Nothing Special   »   [go: up one dir, main page]

Hinduismo sa Asya

Buod ng relihiyon sa kontinente

Isa sa mga pinakamalalaki at pangunahing relihiyon ang Hinduismo sa Asya, kung saan 26% ng populasyon ng kontinente ang kabilang rito.[1] Noong 2020, tinatayang nasa 1.2 bilyong Hindu ang naninirahan sa kontinente.[2] 99% ng mga Hindu sa buong mundo ang nasa Asya, na pinangunahan ng India, na tinitirhan ng 94% ng mga Hindu sa mundo.[3] Bukod sa India, maraming mga bansa sa kontinente ang may malaking populasyon ng mga Hindu: ang mga karatig-bansa ng India na Nepal, Bangladesh, Sri Lanka, at Pakistan, gayundin ang mga bansa sa Timog-silangang Asya tulad ng Indonesia at Malaysia.[4][5][6] May malaki ring populasyon ng mga Hindu sa Emiratos, dahil na rin sa mga migranteng nanggaling mula sa subkontinente ng India.[7]

Kasaysayan

baguhin
 
Pagkalat ng Hinduismo sa Asya.

Nagsimula ang Hinduismo sa Asya, partikular na sa Lambak ng Indus sa ngayo'y India, noong bandang 3000 BKP. Lumaganap ito sa sibilisasyong Indus at kalaunan sa kabuuan ng subkontinente ng India,[8] kasabay ng pagdebelop at paglaganap ng ibang mga relihiyon sa rehiyon. May iilang mga tradisyon sa Hinduismo ang nanggaling pa noon pang Panahon ng Bakal at Bronse sa lugar, partikular na sa mga relihiyong nabuo bago pa ang nakatalang kasaysayan. Dahil dito, madalas na itinuturing ang Hinduismo bilang ang "pinakaluma" o "pinakaunang" relihiyon sa kasaysayan.[9]

Mula sa subkontinente, lumaganap pa nang husto ang relihiyon sa kalapit na rehiyon ng Timog-silangang Asya noong panahon ng Imperyong Gupta, ang itinuturing na "ginintuang panahon" ng Hinduismo. Lumaganap din ang relihiyon sa Gitnang Asya, partikular na sa ngayo'y Apganistan sa pamamagitan ng Daang Sutla na kumokonekta sa Europa at Asya.[10][11][12] Nagtatag ang mga Hindu ng mga maliliit na kolonya at posteng pangkalakal sa iba't-ibang bahagi ng Asya, at nakipagkalalakan sa mga karatig rehiyon nito tulad ng sa Gitnang Silangan, Aprika, at Europa.[13] Gayunpaman, ang pag-usbong at ang paglaganap kalaunan ng Islam mula sa Gitnang Silangan, at ang paglalakbay ng mga Muslim sa subkontinente, Apganistan, at sa Timog-silangang Asya, partikular na sa Indonesia, ang naging pangunahing balakid sa pagkalat ng relihiyon sa mas marami pang lugar. Ngayon, ang malaking bahagdan ng populasyon ng mga Hindu sa mundo ay matatagpuan sa subkontinente ng India.[14][15]

Demograpiya

baguhin
Isang pamilyang Hindu matapos ng puja sa templo ng Bratan sa Bali, Indonesia.

Paalala: ang mga estadistikang makikita sa baba ay mga pagtataya mula sa iba't-ibang sanggunian. Ibig sabihin, posibleng hindi ito sumasalamin sa aktwal na bilang ng mga Hindu sa naturang lugar. Posible ring iba-iba ang mga taon ng pagtataya para sa bawat lugar. Nakahilis ang mga teritoryo o dependensiyang nakalista sa baba.

Gitnang Asya

baguhin
Bansa Kabuuan (pop) Mga Hindu (%) Mga Hindu (pop)
Kazakhstan  Kasakistan 18,744,548 0.01% 12,732
Kyrgyzstan  Kirgistan 6,019,480 <0.01% <1,000
Tajikistan  Tayikistan 8,734,951 <0.01 <1,000
Turkmenistan  Turkmenistan 5,851,466 <0.01 <1,000
Uzbekistan  Usbekistan 32,653,900 0.01% 2,778
Kabuuan 72,004,345 <0.01% 16,000 (taya)

Gitnang Silangan

baguhin
Bansa Kabuuan (pop) Mga Hindu (%) Mga Hindu (pop)
Bahrain  Bareyn 1,496,300 9.8% 144,286
Nagkakaisang Arabong Emirato  Emiratos 9,582,340 7.5%[α] 660,000
Qatar  Katar 2,561,643 13.8% 358,800
Kuwait  Kuwait 4,226,920 7.1%[β] 300,667
Oman  Oman 4,651,706 5.7% 182,679
Saudi Arabia  Saudi 33,413,660 1.1% 303,611
Yemen  Yemen 28,915,284 0.7% 200,000
Kabuuan 84,847,853 2.52% 2,140,574

Kanlurang Asya

baguhin
Bansa Kabuuan (pop) Mga Hindu (%) Mga Hindu (pop)
Armenya  Armenya 2,975,000 <0.01% <1,000
Azerbaijan  Aserbayan 10,027,874 <0.01% <1,000
Iraq  Irak 39,339,753 <0.01% <1,000
Iran  Iran 81,871,500 <0.01% 20,000
Israel  Israel 8,930,680 0.12% 11,500
Lebanon  Libano 6,093,509 <0.01% <1,000
Estado ng Palestina  Palestina 4,816,503 <0.01% <1,000
Syria  Siria 18,284,407 <0.01% <1,000
Turkey  Turkiya 80,810,525 <0.01% <1,000
Kabuuan 253,149,751 0.018% 46,000 (taya)

Silangang Asya

baguhin
Bansa Kabuuan (pop) Mga Hindu (%) Mga Hindu (pop)
Hapon  Hapon 126,420,000 <0.01% 30,000
Hong Kong  Hong Kong 7,448,900 1.6% 119,182
Hilagang Korea  Hilagang Korea 25,610,672 <0.01% <1,000
Timog Korea  Timog Korea 51,635,256 0.04% 24,414
Macau  Macau 658,900 <0.01% <1,000
Mongolia  Mongolia 3,231,200 <0.01% <1,000
Taiwan  Taiwan 23,577,488 <0.01% 1,900
Republikang Bayan ng Tsina  Tsina 1,394,620,000 0.1% 1,373,541
Kabuuan 1,633,202,416 0.09% (taya) 1,551,037

Timog Asya

baguhin
Bansa Kabuuan (pop) Mga Hindu (%) Mga Hindu (pop)
Afghanistan  Apganistan 37,466,414 <0.01% <1,000
Bangladesh  Banglades 165,158,616 7.95% 13,130,109
Bhutan  Butan 742,737 22.6% 185,700
India  India 1,320,000,000 79.8% 1,053,000,000
Maldives  Maldibas 369,031 0.01% <1,000
Nepal  Nepal 28,901,790 81.3% 23,500,000
Pakistan  Pakistan 224,864,293 2.14% 4,678,078
Sri Lanka  Sri Lanka 21,200,000 12.6% 2,671,000
Kabuuan 1,437,326,682 70.05% 1,068,728,901

Timog-silangang Asya

baguhin
Bansa Kabuuan (pop) Mga Hindu (%) Mga Hindu (pop)
Vietnam  Biyetnam 85,262,356 0.07% 70,000
Brunei  Brunei 374,577 0.035% 131
Indonesia  Indonesia 259,000,000 1.74% 4,646,357[γ]
Cambodia  Kamboya 13,995,904 0.3% 41,988
Malaysia  Malasya 30,949,962 6.3% 1,949,850
Myanmar  Myanmar 50,279,900 0.5% 252,763
Pilipinas  Pilipinas 102,000,000 <0.1% 10,000
Singapore  Singapura 5,600,000 5.0% 280,000
Thailand  Taylandiya 65,068,149 0.1% 65,000
Kabuuan 571,337,070 1.118% 6,386,614

Talababa

baguhin
  1. Sa Emiratos, tanging mga Sunni Muslim lang ang pwedeng maging mamamayan ng bansa. Nagtatrabaho sa loob ng isang tinakdang panahon o kontrata bilang mga trabahador at empleyado ang mga hindi Muslim doon.[16]
  2. Nakadepende ang pagtataya kung kasama ba o hindi ang mga pansamantalang manggagawa - bahagdan ng populasyon na walang tirahan o karapatang manalig nang malaya. Hindi itinuturing na residente o mamamayan ng Kuwait ng opisyal na senso ng pamahalaan ang mga Hindu.
  3. Ang mababang bilang ay ayon sa pagtatayang ginawa ng Pew Research, na tumutok sa isla ng Bali at sa mga karatig nitong lalawigan. Samantala, ang mataas na bilang naman ay mula sa isang pagtataya noong 2010 na ginawa ng Ministeryo ng Ugnayang Panrelihiyon ng Pamahalaan ng Indonesia.[17] Sinasabi ng pinakamalaking organisasyong Hindu sa Indonesia, ang Parisada Hindu Dharma Indonesia na masyadong maliit ang pagtatayang ginawa para sa populasyon ng mga Hindu sa senso, dahil hindi kinikilala ng Indonesia, isang bansang Muslim, ang lahat ng mga anyo ng Hinduismo, at tanging kinikilala lang ang mga monoteistikong Hinduismo sa ilalim ng kanilang konstitusyon.[18][19]

Sanggunian

baguhin
  1. "Projected Changes in the Global Hindu Population" [Inaasahang Pagbabago sa Pandaigdigang Populasyon ng mga Hindu]. Pew Research Center (sa wikang Ingles). 2 Abril 2015. Nakuha noong 24 Nobyembre 2022.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. "Hindus" [Mga Hindu]. Pew Research Center (sa wikang Ingles). 18 Disyembre 2012. Nakuha noong 25 Nobyembre 2022.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. "Will Muslims 'Outnumber' Hindus In India In The Near Future?" ['Lalampasan' ba ng mga Muslim ang mga Hindu sa India sa Malapit na Hinaharap?]. Youth Ki Awaaz (sa wikang Ingles). 20 Nobyembre 2020. Nakuha noong 25 Nobyembre 2022.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  4. "Table: Religious Composition by Country, in Numbers" [Talahanayan: Komposisyon ng Relihiyon kada Bansa, sa mga Bilang]. Pew Research Center (sa wikang Ingles). 18 Disyembre 2012. Nakuha noong 25 Nobyembre 2022.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  5. Reyaz, M. (30 Mayo 2014). "[Analysis] Are there any takeaways for Muslims from the Narendra Modi government?" [[Pagsusuri] Meron bang mga makukuha ang mga Muslim mula sa pamahalaan ni Narendra Modi?]. DNA India (sa wikang Ingles). Nakuha noong 25 Nobyembre 2022.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  6. "Gorkhas to march for restoration of Nepal's Hindu nation status" [Magmamartsa ang mga Gorkha para sa pagbabalik muli ng katayuan ng Nepal bilang isang bansa ng mga Hindu]. Hindustan Times (sa wikang Ingles). 10 Agosto 2017. Nakuha noong 25 Nobyembre 2022.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  7. "Hinduism - The spread of Hinduism in Southeast Asia and the Pacific" [Hinduismo - Ang pagkalat ng Hinduismo sa Timog-silangang Asya at sa Pasipiko]. Encyclopedia Britannica (sa wikang Ingles). Nakuha noong 25 Nobyembre 2022.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link) CS1 maint: url-status (link)
  8. Brodd 2003.
  9. Klostermaier 2007, p. 1.
  10. Flood, Gavin D. (1996). An Introduction to Hinduism [Pagpapakilala sa Hinduismo] (sa wikang Ingles). Cambridge University Press. p. 21. ISBN 978-0-521-43878-0.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  11. Klostermaier 2007, p. 78-81.
  12. Michaels 2004, p. 40.
  13. Pillalamarri, Akhilesh. "The Origins of Hindu-Muslim Conflict in South Asia". thediplomat.com (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2021-06-08.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  14. Werner, Karel (11 Agosto 2005). A Popular Dictionary of Hinduism [Popular na Diksyonaryo ng Hinduismo] (sa wikang Ingles). Routledge. p. 728. ISBN 978-1-135-79753-9.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  15. Brodd 2003, p. 57; Michaels 2004, pp. 147–158.
  16. Marsh 2015, p. 3.
  17. "Indonesia". US Department of State. 13 Setyembre 2011. Nakuha noong 25 Nobyembre 2022. The Ministry of Religious Affairs estimates that 10 million Hindus live in the country and account for approximately 90 percent of the population in Bali. Hindu minorities also reside in Central and East Kalimantan, the city of Medan (North Sumatra), South and Central Sulawesi, and Lombok (West Nusa Tenggara). Hindu groups such as Hare Krishna and followers of the Indian spiritual leader Sai Baba are present in small numbers. Some indigenous religious groups, including the "Naurus" on Seram Island in Maluku Province, incorporate Hindu and animist beliefs, and many have also adopted some Protestant teachings. [Tinataya ng Ministeryo ng Ugnayang Panrelihiyon na may 10 milyong Hindu na naninirahan sa bansa at tinatayang 90 porsyento [sa kanila] ang nasa Bali. Nakatira rin ang mga minoridad na Hindu sa Gitna at Silangang Kalimantan, sa lungsod ng Medan (Hilagang Sumatra), Timog at Gitnang Sulawesi, at sa Lombok (Kanlurang Nusa Tenggara). Meron din ditong mga maliliit na bilang ng mga grupong Hindu tulad ng Hare Krishna at ang mga tagasunod ng Indiyanong pinunong espirituwal na si Sai Baba. May iilang panrelihiyong grupong katutubo, kabilang na ang mga "Naurus" sa isla ng Seram sa lalawigan ng Maluku ang nagsasama sa mga paniniwalang Hindu at animismo, at marami din ang nagsasama sa mga turo ng Protestantismo.]{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  18. Bakker, Freek L. (1997). "Balinese Hinduism and the Indonesian State: Recent Developments" [Hinduismo sa Bali at ang Estado ng Indonesia: Mga Kamakailang Pagbabago]. Bijdragen tot de Taal-, Land- en Volkenkunde. Brill (153). Nakuha noong 25 Nobyembre 2022.{{cite journal}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  19. Ramstedt, Martin (2004). Hinduism in Modern Indonesia: A Minority Religion Between Local, National, and Global Interests [Hinduismo sa Modernong Indonesia: Isang Minoridad na Relihiyon sa Pagitan ng mga Lokal, Pambansa, at Pandaigdigang Interes]. Routledge. pp. 7–12. ISBN 978-0-7007-1533-6.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)

Bibliograpiya

baguhin
baguhin

  May kaugnay na midya ang Hinduismo sa Asya sa Wikimedia Commons