Nothing Special   »   [go: up one dir, main page]

Pumunta sa nilalaman

San David

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya

Si San David ng Gales (ipinanganak noong ika-6 na daang taon o pinepetsahang c. 500589) ay isang santo ng Romano Katoliko at patron ng Gales. Nangaral siya laban sa mga heresiya. Ayon sa isang salaysay, umangat at naging isang burol ang lupang kanyang kinatatayuan upang makita at marinig siya ng lahat ng mga tao habang nangangaral siya. Nakapagtatag siya ng labindalawang mga monasteryo may mahihigpit na patakaran sa Gales.[1]

Ipinagdiriwang ang kanyang kapistahan tuwing Marso 1. Sa araw na ito, nagsusuot o naglalagay ang mga taong Gales ng isang leek (Allium ampeloprasum var. porrum, halamang kauri ng mga sibuyas at ng mga bawang) sa loob ng kanilang mga suot sa ulo. Isa itong pag-alala nila sa kanilang pagtatagumpay sa isang panahon ng pakikipaglaban sa mga Sakson, kung saan pinayuhan sila ni San David na magsuot ng mga leek (kilala rin bilang Allium porrum) upang maipagkaiba nila ang kanilang mga sarili mula sa kanilang mga kaaway.[1]

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. 1.0 1.1 "Saint David". The New Book of Knowledge (Ang Bagong Aklat ng Kaalaman), Grolier Incorporated. 1977.{{cite ensiklopedya}}: CS1 maint: date auto-translated (link), pahina 377.

Santo Ang lathalaing ito na tungkol sa Santo ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.