Nothing Special   »   [go: up one dir, main page]

Pumunta sa nilalaman

Purim

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Purim
A photograph of a small, old book with Hebrew text and an illustration on the right-hand page.
ika-18 siglong manuskrito ni Al HaNissim ng mga milagro ng Purim
UriHudyo
KahalagahanPagdiriwang sa pagliligtas ng Hudyo sa pagpatay ni Haman ayon sa Aklat ni Ester(megillah)
Mga pagdiriwang
Petsaika-14 o ika-15 ng Adar
DalasTaunan
Sinimulan niEsther
Kaugnay saHanukkah

Ang Purim (/ˈpʊərɪm/; Hebreo: פּוּרִים Pūrīm, lit. 'palabunutan') ay isang pista sa Hudaismo na gumugunita sa pagliligtas sa mga Hudyo sa pagpatay/henosidyo ni Haman na opisyal ni haring Ahasuerus (hindi umiral sa kasaysayan) ng Imperyong Akemenida. Ito ay mababasa sa Aklat ni Ester(isinulat ika-5 siglo BCE). Dahil sa pagtanggi ni Mordecai na isang Hudyo na lumuhod kay Haman, binayaran ni Haman ang hari ng 10,000 talenting pilak para sa karapatan na patayin ang mga Hudyo. Itinakda ni Haman sa pahintulot ng hari ang pagpatay kay Mordecai sa pamamagitan ng palabunutan na bumagsak sa ika-13 ng buwan ng Adar.

Naalala ng hari ang pagkabigo sa pagtatangka sa kanyang buhay ng mga eunukong sina Bigthan at Teresh dahil ito ay natuklasan ni Mordecai at siya ay pinarangalan. Ang balak ni Haman ay nabigo sa pagpatay sa mga Hudyo dahil ito ay sinabi ni Ester na isang Hudyo na naging Reyna at asawa ni Ahasuerus at pinsan ni Mordecai. Sa utos ng hari, si Haman ay binitay mula sa 50 kubit na horka na itinayo ni Haman para pagbitayan ni Mordecai. Ang mga katawan ng mga anak ni Haman ay binitay rin pagkatapos patayin ng mga Hudyo sa digmaan. Pinatay din ng mga Hudyo ang 75,000 nilang kalabanan bilang pagtatanggol sa sarili.