Probisyonal na Gobyerno ng Republika ng Korea
- Pumunta lamang sa usapan para sa iba pang mga pangalan ng artikulong ito.
Probisiyonal na Gobyerno ng Republika ng Korea 대한민국임시정부 大韓民國臨時政府 | |||||||
---|---|---|---|---|---|---|---|
1919–1948 | |||||||
Awiting Pambansa: Aegukga | |||||||
Katayuan | Desterado | ||||||
Kabisera | Seoul (de jure) | ||||||
Kabisera habang ipinatapon | Shanghai, at nilipat sa Chongqing | ||||||
Karaniwang wika | Koreano | ||||||
Pamahalaan | pampanguluhang republika (1919-1925) (1940-1948) Parliyamentaryong republika(1925-1940) | ||||||
• 1919-1925 | Syngman Rhee | ||||||
• 1927-1933 and 1935-1940 | Yi Dongnyeong | ||||||
• 1926-1927 and 1940-1948 | Kim Gu | ||||||
• 1919-1921 | Yi Donghwi | ||||||
• 1924-1925 | Park Eunsik | ||||||
• 1944-1945 | Kim Kyu-sik | ||||||
Panahon | Maagang ika-20 Siglo | ||||||
1 Marso 1919 | |||||||
• Saligang Batas | 11 Abril 1919 1919 | ||||||
• Pagproklama ng Pamahalaan | Abril 13, 1919 | ||||||
29 Abril 1932 | |||||||
• Digmaan idineklara sa Axis | 10 Disyembre 1941 | ||||||
15 Agosto 1945 | |||||||
• Republika ng Korea naitatag | 15 Agosto 1948 1948 | ||||||
• Demokratikong Pangmadlang Republika ng Korea naitatag | 9 Setyembre 1948 | ||||||
Salapi | Won | ||||||
Kodigo sa ISO 3166 | KP | ||||||
|
Probisyonal na Gobyerno ng Republika ng Korea | |
Hangul | 대한민국임시정부 |
---|---|
Hanja | 大韓民國臨時政府 |
Binagong Romanisasyon | Daehanmin(-)guk Imsijeongbu |
McCune–Reischauer | Taehanmin'guk Imsijŏngbu |
Kasaysayan ng Korea | ||||||
---|---|---|---|---|---|---|
Sinauna
| ||||||
Ang Probisyonal na Pamahalaan ng Republika ng Korea ay bahagyang kinilala bilang pamahalaang desterado ng Korea, na naka-base sa Shanghai, Tsina at nilipat sa Chongqing noong pamumuno ng Hapon sa Korea.
Kasaysayan
[baguhin | baguhin ang wikitext]Binuo ang naturang pamahalaan noong 13 Abril 1919 makalipas ang Ika-1 Marso Kilusan ng parehong taon noong namuno ang Hapon sa Tangway ng Korea.[1].
Hindi natamo ng pamahalaan ang pormal na pagkilala mula sa ibang bansa, ngunit ang magandang anyo ng pagkilala ay inihatid ng Pamahalaang Nasyonalista ng Tsina at iba pang mga pamahalaan, na karamihan man ay desterado rin.
Pinigilan ng pamahalaan ang militar na pananakop ng Hapon na nagtagal mula 1910 hanggang 1945. Nakipag-ugnayan sila sa armadong pangpigil laban sa hukbong Hapones noong 1920 at 1930, kabilang na ang Digmaan ng Chingsanli noong Oktubre 1920, at paglusob sa Pamumunong Militar na Hapones sa Shanghai noong Abril 1932.
Humantong ang labanan sa pagkakabuo ng Hukbong Liberasyong Koreano noong 1940, na nagdalahan ng karamihan sa pagka-destiyera ng mga hukbong panglabang Koreano. Gaya ng napag-planuhan, nag-deklara ng digmaan ang pamahalaan laban sa Hapon at Alemanya noong 9 Disyembre 1941 at nakibahagi ang Hukbong Liberasyon sa kilusang magkaanib sa Tsina at iba pang bahagi ng Timog-Silangang Asya.
Bago magtapos ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig, naghanda ng pagsugod ang Hukbong Liberasyong Koreano laban sa mga Hapones sa Korea sa pakikipagtulungan Amerikanong Tanggapan ng Estratehikong Serbisyo, ngunit naantala ng pagsuko ng Hapon ang pagsagawa ng balak. Natamo ang layunin ng pamahalaan noong pagsuko ng mga Hapones noong 2 Setyembre 1945.
Ang mga lugar ng Probisyonal na Pamahalaan sa Shanghai at Chongqing ay naging mga museo.
Gallery
[baguhin | baguhin ang wikitext]-
Larawan ng diwa ng pagkaka-tatag ng Probisiyonal na Pamahalaan ng Republika ng Korea, 1919.
-
Ang museo sa Chongqing, Tsina.
Mga tala
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ Sources of Korean Tradition, vol. 2, From the Sixteenth to the Twentieth Centuries, edited by Yŏngho Ch'oe, Peter H. Lee, and Wm. Theodore de Bary, Introduction to Asian Civilizations (New York: Columbia University Press, 2000), 336.