Nothing Special   »   [go: up one dir, main page]

Pumunta sa nilalaman

Richard Petty

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Richard Petty

Si Richard Lee Petty (Ipinanganak noong 2 Hulyo 1937 sa Level Cross, North Carolina, Estados Unidos) ang pinakasikat na tagapagmaneho sa kasaysayan ng NASCAR. Siya ang drayber mula 1958 hanggang 1992. Siya rin ang dating drayber ng No. 43 na kotse na may sponsor ng STP.

Personal na Impormasyon

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Isinilang si Richard Petty sa kanyang magulang noong 2 Hulyo 1937 sa Level Cross, North Carolina. Siya ay nagsimulang magkarera sa NASCAR noong 1958 sa Canadian Exposition Stadium sa Toronto, Ontario, Canada. Nanalo siya ng Rookie of the year honors noong 1959.

Siya nanalo rin ng Winston Cup Title ng pitong beses, ganoon din kay Dale Earnhardt, noong 1964, 1967, 1971, 1972, 1974, 1975 at 1979. Ang kanyang ika-200 na panalo ay isinigawa niya sa Firecracker 400 noong 2 Hulyo 1984 sa Daytona International Speedway. Si Pangulong Ronald Reagan ay nasa karera rin at ipinagdiwang ang panalo ni Petty at ang kanyang pamilya sa Victory Lane. Siya ay nagtapos ng 7 na Winston Cup Championship, 127 na pole positions at mga mahighit sa 700 na top-ten finishes, kasama na rin ang 513 na consecutive starts mula 1971 hanggang 1989. Siya ay nanalo rin ng Daytona 500 ng pitong beses at 9 na Most Popular Driver Awards. Ang huling karera ni Richard Petty ay isinigawa sa Hooters 500 sa Atlanta Motor Speedway noong 15 Nobyembre 1992. Siya ay nagretiro mula sa pagkakarera sa edad na 55 taong gulang.

Si Richard Petty ay kilala rin sa palayaw na "The King".

Ang kantang "Oh King Richard" ay ikinanta ng anak niya si Kyle Petty, noong 1995 sa CD ng NASCAR Runnin' Wide Open.

Siya ay palagi nakasuot ng shades na salamin at ang kanyang sumbrero na Stetson.

Ang Pamilyang Petty

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Ang kanyang pamilya ay mahilig rin sa karera. Ang tatay niya si Lee Petty ay nanalo ng kauna-unang Daytona 500 noong 1959 at 3 na NASCAR Championship rin. Ang anak niya si Kyle Petty ay drayber rin ng NASCAR Nextel Cup Series. Ang apo niya si Adam Petty ay namatay sa aksidente sa New Hampshire International Speedway noong 12 Mayo 2000, isang buwan makalipas ng kamatayan ni Lee Petty.

Noong 1997, siya ay ginawad sa International Motorsports Hall of Fame. Noong 1998 siya ay ginawad bilang 50 sikat na drayber ng NASCAR.