Nothing Special   »   [go: up one dir, main page]

Pumunta sa nilalaman

PlayStation

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
(Idinirekta mula sa PlayStation 3)
PlayStation
Uri
  • Console ng larong bidyo
    (pambahay, nahahawakan ng kamay o handheld, at microconsole)
  • Kompanyang pamproduksyon
    (PlayStation Productions; mga pelikula at seryeng pantelebisyon)
May-ariSony Interactive Entertainment
BansaMinami-Aoyama, Minato, Tokyo, Hapon
Ipinakilala3 Disyembre 1994; 29 taon na'ng nakalipas (1994-12-03)
(Mga) merkadoBuong mundo
Tagline"'Play has no limits." (Walang hangganan ang laro)
Websaytplaystation.com

Ang PlayStation (Hapones: プレイステーション, Hepburn: Pureisutēshon, opisyal na dinadaglat bilang PS) ay isang tatak ng larong bidyo na binubuo ng limang larong bidyong pambahay na console, dalawang handheld (o nahahawakan ng kamay o hawak-kamay), media center (o sentrong midya), at isang smartphone, gayon din ang isang serbisyong online at maraming magasin. Ginawa ang tatak ng Sony Interactive Entertainment, isang dibisyon ng Sony.

Nailabas ang unang console ng PlayStation sa Hapon noong Disyembre 1994, at sa buong mundo noong sumunod na taon.[1] Ang orihinal na console sa serye ay ang unang console ng kahit anumang uri na makagawa ng higit sa 100 milyon yunit sa merkado, na nagawa sa ilalim ng isang dekada.[2] Nailabas ang sumunod dito, ang PlayStation 2, noong 2000; ito ang pinakamabentang console na pambahay sa lahat ng panahon, na nakaabot ng higit sa 155 milyong yunit na nabenta hanggang sa dulo ng 2012.[3] Nilabas naman ang sumunod ng console ng Sony, ang PlayStation 3, noong 2006, na nakabenta ng higit sa 87.4 milyong yunit hanggang Marso 2017.[4] Ang sumunod na console ng Sony, ang PlayStation 4, ay nailabas noong 2013, na nakabenta ng isang milyong yunit sa isang araw, na naging pinakamabilis na mabentang console sa kasaysayan.[5] Ang pinakakamakailang console ng serye, ang PlayStation 5, ay nilabas noong 2020[6] at nakabenta ng 10 milyong yunit sa unang 249 na araw nito, na nilagpasan ang mga nakaraang console bilang ang pinakamabilis na mabentang PlayStation console sa ngayon.[7] Ang pangunahing serye ng mga kontroler na ginamit sa serye ng PlayStation ay ang DualShock, isang linya ng mga gamepad na may vibration feedback (o katugunan sa yanig) na nakabenta ng higit sa 28 milyong yunit hanggang noong Hunyo 2008.[8]

Ang unang console na handheld (o hawak-kamay) sa serye, ang PlayStation Portable (PSP), ay nakabenta ng kabuuang 80 milyong yunit sa buong mundo hanggang noong Nobyembre 2013.[9] Ang sumunod dito, ang PlayStation Vita (PSVita), na nilunsad sa Hapon noong Disyembre 2011 at sa karamihan ng pangunahing teritoryo noong Pebrero 2012, ay nakabenta ng higit sa apat na milyong yunit hanggang noong Enero 2013.[10] Ang PlayStation TV ay isang microconsole at isang hindi napo-port na baryante ng PlayStation Vita na console na larong hawak-kamay.[11]

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. "Business Development/Japan" (sa wikang Ingles). Sony Computer Entertainment Inc. Inarkibo mula sa orihinal noong Disyembre 17, 2007. Nakuha noong Disyembre 19, 2007.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. "PlayStation 2 Breaks Record as the Fastest Computer Entertainment Platform to Reach Cumulative Shipment of 120 Million Units" (PDF) (Nilabas sa mamamahayag) (sa wikang Ingles). Sony Computer Entertainment. Nobyembre 30, 2005. Inarkibo mula sa orihinal (PDF) noong Agosto 23, 2009. Nakuha noong Hunyo 8, 2008.{{cite nilabas sa mamamhayag}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. "NeoGAF" (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa orihinal noong Agosto 27, 2017. Nakuha noong Enero 22, 2017.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  4. "SIE Business Development | Sony Interactive Entertainment Inc". SIE.COM (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa orihinal noong Abril 27, 2019. Nakuha noong Mayo 2, 2019.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  5. "SIE Press Release | Sony Interactive Entertainment Inc". SIE.COM (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa orihinal noong Disyembre 3, 2013.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  6. McWhertor, Michael; Carpenter, Nicole (Setyembre 16, 2020). "PlayStation 5 launches Nov. 12 for $499". Polygon (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa orihinal noong Setyembre 17, 2020. Nakuha noong Setyembre 20, 2020.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  7. Good, Owen S. (28 Hulyo 2021). "Despite short supply, the PlayStation 5 is Sony's fastest-selling console ever". Polygon (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa orihinal noong Hulyo 8, 2022. Nakuha noong 8 Hulyo 2022.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  8. "DualShock 3 Wireless Controller available for PlayStation 3 this summer". Next-Gen.biz (sa wikang Ingles). Hulyo 1, 2008. Inarkibo mula sa orihinal noong Oktubre 22, 2013. Nakuha noong Hulyo 1, 2008.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  9. rossmcguinness20 (Nobyembre 27, 2013). "Xbox One v PlayStation 4: Who will win the next-gen console race? – Metro News". Metro (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa orihinal noong Nobyembre 28, 2013. Nakuha noong Enero 12, 2014.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  10. Stuart, Keith (Enero 4, 2013). "PlayStation 2 manufacture ends after 12 years". the Guardian (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa orihinal noong Marso 5, 2017. Nakuha noong Enero 22, 2017.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  11. "News: Sony announces PS Vita TV microconsole" (sa wikang Ingles). ComputerAndVideoGames.com. Setyembre 9, 2013. Inarkibo mula sa orihinal noong Setyembre 14, 2013. Nakuha noong Oktubre 2, 2013.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)