Nothing Special   »   [go: up one dir, main page]

Pumunta sa nilalaman

Mendoza (apelyido)

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya

Ang pangalang Mendoza ay isang apelyidong Basko at maaari rin itong maging pangalan ng lugar.

Ang ibig sabihin ng Mendoza ay "malamig na bundok" at nanggaling ito sa mga salitang Basko na mendi (bundok) at (h)otz (malamig) + tiyak na artikulong '-a' (kaya, ang Mendoza ay mendi+(h)otza). Ang orihinal na anyo ng salita sa Basko na may isang sibilanteng aprikada (/ts/, Basque spelling /tz/) ay nabago sa Kastila upang maging kasalukuyang anyo nito.

Maaring matunton ang mga rekord ng pamilyang Mendoza pabalik sa Gitnang Panahon sa Alava, sa Bayang Basko, Espanya. Naniniwala ang mga tao na ang pamilya ay nagmula sa mga sinaunang mga Panginoon ng Llodio (Alava), kung saan matatagpuan ang orihinal na bahay patronimiko Kasapi ang mga Mendoza sa lokal na aristokrasya at maaga pa lang silang nagpakatamasa sa iba't ibang linya ng pamilya.

Ang pinakakilalang sangay ng pamilya ay nagmula sa lugar na ngayon ay tinatawag na bayan ng Mendoza, malapit sa Vitoria-Gasteiz, sa Bayang Basko. Ang pangalang ng bayan ay kinuha sa pangalan ng pamilya. Si Iñigo Lopez de Mendoza, isang miyembro ng pamilyang ito, ay nakilala sa Labanan ng Las Navas de Tolosa (1218), kung saan malamang na naglingkod siya sa ilalim ng panig ng Navarrese. Siya ang naging responsable sa pagpapatayo ng kanilang ninunong bahay, ang Tore ng Mendoza, na nakatayo pa rin hanggang sa ngayon. Ang sangay na ito ng pamilya ay pumasok sa serbisyo ng Kaharian ng Kastila noong panahon ni Alfonso XI (1312-1350) at aktibong nakilahok sa Rekonkista. Agad silang nagkaroon ng malawak na mga pag-aari ng lupa sa Kastila at timog na Espanya sa pamamagitan ng militar at pulitikal na serbisyo. Ang mga kasapi ng Bahay ng Mendoza ay malawakang nagpakasal sa mga aristokrasya ng Kastilyano, at mayroong maraming mga kaanak sa kasalukuyan, na mayroong maraming titulo ng aristokrasya.

Mayroon ding isang ibang sangay ng pamilya na nakabase sa Laudio, 50km hilaga-kanluran mula sa Vitoria-Gasteiz. Nakilahok ang pamilya sa medyebal na digmaan ng mga angkan. Sa huli, mayroong isang baserri sa Erandio na may parehong pangalan.

Mga bantog na Mendoza

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Sining, libangan at midya

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  • Rodrigo Mendoza, kathang-isip na karakter sa pelikulang The Mission Military

Politika at pamahalaan

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  • Lily Mendoza, propesor sa Kultura at Komunikasyon sa Pamantasan ng Denver sa Denver, Colorado, Estados Unidos