Nothing Special   »   [go: up one dir, main page]

Pumunta sa nilalaman

Tarot

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Tarot cards

Ang Tarot ay isang huwego ng mga larawang napupuno ng misteryo. Kadalasang nakaguhit sa kards o baraha ang mga larawang ito na siyang ginagamit sa panghuhula o dibinasyon.

Kasaysayan ng Tarot

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Tinatayang dumating sa Italya ang Tarot mula sa Espanya sa taong 1375 A.D. na pinalaganap ng mga Moors. Ngunit ayon sa karamihan ng mga mananaliksik ng Tarot,nagsimula ito sa sinaunang Ehipto dahil may mga natagpuang larawan ng Tarot sa mga Piramide ng Ehipto. Sinasabing ginagamit din noon ang Tarot bilang mga lihim na kodigo tuwing may giyera o kaguluhan. Kasalukuyan pa ring pinagtatalunan ang panahon at lugar na pinanggalingan ng Tarot. Sa kabila nito, naging tanyag pa rin ang paggamit ng Tarot sa buong mundo at nananatiling isang mahiwagang pamamaraan ng dibinasyon.

Sina Edward Arthur Waite at Aleister Crowley,parehong mga Inggles at miyembro ng Hermetic Order of the Golden Dawn ang nagpauso sa paggamit ng Tarot noong ika-dalawampung siglo. Laganap na ginagamit sa buong mundo ang tarot deck ni ginoong Waite na tinatawag nating Rider-Waite Tarot. Kasama na rin dito ang Thoth Tarot ni ginoong Crowley.

Usbong Ang lathalaing ito ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.