Nothing Special   »   [go: up one dir, main page]

Pumunta sa nilalaman

Tel Megiddo

Mga koordinado: 32°35′07″N 35°11′04″E / 32.58528°N 35.18444°E / 32.58528; 35.18444
Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Tel Megiddo
מגידו
Aerial view of Tel Megiddo
Tel Megiddo is located in Israel
Tel Megiddo
Kinaroroonan sa Israel
Ibang pangalanTell el-Mutesellim
KinaroroonanNear Kibbutz Megiddo, Israel
RehiyonLevant
Mga koordinado32°35′07″N 35°11′04″E / 32.58528°N 35.18444°E / 32.58528; 35.18444
KlaseTirahan
Bahagi ngKaharian ng Israel, Canaan
Kasaysayan
Nilisan350 BCE
Opisyal na pangalanBiblical Tells – Megiddo, Hazor, Beer Sheba
UriCultural
Pamantayanii, iii, iv, vi
Itinutukoy2005 (29th session)
Takdang bilang1108
State PartyIsrael
RegionAsia-Pacific

Ang Tel Megiddo (Hebreo: תל מגידו‎; Arabe: مجیدو‎, Tell el-Mutesellim, lit. "Mound of the Governor"; Griyego: Μεγιδδώ, Megiddo) ang lugar ng sinaunang siyudad ng Megiddo na ang mga labi ay bumubuo sa isang tell (isang tambak na arkeolohikal). Ito ay matatagpuan sa Israel malapit sa Kibbutz Megiddo mga 30 km timog silangan ng Haifa. Ang Megiddo ay kilala sa kahalagahan nito sa kasaysayan, heograpiya at teolohiya dahil ito ay tinawag sa Griyego na Armageddon. Noong panahong Bronse, ang Megiddo ay isang mahalagang siyudad-estado sa Canaan at noong Panahong Bakal ay isang siyudad sa Kaharian ng Israel. Ang Megiddo ay mahalaga dahil sa stratehikong lokasyon nito sa hilagang dulo ng Wadi Ara defile na nagsisilbing daananan sa Carmel Ridge at mula sa posisyon nito ay matatanaw ang mayamang Lambak ng Jezreel mula sa kanluran. Ang mga paghuhukay sa Megiddo ay nagdulot ng 20 patong o strata ng mga giba simula pa sa panahong Neolotiko na nagpapakita ng napakahabang panahon ng paninirahan ng mga tao. Ito ay protektado bilang Megiddo National Park at isang World Heritage Site.[1]

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. "UNESCO World Heritage Centre - Document - Tel Megiddo National Park".