Nothing Special   »   [go: up one dir, main page]

Pumunta sa nilalaman

Taong Lantian

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya

Lantian Man
Temporal na saklaw: Pleistocene
Katayuan ng pagpapanatili
Fossil
Klasipikasyong pang-agham
Kaharian:
Kalapian:
Hati:
Orden:
Pamilya:
Sari:
Espesye:
Subespesye:
H. e. lantianensis
Pangalang trinomial
Homo erectus lantianensis
(Woo Ju-Kang, 1964)

Ang Taong Lantian (Tsinong pinapayak: 蓝田人; Tsinong tradisyonal: 藍田人; pinyin: Lántián rén) na dating kilala bilang Sinanthropus lantianensis at kasalukuyang tinatawag na Homo erectus lantianensis ay isang subspecies ng Homo erectus. Ang pagkakatuklas nito noong 1963 ay unang inilarawan ni J. K. Woo ng sumunod na taon. Ang mga labi ng Taong Lantian na tinawag na Lantian Ren(蓝田人 sa Tsino) ay natagpuan sa Lantian County (蓝田县; pinyin: Lántián Xiàn)sa timog kanluraning probinsiyang Shaanxi ng Tsina na tinatayang 50 km timog kanluran ng siyudad ng Xi'an. Sa sandaling pagkatapos matuklasan ang buto ng panga ng unang Taong Lantian sa Chenjiawo (陈家窝) sa Lantian County, ang isang bungo na may mga buto ng ilong, kanang maxilla at tatlong mga ngipin ng isa pang specimen ng Taong Lantian ay natagpuan sa Gongwangling (公王岭) na isa pang lugar sa Lantian County.