Nothing Special   »   [go: up one dir, main page]

Pumunta sa nilalaman

Sirius

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Ang hitsura ng Sirius na nasa panggabing kalangitan.

Ang Sirius o Sirio ay isang sistemang ng bituing binaryo na nasa loob ng Canis Major, na mas "malaking aso" ng konstelasyong Orion. Ito ang pinakamaningning na bituin sa himpapawid na panggabi; na mayroong isang magnitud na −1.46.

Ang Sirius A ay humigit-kumulang na dalawang ulit ang kalakihan kaysa sa Araw at mayroong isang Lubos na magnitud na natatanaw na 1.42. Ito ay 25 beses na mas makinang kaysa sa Araw,[1] subalit mayroong talagang mas mababang kaliwanagan kaysa sa iba pang mga bituing makislap na katulad ng Canopus o Rigel. Ang sistema ay nasa pagitan ng 200 at 300 milyong mga taon na ang edad.[1] Orihinal na ito ay binubuo ng dalawang matitingkad na mga bituing mabughaw. Ang mas malaki sa mga ito na Sirius B ay nakagamit na ng lahat ng enerhiya nito at naging isa ng higanteng pula. At pagdaka ay naghunos ng mga panlabas nitong mga patong o "balat" at lumugso upang maging nasa pangkasalukuyan nitong katayuan bilang isang puting duwende, humigit-kumulang sa 120 milyong taon na ang nakalilipas.[1]

Ang bituing Sirius ay tinawag ng sinaunang mga Ehipsiyo bilang Sopdet. Umasa sila sa bituing ito upang mahulaan kung kailan magsisimula ang panahon ng pagbaha.Kung minsan ang Sirius ay tinatawag na Bituing Aso (Dog Star sa Ingles). Ang pariralang Ingles na the dog days of summer o "ang mga araw ng aso ng panahon ng tag-araw (panahon ng tag-init) ay nangangahulugan na "ang pinakamaiinit na mga araw ng panahon ng tag-araw". Ilan sa mga sinaunang tao ang nag-isip na ang init na nagmumula sa Sirius ay makapagdaragdag sa init ng Araw.

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. 1.0 1.1 1.2 Liebert, J.; atbp. (2005). "The age and progenitor mass of Sirius B". The Astrophysical Journal. 630 (1): L69–L72. arXiv:astro-ph/0507523. Bibcode:2005ApJ...630L..69L. doi:10.1086/462419. {{cite journal}}: Explicit use of et al. in: |first= (tulong); Invalid |ref=harv (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link)


Astronomiya Ang lathalaing ito na tungkol sa Astronomiya ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.