Merlin
Si Merlin ay isang malamat na katauhan na nakikilala bilang salamangkerong tampok sa alamat ni Haring Arthur. Ang pamantayang paglalarawan ng tauhan ay unang lumitaw sa Historia Regum Britanniae ni Geoffrey ng Monmouth na naisulat noong c. 1136, at ibinatay sa amalgamasyon dating mga pangkasaysayan at pang-alamat na mga pigura. Pinagsama-sama ni Geoffrey ang umiiral nang mga kuwento ni Myrddin Wyllt (Merlinus Caledonensis), isang Hilagang Brythonikong propeta at baliw na walang kaugnayan kay Haring Arthur , at ang mga salaysay ng Romano Britanikong pinuno ng digmaan na si Ambrosius Aurelianus upang mabuo ang pigurang komposito na tinawag niyang Merlin Ambrosius (Gales: Myrddin Emrys).
Ang pagtrato ni Geoffrey sa tauhan ay kaagad na naging tanyag, natatangi na sa Wales.[1] Pinalawig ng sumunod na mga manunulat ang salaysay upang makalikha ng isang mas punong imahe ng "bruho". Ang nakaugaliang talambuhay ni Merlin ay naglalarawan sa kaniya bilang isang cambion: na ipinanganak ng isang babaeng tao (babaeng mortal), subalit ang ama ay isang incubus, isang hindi taong nilikha ng kalikasan na pinagmulan ng mga kapangyarihan at mga kakayahang sobrenatural ni Merlin.[2] Ang pangalan ng ina ni Merlin ay hindi karaniwang binabanggit subalit ibinigay bilang Adhan sa pinakalumang bersiyon ng Prosang Brut.[3] Lumaki si Merlin upang maging isang nangingibabaw na lalaking may karunungan at ipinlano niya ang pagpapanganak ni Arthur sa pamamagitan ng salamangka at intriga.[4] Ginawa ng sumunod na mga may-akda na si Merlin ay maglingkod bilang tagapayo ng hari hanggang sa siya ay maengkanto at ibilanggo ng Babae ng Lawa (nakikilala bilang Nimue o Viviane.[4]
Pangalan at etimolohiya
[baguhin | baguhin ang wikitext]Ang pangalan ni "Merlin" ay hinango mula sa Welsh na Myrddin, ang pangalan ng makatang lirikong si Myrddin Wyllt, isa sa pangunahing mga napagkunan ng lumaong katauhang maalamat. Isina-Latin ni Geoffrey ng Monmouth ang pangalan upang maging "Merlinus" para sa kaniyang mga akda. Iminungkahi ng midyebalistang si Gaston Paris na pinili ni Geoffrey ang anyong "Merlinus" (may l) sa halip na ang karaniwang "Merdinus" (may d) upang maiwasan ang pagkakahawig sa Angglo-Normanong salitang "merde" (mula sa Latin na "merda"), na may kahulugang tae.[5]
Iminungkahi ng Keltisistang si A. O. H. Jarman na ang pangalang Welsh na Myrddin (Pagbigkas sa wikang Welsh: [ˈmərðɪn]) ay hinango magmula sa teponimong Caerfyrddin, ang pangalang nasa wikang Welsh para sa bayang nakikilala sa wikang Ingles bilang Carmarthen.[6] Sumasalungat ito sa bantog subalit maling etimolohiya ng mga taumbayan na ang bayan ay ipinangalan sa makatang liriko. Ang pangalang Carmarthen ay hinango magmula sa dating pangalang Romano ng bayan na Moridunum.[5][6]
Ipinahayag ng isang manunulat ng kasaysayan na si Merlin ay nanirahan sa lugar na nakikilala sa ngayon bilang Ardery Street sa dulo ng kanluran ng Glasgow, sa piling kaniyang asawang si Gwendolin. Si Merlin ay maaaring naging isang politiko at paham (iskolar) sa halip na isang madyikero, at inilibing na malapit sa Dunipace, na nasa timog lamang ng Stirling.[7]
Mga sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ Lloyd-Morgan, Ceridwen. "Narratives and Non-Narrtives: Aspects of Welsh Arthurian Tradition." Arthurian Literature. 21. (2004): 115-136.
- ↑ Katharine Mary Briggs (1976). An Encyclopedia of Fairies, Hobgoblins, Brownies, Boogies, and Other Supernatural Creatures, p.440. New York: Pantheon Books. ISBN 0-394-73467-X
- ↑ Bibliographical Bulletin of the Arthurian Society Vol LIX (2007) p 108, item 302
- ↑ 4.0 4.1 Geoffrey of Monmouth (1977). Lewis Thorpe (pat.). The History of the Kings of Britain. Penguin Classics. Penguin Books. ISBN 0-14-044170-0.
{{cite book}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ 5.0 5.1 "Merlin". Oxford English Dictionary. 2008. Nakuha noong 7 Hunyo 2010.
{{cite journal}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ 6.0 6.1 Koch, p. 321.
- ↑ "Merlin 'from Glasgow not Camelot'". BBC.