Nothing Special   »   [go: up one dir, main page]

Pumunta sa nilalaman

Pythia

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Priestess of Delphi (1891) by John Collier; the Pythia was inspired by pneuma rising from below

Ang Pythia (binibigkas na /ˈpɪθiə/ or /ˈpθiə/, Griyego: Πυθία [pyːˈtʰi.a]) at karaniwang kilala bilang Orakulo ng Delphi ang saserdotisa sa Templo ni Apollo sa Delphi na matatagpuan sa mga libis ng Bundok Paranassus sa ilalim ng Batis na Castalian. Ito ay malawakang kinikilala para sa kanyang mga hula na pinukaw ni Apollo. Ang Pythia ay itinatag noong ika-8 siglo BCE[1] bagaman ito ay maaaring umiiral na sa isang anyo noong huling panahong Mycenaeano[2] mula 1400 BCE at inabandona. May ebidensiya na kinuha ni Apollo ang dambana mula sa mas maagang dedikasyon kay Gaia.[3] Ang huling naitalang tugon ng Orakulo ng Delphi ay ibinigay noong 393 CE nang inutos ni emperador Theodosius I ang pagtigil ng mga templong pagano. Sa panahong ito, ang Orakulo ng Delphi ang pinakaprestihiyoso at autoritatibong orakulo sa mga Sinaunang Griyego. Ang orakulo ng Delphi ang isa sa pinakamahusay na nadokumentong mga institusyong relihiyon sa klasikong Gresya. Ang mga may-akdang bumanggit ng orakulong ito ay kinabibilangan nina Aeschylus, Aristotle, Clemente ng Alehandriya, Diodorus, Diogenes, Euripides, Herodotus, Julian, Justin, Livy, Lucan, Ovid, Pausanias, Pindar, Plato, Plutarch, Sophocles, Strabo, Thucydides, at Xenophon.

Ang pangalang Pythia ay hinango mula sa Pytho na sa mito ay ang orihinal na pangalan ng Delphi. Hinango ng mga Sinaunang Grieygo ang pangalan ng lugar na ito mula sa pandiwang Griyego na pythein (πύθειν, "na mabulok") na tumutukoy sa pagkabulok ng katawan ng halimaw na Python pagkatapos siyang paslangin ni Apollo. [4]

Ang mga kamakailang imbestigasyong heolohikal ay nagpapakitang ang mga emisyon ng gaas mula sa isang biyak na heolohiko sa lupa sa Delphi ay maaaring pumukaw sa Orakulo ng Delphi na iugnay sa diyos. Ang ilang mga mananaliksik ay nagmungkahi ng posibilidad na ang gaas na ethylene ang nagsanhi sa estado ng pagkapukaw ng Pythia. Ang ilan ay nagmungkahing ang gaas ay ang metano o CO2 at H2S na nangangatwirang ang mismong biyak ay maaaring isang pagputok na seismiko sa lupa[5][6] bagaman ang pananaw na ito ay hinamon ng ilang mga skolar na nangangatwirang ang mga sinaunang sangguniang ay magkakaayon na ang Pythia ay nagsasalita ng mauunawaan at humuhula sa kanyang sariling tinig.[7]

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. Morgan 1990, p. 148.
  2. see discussion in Deitrich, Bernard C. (1992), "Divine Madness and Conflict at Delphi" (Kernos 5) PDF at http://scholar.google.com/scholar?hl=en&q=Mycenaean+Delphi&btnG=&as_sdt=1%2C5&as_sdtp=
  3. Fortenrose. J. (1959) "Python. A Study ofDelphic Myth and Its Origins, (Berkeley)
  4. Homeric Hymn to Apollo 363-369.
  5. Piccardi, 2000; Spiller et al., 2000; de Boer, et al., 2001; Hale et al. 2003; Etiope et al., 2006; Piccardi et al., 2008.
  6. Mason, Betsy. The Prophet of Gases Naka-arkibo 2008-12-08 sa Wayback Machine. in ScienceNow Daily News 2 October 2006. Retrieved 11 October 2006.
  7. Fontenrose 1978, pp. 196-227; Maurizio 2001, pp. 38-54.