Nothing Special   »   [go: up one dir, main page]

Pumunta sa nilalaman

Pamayanang pantao

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Ang lungsod ng Enterprise sa Oregon, Estados Unidos ay isang halimbawa ng pamayanang pantao.

Sa heograpiya, estadistika at arkeolohiya, ang isang pamayanan, lokalidad o tinitirhang pook ay isang komunidad kung saang nakatira ang mga tao. Ang pagkamasalimuot ng isang pamayanan ay maaaring mula sa isang maliit na bilang ng mga táhanang magkasamang nakapangkat hanggang sa pinakamalaking mga lungsod kasama ang nakapalibot na mga urbanisadong lugar. Maaaring kinabibilangan ng mga pamayanan ang mga maliit na nayon (hamlets), nayon, bayan, at lungsod. Ang isang pamayanan ay mayroon katangiang pangkasaysayan tulad ng petsa o panahon kung kailang unang tinirhan ito, o unang tinirhan ng tiyak na mga tao.

Sa larangan ng geospatial predictive modeling, ang mga pamayanan ay "isang lungsod, bayan, nayon o ibang pinag-samang mga gusali kung saang nakatira at nagtatrabaho ang mga tao."[1]

Karaniwang kinabibilangan ng isang pamayanan ang mga itinayong pasilidad tulad ng mga daan, mga bakod, mga sistemang kapatagan, mga hangganang pampang at estero, mga danaw, mga liwasan at kakahuyan, mulino at gilingang tubig, mga bahay ng panginoon, mga bambang at simbahan.[2]

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. Dutta, Biswanath; Fausto Giunchiglia; Vincenzo Maltese (2010). "A Facet-Based Methodology for Geo-Spatial Modeling". GeoSpatial Semantics: 4th International Conference, GeoS 2011, Brest, France (PDF). p. 143.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. "Medieval Settlement Research Group". Inarkibo mula sa orihinal noong 2012-02-11. Nakuha noong 2019-07-30.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)