaming
nagpapasalamat sa pagpapahiram mo ng buhay kay ______. Ikaw
ang nagbibigay, Ikaw rin ang kukuha. Purihin ka, Panginoon.

Namumuno: Kapag tayo’y namatay na kalakip ni Hesukristo,


walang salang mabubuhay na kasama niya tayo; kung tayo man
ay nagtiis ng hirap sa munding ito, maghahari naman tayong
kapiling ng ating Kristo. Kapag siya’y itinakwil sa harapan ng
mga tao, darating ang takdang araw, itatakwil niya tayo. Kung
tayo ma’y hindi tapat, si Kristo ay tapat pa rin sapagkat ang sa
kanya ay hindi itatakwil.

Sa sandaling ito, ating pagsamahin ang lahat ng


ating mga panalangin at pagluhog para kay __________ at kaisa
ng Espiritu Santo at sa pamamagitan ni Kristo ating ipadala ang
lahat ng ito sa harapan ng ating Amang nasa langit.

14 | P a g e
The Annunciation Parish
Pasong Camachile Gen. Trias City Cavite

Holy family
Parklane Community

Lahat: Ama namin sumasalangit Ka


Sambahin ang ngalan Mo
Mapasaamin ang kaharian Mo
Sundin ang loob Mo
Dito sa lupa para nang sa langit

Bigyan Mo kami ngayon


Ng aming kakanin sa araw-araw
At patawarin Mo kami
Sa aming mga sala
Para ng pagpapatawad namin
Sa nagkakasala sa amin
At huwag Mo kaming ipahintulot

Sa tukso at iadya Mo kami


Sa lahat ng masama
Amen.

Aba po, Santa Mariang Reyna

Aba po, Santa Mariang, Reyna, Ina ng Awa,


Ikaw ang aming kabuhayan at katamisan.
Aba pinanaligan ka namin,

15 | P a g e
The Annunciation Parish
Pasong Camachile Gen. Trias City Cavite

Holy family
Parklane Community

Ikaw nga po tinatawag namin

Pinapanaw na taong anak ni Eba


Ikaw rin ang pinagbubuntung-hininga naming
Sa aming pagtagis dini sa lupang bayang kahapis-hapis.

Ay, aba pintakasi ka naming

Ilingon mo sa amin ang mga mata mong maawain,


At saka kung matapos yaring pagpanaw mo sa amin,
Ipakita mo sa amin ang iyong anak na si Hesus.

Santa maria, Ina ng Diyos


Maawain at maalam at matamis na Birhen.

Pangwakas na Panalangin:

Namumuno: Ama naming maawain, sa iyong mga kamay ay


ipinagtatagubilin namin ang kaluliwa ng aming kapatid na si
_________ sapagka’t kami ay lubos na umaasang siya ay muling
mabubuhay sa huling araw kasama ng lahat ng namatay kay
Kristo.

Kami’y nagpapasalamat para sa lahat ng


magagandang bagay na ibinigay mo kay _________ na buhay

16 | P a g e
The Annunciation Parish
Pasong Camachile Gen. Trias City Cavite

Holy family
Parklane Community

dito sa lupa, mga tanda para sa amin ng iyong kagandahang-loob


at ng pakikipagkaisa ng mga banal kay Kristo. Panginoon, sa
iyong dakilang awa tanggapin mo ang aming panalangin upang
mabuksan ang mga pintuan ng Paraiso.

Gayundin, kami nawa ay maaliw ng mga


pananalita ng pananampalataya hanggang sa sandali ng aming
pagharap kay Kristo at kaming lahat ay makapiling niya kasama
ng aming kapatid na pumanaw. Sa pamamagitan ni Hesukristo
kasama ng Espiritu Santo magpasawalang hanggan.

Lahat: Amen

Namumuno: Kapayapaan kaylanman ang igawad ng Maykapal


sa yumaong ating mahal.

Lahat: Siya nawa ay silayan ng ilaw na walang hanggan.


Sumalangit nawa ang kanyang kaluluwa. Amen.

Sa ngalan ng ama, at ng anak at ng Espiritu Santo. Amen.

Pangwakas na Awit:

Pananagutan

17 | P a g e
The Annunciation Parish
Pasong Camachile Gen. Trias City Cavite

Holy family
Parklane Community

PANALANGIN PARA SA MGA MAHAL NATING


YUMAO
(Araw ng mga patay o Anibersaryo ng Kamatayan)

Namumuno: Sa ngalan ng Ama, at ng Anak, at ng Espiritu


Santo. Amen.

Tayo ay nagtitipon sa tahanan (himlayan) ng ating


yumaong mahal sa buhay upang gunitain ang nakaraang mga
araw na sila’y kapiling pa natin; mga panahong nakadama tayo
ng matinding kasiyahan na paminsan-minsan ay sinasalitan ng
kalungkutan at mga pagkakataon na puspos tayo ng kaligayahan
at kapighatian. Tayo rin ay natitipon dito upang tanawin ang
hinaharap kung kailan natin muling makakapiling ang ating mga
minamahal na sumakabilang buhay na at kung saan ating
mararanasan ang walang hanggang kaligayahan at kapayapaan
doon sa tahanan ng ating Amang maykapal.

Ang pangarap na ito ay may katuparan sapagkat


naniniwala tayo sa Samahan ng mga banal. Nawa ang pag-asang
ito’y bigyang kaganapan ng ating Panginoong Hesukristo. Nawa
ang ating mga yumaong mga mahal sa buhay at tayong lahat ay
manatili sa kanyang pag-ibig. Amen.

18 | P a g e
The Annunciation Parish
Pasong Camachile Gen. Trias City Cavite

Holy family
Parklane Community

Pagbasa
Pagbasa sa Banal na Ebanghelyo ayon kay San Juan 3: 19-29

Kaya’t sinabi sa kanila ni Hesus, “Dapat ninyong malaman


na walang ginagawa ang Anak sa kanyang sarili lamang, ang
ginagawa lamang Niya’y nakikita Niyang ginagawa ng Ama na
siya ring ginagawa ng Anak. Sapagkat minamahal ng Ama ang
mga gawaing ipinakikita sa Kanya ng Ama at mangigigilalas
kayo. Kung papaanong binubuhay ng Ama ang mga patay, gayon
din naman, bubuhayin ng Anak ang sinumang nais niyang
buhayin. Hindi humahatok kaninuman ang Ama. Ibinigay niya
sa Anak ang buong kapangyarihang humatol upang parangalan ng
lahat ang Ama. Ang hindi magpaparangal sa Anak ay hindi
nagpaparangal sa Amang nagsugo sa Anak.

Sinasabi ko sa inyo, ang nakikinig sa aking salita at


nananalig sa nagsugo sa akin ay may buhay na walang hanggan.
Hindi na siya hahatulan kundi inilipat na sa buhay mula sa
kamatayan. Tandan Ninyo; darating ang panahon – ngayon na
nga – na maririnig ng mga patay ang tinig ng Anak ng Diyos at
ang nakinig sa kanya ay mabubuhay. Ang Ama ay may
kapangyarihang magbigay-buhay. Binigyan din siya ng
kapangyarihang humatol sapagkat siya ang Anak ng tao. Huwag
Ninyo itong pagtakhan sapagkat darating ang oras na maririnig

19 | P a g e
The Annunciation Parish
Pasong Camachile Gen. Trias City Cavite

Holy family
Parklane Community

ng mga patay ang kanyang tinig. Sila’y muling mabubuhay at


lalabas sa kinalilibingan nila. Lahat ng gumawa ng mabuti ay
pagkakalooban ng buhay at lahat ng masama ay parurusahan.

Ang Mabuting Balita ng Panginoon

Pagninilay

Namumuno: Pagnilayan natin ang ilang mga pananalita hango


sa Ebanghelyo ayon kay San Juan

Sa pasimula ng Ebanghelyo, inihayag ni San Juan sa atin na


tayong mga sumasampalataya kay Hesus ay pinagkalooban ng
buhay ng Diyos. Dahil dito, tayo’y nagiging kanyang mga Anak.
Winika ni San Juan, “Ang lahat ng tumanggap at nananalig sa
kanya (kay Hesus), ay pinagkalooban Niya ng karapatang maging
Anak ng Diyos. “Ang buhay na ito ay ating tinanggap noong
tayo’y bininyagan. Ito ang dahilan kung bakit sinabi rin ni Hesus
sa atin, “Naparito ako upang magkaroon kayo ng buhay – isang
buhay na ganap at kasiya-siya.” Ito ang mitihiin ni Hesus para sa
ating lahat.
At ang buhay dito sa daigdig ay siyang pasimula – isang
paghahanda para sa kabilang-buhay sa langit. At ito’y ating
paghahandaan sa pamamagitan ng pagpapadama ng
pagmamalasakit sa kapwa, pagpapakasakit at paglimot sa sarili,

20 | P a g e
The Annunciation Parish
Pasong Camachile Gen. Trias City Cavite

Holy family
Parklane Community

karaniwang nararanasan sapagkat sinabi ni Hesus, “Tandaan


Ninyo, malibang mahulog sa lupa ang butil ng trigo at mamatay,
mananatili itong nag-iisa. Ngunit kung saan mamatay ito’y
mamumunga ng marami.” At isang katiyakan ang ibinigay niya
sa atin. “Ako ang muling pagkabuhay at ang buhay. Mabubuhay
ang maniniwala sa akin kahit na siya ay mamatay.

Panalangin ng Bayan

Namumuno: Itaas natin ngayon ang ating puso’t diwa sa ating


ama sa langit at sa tulong ni Hesus, ang ating kapatid at
tagapamagitan, ating dasalin.

PANGINOON, PANATILIHIN MO KAMI AT ANG AMING


MAHAL NA YUMAO SA IYONG PAG-IBIG.

Namumuno: Para sa aming kapatid, mga kamag-anakan na


sumakabilang buhay na si/sina ___________________, kung sila
(siya) man ay naghihirap sa purgatoryo, nawa sila‘y maihatid sa
langit upang lubos na masiyahan sa piling ng Panginoon at ng
kanyang mga anghel at mga banal. Manalangin tayo sa
Panginoon.

Tugon: Panginoon, panatilihin mo kami at ang aming mahal na


yumao sa iyong pag-ibig.
21 | P a g e
The Annunciation Parish
Pasong Camachile Gen. Trias City Cavite

Holy family
Parklane Community

Namumuno: Para sa ating nabubuhay dito sa bayang kahapis-


hapis, nawa tayo ay muling makasama ng ating mahal sa buhay
na yumao, doon sa langit na bayan, manalangin tayo sa
Panginoon.

Tugon: Panginoon, panatilihin mo kami at ang aming mahal na


yumao sa iyong pag-ibig.

Namumuno: Nawa ang biyaya ng kapayapaan ay ibuhos sa


ating tahanan , sa lahat ng larangan ng paghahanap-buhay, sa
ating bayan at probinsiya at maging sa buong bansa upang ang
kapayapaan ay maghari sa puso ng bawat mamamayang Pilipino,
manalangin tayo sa Panginoon.

Tugon: Panginoon, panatilihin mo kami at ang aming mahal na


yumao sa iyong pag-ibig.

Namumuno: Amang makapangyarihan, samantalang


naghihirap sa krus ang iyong anak na si Hesus, sinabi niya sa
nagsisising magnanakaw, “Talagang sinasabi ko sa iyo,
makakasama kita sa Paraiso sa araw ding ito.” Puspusin Mo kami
sampu ng aming mga yuamong mahal sa buhay ng iyong mga
biyaya, Ito ang aming hinihiling sa pamamagitan ni Hesukristong
aming Panginoon. Amen.

22 | P a g e
The Annunciation Parish
Pasong Camachile Gen. Trias City Cavite

Holy family
Parklane Community

Sa sandaling ito, ating pagsamahin ang lahat ng ating mga


panalngin at pagluhog para kay __________ at kaisa ng Espiritu
Santo at sa pamamagitan ni Kristo ating ipadala ang lahat ng ito
sa harapan ng ating Amang nasa langit.

Lahat: Ama namin sumasalangit Ka


Sambahin ang ngalan Mo
Mapasaamin ang kaharian Mo
Sundin ang loob Mo
Dito sa lupa para nang sa langit

Bigyan Mo kami ngayon


Ng aming kakanin sa araw-araw
At patawarin Mo kami
Sa aming mga sala

Para ng pagpapatawad namin


Sa nagkakasala sa amin
At huwag Mo kaming ipahintulot
Sa tukso at iadya Mo kami
Sa lahat ng masama
Amen.

23 | P a g e
The Annunciation Parish
Pasong Camachile Gen. Trias City Cavite

Holy family
Parklane Community

Aba po, Santa Mariang Reyna

Aba po, Santa Mariang, Reyna, Ina ng Awa,


Ikaw ang aming kabuhayan at katamisan.
Aba pinanaligan ka namin,

Ikaw nga po tinatawag namin


Pinapanaw na taong anak ni Eba
Ikaw rin ang pinagbubuntung-hininga namin
Sa aming pagtangis dini sa lupang bayang kahapis-hapis.

Ay, aba pintakasi ka namin


Ilingon mo sa amin ang mga mata mong maawain,
At saka kung matapos yaring pagpanaw mo sa amin,
Ipakita mo sa amin ang iyong anak na si Hesus.

Santa Maria, Ina ng Diyos


Maawain at maalam at matamis na Birhen.

Katapusang Panalangin

Namumuno: Amang makapangyarihan, dinggin Mo ang aming


mga kahilingan upang sa pagpapahayag ng aming
pananampalataya sa Anak mong nabuhay mula sa mga patay, ang
pag-asang manabik sa pagkabuhay ng mga lingkod mo ay
24 | P a g e
The Annunciation Parish
Pasong Camachile Gen. Trias City Cavite

Holy family
Parklane Community

tumibay sa pamamagitan niya kasama ng Espiritu Santo


magpasawalang hanggan. Amen

Namumuno: Kapayapaan kaylanman ang igawad ng Maykapal


sa yumaong ating mahal.

Lahat: Siya nawa ay silayan ng ilaw na walang hanggan.


Sumalangit nawa ang kanyang kaluluwa. Amen.

Sa ngalan ng ama, at ng anak at ng Espiritu Santo.


Amen.

Pangwakas na Awit:

Pananagutan

25 | P a g e

You might also like