Nothing Special   »   [go: up one dir, main page]

Pumunta sa nilalaman

Sagittarius (astrolohiya)

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Sagittarius Astrological Sign at the Wisconsin State Capitol.

Ang Sagittarius ang pang-siyam na signo ng sodyak at pinamumunuan ng buntalang Jupiter, ang planeta ng swerte at pagpapalawak.

Matapat ang mga Sagittarius at gustong-gusto nilang maggala. Kahit gaano man kahirap ang pinagdadaanan ng mga Sagittarius, parating merong dumadarating sa kanilang tulong dahil parang kaakibat na talaga ata ang swerte.

Karaniwang mga relihiyoso itong mga taong ito, pero minsan nagiging makitid ang mga pag-iisip nila kapag kasali sila sa mga sekta, samahan o mga organisasyong may makitid din na pananaw.

Dahil nakikita nila ang kung ano talaga ang katotohanan at walang kapararakang sinasabi ito, ang tingin tuloy sa kanila ng iba ay wala silang kahusayang makitungo o walang pakikipagkapwa-tao.

Kamangha-mangha ang mga babaeng Sagittarius, kapag nararating ang tugatog ng tagumpay. Pero ayaw nila ng mga gawaing-bahay at ayaw nilang umaasa sa iba, gusto nilang maging malaya.

Idealistik ang mga Sagittarius. Pero kailangan nilang magkaroon ng karunungan at pagbalanse sa mga bagay-bagay kasi kung hindi nagiging mga panatiko ang mga ito, at sumusunod kagad sa mga katuruang may makitid na mga hangarin.

Ang mga taong ipinanganak sa signos ng Sagittarius ay parating positibo ang pananaw nila sa buhay. Palakaibiganin pero minsan palasagot at pabandying-bandying.

Ilan sa mga interes ng mga Sagittarius ay relihiyon, pilosopiya, kalayaan, paggagala o paglalakbay (lalo na sa ibayong dagat), mga kabayo, batas, mga aklat at paglilimbag ng aklat, at pagbibigay ng payo.

  • Namumunong Buntala: Jupiter
  • Pinamumunuan: Ikasiyam na Bahay ng sodyak
  • Kalidad: Mutable
  • Elemento: Apoy
  • Pagsasalarawan: Kalayaan at pagpapalawak
  • Katanyagan: Pagkakaroon ng pag-asa
  • Depekto: Hindi nagmumuni-muni

Kung ang Sagittarius ay nasa cusp (bakuran) ng isang Bahay ng sodyak, o kung alin mang buntala ang nasa Sagittarius, ang suliranin ng buntalang iyon, o ng Bahay na iyon, ay naiimpluwensiyahan ng swerte, kasaganaan, optomismo, kawalan ng diskriminasyon, biglaang pagdedesisyon na hindi pinag-iisipan, malakas na kutob, mga banyaga (tao o lugar), pagtulong sa ibang tao para mahanap nila sarili nila, pilosopiya, katatawana, o pagiging magiliw.[1]

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. Hewitt, William, Astrology for Beginners, 2002, B. Jain Publishers, New Delhi, pp.288, ISBN: 81-7021-1180-1