Rabat
Rabat الرباط ar-Ribāṭ Rbat | |
---|---|
Mga koordinado: 34°02′N 6°50′W / 34.033°N 6.833°W | |
Bansa | Morocco |
Rehiyon | Rabat-Salé-Zemmour-Zaer |
Itinatag ni Almohads | 1146 |
Pamahalaan | |
• Mayor | Fathallah Oualalou[1] |
Lawak | |
• Lungsod | 117 km2 (45.17 milya kuwadrado) |
Taas | 75 m (246 tal) |
Populasyon (2004)[3] | |
• Lungsod | 620,996 |
• Kapal | 5,300/km2 (14,000/milya kuwadrado) |
• Metro | 1,670,192 |
Websayt | http://www.rabat.ma/ |
Ang Rabat (pagbigkas: / ra·bát /; Arabo: الرباط, ar-Ribaaṭ, literal na "Fortified Place"; Berber: ⴻⵔⵔⴱⴰⵟ, Errbaṭ; Moroccan Arabic: ارّباط, Errbaṭ) ay ang kabisera at ikalawang pinakamalaking lungsod ng bansang Morocco na may populasyon na tinatayang 620,000 (2004)[4] at kalakhang populasyon na higit sa 1.2 milyon. Ito rin ang kabisera ng pampangasiwaang rehiyon ng Rabat-Salé-Zemmour-Zaer.
Matatagpuan ang lungsod sa may Karagatang Atlantiko sa may bunganga ng ilog Bou Regreg. Sa kabilâng pampang nito ay ang Salé, ang pangunahing tirahan Ang Rabat, Temara, at Salé ay bumubuo ng kalungsuran ng higit sa 1.8 milyong katao. Dahil sa suliranin nito sa banlik, nabawasan ang kahalagahan nito bilang isang pantalan; ngunit nananatili pa rin sa sa Rabat at Salé ang mga mahalagang industriya ng tela, konstruksiyon at food processing. Dagdag pa rito, ang turismo at mga pasuguan sa Morocco nagpapanatili sa Rabat upang maging isa sa pinakamahalagang lungsod sa bansa.
Sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ "Rabat Mayor Wala'alou Receives the Keys to the Capital by Abd al-Latif al-La'abi" (sa wikang Arabe). © 2010 Al-Ittihad al-Ishtaraki. Inarkibo mula sa orihinal noong 2011-07-22. Nakuha noong 2010-04-21.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Hong Kong Observatory". Hong Kong Observatory. Inarkibo mula sa orihinal noong 2012-08-17. Nakuha noong 2009-08-17.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Morocco 2004 census". Inarkibo mula sa orihinal noong 2018-06-19. Nakuha noong 2012-05-20.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Morocco 2004 census". Inarkibo mula sa orihinal noong 2018-06-19. Nakuha noong 2012-05-20.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)