Perkedel
Ibang tawag | Bergedel, begedil, bakwan jagung |
---|---|
Uri | Fritter |
Lugar | Indonesya |
Rehiyon o bansa | Java |
Ihain nang | Mainit o temperatura ng silid |
Pangunahing Sangkap | Batido (harina, gawgaw, itlog), siling labuyo, mais, karot, panimpla |
Baryasyon | Perkedel jagung (mais), perkedel tahu (tokwa) |
Karagdagan | Bilang pamutat, karaniwang inihahain kasabay ng soto ayam |
|
Tumutukoy ang perkedel sa mga pinritong gulay sa lutuing Indones.[1] Pinakakaraniwan ang mga perkedel na gawa sa minasang patatas,[2] ngunit may mga ibang sikat na baryante katulad ng perkedel jagung (pinerkedel na binalatang mais), perkedel tahu (pinerkedel na tokwa) at perkedel ikan (pinerkedel na isda). Halos sa buong Indonesya tinatawag itong perkedel; subalit tinatawag itong begedil sa Habanes, na ginagamit din sa Malasya at Singapura, na nagmumungkahi na ipinakilala ang pritong pagkain na ito ng mga imigranteng Habanes sa Malasya at Singapura.
Pinanggalingan
[baguhin | baguhin ang wikitext]Pinaniniwalaang nagmula ang perkedel sa frikadeller ng mga Olandes,[2] na sa katunayan ay isang almondigas o giniling ng mga Danes. Ipinapalagay ito dahil sa makasaysayan at kolonyal na kaugnayan ng Indonesya sa Olanda. Hindi kagaya sa frikadeller, ang pangunahing sangkap ng perkedel ay hindi karne, ngunit minasang patatas.[2]
Mga sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ "Indonesian corn fritters (perkedel jagung)" [Pinritong mais ng Indonesya (perkedel jagung)]. South China Morning Post (sa wikang Ingles). Nakuha noong 31 Enero 2021.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ 2.0 2.1 2.2 Pepy Nasution (2 Pebrero 2012). "Potato Perkedel Patties Recipe" [Resipi ng Perkedel Patatas na Patty] (sa wikang Ingles). Indonesia Eats. Inarkibo mula sa orihinal noong 1 Agosto 2021. Nakuha noong 15 Hulyo 2015.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)
Link sa labas
[baguhin | baguhin ang wikitext]- Midyang kaugnay ng Perkedel sa Wikimedia Commons