Nothing Special   »   [go: up one dir, main page]

100% found this document useful (1 vote)
151 views2 pages

Thesis

Ang dokumento ay tungkol sa paggamit ng mga makabagong paraan ng pagtuturo sa Filipino tulad ng paggamit ng mga e-kagamitan gaya ng LCD projector at powerpoint presentation. Ito ay upang maging mas malinaw at kawili-wili ang pagtuturo sa mga mag-aaral.

Uploaded by

Rose Ann Padua
Copyright
© © All Rights Reserved
We take content rights seriously. If you suspect this is your content, claim it here.
Available Formats
Download as DOC, PDF, TXT or read online on Scribd
100% found this document useful (1 vote)
151 views2 pages

Thesis

Ang dokumento ay tungkol sa paggamit ng mga makabagong paraan ng pagtuturo sa Filipino tulad ng paggamit ng mga e-kagamitan gaya ng LCD projector at powerpoint presentation. Ito ay upang maging mas malinaw at kawili-wili ang pagtuturo sa mga mag-aaral.

Uploaded by

Rose Ann Padua
Copyright
© © All Rights Reserved
We take content rights seriously. If you suspect this is your content, claim it here.
Available Formats
Download as DOC, PDF, TXT or read online on Scribd
You are on page 1/ 2

E-kagamitang Pampagtuturo, Makabagong Paraan ng Pagtuturo sa Filipino

(by Ma. Cristina P. Pamaran 7/22/2013)

Sa bawat pagbabago ng panahon ay nagbabago din ang kurikulum sa Edukasyon.


Kasabay nito ang pagdaragdag ng kaalaman ng mga guro upang makasabay sa mga
napapanahon at upang hindi mahuli sa mga pagbabago. Ang mga guro ay bukal ng
masisining na teknik upang maging mas epektibo sa pagtuturo. Isang katangian din ng
guro ay ang pagiging mulat sa pagbabago sa paligid upang magkaroon ng epektibong
pagtuturo na naaangkop sa makabagong panahon. Kaya kasabay sa pagbabago at pag-
unlad ng teknolohiya ay ang mga paraan at makabagong paraan sa pagtuturo sa Filipino
na maaaring gawin ng mga guro upang mas kawili-wili, madali, at maayos ang
pagkatuto sa aralin.

Ang mga guro ay nangangailangan ng mga makabagong paraan sa pagtuturo upang


maging mas malinaw ang mga aralin, mapanatili ang atensuon at memorya sa mga mag-
aaral. Ayon nga sa “Cone of Experience” ni Edgar Dale, mas Malaki ang porsyento ng
pagkatuto sa mga bagay na nakikita o napapanood kaysa sa mga bagay na naririnig.
Sinusuportahan ng pag-aaral na ito na mas Malaki ang porsyento ng matututo at
matatandaan ng mga mag-aaral ang kanilang pinag-aaralan kung may mga bagay silang
nakikita o napapanood.

Isa sa mga makabagong paraan ng pagtuturo sa Filipino ay ang paggamit ng e-


kagamitan o mga gamit sa pagtuturo na may kinalaman sa kompyuter o internet.
Maaring gumamit ng mga LCD Projector, mga DVD na naglalaman ng mga video o
movie na pwedeng gamitin sa pagtuturo. Ang “powerpoint presentation” ay isa rin sa
mga halimbawa na maaaring gamitin sa paghain ng mga aralin sa mga mag-aaral.
Maaari ring gumamit o kumuha sa internet ng mga “ready to use” na mga aralin.

Sa anumang pagbabagong nagaganap sa larangan ng pagtuturo, ang mahalaga ay ang


magandang pagtanggap ng mga mag-aaral at para sa kanilang mas mabilis na
pagkatuto. Tunay ngang tayo ay nasa tinatawag nang modernong panahon o computer
age ngunit di nangangahulugang dapat nang matabunan ng mga modernong mga
kagamitan at mga bagay ang paraan natin ng pagtuturo ng Filipino. Sabi nga ng isang
banyagang kasabihan “If you can’t beat them, join them” nakakatawa ngunit sa
larangan ng pagtuturo ito ay isang realidad. Kung hindi natin sila kayang sawatain sa
paggamit ng computer o mga makabagong mga kagamitan gamitin natin ito upang sila
ay matuto.

Sa ilang lugar sa ating bansa makikita na rin ang paggamit ng teknolohiya sa pagtuturo
ng ilang aisgnatura kabilang na ang Filipino. Kaakibat nito ang mga seminars para sa
mga guro gayundin sa mga mag-aaral. Sa bandang huli modernisasyon pa rin talaga ng
edukasyon ang tunay na kailangan n gating bansa. Kaya naman sa tulong ng ating
pamahalaan sana ito ay maisakatuparan.

You might also like